10: Fiancè

1444 Words
10: Fiancè Ilang araw na rin ang lumipas simula no'ng mag-decide akong mag-apply for scholarship. Isang araw nalang din ang natitira dahil kinabukasan na ang exam at scholarship interview. Last day namin ng pagrereview ni Art ngayon. Ini-ready ko ang sarili ko dahil panigurado ay tatanungin niya ako ng mga possible questions ng interviewer. "Maayos ang tindig, pananalita at mayroon kang eye-contact. Good job," sabi ni Art pagkatapos namin mag-practice no'ng interview. I smiled and bit my lower lip. "Ibig sasabihin pasado na 'ko?" masayang tanong ko. "Yes, in my criteria. Tandaan mo, iba-iba ang standard ng tao. May possibility pa rin na mag-fail ka. So you have to keep your feet on the ground, kailangan maging humble ka lang." Tumatango-tango naman ako sa sinabi niya. "Na-perfect mo na ang exams, congrats!" He smiled and stood up. Sinundan ko naman siya na dumiretso sa kusina at nagsuot ng apron. "Anong gagawin mo?" pag-uusisa ko. "I'll be making cupcakes," he answered. I twisted my lips. "Uhm, puwede mo ba akong turuan?" Napahinto siya at tinignan ako. "Bawal." "Dali na, Art. Please?" Nagpa-cute ako sa harap niya kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang tumango at pumayag. Tinuruan niya ako sa paghalo ng ingredients at tamang pagsalang at paggamit ng oven. Ilang minuto lang ay luto na ang cupcakes. Natuwa naman ako nang makita ko ang ginawa namin. "It looks good," I commented. "Kapag na-master mo ang paggawa nito, you can sell it online to at least gain money." Napatingin naman ako sa kaniya at napataas ang kilay sa suggestion niya. Napatango lang ako pagkatapos ay tinikman na ang gawa naming cupcake. "Hmm, ang sarap." Malasa ang pagkakagawa at sobrang labot nito sa bunganga. "Sino ang nagturo sa 'yo nito?" I asked and looked at him. "Si mama," sagot niya habang patuloy pa rin sa pagkain. "Close kayo ng mama mo?" tanong ko pa. "Oo. She's my teacher, who taught me all things." Napatango naman ako at hindi ko maiwasang mainggit. "Why did you choose to live here alone?" I intrigue. Pareho kaming mag-isang nakatira sa condo unit pero sigurado akong magkaibang-magkaiba ang takbo ng buhay namin. Natahimik siya sa tanong ko. Tumayo siya at uminom ng tubig. "I'm not living here alone," sabi niya na nakapagpatayo ng balahibo ko. "What do you mean? May iba pa tayong kasama dito?" gulat na tanong ko. "Wag mo nga akong tinatakot!" "Tanga, hindi." He sighed. "May hinihintay akong bumalik dito." I rumpled my forehead. "Huh? Sino?" Nakagat niya ang ibabang labi niya at napatingin sa malayo. Napansin ko ang pagiging seryoso ng aura niya. May bakas din ng lungkot kaya mas lalo akong na-intriga. "My fiancè. I'm still hoping she's gonna go back to our place," sabi niya. Nagpantig ang tenga ko at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaniya. Ibig sabihin...he's engaged?! Hindi siya bakla?! "M-may fiancè ka?!" gulat kong tanong. Naalala ko yung extra kama na nasa loob ng kuwarto niya. "Oo," sagot niya. Ibig sabihin nagli-live in na nga sila? Pero bakit ni minsan ay hindi ko pa siya nakikita? Asan ba siya? At kailan siya babalik? "W-where is she?" I asked. "Nagpapahinga pa." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Isang napaka importanteng bagay ang nalaman ko mula sa kaniya! Waah! Hindi kaya...nagiging komportable na siya sa 'kin? "What do you mean? Anong nagpapahinga?" naguguluhang tanong ko. Napalingon naman siya sa 'kin at bahagyang napangisi. "Ba't parang interesado ka sa buhay ko?" sabi niya at saka tumawa. Niligpit niya ang ginamit namin sa paggawa ng cupcakes at saka naglakad papalayo. "Tapos na ang session natin, Miss Rey." Kinabukasan ay excited akong pumasok sa school dahil ngayon ang araw ng exam ko. Nakasalubong ko pa si Art sa parking lot at nagulat ako nang ngitian niya ako. "Goodluck," sabi niya. Mabait naman pala si Art at madaling makasundo. Honestly, hindi siya mahirap pakisamahan. Maling-mali sa pag-aakala ng lahat. And I think...we are more than just acquiantances. Naglalakad na ako ngayon papuntang classroom at sinalubong ko sina Shylla ng abot-langit na ngiti. "Vien? Anong ngiti 'yan?" nagtatakang tanong ni Yuri. Hinipo naman ni Pam ang leeg ko. "Are you sick?" sabi ni Pam. "Vien, in love kaba?!" tanong naman ni Shylla. I just chuckled and rolled my eyes. "No, I'm not. Masaya lang ako," I answered while pouting my lips. Lumapit naman sila sa 'kin at mukhang may ibubulong. "Hoy, babae. Are you and Art dating?" bulong ni Pam sa akin. Napaatras naman ako at naikunot ang noo ko. "b***h, mai-issue ka rito. May nakakita daw sa inyo kanina sa parking lot. They saw how Art smiled at you, hindi niya pa 'yon nagagawa sa ibang babae," dagdag ni Pam. I just rolled my eyes. "Edi gumawa sila ng issue! The hell I care?" Napangisi lang ako. Kung magpapaapekto ako, ibig sabihin totoo ang iniissue nila. Duh, I don't care kahit kamuhian pa 'ko ng kung sinumang nagkaka-crush kay Art. Wala naman akong gusto do'n. Nilalapitan ko lang yun, dahil may kailangan ako. Pagkatapos ng klase ay pumunta na ako sa admission office para mag-take ng exam. Kinakabahan man ako ay tinandaan ko nalang yung mga tinuro sa 'kin ni Art. Pagkatapos ng ilang oras, nakaraos din ako sa exam at interview. In the next three days pa malalaman ang result whether pasado ako o hindi. Hapon na nang pumunta ako sa parking lot. My brows furrowed when a group of girls blocked my way. Ang isa doon ay familiar sa 'kin. Kung hindi ako nagkakamali, she was the girl who's tailing after Art last acquiantance party. "Ikaw pala si Vien," she muttered and moved closer. Her eyes scanned my body. "No wonder. You look like a hoe," sabi pa niya na nagpataas ng kilay ko. "Mas bagay pa rin kami ni Art," she added. I rolled my eyes and smirked. Akala ko sa mga palabas lang nangyayari ang gan'to. Pati pala sa totoong buhay ay may b***h kang makikilala na magmamakaawa sa 'yong layuan yung taong gustong-gusto niya. Tss, pathetic. I deeply looked at her. Dahil hindi tulad ng sa mga palabas, hindi lahat ng nakaka-encounter ng gan'tong klase ng babae ay santita. b***h please? I'm bitcher than her. "Saka mo na ako tarayan 'pag tunay na 'yang kilay mo," sabi ko sa kaniya at saka siya nilagpasan. Mabilis akong sumakay sa kotse ko at nakita ko silang nakaharang dito. I lowered down my windows. "Hindi kayo tatabi?! Wanna die?! I will not hesitate to hit you!" Mabilis kong pinaandar yung makina kaya nagkandadapa sila sa pagtabi. Haha! Nakakaawa. Kung magpapaka-b***h lang rin sila, 'wag sa 'kin dahil mas b***h ako. Baka nga turuan ko pa sila kung paano umakto ang tunay na b***h. Syempre dapat, tunay muna ang kilay. Nang makarating ako sa unit ko ay hindi muna ako pumasok dito. Instead, I hit the doorbell button of Art's unit. Binuksan niya iyon at sinalubong ako nang nakasimangot. "Bakit?" inip niyang tanong. Papasok na sana ako sa unit niya nang harangin niya ako. "E-eh?" I demanded. "Tapos na ang session natin. Wala ka ng dahilan para lapitan ako," sabi niya. I simpered. "Bawal?" "Bawal. Alis na." Hinila niya ako palabas at akma na sanang isasara ang pinto nang pigilan ko ito. "Wait!" "Ano pa bang kailangan mo?!" Medyo tumaas ang tono ng pananalita niya kaya nagtaka ako. "Iniiwasan mo ba ako?" I asked. "Bakit naman kita iiwasan?" "Yun nga ehh, why would you avoid me?" pagbabalik ko ng tanong. "Umalis kana lang, layuan mo na 'ko." "No!" Pinanliitan ko siya ng mata. "Iniiwasan mong ma-inlove sa 'kin, 'no?" "What?!" nakakunot-noong tanong niya. "Dahil ba sa fiance mo?" tanong ko pa. "So you think I will be the third party soon?" Binigyan ko siya ng nakakalokong ngisi. "Iniiwasan mong ma-inlove sa 'kin." Tinignan niya lang ako. Bahagya siyang natawa, napatingin sa malayo, at saka umiling. "Iniisip mo talagang maiinlove ako sa 'yo, 'no?" di-makapaniwalang reaksiyon niya. I just puckered my lips and looked at him mockingly. "Who knows, Art? Malay ko ba kung faithful ka talaga? Don't worry, hindi naman ako papayag na maging third party, 'no." Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko at hilahin ako palapit sa kaniya. "Kahit magsama pa tayo sa iisang bahay, hindi kita kayang mahalin." Napamaang ako nang sabihin niya iyon. Napatitig ako sa mga mata niyang nangungusap na para bang wala akong kuwenta. "Kasi iba ang mahal mo," sagot ko. Napatingin siya sa baba at saka umiling. "Hindi." He heaved a sigh. "You act different, Vienxieren." Napaatras ako sa kaniya at binigyan siya ng naguguluhang tingin. "Bukod sa hindi ka marunong mag-sorry, magpasalamat, magdasal, ano pang hindi mo kayang gawin?" I bitterly chuckled. "Marami," sagot ko. "You mean--ayaw mo sa ugali ko?" Hindi siya nakasagot at hindi rin siya makatingin sa 'kin. I frowned and shook my head. "I got it. You actually hate my whole personality." Tinalikuran ko na siya at pumasok na sa unit ko. Napahinto ako nang maramdaman kong nanghina ako sa nalaman ko. Bakit ba hindi ko matanggap na walang sinuman ang kayang makatagal at magtiis sa ugali ko? Teka, bakit ba ako nasasaktan? Eh kaya ko lang naman ginagawa yun kasi alam kong mapapakinabangan ko siya. Yun lang 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD