2: Mr. Journalist
Hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang mukha ng lalaking nagpahiya sa akin. Sa buong buhay ko, noon lang ako natanggihan at nabalewala nang ganun. I still can't believe there's a guy like him who would not pay even a little attention on me. At talagang tinawag niya pa akong little girl, ha?
Muli kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Maputi ang balat ko at may almost perfect na shape ng chin and cheekbone. May maitim at mahabang tuwid na buhok. Bumagay ang medyo makapal na kilay ko sa bilugan at mapupungay kong mga mata. I have pointed nose that matched my kissable pinky lips. Who would've thought this angelic face have been rejected by that Art Brennan? Ang mukhang 'to, marami ng nabiktima at napaasa. Way back in high school, I used to be the campus crush and every guy was head over heels on me. I can get the guy I want, and fling whoever I want. Naalala ko tuloy no'ng time na may lalaking pumunta sa bahay namin dahil lang binusted ko siya.
I was groaning that day as I walked at the staircase. "f**k! Ano bang problema niya?" Nasa pangalawang taon palang ako no'n sa high school pero talamak na ang manliligaw ko.
"Puntahan mo na kasi yun sa labas. Magwawala na yata yun do'n, eh!" reklamo ng kapatid kong lalaki. I just rolled my eyes and headed out of the house. Agad kong pinuntahan yung kupal na naka-park pa ang kotse sa harap ng bahay habang nakabukas ang salamin ng bintana.
"What now?! I told you I don't like you!" I screamed at him. He was chewing a gum while looking at me.
"Just have a date with me, Vien. After that, I'll not gonna force myself to you anymore." I rolled my eyes. Napatingin pa ako sa driver ng kotse niya na busy sa pagce-cellphone.
Napaisip ako. If pumayag ako, tatantanan niya na rin ako for sure. He is a f*****g big problem of mine.
"Fine." Mabilis akong sumakay sa backseat at pinagkrus ang dalawang braso. Nakasuot lang ako ng pambahay pero wala akong paki. Hindi ko naman siya crush para pag-ayusan ko. He's just kind of cassanova and annoying guy I know.
Dinala niya ako sa mall and we hanged out and ate there. Nakasimangot lang ako buong araw dahil napilitan lang naman talaga ako. Nang nasa harap na ulit kami ng bahay ay agad akong bumaba. Bumaba rin siya agad at mabilis na hinatak ang braso ko.
"Bullshit! Ano pa ba?!" I vented. Sasampalin ko talaga siya dahil sa kakulitan niya.
"Just let me kiss you for one last time," he requested. I widened my eyes and my chest started pounding. Umiwas ako sa kaniya nang akma niya akong hahalikan.
"Yuck! Ang bastos mo! Ayoko!"
"Ang arte mo naman! Dali na." He pulled me closer. Nagpumiglas ako sakaniya at iniwas ang mukha ko sa bawat pag-attempt niya na halikan ako. Nainis siya at marahas akong tinulak papalayo.
"That's why no one loves you. Simpleng halik di maibigay." He gave me a deadly glare before riding inside his car. Para akong sasabog sa inis at galit.
Pumasok ako sa bahay nang umiiyak. All of the guys out there put their attention on me so much. But this? Sobra na.
Nang pumasok ako sa living room ay naabutan ko si mama't papa na nag-uusap. I was expecting for them to put their eyes on me but they didn't. Ni hindi man lang nila ako napansin o nagtaka kung bakit wala ako sa bahay. Of all people whom I got attention, sila ang katangi-tanging hindi ako pinagtutuunan ng pansin.
"Mama," I called them. Nahinto sila sa pag-uusap at sabay na napalingon sa 'kin. My mom raised her brow.
"Oh? What's wrong with you? Nagpapapansin kana naman? Go to your room and study hard!" she shouted. Humalukipkip si papa at umiling-iling.
Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Mabilis akong tumakbo paakyat sa room ko at doon umiyak nang sobra-sobra ng araw na 'yon.
Attention.
I believe I can get it from everyone... except my parents.
And that Art Brennan? Alam kong nagpapakipot lang siya sa 'kin. Guwapo naman siya pero hindi siya maangas. Simple lang ang dating niya pero hindi ko akalaing gano'n ang attitude niya. Hindi ko tuloy mapigilang maging interesado sa kaniya.
Kinabukasan ay naging normal ang takbo ng klase, pagdating ng break time ay agad kaming tumungo sa canteen para bumili ng makakain. May iniabot sa akin si Pam na newspaper.
"What's this?" I asked.
"School newspaper. Tignan mo yung last page, ando'n ang identity ni Art." Napataas ang kilay ko at binuklat ang newspaper mula likod.
So, head pala siya ng campus paper. He is a fourth year student taking up AB in Political Science. Obviously, he's 3 years older than us.
"Bakit kaba interesado sa kaniya? 'Wag mong sabihing crush mo na 'yan?" Pag-uusisa ni Shy. Napangiwi naman ako sa sinabi niya.
"Not my ideal type," sagot ko. "I was just interested to know him more."
"Edi parang gano'n na rin 'yon?" Sabi naman ni Yuri. "Crush ko siya pero hindi naman masyado. Mas gusto ko pa rin yung mga sing edad ko. Tsaka, hindi naman 'yan namamansin eh. Lalo na sa mga tulad nating freshmen. Marami-rami nang na-reject 'yan."
Wow! Na-reject?! Ang hangin niya naman! Hindi ako makakapayag na ituring lang ako na isa sa mga na-reject niya, 'no. For I know, baka nagpapakipot lang siya.
I chuckled with what Yuri said. "So you really think I like this guy? No way!"
"Kung hindi mo siya gusto, eh bakit mo siya nilapitan kahapon?" Taas-kilay na tanong ni Pam. Natigilan naman ako do'n at bahagyang napanguso, nag-iisip ng palusot.
"Because I saw him alone. Nakakaawa kaya makakita ng lonely person." Umirap ako at ngumisi.
Napa-iling na lang sila at nagpatuloy na sa pagkain. Muli kong tinignan ang mukha niya sa newspaper, bago nagpatuloy sa pagkain.
"By the way, sasama ba kayo mamaya?" Napahinto kaming lahat sa pagkain nang magsalita si Pam.
"Why? Anong meron?" I asked.
"Acquaintance party. Launching din ng new school calendar, clubs, and new campus officers." Napatango naman ako sa sinabi niya. She always seems updated sa mga ganap sa school. Pam looks more serious and grade conscious unlike Yuri and Shy.
"Are you in?" Tanong naman ni Shy.
"Yeah? Manghu-hunting tayo ng mga good-looking students," sabi ni Yuri at saka bumungisngis. I rolled my eyes and smirked because I like her idea. I love parties and...mukhang mag-eenjoy ako sa school na 'to spending my freshman year.
As I park my car, I could hear the sounds coming from the school ground. I wore a light make-up and put my hair in a bun. Jeans and wedge, partnered with a black bralette and a black croptop seethrough.
As I went at the entrance, everyone looked at me as if they saw a goddess. Nakachin-up lang akong naglalakad at nakangisi. And there, I saw my classmates. Fashionable din ang mga suotan nila pero mas umaangat pa rin ang kagandahan ko.
"Vien, you look like a bad b***h with that aura," sabi ni Shy sa akin. I just simpered.
"May inuman ba rito?" Tanong ko. Natawa naman sa 'kin si Pam at saka umiling.
"Little concert and sayawan lang 'to. Don't worry, it will not be boring because acquiantance party is a time to chill and fling before the actual beginning of class," sagot ni Pam. "Since break day bukas at walang class, we can spend the whole night here.
Napahinto naman kami lahat nang may marinig na tumutugtog sa stage. Nakita ko sa di-kalayuan ang grupo ng mga lalaki't babae na may mga hawak na instruments. Mukha silang banda at sa gitna no'n ay ang lalaking may hawak na microphone.
"Sino sila?" Tanong ko.
"Ang campus brass band," sagot ni Yuri habang nakatingin pa rin sa harap. Nagsimula nang kumanta yung lalaki sa harap na nagpakilig sa karamihan.
"I can think of all the times
You told me not to touch the light
I never thought that you would be the one
I couldn't really justify"
"Ang ganda talaga ng boses ni Zach," sabi ni Yuri kaya napatingin ako sa kaniya at napa-irap. Tss, lahat naman yata hinahangaan niya.
"How you even thought it could be right
Cause everything we cherished is gone
And in the end can you tell me if It was worth the try, so I can decide"
Nakasuot ng plain white t-shirt at black skinny jeans ang vocalist nila. Maamo ang mukha nito at guwapo. Hindi ko rin maipagkakaila na maganda nga ang boses niya.
"Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Oh you never really love someone until, you learn to forgive"
Since nabobored ako sa mini concert ng banda, minabuti kong pumunta muna sa parking lot at doon mag-yosi. Rinig ko pa rin ang tugtog kaya naman sumandal ako sa gilid ng kotse ko at pumikit.
"Try as hard as I might
To flee the shadows of the night It haunts me and it makes me feel blue
But how can I try to hide"
Napadilat ako nang may marinig akong tunog ng kotse na nagpark sa harap ng kotse ko. Bumaba sa kotse na iyon ang lalaking nakasuot ng plain black v-neck shirt at black ripped jeans. May dala rin siyang dslr camera. Naglakad na siya papalayo at saka ko lang nakita ang mukha niya.
Teka, si Art 'yon ah!
Itinapon ko ang yosi ko kahit hindi pa ubos at agad na naglakad para sundan ang lalaking 'yon.
Sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa school ground at sinalubong siya ng grupo ng mga lalaki. Nag-apir sila sa isa't-isa at inilapag niya sa gilid yung hawak niyang camera.
Naglakad ulit siya at bumuntot naman sa kaniya ang isang babaeng mahaba at kulot ang buhok, maputi, makinis, at kitang-kita ang kurba ng kaniyang katawan sa suot niyang black fitted dress. Patuloy ko naman silang sinusundan habang binubuntutan siya no'ng babae.
"Hay nako! Hindi mo ba talaga ako papansinin? Last year na ng college oh, iparanas mo naman sa akin yung gusto ko." I've overheard what the girl said when the music suddenly stopped. Napalitan ito ng isang party song kaya naman kaniya-kaniyang sayawan ang mga tao sa dancefloor.
"Dhalia, kakasimula lang ng klase. Huwag mo muna akong guluhin, puwede?" Inis na sabi naman ni Art. Hindi kona masyadong naintindihan ang conversation nila. Ayoko nang palampasin ang pagkakataon na 'to kaya nilapitan ko sila at sumingit sa pagitan nilang dalawa.
"Hey!" I shrieked. Pareho silang natigilan at napatingin sa akin.
"What the?! Who are you?!" Inis na sigaw no'ng babae sa akin. Hindi ko naman siya pinansin at agad na hinila papalayo si Art. Nang makarating kami sa isang hallway ay agad ko siyang sinampal.
He touched his cheeks and I saw how his jaw clenched. He gave me a look in anger and surprise. "f**k! What was that for?!" He wailed.
"For rejecting me! For turning back on me, insulting me, and humiliating me!" Galit na sigaw ko sa kaniya.
He sighed and shook his head. "I don't understand you," sabi niya na nagpakunot lalo ng noo ko.
"Nagmamaang-maangan ka pa? Ang kapal ng mukha mo." Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng nakamamatay na titig. Nanatili naman siyang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo. Agad siyang umiwas at tumalikod sa akin. Napatingin naman ako sa wrist niya at napansing suot niya pa rin yung relo niyang Audemars Piguet. Tss, yabang!
"Hindi ako basta-basta pumapatol sa mas bata sa 'kin," sabi niya at saka tumingin sa gilid. "Seriously, hindi ko alam ang sinasabi mo. Ni hindi nga kita kilala, eh."
Naglakad na siya papalayo at naiwan na naman akong gulat at napahiya sa nangyari.
Hindi niya ako kilala? How?! Imposible! Ano siya, nagka-amnesia?! Mga palusot niya, nakakainis! Grr!
Inis akong bumalik sa mga kaklase ko at padabog na umupo.
"Oy? Anyare sa 'yo?" Usisa ni Pam. Inirapan ko naman siya at umiling.
"Wala. Nabobored lang ako," pagpapalusot ko.
"Tara, sayaw tayo," sabi ni Yuri at nagsipuntahan na silang tatlo sa dancefloor.
"Aren't you going to dance?" Shy asked. I simpered and shook my head. Sumayaw na sila at naiwan naman ako sa table. Bumalik sa isipan ko yung sinabi sa 'kin ni Art.
"Hindi ako basta-basta pumapatol sa mas bata sa 'kin. Seriously, hindi ko alam ang sinasabi mo. Ni hindi nga kita kilala, eh."
Damn! Hindi ko matanggap! Paano niya nagagawa at nasasabi sa 'kin 'yon? Ano bang mayroon sa kaniya at hindi siya naaakit sa akin? Hindi kaya...he's gay? No d**k?
Napangisi ako nang may pumasok na magandang plano sa isip ko. Agad akong umalis sa kinauupuan ko at nilibot ng mata ko ang buong paligid. Naglakad ako nang mabilis para hanapin siya. Napahinto naman ako nang makita ko siya sa di-kalayuan, kasama ang apat pang lalaki. Nagtatawanan sila at nagkakantiyawan.
Agad kong pinuntahan ang spot nila at tumayo sa harap ni Art Brennan. Natigilan silang lahat at tinuon ang atensiyon sa 'kin. Napatingin din sa 'kin si Art pero agad ding umiwas ng tingin na para bang hindi niya ako kilala.
"Uhm, excuse me? Miss, anong kailangan mo?" Tanong sa akin no'ng isang lalaki. Hindi ko siya pinansin o nilingon man lang. Nakatuon ang atensiyon ko sa lalaking kaharap ko.
"Bakla kaba?!" Malakas na tanong ko. Nagkatinginan ang mga kasama niya at mukhang naguguluhan sa pambungad ko.
"Siguro bakla ka?!" Dagdag na sigaw ko. Mabuti nalang ay malakas ang music kaya walang ibang makakarinig sa 'min.
I can see annoyance in his face. Ni hindi niya man lang ako tinitignan. Bigla siyang tumayo at akmang aalis na nang hawakan ko ang braso niya at iniharap siya sa 'kin.
"Ano bang kailangan mo?" Halata sa boses niya ang inis pero nanatiling kalmado. Kitang-kita sa liwanag ng ilaw kung gaano sana kaganda ang kutis niya kung hindi lang nabahiran ng peklat.
"Halikan mo 'ko," sagot ko. He raised his one eyebrow and directly looked at me.
"Baliw kaba? Bakit naman kita hahalikan?" He asked in confusion.
Bakit niya nga naman ako hahalikan? Wala lang, para mapatunayan niyang hindi siya bakla.
"Hindi mo ako kayang halikan?" Ngumisi ako at binigyan siya ng nakakaakit na titig. I moved closer and held his nape. Matangkad pala talaga siya dahil kahit matangkad na 'ko, nagagawa niya pa rin akong yukuan.
"If you can't kiss me, then I'll do it for you," I whispered in his ear. Na-estatwa naman siya kaya inilapit ko ang mukha ko at akmang hahalikan na siya. I can smell his fresh minty breath.
I know this guy won't resist me... nor even my kiss. Diba ito naman yung gusto nila? Ang makahalik sa tulad ko?
I was about to kiss him. I was shocked when he suddenly moved backward and evaded my kiss. Marahan niya akong tinulak at nakita ko kung gaano siya kainis.
"What the f**k?" He frowned. After that, he turned his back on me and walked out. He left me dumbstruck.
Kumuyom ang mga palad ko at muli, namula ako sa kahihiyan. Nag-igting ang mga panga ko at lalong nagsalubong ang mga kilay ko. I looked around and saw how couple of people stare at me.
"Anong tinitingin-tingin niyo?!" Galit na sigaw ko sa kanilang lahat. Napansin ko rin ang kani-kaniyang reaksiyon ng mga lalaking kasama ni Art kanina. I rolled my eyes and walked out.
I can't swallow all of this! I really can't!
Buwisit ka talaga, Art! Anong karapatan mong tanggihan ang halik ko at iwan ako rito?! Yari ka talaga sa 'kin!
---
Featured song: Leaves by Ben&Ben