8: Untamed
Nasa canteen kami ng school ngayon dahil break time. Hindi ko sinasabi kila Yuri ang sitwasyon ko dahil alam kong mapapahiya ako.
Nang mag-ring ang bell ay agad na kaming tumayo dahil tapos na ang break time. Sinadya kong daanan ang grupo nila Art.
"Art, mamaya ah," nakangisi kong sabi at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi naman siya umimik pero nang malayo na ako ay narinig kong kinatiyawan siya ng mga barkada niya.
Haha, nakakatuwa talaga.
Agad akong nagpalit ng danit pag-uwi ko sa unit ko. Sinadya kong suotin ang manipis kong damit para maakit si Art. Bakat na bakat ang collar bone ko at kitang-kita ang makinis at maputi kong kutis sa suot ko. Masasabi kong pinagpala ako pagdating sa physical appearance dahil well-shaped ang katawan ko.
Naglagay din ako ng kakaunting make-up para magmukha akong fresh. Hmm, sigurado akong bibigay din 'yang lalaking 'yan sa 'kin.
Pagkatapos ay lumabas na ako at nag-doorbell sa unit niya. Binuksan niya iyon, tumingin lang sa 'kin saglit at saka tumalikod ulit.
"Pumasok kana," he uttered.
Ehh? Yun na 'yon? Ni hindi man lang siya tumitig sa 'kin saglit? Wala man lang pa-nganga effect or patulo-laway effect with matching twinkle twinkle little eyes? Abaaa, dinededma niya talaga ang beauty ko, huh.
Pumasok na ako at naupo sa couch. "Wala kabang juice d'yan?" tanong ko habang pinagmamasdan siyang inihahanda ang libro, papel, at lapis.
Napatingin siya sa 'kin saglit at saka umiling. Bumalik siya sa ginagawa niya. "Hindi ka bisita kaya 'wag ka mag-demand. Kung gusto mo, magtimpla kana lang para sa sarili mo."
"Psh, sungit," bulong ko.
Nang matapos na siya, pinalapit niya ako at pina-upo sa harap niya.
"Iwasan mo ang pagpupuyat para mas makapag-focus ka sa exam. 'Pag nagbabasa ka at natututo, 'wag mong kakabisaduhin. You have to remember it, isaisip mo." Nag-nod lang ako sa sinabi niya.
"Did you read it?" He asked.
"Oo."
"Sige, subukan mong sagutan 'to." Iniabot niya sa 'kin ang papel na may nakasulat na quiz. Sinagutan ko naman iyon pero hindi ko matandaan yung iba kaya hinulaan ko nalang.
Pagkatapos niyang ma-checkan ang sagot ko ay napatingin siya rito.
"Ano? Ilan ang score?" tanong ko.
"Hindi ko sasabihin, saka na. You have to improve your reading comprehesion and analysis. Saan kaba madalas nalilito o nahihirapan?"
Sinagot ko ang tanong niya at saka may pinabasa ulit sa 'kin. 'Pag hindi ko nage-gets, ine-explain niya 'yon. Puro basa at explanation lang lumipas ang oras namin.
Nang maggabi na ay inaya niya akong magpahinga muna. Nagpaalam naman akong mag-yosi saglit sa terrace niya. Nang matapos ako mag-yosi ay nakita ko siyang nakasuot ng apron at nagluluto.
Sana all marunong magluto.
Naglibot-libot naman ako sa unit niya at pagkatapos ay tinignan ko yung mga librong nasa table. Napansin kong may nahulog na picture sa sahig kaya pinulot ko iyon.
Babae ang nasa picture at mukhang bata pa. Itim at hanggang shoulder ang buhok nito at bilugan ang mukha niya. Singket ang mga mata niya at matangos ang ilong. Maputi rin ito at mapupula't cute ang mga labi. Mukhang naka-ipit ang picture na 'to sa librong binuklat ko.
Napatingin naman ako kay Art at nilapitan siya habang hawak ang picture.
"Art, sino 'to?" I asked. He looked at me and was surprised when he saw me holding the picture. Agad niyang inagaw sa 'kin 'yon at tinago.
"Sino 'yan? Little sister mo?" tanong ko pa. Nilingon niya ako nang nakasalubong ang mga kilay.
"Hindi ka nandito para maki-usisa," sabi niya. Natigilan naman ako at bumalik nalang sa table.
Ang arte niya naman, nagtatanong lang naman ako!
Umupo nalang ako sa couch at naghintay na matapos siya sa niluluto niya. Napasilip ako sa dining table nang maamoy ko na ang pagkain. Tumayo ako at lumapit doon. Nakita kong may nakahain ng pagkain at utensils.
"Woah, chicken cordon bleu. Marunong ka palang magluto
n'yan?" namamanghang tanong ko. Agad akong umupo sa dining chair.
"Tss. Talagang pinanindigan mong dito ka kakain, huh?" naiiritang sabi ni Art. Tinignan ko lang siya at nagpa-cute ng ngiti.
Umupo na rin siya sa harap ko. Kinuha ko na ang utensils at naglagay na ng pagkain sa plato ko. Napatigil ako nang nakita ko siyang hindi pa kumain.
Nag-sign of the cross siya at nagdasal. Napatikhim ako. Hinintay ko muna siyang matapos bago ako nagpatuloy.
"Alam mo ba ako hindi na ako masyadong nakakakain ng mga gan'tong food since wala akong time magluto," sabi ko habang kumakain.
"Marunong kang magluto?" tanong niya.
Uminom ako ng tubig at lumunok. "Hindi nga, eh."
"Puro fast foods nalang ang madalas kong kainin, feeling ko nga nagkakaro'n na ako ng belly fats dahil do'n. Look." Itinaas ko ang damit ko at ipinakita sa kaniya ang tiyan ko.
Saglit naman siyang napatingin doon at saka nasamid. "Alam mo, ang dami mong sinasabi. Kumain kana nga lang!"
"Luh?" Napa-iling nalang ako at napa-irap. Napangisi ako dahil alam kong ang dahilan ng pagkasamid niya ay yung nakita niya yung sexy kong tiyan. Duh, Art. Don't me.
"Baka naman gusto mong hugasan ang plato para sa 'kin?" Gulat akong napatingin sa kaniya. Katatapos lang namin kumain at inuutusan niya akong hugasan ang plato?! No waaay!
Ugh, Vien! Kailangan mong gawin 'yon! Kailangan mong magmukhang ideal girl sa harap niya!
"Oo, sige." Tumango-tango ako at pumunta na sa kitchen sink. Niligpit niya naman ang mga plato at nilapag iyon sa gilid ko.
Teka, paano ako magsisimula?! Ugh! Bahala na!
Hinugasan ko na ng tubig ang mga plato't baso. Pagkatapos ay pinatakan ko ito ng kaunting sabon. Kinuskos ko na ito ng sponge at saka pinabula. Nang ilalapag ko na ang pinggan, nadulas ito sa kamay ko at nahulog sa sahig. Umalingawngaw ang pagkabasag ng plato sa buong unit.
Fuck!
Agad-agad kong pinulot ang basag na plato.
"Hoy! Anong ginawa mo?!" Napatingin ako kay Art na umuusok ang ilong na lumapit sa 'kin.
"Bakit mo pinupulot 'yan?! Tanga kaba?!" Tinabig niya ang mga kamay ko at napansin kong nasugatan ang hintuturo ko dahil sa bubog.
"Hindi kaba marunong maghugas?! Bakit nakakabasag ka?!" Sinigawan niya ako at kumuha ng walis at dustpan. "Umuwi kana nga!"
Tumayo naman ako. Tumingin siya sa akin. He stared at me, while furrowing his brows. Halatang naiinis siya sa ginawa ko. I must say that he's freakin' annoyed and mad.
"Yang sugat mo," sabi niya sabay tingin sa daliri ko. "Hugasan mo 'yan sa inyo at linisin. Pagkatapos ay lagyan mo ng band aid."
Nagwalis na siya pero nakatayo pa rin ako habang pinapanuod siya. He again looked at me. Ang sama ng tingin niya sa 'kin, huhu.
"Umalis kana, ako ng bahala rito. Bukas, magdala kana lang ng sarili mong pagkain o kaya 'wag kana rito kumain."
"Tss, fine." I sighed and turned my back. Naglakad na ako papalayo at lumabas ng unit niya.
Epic fail, Vien!