3: Drunk

2689 Words
3: Drunk Umalis ako sa lugar na iyon at sinundan si Art na tumungo sa parking lot. Hindi pa man niya nabubuksan ang sasakyan niya nang sumigaw ako kahit nasa malayo ako. "Bakla ka!" Napahinto siya nang marinig ang boses ko. His shoulders slumped and he turned his body to look at me. "I'm begging you, stay away from me. Please, don't ever bother me again," malumanay niyang sabi. My brows furrowed. "Bakit naman kita susundin?" Naglakad ako papalapit sa kaniya. He sighed and stared at me. "Ano bang kailangan mo?" Tumaas ang boses niya at halatang nagpipigil ng galit. "Look, pinipilit kong 'wag kang patulan but you're too much! What's your problem?!" "Ikaw ang problema ko, Art!" Pagsigaw ko rin. Napasabunot siya sa sarili niyang buhok. "What?! You were the one who approached me first! I did nothing because I respect you! Now, kung wala kang respeto sa sarili mo, ako nirerespeto pa rin kita kahit hindi ko alam kung deserve mo ba." Natigilan ako sa sinabi niya at nanatiling nakatitig sa kaniya. I don't know but I really hate his way of talking. "Are you implying that I am pathetic?" Mapagbantang tanong ko. "Miss, I didn't say that. I don't even know you, and I am not even interested to know." I bitterly chuckled. "Jerk! If I know, ayaw mo lang magka-issue sa school!" Natahimik siya at nagpakawala ng buntong-hininga. Tinignan niya ako na para bang iritang-irita siya sa 'kin. "Learn how to step down, I'm older than you. You know what? Bata kapa at imbes na magsayang ka ng oras sa mga lalaki, mag-aral ka na lang nang mabuti." Bahagya siyang umiling at binuksan ang pinto ng sasakyan. Sumakay na siya sa loob at umandar na ito papalayo. Hindi naman ako gumalaw agad at nanatili ako sa kinatatayuan ko. Maya-maya pa ay pumasok na rin ako sa kotse ko at pinatakbo ito nang mabilis papalayo ng campus. Habang nagda-drive ako, hindi maalis ang inis sa loob ko. Na-reject ako, napahiya, natapakan ang buong pagkatao ko. Aminado akong nasaktan ako sa sinabi niya. Those words hit me so hard. I was affected. Sa mga sinabi niya, para bang napakawalang kuwenta kong tao. Pag-uwi ko sa unit ko, agad akong dumiretso sa bedroom at itinapon ang sarili kong katawan padapa sa kama. "You know what? Bata kapa at imbes na magsayang ka ng oras sa mga lalaki, mag-aral ka na lang nang mabuti." Bakit kung magsalita siya para siyang si papa? At ano bang karapatan niya para sabihan ako nang gano'n? He doesn't know me. Hindi naman siya si papa para sermonan ako nang gano'n. Napa-iyak nalang ako sa inis at galit. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, ayaw ko ng kumain. I cried a lot. Maingay akong umiyak hanggang sa nagsawa ako at dinalaw na ng antok. Kinabukasan, tinawagan ko si mama at inaya kong lumabas. Gusto ko siyang kausapin, wala lang. Wala kasi akong ibang kaibigan kaya wala akong ibang puwedeng malapitan. Nang makarating ako sa coffee shop na meeting place namin ay hindi muna ako um-order dahil wala pa siya, kaya nag-cellphone nalang muna ako at gumamit ng social media. Nang magutom ako ay um-order nalang ako ng isang slice ng blueberry cake at mocha frap. Magdadalawang oras na akong naghihintay dito pero wala pa rin siya. Sinubukan kong tawagan siya pero hindi ko ma-contact. Siguro ay na-traffic lang 'to. Minabuti kong umidlip muna para hindi mainip. Maya-maya ay naalimpungatan ako mula sa pagkaka-idlip. I looked around and realized it's already evening. Tss, hindi ako sinipot ni mama. Umalis na lang ako sa lugar na 'yon at bumalik na sa unit. I baked the frozen raw pizza in the fridge and took a one bottle of beer. I sat at my room's terrace and decided to drink while overlooking the city view. I twisted my lips, took a deep breath and sighed. I don't know who to talk. Naiinis ako nang sobra dahil napakamalas ko sa buhay. Maganda nga ako pero walang may gustong sumama sa 'kin. Tch, they are all stupid. Napalingon ako sa cellphone kong nasa table nang mag-ring ito. Tumatawag si mama, kinuha ko 'yon at sinagot. "Vien? Sorry I wasn't able to go. Hindi kasi ako pinayagan ng papa mo dahil marami siyang kailangang asikasuhin and he needed help. Maybe next time na lang 'pag hindi na busy." She ended the call. Hindi ko na iyon pinansin at napatingin nalang sa view. I spent the night drinking and eating. Nang maubos ko ang beer ay tumayo ako at kumapit sa railings nang maramdaman kong may tama na 'ko. "Kayong lahat!" Sigaw ko at tinuro ang mga buildings na nasa harap ko. "You're all bad! Bad kayong lahat! Ang bad niyo!" "Whooo! Balang araw, yuyukuan niyo akong lahat! At ikaw Art Brennan! Hahabulin mo rin ako balang araw! Isinusumpa koooo!" Isinigaw ko yun sa matinis na boses. Nakita ko sa peripheral vision ko na may lalaking sumilip sa terrace ng kabilang unit. I looked at him. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya pero sigurado akong nakatingin siya sa 'kin. "Ikaw! Anong tinitingin-tingin mo d'yan?! Masama bang mag-inom, ha?! You don't care!" Pumunta ako sa gilid na railings para mas malapit sa kaniya. "Do you know Art Brennan? I hate him! Bakla siya! Bakla, bakla, bakla! Tignan mo, balang araw, 'yang baklang yan...hahabulin din ako n'yan at luluhod 'yan sa harap ko!" Pagkatapos ay nagpakawala ako ng malakas na halakhak. Alam kong para akong tanga sa ginagawa ko. I just want to let my pain out. Umalis na siya sa terrace kaya hindi ko na siya nakita. Tss! Umupo ako at pinikit ang mga mata hanggang sa unti-unti na 'kong nakatulog. Naimulat ko ang mga mata ko nang masilaw ako sa sikat ng araw. Ouch, hang over sucks! Napatingin ako sa paligid at na-realize na sa terrace pala ako natulog magdamag. Aish! Iniligpit ko ang mga pinagkainan at pinag-inuman ko at diretsong itinapon sa basurahan. I hate washing dishes, so itinatapon ko nalang 'yon at bumibili nalang ng bago. Napatingin ako sa orasan at iilang minuto nalang ang natitira bago magsimula ang first class. I took a bath and wore my school uniform. I put my hair in a bun and I didn't bother to wear any make-up since it's time consuming. Kahit naman wala akong make-up, maganda pa rin ako. Nang makarating na ako sa school ay nakita kong nakasara na ang pinto ng classroom. I opened it and went inside without any hesitation. Natigilan yung prof sa pagdi-discuss at nakatuon lahat ng atensiyon nila sa 'kin. Umupo na ako sa upuan ko na katabi ni Shy nang magsalita siya. "Do you want to atleast greet me before entering my class?" She demanded. Tss, arte. "Good morning," walang gana at sarcastic kong pagbati. She raised her eyebrow and continued to discuss. Nang mag-break time ay sa canteen ang tungo namin, as usual. Matapos kong um-order mula sa counter ng lasagna and bottled water, bigla nalang may tumapid sa akin kaya nadapa ako at nahulog yung pagkain na dala ko. I gritted my teeth and saw how students pay their attention on me. Nakita ko rin na naglalakad si Art papalapit sa akin, seryoso ang mukha at parang walang paki sa paligid. Tinignan ko siya at sinimangutan. Akala ko'y tutulungan niya ako pero nagulat ako nang tignan niya lang ako at lagpasan. Umupo siya sa table kung saan ando'n ang mga kaibigan niya. "Ay sorry, hindi ko sinasadya," sabi no'ng babaeng istudyante na nagtapid sa akin. "Girl, ba't ka nagso-sorry? She deserves that," sabi naman no'ng babaeng kasama niya. "Diba she wants attention? She's the girl who tried to kiss the campus journalist, right? She's attention seeker, I must say." I raised my brow and stood up. Gusto niyo ng away, ha? Fine. "Palitan mo 'yan," sabi ko do'n sa babaeng nagtapid sa 'kin habang tinuturo ko yung natapon na lasagna. Tinitigan lang nila akong dalawa. "Sabi ko palitan mo!" I yelled. Anong akala nila? Kaya nila akong api-apihin porke't first year college palang ako? No way! No one can ever step down on me! "Papalitan mo o ingungudngod kita d'yan?" Sabi ko pa. I am aware that everyone is watching me. Duh, sanay na ako sa atensiyon ng madla. Nagkatinginan silang dalawa. "Tara na nga," sabi no'ng kasama ng babaeng nantapid sa 'kin. Tumayo na sila at lalakad na sana nang marahas kong hinila yung braso niya. "Where are you going? I'm still talking to you!" I pushed her causing her to fall down. Napaupo siya sa floor. Kinuha ko yung bottled water na nahulog at binuksan iyon. Pagkatapos ay ibinuhos ko ang lamang tubig sa ulo niya. She was astounded by what I did. All were astounded. "f**k!" Her friend cussed. "Vien, tama na 'yan," pag-awat sa 'kin ni Yuri na nasa tabi ko na ngayon kasama sina Shy at Pam. Nakita kong tumayo si Art sa kinauupuan niya at naglakad papalapit sa 'min. Hinawakan niya sa braso yung babaeng binuhusan ko at tinulungan niya itong tumayo. He gave me a deadly stare. "College kana pero nambu-bully kapa rin? Sa tingin mo sinong magkakagusto sa'yo kung gan'yan 'yang asal at ugali mo?" sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at napatiim-bagang. Pagkatapos no'n ay umalis na siya kasama yung babaeng binuhusan ko ng tubig. Sumunod din yung kaibigan niyang babae. I rolled my eyes. "Psh. Feeling superhero?" Umalis din ako at lumabas sa canteen. Sumunod naman sa akin sina Shy. When I reached the hallway, I faced them. "Could you please leave me alone?" I said. "Gusto ko lang mapag-isa." Pagkatapos ay tumalikod na ako at naglakad papalayo. Nagpunta ako sa rest room at tinignan ang sarili ko sa salamin. "f**k! I hate this school!" I sreeched. I hate everything about this school! The lecturers, students, lahat sila! I f*****g hate them! Nakakainis yung Art na 'yon! Kung makapagsalita, akala mo kung sino! Ginantihan ko lang yung babaeng 'yon at lumaban ako, masama na ako?! Tapos 'pag di naman lumaban, sasabihin lampa! People is really confusing! I remember when I was in Elementary, I was bullied. May mga batang babaeng laging sumasalubong sa 'kin sa hallway tapos aawayin ako. "Hey! Why are your mom and dad not always with you? Only your yaya. Siguro di ka nila love?" Tanda ko pa yung itsura no'ng batang 'yon. Wala naman akong kamuwang-muwang at hindi ko sila pinapansin. "Look, she's not reacting! Maybe it's true that her parents don't love her! Is she adopted?" panggagatong pa no'ng isa. I was about to turn my back at them when they held my arm. "Sa'n ka pupunta?! Hindi kaba tinuturuan ng manners?! And why don't you have friends?! I pity you!" Then she pushed me. Pinagtatawanan nila ako tapos ako? Ayun, umiiyak lang. Ayaw ko silang labanan. Ayaw ko silang patulan. When they left, a high school student came near me. "Kawawang bata. Bakit kasi hindi mo sila patulan? Alam mo, hindi ka dapat nagpapaapi. Sige ka, ikaw ang kawawa." I cherish those words from her. Kaya naman no'ng araw na binully ulit ako ng mga impaktang 'yon, lumaban ako. Pinatulan ko sila. "Mga kulang sa pansin! Palibhasa, mga bobita sa classroom! So what if my parents don't love me?! Eh kayo nga, mahal ng magulang pero di naman kamahal-mahal! Ang bobobo niyo!" Nagulat sila sa mga sinabi ko. They didn't hesitate to push me, too. Hanggang sa naggantihan kami at nagsubunutan. Pinagtulungan nila ako. Pinatawag tuloy ang mga magulang namin the next day. And to my suprise, my parents are there. "You brat! Nagpapapansin kaba?! Why do you have to do that to your classmates?! Nagsisimula ka ng away, gano'n?" Sunod-sunod ang panenermon sa 'kin ni mama pag-uwi ng bahay. "You know what, anyone na aawayin mo, ay gaganti sa 'yo. People don't just sit there and let their enemies hurt them! Lahat gumaganti, walang nagpapaapi! So if you thought you can bully them easily, you're wrong! Your classmates did that to you because they protected themselves!" Mama was wrong. I protected myself that day. Pero tama rin siya, dito sa mundong 'to, walang nagpapaapi... isa na ako ro'n. I went out and decided to ditch class. I used my car to go to the nearest mall. Gusto kong libangin ang sarili ko kaya naman kung saan-saan ako pumunta at kumain. Nang mapansin kong maggagabi na ay napagdesisyunan kong pumunta sa bar. At dahil hindi sila nagpapapasok ng students, I used my money to buy clothes at the nearest boutique. I bought a simple black skirt and a red bralette to match my black heeled shoes. The bralette emphasized my flat stomach and well-shaped breasts while the skirt suited my hips. I also used my make-up to enhance my beauty. Pagkapasok na pagkapasok ko ng bar ay agad na akong tinignan ng mga lalaking nag-iinom. I don't care whenever they put their eyes on me since hanggang tingin lang naman sila. I've ordered Bailey's and started to drink. Maya-maya pa ay may lumapit na sa 'kin na lalaki. "Hey, you're the one who did the kiss-me scenario on the other night, right?" He blurted out. Napatigil naman ako sa pag-inom at tinignan siya. He's wearing a slacks and a black coat. He looks good and firm, pretty sure he's way older. Hindi ko alam pero parang nakita ko na siya sa kung saan. "And also, you're the one who bullied Coleen earlier." Bully? Coleen? Ah, yung babae sa canteen kanina. So, school mate ko pala siya. Nice. I rolled my eyes. "Psh! I didn't bully her. Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko," sagot ko. He chuckled. "Strong enough, ha?" "Yeah," I said sarcastically. "Why are you here?" He asked. "I want to chill and be drunk." "You're too young for this." "What? Who's young? I'm eighteen." "I'm twenty one." "I've experienced a lot. I'm in a liberty." "Liberty?" He laughed. "Wanna smoke?" "Sure." Ilang oras din kaming nagkuwentuhan at hindi ko namamalayan, may tama na pala ako. "How can I bring you home? I don't have my car," he murmured as he held my waist. Kinuha ko naman sa bag ko ang susi ng kotse ko at iniabot 'yon sa kaniya. "Drive it for me," sabi ko. "Where's your place?" He asked. I chuckled and sniffed. "Bring me anywhere." "You're crazy." "Pero 'pag may nangyari sa 'king masama, ikaw ang sisisihin ko." "That's ridiculous." Pagkatapos no'n ay hindi ko na alam ang nangyari. My head aches when I opened my eyes. I closed it again. Pinilit ko pa ring mumulat kahit masakit ang ulo ko. Nagpalinga-linga ako at na-realize na hindi ito ang unit ko. Masyadong organized ang mga gamit. Amoy-panlalaki. Shit! Asan ako?! f**k! I was drunk! Who's that guy I was with?! I looked around and looked at myself. Nakita ko sa salamin kung gaano ako ka-haggard. May suot akong black coat at sa sofa ako natulog. What the?! Sa sofa lang?! Wala man lang bang care ang may-ari ng unit na 'to?! Napalingon ako sa may bandang cr nang may marinig akong tunog ng shower. Pinuntahan ko iyon at sumilip sa loob. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang nakasabit na brief at towel sa itaas ng shower room. Ibig sabihin...nasa unit nga ako ng hindi ko kilalang lalaki! "Aaaaaaaaahhh!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumili. Agad kong isinara ang pinto ng cr at naghanap ng ipambabato sa kaniya 'pag lalabas na siya. Sakto namang nakita ko ang libro na nakapatong sa table. Agad bumukas ang pinto at doon lumabas ang lalaking naliligo kanina. Walang anu-ano ay ibinato ko sa kaniya yung hawak kong libro. "Aray!" Napadaing siya at napahawak sa mata niyang natamaan ng libro. Pagkatapos niyang maka-recover sa sakit ay tinignan niya ako nang nakabusangot. Mas lalo namang nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na kilala ko ang lalaking may-ari ng unit. Tumambad siya sa 'kin na nakatuwalya lang at kitang-kita ng magaganda kong mata ang hubad niyang upper body. Basang-basa ang buhok at kilay niya na halatang nagmadali sa pagtapos maligo. Walang iba kundi ang lalaking parang baklang epal na tumanggi sa beauty ko. "Art?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD