40: Jin's Day Nagpatuloy kami sa paglalakad sa hallway kahit pa pinagtitinginan kami ng mga students at lecturers. Liliko na sana ako para pumunta sa next class ko nang hawakan niya ang wrist ko at pigilan ako. Kumunot ang noo ko at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. "Hindi pa naman magsisimula ang klase mo. Kaka-break time niyo lang, diba? Tara," sabi niya na hindi ako hinayaang makasagot. Hinila niya ako papunta sa ibang way. "Hey! Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot hanggang sa makarating kami sa tapat ng clinic. Nauna siyang pumasok at sumunod naman ako. "Good morning, nurse. May I have a cold compress please?" utos niya sa nurse na sumalubong sa 'min. Tumango lang yung nurse at umalis saglit. Pagbalik niya ay may dala na siyang cold compress

