1: Wintermelon Milktea
I found myself singing as I happily drive along the road with my newest car which I bought yesterday. I can't help myself to dance, synchronizing the beat of the song coming from the speaker of my car. Nakababa rin ang side windows ng kotse kaya naman malakas na hinahampas ng hangin ang buhok ko.
Super excited akong nagda-drive ngayon dahil well yeah, college na ako at magiging napakagiliw na istudyante ng Fierra Innovative College. At itong araw lang naman na ito masarap magyabang. Kung gaano ka kaganda, kayaman, kagara, at kung gaano ka kagigiliwan ng kahit sino. Napa-smirk ako nang maisip ko ang mga bagay na masayang gawin sa unang araw ng college. Schooling is fun, mukhang magiging unforgettable ang school year ko!
Nang makarating ako sa campus ay sinadya kong bagalan ang pagpapaandar ko. Syempre alam kong pagtitinginan nila ako dahil isang magandang babae lang naman ang nagda-drive ng napakagandang sasakyan.
Matapos kong mai-park ang kotse ay agad na akong bumaba sa sasakyan. Natigilan naman ako nang may mag-park ding sasakyan sa tabi ko. Napaawang ang labi ko nang ma-realize na mas maganda ang sasakyan niya. Kulay itim at talaga nga namang halatang sobrang mahal. Bumaba mula rito ang lalaking matangkad at medyo may kalakihan ang katawan. Gilid lang ng mukha niya ang nakikita ko pero kapansin-pansin siya sa paningin ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang relo na suot niya, Audemars Piguet. Sobrang mahal ng relo na 'yon na nangangahulugang sobrang yaman ng lalaking ito.
"Uhh yes. Nandito na ako, see you," malalim ang boses niya nang marinig ko siyang nakikipag-usap sa katawag niya. Isinara niya ang pinto ng sasakyan at laking gulat ko nang hindi man lang siya tumingin sa 'kin hanggang sa naglakad na siya papalayo. Inasahan kong mapapatingin siya sa 'kin pero hindi niya man lang ako napansin.
Napakurap ako nang ilang beses at napasinghap bago tuluyang tumungo sa school ground. Hindi gano'n kalaki ang school na pinasukan ko at hindi rin ito ganun kasikat. But based on what I've researched, matatalino at mayayaman lang ang nakakapasok dito. Napansin kong sinusundan ako ng tingin ng iilang istudyante. Psh, parang ngayon lang nakakita ng maganda. Ang mga iba naman ay tinitignan ako nang masama. Mga inggetera!
"Hi!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. A girl who wears a cute smile, kapansin-pansin ang dimple niya at makinis niyang kutis. Maikli ang brown at makintab niyang buhok. Nakasuot siya ng uniform na pareho ng akin. Blouse and maroon skirt, tapos may scarf na maroon din. Maputi siya at maganda. Pero syempre, mas maganda pa rin ako.
"Tourism student? Uhm, maybe classmates tayo," she added and ran towards me. Maybe the reason why she knew I'm Tourism student, is the way I walk and stand. Duh, datingan ko palang pang-Tourism na 'no. And yung face value ko, branded!
"I'm Shylla." She offered her hand and I took it.
"Vien," sabi ko at pilit na ngumiti. Honestly, befriending is not my thing. But since lumapit siya, ayaw ko namang maging rude, 'no.
Nagsimula na kaming maglakad at hanapin ang room. Medyo awkward kasi kanina pa siya nagsasalita at hindi ko man lang siya pinakikinggan o kinakausap. Hanggang sa magsimula na ang klase, nakinig lang ako at medyo na-bored kasi puro house rules lang ang pinagsasabi ng mga prof.
Nang dumating ang dismissal time ay nagkayayaan kami na tumambay sa pinakamalapit na milktea shop. May nakilala rin akong dalawa pang classmates na sina Pam at Yuri. And since first time namin magbo-bond, nagkasundo naman kami sa idea na 'yon.
"Pst! Ang guwapo no'ng barista, oh!" Napalingon ako kay Pam nang ituro niya ang kararating lang na barista sa counter. He wears a black shirt and a red apron. Cute nga siya at may dimple, panay pa ang ngiti. But what caught my attention is the guy standing in front of him while ordering a milktea. I winced and chuckled. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiinom ng milktea, hindi ba't nakakabakla 'yon?
Naka-school uniform din siya at may logo ng school na pareho ng amin. Nang makita ko yung relo niya ay nanliit ang mga mata ko. Siya yung lalaki kanina sa parking lot na may magandang sasakyan. Yung mayaman.
Napatingin ako sa mga kaklase ko, gusto ko sanang itanong kung kilala nila 'yon since sa FIC rin sila nag-aral ng Senior High. Ibalik ko ang tingin ko do'n sa lalaki. Nakita kong umupo siya sa isang table at naglabas ng libro matapos niyang inuman yung binili niyang milktea.
Based on his appearance, he looks famous. So having a title for him will not surprise me if ever. Well, marami akong kilalang sikat sa dati kong school. And lahat sila madali akong napapansin, madali kong nakukuha. But this one, I know there's something. Parang may nag-uudyok sa 'king magpapansin sa kaniya.
He's very simple, neat, and good-looking. The way how his hair were brushed, is perfect. He is not very muscular yet has broad shoulders and well-carved jawline. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya pero sigurado akong guwapo siya.
Napatigil ako sa pagtitig sa kaniya nang mag-snap si Pam sa harap ko. Sinundan niya ng tingin ang kanina ko pa tinitignan. Nagtinginan rin naman sina Shy at Yuri do'n sa lalaking yun.
Pam smirked at me. "I will not ask you why he got your attention." Napataas naman ang kilay ko. "Kahit sino naman ay mapapatingin sa kaniya."
Nanliit ang mga mata ko nang maalala ang walang emosyon niyang paglampas sa 'kin kanina. I couldn't accept that. Kahit sulyap ay hindi niya ginawa. For sure kung may nanunuod na ibang tao ay malamang pinagtawanan na ako.
"Psh!" Ngumiwi ako at mapait na ngumiti. "How he sipped his tea is unappealing."
Hindi ko alam kung nagbubulag-bulagan ba siya dahil obvious namang tinitignan at pinag-uusapan namin siya. Kahit sinong tao ay mahahalata kami kung sila ang nasa table na 'yan. But there he is, pretending like he's unaware. He seems like he doesn't care at his surroundings at all. The hell?
Napansin kong manghang-mangha pa rin sila sa lalaking 'yon. As if they saw a Greek God. And that irritates me more. I admit that I admire his looks too but, I feel so damned when he just passed me by. Pakiramdam ko tuloy ay nagmukha akong hangin kanina.
Dahil sa inis na nararamdaman, tumayo ako habang tinitignan ang lalaking 'yon. Let's see how far his unconsciouness and pretention will take me.
"Where are you going?" Tanong ni Yuri sa 'kin pero hindi ko siya pinansin. Ini-ready ko ang sarili ko at saka naglakad papunta sa lalaking iyon. Naramdaman kong sinusundan nila ako ng tingin habang takang-taka sa gagawin ko.
Aminado akong maganda ako, makinis at sexy, every man's ideal type. Eversince, I have never experienced rejection in my entire life. Almost all of them begged me. Well, they have to.
Nang malapit na ako sa kaniya ay naamoy ko na agad ang umaalingasaw niyang pabango. Nabasa ko rin ang flavor ng milktea na inorder niya, wintermelon milktea. So gay.
Naglakad ako sa harap niya pero hindi niya ako pinansin. Kung iibang lalaki 'yon ay susundan na ako ng tingin at malalaglag na ang panga sa 'kin. Busy reading the book, huh?
Bumalik ako at ilang ulit na naglakad sa harap niya pero naikunot ko ang noo ko nang wala pa rin siyang naging reaksiyon! As if he didn't notice my presence!
I gritted my teeth and tried to calm down. I irritably sat in front of him and crossed my arms. Seryoso ko siyang tinitignan ngayon habang nakayuko pa rin siyang nagbabasa.
I rolled my eyes and with all courage and confidence, I greeted him.
"Hi." Siniguro kong maaakit siya sa tone of voice ko. Dahil do'n, tumaas ang kilay niya. Ibig sabihin ay aware na siyang may magandang babae sa harap niya.
Tinignan ko ang mga kaklase ko at nginisian at kinindatan sila. Seryoso naman ang mga mukha nila at nag-aabang sa susunod na mangyayari.
Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking 'to at nanatili pa rin siyang busy sa binabasa niya. Ni hindi man lang gumalaw o tumingala. Aww, pa-hard to get ah? Maybe he wants some thrill.
I bit my lower lip and held his left hand na hawak ang librong binabasa niya. And with that, he flinched. Finally, he rose his head and looked at me directly.
Nagulat naman ako nang makita ko ang reaksiyon nang mukha niya. His brows furrowed and I can see annoyance in his eyes. His brown pupil and dark eyebrows made my fine body hair arose. Matangos ang ilong niya at nakabusangot ang kaniyang bibig. Kapansin-pansin din ang palihis na peklat niya sa ilong papunta sa pisngi. I don't know but there's something in him that is intimidating.
Umayos siya ng upo at bumuntong-hininga. "Ano'ng kailangan mo?" Matabang niyang tanong.
Kahit nadi-distract ako sa mga mata niya ay pinilit kong magsalita. "I am Vien," saka ngumiti nang wagas.
Tinodo ko pa ang pagpapa-cute dahil ayokong mapahiya sa mga kaklase ko kung tatanggihan ako ng mokong na 'to.
Hindi naman siya sumagot at mas lumalim pa ang titig niya sa akin na para bang kinikilatis niya ako. Sinubukan kong titigan din siya pero agad akong sumuko. His gaze drowns me.
"Parang nag-iisa ka kasi. Wala kang kasama." I tried to be modest in front of him. Inilagay ko ang iilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. "You want someone to date?" I bit my lower lip.
Iniwas niya ang tingin niya sa 'kin at nilihis ang ulo pakanan. I saw how his eyes became playful. Parang natatawa or what. He clenched his jaw. Muli siyang tumingin sa 'kin at mahinang natawa bago bumalik sa pagiging seryoso. In just one fell swoop, his face became emotionless again.
Bigla naman siyang may kinuha sa bulsa niya na wallet. Naglabas siya ng dalawang libo at nagulat ako nang ilapag niya 'yon sa table.
"Not my thing." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumayo na siya habang bitbit ang bag. Naiwan akong nakatulala sa table habang di-makapaniwala sa nangyari. My jaw almost dropped!
Did he just reject me?! He even gave money thinking that was my purpose?!
I gritted my teeth at pakiramdam ko sasabog ako sa kahihiyan. Lumapit naman ang mga kaklase ko na para bang pati sila eh nahihiya sa nangyari.
"Are you okay?" Shylla asked.
"Hmm, we forgot to tell you he's kind of dangerous and elusive." Napatingin naman ako sa sinabi ni Yuri.
No, hindi ako makakapayag. He stepped down my pride! Anong tingin niya sa 'kin? One of those girls who are drooling after him? Yuck!
Wala akong paki kahit sino pa siya! Kahit gaano pa siya kayaman! Kung anak man siya ng may-ari ng school o mafia boss tulad ng mga nababasa ko sa libro! O baka naman secret gangster siya o assassin? Argh! What the heck am I thinking?!
Tumayo ako, kinuha yung bills na nasa table at mabilis na naglakad para sundan ang lalaking 'yon. Pasakay na siya sa sasakyan niya nang hawiin ko ang balikat niya.
"You son of a b***h! Anong tingin mo sa 'kin, mukhang pera?! For your little information, mayaman ako. I don't need your money!" Pagsigaw ko at isinampal sa mukha niya yung bills. Nanatili naman siyang kalmado, nakatingin sa gilid, pagkatapos ay bigla nalang siyang ngumisi nang kaunti.
Tumingin siya sa mga mata ko at nagsimulang tignan ako mula ulo hanggang paa. Muli siyang bumusangot at binigyan ako ng nakamamatay na titig. Tanginang 'yan!
Akmang sasakay na sana siya nang hilahin ko ulit siya palabas. Agad naman niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya.
"Mister Whoever-the-f**k-you-are, tandaan mo 'to. Ako si Vienxieren Rey, walang sinuman ang dapat tumanggi at talikuran ako. Hindi ako pinalaki nang maganda para lang mapahiya!" Daing ko pa. Nanggigigil talaga ako sa inis! Grrr!
He didn't change his expression. He twisted his lips. "You hate me?"
Hindi naman ako nakasagot agad dahil nakapagtataka ang mga inaasal niya. Bahagya siyang lumapit at kitang-kita ko ngayon ang reflection ko sa mga mata niya.
"Wala akong paki, little girl. Kahit mamatay kapa sa inis." Mas lalong nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Tumalikod na siya at tuluyan na siyang sumakay sa sasakyan at umandar na iyon papalayo.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Namumula ako sa hiya at inis. All my life, ako ang hinahabol! Sila ang nagpapakahirap para makuha ako! Tapos siya, tinanggihan ako? Tinanggihan niya ang grasya! Nakakainis! Damn, ngayon lang ako nakaramdam ng gan'to.
Nakita kong tumakbo si Yuri at kinuha yung bills na nahulog sa kalsada. Lahat sila ay sinundan pa ng tingin ang sasakyan bago ibinalik ang tingin sa 'kin.
"That guy..." Yuri muttered. I rolled my eyes.
"I'm not interested about who the f**k he is!" I hissed. Padabog kong kinuha yung pera sa kaniya at inilagay sa wallet ko. Nang ma-realize na pera yun ng lalaking 'yon ay muli kong padabog na ibinalik sa kaniya.
"What's with him?" Tanong ko kahit kakasabi ko lang na hindi ako interesado.
She bit her lip and simpered. "He's Art Brennan."
I raised my brow. Art? So... Art is his name. Not bad.
"A pre-law student. Consistent dean's lister. Our school's known photo journalist."
Napatango ako sa sinabi niya. Akala ko pa naman siya ang may-ari ng school dahil sa yaman niya.
Art. Art Brennan. Na-reject ako ng lalaking nagngangalang Art Brennan.
Dammit! Did I look pathetic in front of him? He couldn't blame me! He acted that way, I just did what I think I have to do.
"Di ka namin pinalaki para lang mapahiya."
I could hear my parent's voices. Na para bang isang malaking sampal sa pagkatao ang talikuran ng kahit na sino.
Attention.
Naniniwala akong balang araw ay pagtutuunan din ako ng pansin ng lalaking 'yon. I will use all of my abilities to prove him I deserve attention. I swear.