6: Feelings?
Mariin siyang nakatingin sa mga mata ko habang inilalahad ang palad niya. Bahagya siyang nakayuko na para bang natatakot sa puwede kong gawin.
"Halika na. Hold my hand," pangungumbinsi niya. I looked at his hand. Napasinghap ako bago mag-desisyon.
What I feel right now is appreciation. Para bang bigla nalang akong naging thankful na nasa harap ko siya at ipinararating na mahalaga ako.
"Don't be scared. Aalalayan kita." His voice is full of concern and comfort. Kaya naman dahan-dahan kong inilagay ang isang kamay ko sa palad niya. Hinawakan niya iyon nang mahigpit. Inalalayan niya akong umakyat muli sa railings hanggang sa makabalik ang paa ko sa sahig ng roofdeck. He took his camera from the floor.
"Tara?" He muttered. Hindi naman ako nakapagsalita dahil natulala ako sa nangyari.
Namalayan ko nalang ang sarili ko na naglalakad kasama siya. I questioned my value earlier but now, I feel like there is someone who can see my worth. Yung halaga na matagal nang hindi naiparamdam sa 'kin.
Mabilis akong nakabalik sa unit ko. Chineck ko ang oras, 11:15 pm na. Agad akong pinunasan ang katawan ko ng tuwalya at saka nagpalit ng damit. Uminom ako ng tubig pagkatapos ay dumiretso ako sa terrace.
Lasing ako pero kaya ko pa ang sarili ko. I put my arms on the railings. Nagsindi ako ng yosi at mariing humiphip bago nagbuga ng malaking usok. Iilang ilaw nalang ang bukas mula sa mga buildings na nasa harap ko.
Napatingin naman ako sa kabilang terrace na nasa kanan ko nang sumulpot si Art mula roon. Nakapagpalit na siya ng damit pero basa pa rin ang kaniyang buhok. Nakasuot na siya ng manipis na t-shirt na peach at kulay white na short.
"Akala ko tulog kana," sabi ko sabay hiphip ng sigarilyo at pinalabas ang usok mula sa ilong. Itinaas ko ang yosi ko sa kaniya. "Do you smoke?"
Napangiwi siya bago umiling. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa mga buildings sa harap habang inuubos yung sigarilyo. I looked at the sky. Maraming bituin at nagbibigay ng liwanag yung buwan doon. I really love the view. I can't take my eyes off it.
"What are you thinking?" Naikunot ko ang noo ko nang magsalita siya mula sa gilid. I gazed at him and saw him looking at the city lights. Tumingin siya sa 'kin at saglit na natigilan. Seryoso ang mukha niya at iilang sandali pa ay naikunot niya ang kaniyang noo.
"May pasa ka." Napa-iwas ako ng tingin nang sabihin niya 'yon.
"It doesn't hurt," sabay tapon ko ng yosi sa gilid.
"I know," he replied.
For the first time in my life, pinagbuhatan ako ng kamay ni Papa. Dati naman puro masasakit na salita lang ang sinasabi nila, walang pisikalan. Is it my fault for receiving this slap from him? Do I really deserve this? Deserve ko bang itakwil dahil lang sa lame reason na sila lang rin naman ang may kagagawan?
"Art," I stuttered. Hindi ko na kaya 'to. "G-gusto kong umi...yak."
Tumingin ako sa kaniya. Nag-nod lang siya na ipinararating na okay lang sa kaniya na umiyak ako. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. I hate him so much but what will I do? I need someone to talk to. I know he's still a stranger to me but I believe that he's somehow a good listener.
Maya-maya pa ay nagsimula na akong umiyak. I've been holding back these tears for a long time. Hindi ko naiwasang humagulgol kaya ipinantakip ko ang dalawa kong palad sa mukha ko.
"B-bakit ba kasi a-ako nabuhay?" I whispered in between my sobs. Napansin ko naman ang pagbuntong-hininga niya habang nakatingin lang sa akin.
Isang oras din akong umiyak. Nang mapagod ako ay naupo ako habang pinagmamasdan ang mga buildings sa harap na unti-unti ng nawawalan ng ilaw. Siya naman ay nakatayo pa rin sa gilid ng railings habang tinatanaw ang kalangitan.
"I don't know you," I heard him. "I don't know your story."
"Pero... naniniwala akong magiging maayos din ang lahat."
Napapikit ako pagkatapos niyang sabihin 'yon. Ilang minuto rin ang lumipas bago siya muling nagsalita.
"Look, inaantok kana. Go to your room now. Tutulog na rin ako." Pagkatapos no'n ay narinig ko na ang pagsarado ng pinto ng terrace niya.
Tumayo na rin ako at ibinagsak ang sarili sa kama.
Napadaing ako sa sakit nang imulat ko ang mga mata ko kinabukasan. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga.
Naalala ko yung mga nangyari kagabi kasama si Art.
"f**k, Vienxieren. I love you. Please, wag mong gawin 'yan."
"M-mahal mo 'ko? M-may nagmamahal sa 'kin?"
"Oo, mahal kita. Kaya please, wag mo na gawin 'yan. Halika na."
Hindi kaya panaginip lang 'yon?
Naligo na ako at nagbihis para pumasok. Nag-make up din ako para matakpan ang pasa ko at ang pamamaga ng mata ko.
Pagkalabas ko ng unit ay nakita ko si Art na kalalabas lang din ng unit niya. Napahinto ako at tinignan siya. Tumingin din siya sa 'kin saglit pero agad niya rin akong nilagpasan. Naglakad na siya papuntang elevator at sumakay. Tss, suplado.
The door was about to close when I ran and pushed the button. Kaming dalawa lang ang nasa elevator at hindi kami nag-iimikan. I smirked when I remembered his words last night.
"Mahal mo 'ko?" Biglang sabi ko nang hindi siya nililingon. Napansin ko namang tumingin siya sa 'kin.
Nang marating namin ang ground floor ay mas nauna siyang lumabas. Napangisi naman ako lalo at hinabol siya hanggang sa sumakay siya sa sasakyan niya. Sumakay din ako sa sasakyan ko at sinundan siya tutal pareho lang naman kami ng dadaanan papuntang school.
Nang maabutan ko ang sasakyan niya ay ibinaba ko ang salamin sa bintana ko. At dahil nakabukas din ang kaniya, nginisian ko siya nang mapang-asar.
"You love me pala, huh."
Napalingon naman siya sa 'kin at agad na sinara ang bintana. Bwahahaha!
Nang makarating sa parking lot ay nihinto ko ang sasakyan sa tabi ng sasakyan niya. Sabay kaming bumaba pero mabilis siyang naglakad palayo.
"Ang sungit mo, Art!" Sigaw ko pero hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Nang dumating ang break time ay inaya ko sina Pam, Yuri at Shy na maki-table kila Art.
"Huh? Bakit mo naman naisip 'yon? Hindi ba't ayaw mo sa kaniya?" Yuri asked in confusion.
"Basta," sabi ko. Pinuntahan na namin ang grupo nina Art na nasa table na mahaba. Pinangunahan ko ang paglapit.
"Oy, Vien!" Jin greeted.
"Hi, Jin!" I greeted back. "Makiki-table kami, huh?"
"Sure."
Agad naman kaming umupo. Nasa harap ko si Art na ngayon ay busy sa pagkain. Katabi niya si Jin at ang tatlo pang lalaki na hindi ko kilala.
"By the way, he's Caleb, Clint, and Zach." Itinuro ni Jin ang mga kaibigan niya. Si Zach ay natatandaan ko dahil siya yung kumanta during party.
"Yuri, Pam, and Shy," sabi ko naman. Napansin ko pang nagsikuhan yung tatlong babae. Nagsimula na rin kaming kumain. Maya-maya pa ay tumayo na si Art.
"I'm done. Una na 'ko," sabi niya at saka tumalikod at umalis na.
Wait, siguro naiilang siya sa 'kin? Haha, feelings nga naman.
Napatingin naman ako sa mga kaibigan niya na naguluhan din.
"Uhmm, sundan ko lang ha?" Sabi ko naman at tumayo na rin. Naglakad ako para sundan si Art na ngayon ay naglalakad sa hallway.
"Uncomfy?" Malakas na tanong ko na nagpahinto sa kaniya. Pumunta ako sa harap niya habang nakangisi nang wagas. Nakatingin naman siya sa 'kin nang seryoso. Unti-unting nawala ang ngisi ko.
Art is really gorgeous. Kahit may peklat ang mukha niya, kitang-kita ang face value niya. Nakakatakot siya tumingin dahil masyadong seryoso ang mga titig niya mula sa mga maliliit niyang mga mata.
"Art, do you really love me?" I asked. Malay ko ba kung nahulog na siya sa 'kin. I know that I am irresistibly pretty, marami ng na-fall sa kagandahan ko.
Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang braso ko. His face moved closer and I can smell his breath.
Slowly, he shook his head. "No."
Bigla siyang lumayo. "Hindi kita mahal. Hindi kita gusto. Niloloko lang kita," he added.
Natawa ako nang mapakla. "Imposible."
"Ikaw lang ang lalaking hindi nahuhumali sa 'kin," sabi ko pa.
He put his hands in his pocket and he twisted his lips. "Vienxieren, hindi lang ikaw ang maganda sa mundo."
Naikunot ko ang noo ko.
"At hindi lahat ng lalaki, nahuhumaling sa physical appearance. Honestly, I don't see any special in you." He tilted his head as if he's looking at a thing he doesn't like.
"You are not my ideal type. And I can't imagine myself loving you," pagtatapos niya.
What the f**k?!
"H-hoy!" Pag-angal ko. "Ang sakit mo naman magsalita!"
Hindi niya ako pinansin at tumalikod lang.
"Puwede pa rin naman tayong maging magkaibigan, ah?!" Pahabol ko. Napahinto siya pero hindi siya lumingon sa 'kin.
"We can't."
"Bakit na naman?!"
"Because we live in a different side of the world."
"Huh?!"
"We're completely opposite. It's like... dark and light. Our lives are different."
"What do you mean?"
"Magkaibang-magkaiba tayo ng ugali at personality. Hindi tayo magkakasundo."