5: Depressed
I sobbed at my bedroom the whole afternoon. I'm lost. Halo-halo ang nararamdaman ko-- pain, anger, sadness, and depression.
I can't believe what happened earlier. No'ng bata ako, my parents used to go at work always. I'm longing for their attention so bad, but they didn't give me a chance to have it. Because of my beauty and wit, ipinagkait nila ako sa lahat. They didn't give me freedom. Being at home always makes me feel I was imprisoned. Bawal lumabas ng bahay, gumala, o maglaro. Nagdalaga ako pero palagi pa rin akong nasa bahay. School, bahay. Gano'n lang ang routine ko.
Until I met him, who taught me to be free, to disobey my parents' rules, and do whatever I want. He taught me to be happy. He taught me to drink, smoke, and party. And, he even taught me to love.
But he left me. Napaaway siya at nasaksak. He died. I was in so much pain that time. Tinuruan niya akong magalit sa mundo. Nag-rebelde ako. Ginagawa ko lahat ng gusto ko, lahat ng makakapagpasaya sa 'kin. I do things that satisfy me. Ginawa ko rin para magpapansin sa kanila.
And with that, my family began to hate me. Puro masasakit na salita ang natanggap ko mula sa kanila, dinedma ko yun kasi akala ko kaya ko. Until I decided to keep myself far from them.
Napatingin ako sa baso ng alak na hawak ko. I drank it, it's my last shot. Itinapon ko na rin ang yosi kong ubos na.
It's 10 pm. I'm sure the roofdeck above this building is still open. Kahit pagewang-gewang, lumabas ako ng unit ko at sumakay ng elevator papunta sa taas.
Nang marating ko iyon ay tinanaw ko ang buong city view. Kahit malabo ang paningin ko gawa ng alak, manghang-mangha ako sa ganda nito.
"f**k you kayo lahaaaat!" Sigaw ko.
"f**k you kayoooo!" Humahalakhak ako habang isinisigaw 'yon. Sinilip ko ang baba at halos malula ako. Parang hindi ko gugustuhing mahulog dito, siguradong magkakanda-lasug lasog ang katawan ko. Edi pag namatay ako, ang pangit ko? Ayaw ko nga!
Napatingin ako sa swimming pool na nasa di-kalayuan. Pumunta ako ro'n at nilusong ang mga paa ko hanggang sa umabot na ang tubig hanggang leeg ko. Hayst, ang lamig.
Bahala na, gusto ko ng mawala.
Hindi pa man ako tuluyang lumulubog nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa parteng mababaw. Agad ko namang tinignan kung sino ang nangahas na gumawa no'n. My jaw dropped when I saw who that person is.
It's Art.
Nakasuot siya ng plain black shirt and shorts. Ang isang kamay ay nakahawak sa braso ko habang ang isa ay nakahawak sa camera. Agad kong binawi ang braso ko at tinignan siya nang masama. I can see confusion in his eyes. He cringed when he recognized the smell of liquor coming from my breath.
"Ano bang ginagawa mo?! Bakit mo 'ko pinapakelaman, ha?! Layuan mo nga 'ko!" I whined. Inirapan ko siya at tumalikod. Nagsimula akong bumalik do'n sa puwesto ko kanina.
"Marunong kabang lumangoy?!" Pasigaw na tanong niya.
"Hindi! Magpapakalunod ako, at wala kang magagawa do'n!" Sigaw ko habang hindi siya nililingon. Mabilis akong naglakad sa malalim na part. Narinig ko pa ang mahina niyang pagmura pero hindi na 'yon pinansin. He has nothing to do with what I feel right now. It's none of his business. Hindi naman kami close kaya 'wag siyang pakilamero!
Naramdaman ko na ang unti-unti kong paglubog sa tubig. I halted my breath and closed my eyes. I was about to accept my death when a pair of hands grabbed my waist.
Naramdaman kong niyakap nya ang baywang ko at iniangat ang katawan ko sa tubig. Napa-ubo naman ako hanggang sa makapunta kami sa gilid ng pool. Hinawakan niya ulit ang baywang ko at iniangat ako para makaahon.
Bakit niya ba ako nililigtas?! What the hell is wrong with him?!
"Ano bang kalokohan ang ginagawa mo?!" Napamaang ako nang galit siyang sumigaw matapos niyang makaahon. He's clenching his jaw and he's looking at me intently and darkly.
I don't really understand him. He's freakin' ruining my suicidal plan!
Padabog naman akong tumayo habang nakakunot ang noo.
"Alam mo, epal ka! Hindi naman kita inaano ah! Mind your own business!" I shrieked and ran away.
Nakakainis! Malapit na sana akong mamatay kung hindi lang siya umepal! Ano bang paki niya kung malunod ako?! As if he cares!
Tumakbo ako papunta sa railings ng roofdeck. Sumampa ako do'n at tinawid ang paa ko hanggang sa makarating ako sa kabilang side ng railings.
"Vienxieren!" Natigilan ako nang marinig na naman ang sigaw niya. I looked at him angrily. Tumatakbo siya papalapit ngayon sa 'kin. Basang-basa siya at mas lumilitaw ang kaguwapuhan niya.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Akala niya ba maaakit niya ako? Hell no!
"H-huwag kang lalapit, d'yan ka lang! Hayaan mo na 'ko!" Sigaw ko at napatingin sa ibaba. Nasa alanganing posisyon na ako kaya isang maling galaw ay puwede akong mahulog.
"f**k! Huwag kang tatalon!" Napatingin ako ulit sa kaniya. He looks concern. Para bang takot na takot na mahulog ako.
"Please, don't do that.." kalmadong sabi niya.
"At bakit naman kita susundin?!"
"Kasi mas matanda ako sa 'yo!"
"What?! I don't care! I just want to die!" Talagang yun pa ang sinagot niya, huh?! Kasi mas matanda siya?! I'm not his younger sister to follow his words!
Napasabunot siya sa sarili niyang buhok. He looks problematic. Sa kilos at tingin niya ay para siyang natataranta. I bet this time he doesn't know what to do. He's panicking.
Pero desidido ako sa gagawin ko. Desidido akong magpakamatay. And no one can ever change my mind!
I heard him heaved a sigh. "f**k, Vienxieren. I love you. Please, wag mong gawin 'yan."
Dahil do'n, natigilan ako at napatingin sa kaniya. He's looking at me intently. Ewan ko kung dala lang ba 'to ng kalasingan pero mapupungay ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin. His gaze tells that my existence matters. Is this for real?
"M-mahal mo 'ko? M-may nagmamahal sa 'kin?" I asked him in disbelief. He closed his eyes and gulped. He licked his lower lip and bit it.
"Oo, mahal kita."
Pagkatapos ay mariin niya akong tinignan. Disheveled hair, brown glistening eyes, and soft aura, he offered his hand on me.
"Kaya please, wag mo na gawin 'yan. Halika na."