7: Tutor
"What now? What are you going to do?" Tanong sa akin ng cousin kong si Jazel. Patago kaming nagkita at hindi ito alam nina tita. Alam kong hindi siya papayagan kung sakali. Nakipagkita kasi ako sa kaniya para ikuwento ang ginawa ni papa.
"I don't know, Jazz. Kaka-check ko lang ng bank account ko kanina. 100,000 nalang ang laman no'n. That is only for one month," sabi ko. Nagkita kami sa isang restaurant na malapit lang sa unit ko.
"I think I have to sell my car," I suggested.
"No, you can't do that!" Pag-kontra niya. Nilapitan kami ng waiter at nag-abot ng menu. Pagkatapos namin mag-order ay bumalik kami sa usapan.
"Uhmm, may kilala akong may-ari ng coffee shop and alfresco bar. If ever you want to have a part-time job?"
"Hell no! Hindi ko kayang magtrabaho. I can't, Jazz!" I shrieked.
"Cous, madali lang naman ang mga trabaho do'n. Magtitimpla ka lang ng kape, magseserve ng alak, magpupunas, gano'n lang!"
"How much naman ang salary?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"20,000 a month," sagot niya.
"What?! Eh pambayad ko lang 'yon ng monthly tuition fee, eh! Kukulangin ako, Jazz. May daily needs, electric and water bills pa!" I sighed. "Baka naman...puwedeng bigyan mo 'ko ng pera kahit patago?"
"Sorry, cous. I can't do that. Masyadong mahigpit sina mom and dad when it comes to my money."
"What should I do?" Problemadong sabi ko.
"Hmm, patusin mo na yung work. Wala kabang kaibigan o bestfriend na puwedeng magpatira sa 'yo at ilibre ka saglit?" Natigilan ako sa tanong niya. That hits me. I really don't have...a friend.
"Wala, Jazz."
"Cous, you have to get a boyfriend as soon as possible."
Naikunot ko naman ang noo ko. "Huh?"
"If you have a rich boyfriend, then you can have someone to at least provide your needs."
Napa-isip naman ako sa sinabi niya at hindi na umimik. Dumating na yung order namin kaya naman nagsimula na kaming kumain.
Sinamahan ako ni Jazel doon sa pag-aapplyan kong trabaho para magpasa ng resume at mag-interview. And since kakilala ni Jazel ang may-ari no'n, agad akong nakapasok at puwede ng magsimula bukas.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa unit ko at nahiga sa kama. Actually, tama ang sabi ni papa. Wala akong alam sa mga gawaing bahay. I don't work. Kaya hindi ako sigurado kung kakayanin ko ba. I don't know where my life will be going. Ako na matagal nang asa sa magulang ay tinanggalan ng sustento at suporta. Ako na palaging nagwawalgas ng pera at nagpapakasaya. Aish, paniguradong malaking adjustment ito para sa 'kin.
Kinabukasan, nakarinig ako ng balita na nag-ooffer ang Fierra Innovative College ng scholarship. Kaya naman hinahanap ko ngayon ang office ng admission para mag-apply.
Nang mahanap ko 'yon ay nakasalubong ko si Jin na kasama si Caleb na naglalakad sa hallway.
"Jin!"
Napalingon siya sa akin. "Oy, what are you up to?"
"Hmm, aapply sana ako ng scholarship." Sabay turo ko sa pinto ng office.
"Really? Interesado ka pala sa mga ganiyan?" He asked in surprise. I just nodded.
"Sige, una na kami. Goodluck," he said and winked. Tch, chickboy talaga 'to.
Pumasok naman ako sa office at nagsulat sa application form at saka iyon pinasa. Next week pa ang exam at interview ko kaya may time pa ako para makapag-practice at makapag-review. 'Pag naipasa ko ang interview at exam, makakalibre ako sa tuition fee. So, kailangan kong pagbutihin.
Pagkatapos ng class ay nag-drive na ako papunta do'n sa place kung saan ako magtatrabaho. 1 pm hanggang 9 pm ang work ko dahil 12 noon naman ang tapos ng klase. Pagkarating ko do'n ay agad kong hinanap yung manager nila.
"Ikaw ba si Miss Rey?" Tanong ng babaeng nakasuot ng pulang uniform.
"Yes," I answered. She nodded.
"I am Miss Nica, the supervisor." Nginitian ko lang siya sa sinabi niya.
"Unang araw palang ng trabaho mo late kana," biglang sabi niya na nagpakunot ng noo ko. "Bilisan mo, magbihis kana."
Tumalikod na siya at umalis. Nagbihis naman na ako ng uniform ng barista. Color black ito at long sleeve na button down, black slacks at black heeled-shoes. Napansin kong pinatitinginan ako ng mga lalaking barista. Halos lahat kasi ng service ay mga lalaki.
Dumaan muna ako sa training ng tamang paggawa ng iba't-ibang coffee and wine. Sanitizing, cleaning, and washing. Halos mandiri nga ako sa paglilinis at paghuhugas.
Gabi na at ang ganda ng view ng Malate, Manila mula rito. Makikita mo ang bayview dahil made of glass ang dingding ng shop at nakapuwesto ito sa second floor. Pagkalabas mo naman ay isang alfresco bar. Dumarami na rin ang customers kaya medyo nagiging busy na kami.
May customer na tumawag sa 'kin at pinalapit ako sa grupo nila. "Miss, papunas naman ako ng table."
"Okay," sabi ko at saka umalis para kumuha ng towel.
Nilapitan ako ni Miss Nica. "Vien, ngumiti ka nga! Tignan mo, nakabusangot ka."
I just nodded and simpered. Pagkatalikod ay bigla akong bumuntong hininga. Psh, puro siya reklamo hindi naman siya tumutulong!
Pumunta naman ako do'n sa grupo ng mga lalaki para linisin ang table nila. Napansin kong malagkit ang tingin no'ng isa sa 'kin kaya aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.
"Teka, dito ka muna. Libangin mo kami," sabi niya at tinignan niya ako na para bang hinuhubaran ako. He grabbed my shoulders and I flinched.
"Don't touch me!" I bursted out. He hardly dragged my arms.
"Dali na.." He touched my ass and pinched it. Sa pagkagulat ko ay bigla ko siyang nasapak sa mukha.
"Bastos!" Sigaw ko kaya napatingin din sa akin ang mga customers.
Galit siyang tumayo sa table at saka hinampas iyon. "Asan ang manager mo?!" He screamed.
"Anong nangyayari rito?!" Napatingin ako kay Miss Nica na ngayon ay nasa harap namin.
"Yang barista niyo ninakawan ako!" Galit pa ring sigaw no'ng kupal na lalaking nambastos sa 'kin.
"Hindi 'yan totoo! Bawiin mo 'yang sinabi mo!" Galit na sigaw ko rin.
"Totoo naman! Magnanakaw ka!"
Aba talagang hinahamon niya 'ko ah?
Mabilis akong lumapit sa kaniya at binayagan siya gamit ang tuhod ko. Napadaing siya sa sakit at halos mapaupo siya sa sahig.
"Putangina mo, papatayin kita!" Galit na galit siyang tumingin sa 'kin habang sinasabi niyang papatayin niya ako.
Bigla naman akong hinila ni Miss Nica papalayo at dinala niya ako sa crew room.
"Ano bang ginagawa mo?! Kebago-bago mo, gulo agad ang binigay mo!" Pagsermon niya sa 'kin.
I gritted my teeth. "Eh anong gusto mong gawin ko?! Hayaan siyang bastusin ako?! May pera ako kaya hindi ako magnanakaw! He's p*****t!"
"Ang kapal din naman ng mukha mo para sumagot-sagot, ano? You're fired!" Nagulat man ako ay tinaas ko ang kilay ko sa kaniya.
"Kusa akong aalis kaya hindi mo 'ko kailangang tanggalin." I looked at her from head to toe. "You are dumb. Ipinagmamalaki mo na 'yang trabaho mo porke't supervisor ka? Ni hindi mo kayang ipagtanggol yung employee mo!"
"You suck! Tignan natin kung saan ka pupulutin kung isumbong kita sa may-ari ng shop na 'to!" Pagkatapos kong sabihin 'yon ay pumunta ako sa cr para magbihis at padabog na isinara ang pinto.
Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng crew room at binangga pa si Miss Nica. Nilapitan ko yung grupo kung nasaan yung lalaking nambastos sa 'kin kanina.
"You don't have the right to step down on me! You damn ill-mannered jerk!" Pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad na akong lumabas ng shop at tumungo sa sasakyan ko.
Pagkasakay ko sa loob ay napa-face palm nalang ako dahil sa inis.
Having a job is lame! Hindi ako marunong makipag-plastik sa mga taong gano'n!
Mabilis akong nakauwi sa unit ko. Mag-isa akong nanunuod ng tv sa sala habang kumakain. I didn't bother to call Jazel anymore since nahihiya na 'ko. Hindi ko alam ang dapat kong gawin.
Fuck, kailangan ko pa nga palang mag-review para sa scholarship exam ko. 'Pag naging scholar ako, may allowance ako kahit papa'no. Mabuti rin 'yong pang-inom at panggala ko minsan.
I need to focus on reviewing the exam. Pero hindi ko kayang mag-review nang ako lang. I need help. Hindi naman ako gano'n katalino para madaling makabisado ang mga lessons and terms. And hindi rin ako marunong makipag-usap nang maayos sa interview.
Paano kaya kung... Magpatulong ako kay Art? Sobrang matalino si Art at alam kong malaki ang magiging tulong niya sa 'kin.
Right. Kailangan ko ng tulong ni Art.
Bumukas ang pinto ng unit ni Art nang mag-doorbell ako nang sunod-sunod. Tumambad sa 'kin ang itsura niyang gulo-gulo ang buhok na nakasuot ng maikling short at white na sando.
Shit, ang guwapo niya kahit walang ayos.
Fuck, Vien! 'Wag mong sasabihing naaattract ka sa kaniya? Eeeww.
"Hoy, ano bang tinitingin-tingin mo? Anong kailangan mo?" Nakabusangot niyang tanong. Psh, ang sungit-sungit niya talaga. Feeling niya ba character siya sa K-drama at Webtoon?
"Uhm, Art. Kailangan ko ng tulong mo," diretsang sabi ko.
"Hindi kita kaibigan kaya 'wag ako ang hingan mo ng tulong," sabi niya at nagulat ako nang bigla niyang isinara ang pinto.
Nag-doorbell naman ako ulit nang sunod-sunod at lumapit sa microphone para marinig niya ako sa loob.
"Art, dali na.. Kailangan ko ng tulong mo. Wala akong ibang puwedeng hingan ng tulong, Art." Nagpapaawa ang boses ko para masiguro kong makukuha ko ang loob niya.
"Malaki ang problema ko. 'Pag hindi mo 'ko tinulungan, baka madepressed ako nang tuluyan. Sige ka, baka pumasok na naman sa isip ko yung ginawa ko no'ng isang gabi."
Lumayo ako sa mic at napa-bungisngis. Wala pang ilang segundo ay binuksan niya ulit ang pinto. Sabi ko na nga ba, hindi niya ako matitiis.
"Ano bang tulong 'yon?!" Iritado niyang tanong sa 'kin. Nakakunot ang noo niya at nakabusangot pa rin siya.
Pumasok naman ako sa unit niya at naupo sa sofa. "Eh kasi...magpapatulong sana ako sa 'yo para maipasa ko yung scholarship exam."
Napakamot siya sa ulo niya. "Bakit ako? Hindi mo ba kaya 'yan mag-isa?!"
"Alam ko kasing matalino ka talaga, Art. Malaki ang magiging tulong mo sa 'kin. Sige na, please..."
"Seseryosohin ko yung session natin, promise!" Sabi ko pa at saka itinaas ang kanang kamay.
"Psh, okay." Nilagpasan niya lang ako at naglakad papasok ng kuwarto.
"Kailan tayo magsisimula?" Tanong ko at tumayo para sundan siya.
"Bukas," sagot niya. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti. Binuksan niya ang cabinet at may iniabot sa 'king libro.
"Basahin mo 'yan, bukas tatanungin kita about d'yan."
Kinuha ko naman 'yon. "Hmm, okay."
Ngumiti at tumingin ulit ako sa kaniya na ngayon ay nakataas ang kilay.
"Just make sure," sabi niya.
"Huh?" I asked. Tinignan niya ako sa mga mata nang seryoso.
"You just want the session."
I raised my brow. "What?!"
"I mean, wala kang ibang gusto. Wala kang ibang intensiyon."
"So you think na may iba pa akong intensiyon bukod sa maging tutor kita?"
He bit his lip. "I'm just saying. Ayoko lang i-take advantage mo yun para maging magkaibigan tayo." Ginulo niya ang buhok niya at iniwas ang tingin. "Baka kasi bigla kang mahulog. Naniniguro lang."
Napamaang naman ako at hindi ko napigilang matawa. "Pfft--hahaha! Seriously?!"
"Bahala ka," biglang sabi niya at naglakad papalapit sa kama. Nahiga siya doon at tumalikod sa 'kin.
"Of course! Bakit naman ako maiinlove sa 'yo? Baka nga... ikaw pa 'tong ma-inlove eh." Napangisi ako sa sinabi ko.
"Basta 'wag na 'wag kang magkakagusto sa 'kin," sabi niya.
Psh! Ang dami niyang alam!