9: Rants

1204 Words
9: Rants Pagkatapos kong hugasan ang sugat ko ay nilinis ko na ito gamit ang cotton at alcohol. Pagkatapos ay nilagyan ko na ng band aid. Ha'y nako, Art. Wala man lang bang halong ka-sweetan sa katawan mo? Sa ibang nababasa at napapanuod ko, ang lalaki ang naglilinis ng sugat ng babae at ang iba pa nga, sinisipsip pa ang daliri nito para mahinto ang pag-bleed. Psh, hindi talaga siya bagay maging leading man ko. Masyado siyang masungit at suplado. Siguro walang magkakagusto sa kaniya n'yan. Tatanda siyang binata! Kung hindi siya magkakagusto sa 'kin, ibig sabihin bakla talaga siya. Hmp, kunwari pa siyang hindi mahilig sa maganda. Asows, ano siya, walang taste?! "May naging girlfriend na ba si Art?" Tanong ko kila Yuri habang naglalakad kami sa hallway. Papunta kasi kaming field dahil may PE class ngayong araw. "Hmm, wala akong nababalitaan. Ni minsan, walang na-issue sa kaniya rito," sagot ni Yuri. "Second year college kasi si Art no'ng nag-transfer siya rito. And since then, gan'yan na talaga siya. Uninterested in girls," Pam added. "Bakit mo naman natanong, Vien?" Tanong sa 'kin ni Shy. I twisted my lips. "Wala lang." I softly chuckled. "Tingin niyo ba...bakla siya?" biglang tanong ko sila. Napahinto naman sila sa paglakad at binigyan ako ng confuse wrinkles. Este, mga nakakunot na noo. "No! Hindi siya bakla!" Pagtatanggol ni Yuri. Ows, haha. "How sure are you?" sabi ko pa. "Tignan niyo siya." Tinanaw at tinuro ko si Art na nasa loob ng isang classroom, nakatayo siya sa harap at mukhang nagrereport. "Yung mga tingin niya." Pinagmasdan kong mabuti ang mga tingin niyang seryoso, dull, at parang walang kahit anong interes sa kahit na sino. "Anong meron sa tingin niya?" Yuri asked. "Hindi siya tumitingin nang matagal sa mga babae. Kung wala siyang interes sa mga babae, nasaan ang interes niya?" sabi ko. Napagawi ang direksiyon niya sa akin. Tinignan niya lang ako na para bang hindi niya ako kilala. "You're wrong," sabat ni Pam. "He's totally a man," sabi naman ni Yuri. "He respects everyone he sees, especially girls. Hindi niya ito basta-basta tinititigan. Maayos siya makipag-usap although suplado siya minsan at hindi basta-basta namamansin." "Seryoso siya sa buhay. He studies well. Look at his stand, isang future lawyer na handa kang ipagtanggol. Siguradong suwerte ang mapapang-asawa niya. At kung ngumiti siya, nakakatunaw. Kasi bihira niyang gawin 'yon." Nakita ko ang adam's apple niya na bakat na bakat. Maya-maya pa ay unti-unti siyang ngumiti. Isang maliit at simpleng ngiti na mas nakakapagpa-aliwalas ng mukha niya. Napansin kong kinikilig si Yuri na nasa tabi ko. Napa-irap nalang ako. "Psh." Nang matapos ang klase ay mag-isa akong naglalakad sa hallway nang may biglang humawak sa kamay ko. Agad kong tinanggal ang pagkakahawak at tinignan ang lalaking humawak sa 'kin. "Jin!" natatawang sabi ko. Napahalakhak din siya. "Eh kasi ang seryoso ng mukha mo! Nakabusangot ka habang naglalakad na parang gan'to." Bigla siyang sumimangot at humaba ang nguso habang nakakunot ang noo. "Hoy! Ang OA naman n'yan!" pagkontra ko. "No joke, gano'n talaga itsura mo!" sabi pa niya. Hinampas ko siya sa braso at pinanliitan ng mata. "Asan yung kaibigan mong bakla, ha?!" "Sinong bakla?!" "Si Art! Hindi ba bakla 'yon?" Humalagapak siya nang tawa. Tss, parang tanga. "Baka nga bakla 'yon," bulong niya sa 'kin. "Bakit?" bulong ko rin. "Hindi naggy-gym." Napaatras ang ulo ko sa kaniya. "Weh? Bakit?!" Iginalaw niya lang ang balikat niya na sinasabing hindi niya alam. Hindi siya naggy-gym? Pero bakit ang ganda ng katawan niya? Ugh! Anong maganda?! Hindi kaya! "Bye, Jin!" Kumaway ako sa kaniya na pasakay na ng sasakyan niya. He just smiled and nodded. Sumakay na rin ako at pinaandar na ang kotse ko. Pagkarating ko sa unit ay nagbihis at naghanda na ako para sa panibagong session namin ni Art. Mabilis na natapos ang session namin dahil puro pagbabasa at paglelecture lang ang ginawa namin. "Bakit mo gustong maging scholar?" biglang tanong ni Art habang nakayuko na nagsusulat. "Hmm, wala lang," pagsisinungaling ko. Ayokong isipin niya na naghihirap na 'ko 'no. Panigurado kung malalaman niya ang dahilan, siguradong iinsultuhin niya ako. Bigla siyang tumingin sa 'kin. "Wala ka ng pambayad, 'no?" "Huh?! No!" "Aahh, kaya pala nakita kita noong nakaraang araw sa coffee shop, nagtatrabaho. Marunong ka pala magtrabaho?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakita niya ako?! "If you're lacking out of money, ibenta mo yung mga gamit mong hindi mo na nagagamit," he suggested. "What?! No way! I can't do that! At saka, hindi ako naghihirap 'no!" I yelled out. "Okay." He just shrugged and smirked. Tumayo siya at naglakad papuntang kusina. "By the way, where are your parents? Do you even have a family? Siblings?" Natigilan naman ako sa tanong niya. Hindi ko tuloy napigilang maging emotional. Bakit biglang naging interesado siya sa buhay ko? Napansin niya ang pagtahimik ko dahil bahagya siyang napatingin sa 'kin. "Nevermind. It's none of my business anyway," he added. I just simpered and walked towards his terrace. I sighed and saw in my peripheral vision that he entered the terrace too. Ipinatong ko ang siko ko sa railings at napatingin sa lights na nagmumula sa iba't-ibang buildings na nasa harap ko. "They are the reason why I want to be a scholar," sabi ko. "I want to show them how independent I am. Na kaya ko kahit wala sila, kahit wala ang suporta nila." Naramdaman kong lumapit siya at sumandal din sa railings na may malayong pagitan sa 'kin. "You mean...hindi ka nila sinusuportahan?" tanong niya. I just nodded. "In terms of?" "In terms of all." I looked at him. "Tama ka, Art. Wala akong pera, but, hindi ako naghihirap. My parents suspended their support on me. They stopped giving me money. All I have is my savings." Natahimik kaming dalawa nang ilang minuto. Siguro ay hindi niya alam ang sasabihin niya. "Kung kinakaawaan mo 'ko, 'wag mo ng ituloy. Kaya ko ang sarili ko," sabi ko. "No, hindi kita kinakaawaan. In fact, pinagtatawanan pa nga kita sa isip ko." "What?!" Tinignan ko siya nang masama. Ngumisi lang siya at saka umiling. "Paano mo nasasabing kaya mo ang sarili mo eh halata namang lumaki kang spoiled brat? Hindi ka nga marunong maghugas at magligpit." "Are you insulting my capability?" mataray kong tanong sa kaniya. Nanatili pa rin siyang nakangisi habang nakatanaw sa view. "You--" naihinto ko ang pagsasalita ko nang muli siyang nagsalita. "It's okay to ask for help when you're in need," he uttered. "Help?" "Oo. Wala namang masama kung magsasabi ka at hihingi ng tulong sa iba tungkol sa problema mo," sabi pa niya. "You don't have to sugarcoat yourself, at magpanggap na matapang. Minsan, ayos lang naman maging mahina." "At kanino naman ako hihingi ng tulong? Alangan namang sa 'yo ulit? Ayaw ko magkaro'n ng patong-patong na utang na loob sa iisang tao." "No, not on me. Wala kabang ibang kaibigan? A home friend?" I bitterly chuckled. Tinignan ko siya at tinignan niya rin ako. I hate it when I looked at his eyes and I could see my reflection in it. Nakikita ko ang sarili kong mahina at vulnerable. "Wala akong gano'n, Art. I have nothing." Tumalikod ako at sinandal ang likod ko sa railings. "Walang taong nag-iisa. Siguro akala mo lang yun, kasi yun ang iniisip mo." Natahimik lang ako habang nakakunot ang noo. No, hindi niya kasi naiintindihan. Kasi wala siya sa posisyon. "I'm leaving," sabi ko at saka naglakad papalayo. Lumabas na ako sa unit niya at agad na pumasok sa unit ko. Kaya ayaw kong nag-oopen up sa ibang tao, pakiramdam ko ay mas pinararamdam pa nilang mali ako. Na ako ang may kasalanan kung bakit ako nagkakagan'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD