39: Protector Agad kong kinabit ang seatbelt pagkasakay namin sa kotse. Nang umandar ang sasakyan ay napatingin pa ako sa beach na unti-unti naming nililisan. Someday, I'll go back to you. I'll go back to this place. Hindi ko namalayan ang oras habang pabalik kami sa Manila. Hindi kami dumiretso sa unit, dumiretso kami sa isang village. He stopped the car in front of a big house. White and black ang color theme tapos may mga halaman sa paligid. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. "Whose house is this?" tanong ko pagkababa. "You'll know once we enter inside," sagot niya at saka pinisil ang kamay ko. "Sabihin mo lang kung ano ang nasa isip mo, kung ano ang gusto mong sabihin." I simpered and nodded. Sabay kaming naglakad papunta sa pinto. He knocked the door before he opened it.

