11: Cassadee Gamboa

1746 Words
11:Cassadee Gamboa "Bakit mo ginagawa 'to?" tanong ko sa kaniya at binigyan siya ng isang naguguluhang tingin. "Ang alin?" tanong niya naman habang hindi maalis ang pagtitig sa 'kin. He's looking at me intently and softly. "Ito, bakit mo ipinararamdam sa akin na spesyal ako?" "Because you're really special. And I like you a lot." Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang ang kaibigang itinuturing ko ay may gusto sa akin. "And I love you, Vien." I quickly chuckled. "You're kidding me, right?" "No, I'm not. I love you." "Bakit naman ako?" "Kasi spesyal ka, Vien. The way you express yourself is...different." Itinapon niya ang yosing hawak niya. "At naniniwala akong hindi lang ako ang makakaramdam ng gan'to sa 'yo. Someday, someone will love you better than I could give." Naimulat ko ang mga mata ko. Panaginip. Nananaginip ako. Napanaginipan ko ang lalaking first love ko. Lahat ng 'yon ay sinabi niya sa 'kin noon. And I just can't help but to blame myself for what had happened before. Kasalanan ko.. Hinayaan ko siya. Sinaktan ko siya kaya siya nagkagano'n. Pinunasan ko ang luha ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Jazel is calling. Umupo ako mula sa pagkakahiga bago sagutin ang tawag. "Jazz?" "Hello, cous. How are you?" "I'm okay, Jazz. Don't worry about me." "Are you sure? May ibabalita kasi ako sa 'yo." "What is it?" "Do you remember the rider you hit two years ago?" "Oo, bakit?" "I found the other rider. And buhay siya, cous." My heart beats fast the moment I heard her from the other line. Napalunok ako at napahawak sa dibdib ko. "R-really?" Kinabukasan ay nakipagkita ako kay Jazz. Gusto kong malaman kung sino yung taong sinasabi niya sa 'kin kagabi. Kung kamusta ang naging buhay no'n, kaninong pamilya siya, at kung ano pa. And if ever that person is really alive, I want to express my sincere apology. Alam kong kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ako nagpakalasing dahil sa pagluluksa sa pagkamatay ni Xenon, hindi mangyayari 'yon. Kung hindi ako nag-drive nang lasing, hindi sana mangyayari ang aksidenteng 'yon. I know it was all my fault. "She's Cassadee Gamboa, 21 years old. Siya yung angkas no'ng motor na nasagasaan mo," sabi sa akin ni Jazel. Minabuti naming magkita sa ice cream parlor para kahit papa'no ay makapagpalamig na rin. Iniabot sa 'kin ni Jazel ang iilang pictures ni Cassadee at kinuha ko naman iyon. As I looked at her pictures, I know that her face is familiar. Para bang nakita ko na siya sa kung saan. "Kamusta siya?" I asked. "Vien," she held my hand. "Buhay siya pero hindi pa nagigising ang babaeng 'yan." "Huh?" Binitawan niya ang mga kamay ko at bahagyang umatras. "Comatose ang babaeng 'yan, Vien. She's in coma for two years," sabi niya na nagpatayo sa balahibo ko. Parang binuhusan malamig na tubig ang buong katawan ko. I gulped in guilt. "Sigurado kabang siya 'yon?" Tiningnan ko ulit ang picture na hawak ko. "Oo, sigurado ako. Narinig ko sila mom na nag-uusap about sa pagsagot ng parents mo sa hospital bill ng babaeng 'yan. They know the victim so they're using their money to cover the mess you've done. They're protecting your family's reputation," she explained. Natulala naman ako sa sinabi niya. I didn't have any idea what my parents are doing all along. "Diba dalawa silang riders? Kilala mo ba kung sino yung nagmamaneho nu'ng motor?" "Hindi ko na alam, cous. Basta ang alam ko, whoever he or she is, I know safe na ang taong 'yon. Si Cassadee lang talaga ang hanggang ngayon ay nakaratay sa ospital." "Alam mo ba kung nasaang ospital siya?" Pagkatapos kong tanungin iyon ay nanlaki ang mga mata niya. "Don't tell me you're going? Kapag may nakakita sa 'yon do'n, siguradong yari ka." I shook my head. "Gusto ko lang siyang makita." Wala namang nagawa si Jazel kaya dinala niya ako doon sa ospital kung nasaan si Cassadee Gamboa. Ngayon ko lang nalaman na possible palang ma-coma ang isang tao for years. Kung titignan mo, imposible ng mabuhay iyon. Wala ng nagigising sa gano'ng tagal ng pagkaka-coma. I slowly walked towards the room. Isinuot ko ang mga hospital protective gears pati na rin ang mask bago ako tuluyang pumasok sa room na 'yon. Nang makapasok ako ay narinig ko ang maingay na machine at nakita ko ang lifeline sa gilid. Sa isang mahaba at malaking higaan, naroroon si Cassadee na nakahiga at puno ng nakakabit na apparatus ang katawan. Nilapitan ko siya at sinilip ang mukha niya. Payapa at mahimbing siyang natutulog. Kung magigising siya, magagalit kaya siya sa 'kin? I ruined her life because of my irresponsibility. Tama si Papa, that accident was my fault. Sana ako nalang yung napuruhan. Naramdaman kong mabilis na bumukas ang pinto. "Sino ka?!" Agad akong napalingon sa lalaking pumasok sa kuwarto. Natatakpan ang kalahati ng mukha niya dahil sa face mask. Nataranta ako kaya naman mabilis akong lumabas. Hindi pa man ako tuluyang nakakaalis nang hawakan niya ang braso ko. Will all of my force, tinanggal ko ang braso ko mula sa kaniya at mabilis na tumakbo papalayo. Hinabol niya ako kaya naman mas lalo kong binilisan. Nang masiguro kong hindi niya ako nasundan ay agad kong tinawagan si Jazel at sinabing muntik ng may makahuli sa 'kin. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at ako naman, nag-decide akong tumambay muna sa park. Since nakakaaliw naman tumambay doon, nang gumabi ay bumalik ako sa sasakyan ko. Ayaw ko pang umuwi kaya naghintay akong gumabi pa at nagbalak na bumalik sa ospital na 'yon. 10 pm na nang bumalik ako sa ospital. Sinabi ko lang na anak ako ni Mr. Rey kaya hinayaan na nila akong pumasok. Gusto kong bumalik sa kuwartong iyon. Para bang may nagtutulak sa akin na pumasok ulit doon. I again wore the gears and mask. Dahan-dahan akong pumasok at lumapit kay Cassadee. Hinawakan ko ang kamay niya at hindi ko na napigilang umiyak sa harap niya. "S-sorry.." Bumibigat lalo ang dibdib ko sa t'wing maiisip ko na may taong nagkagan'to dahil sa kagagahan ko. I know she doesn't deserve this. "Kasalanan ko k-kung...bakit ka nandiyan. Ako ang dahilan kung bakit ka naaksidente..." The room was fulled with cries and sobs coming from me. My lips and knees were trembling. "Sorry, ate.. S-sorry.." "I should've not let it happen. H-hindi ko s-sinasadyang masagasaan ang motor niyo.. Sorry... I'm so sorry..." Nakarinig ako ng kaluskos na nagmumula sa cr ng room. Kaya agad akong napatunghay at lumabas sa kuwartong 'yon. I removed the gears and walked away. Nang makalabas ako sa ospital ay sumakay na ako sa kotse ko at agad na umuwi sa unit ko. Kinabukasan, pagpunta ko sa school ay nakita kong may pinagkakaguluhan sa school ground. Hindi ko naman napigilang maging chismosa kaya sumilip ako nang kaunti. Nakita ko si Art na pinagkakaguluhan, sa harap niya ay naroon yung babaeng peke ang kilay na nagtaray sa 'kin noong isang araw sa parking lot. "Anong nangyayari?" usisa ko. "Si Art kasi, sinigawan niya si Dhalia," sagot ng isang students na nasa tabi ko. "Dhalia?" "Oo, si Dhalia. Matagal na kasing may gusto 'yan kay Art. Tapos nagulat nalang kami nang ni-confront niya ito tapos pinahiya. Ngayon niya lang ginawa 'yan," dagdag niya. "Oo nga. Ang sama naman pala ng ugali niya," komento naman no'ng isang kasama niya. My forehead creased. Lumapit ako sa spot nila at nagpakita kay Art. Nakisingit pa ako sa mga nakiki-usyosong students na pinalilibutan si Art at Dhalia. "Art!" pagtawag ko sa kaniya. Napagawi ang direksiyon niya sa 'kin. Napansin ko namang mas lalong nagsalubong ang kilay niya nang makita ako. Matalim siya kung tumingin at nakaawang ang mga labi niya. I don't know how to react so I just dragged him out of them. Nang makarating kami sa hallway ay nagpumiglas siya sa hawak ko. "Ba't kaba nangingialam?!" he hissed. Nagulat naman ako sa attitude niya. "La, sungit mo ah! May period kaba?!" sigaw ko rin sa kaniya at inirapan siya. He just sighed and shook his head. "Sa susunod, 'wag ka ng mangingialam ah!" Sigaw niya pa na lalong nagpasalubong ng kilay ko. Napa-nganga rin ako sa kasungitan niya. Tumalikod na siya at naglakas nang mabilis papalayo sa 'kin. "H-hoy!" sigaw ko pa pero parang wala siyang naririnig. Tss. Ano kayang problema ng lalaking yun? Pagkarating ko sa classroom ay agad akong sinalubong ng mga classmates ko. "Oy, Vien! Anong nangyari sa inyo ni Art? Break na ba kayo? Bigla raw kasi siyang sumungit at yumabang!" sabi no'ng isa kong classmate. What?! Anong sinasabi nila?! Eh hindi naman naging kami?! I just rolled my eyes and sat down. Wala akong time para mag-explain para sa mga issue nila. Bahala sila kung anong gusto nilang isipin. Mabilis na natapos ang klase. Hindi ko nakita si Art pati ang barkada niya. Kasalukuyan akong naglalakad sa school ground papasok sa parking lot nang may sumabunot sa 'kin. "Malandi ka!" malakas na sigaw ng babaeng nasa likod ko. Agad ko naman siyang hinarap. Si Dhalia. "Mang-aagaw! Freak! Hoe!" she exclaimed. Galit na galit siya dahil kitang-kitang ko kung pa'no mag-ngitngitan ang mga ngipin niya. "What the f**k is your problem?!" pagsigaw ko rin sa kaniya. I was dumbstruck when she slapped me. "Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakagano'n si Art! Nilandi mo siya!" Napataas ang kilay ko at napamaang. "I don't get you. Bakit ko naman lalandiin 'yon? Hindi ko kasalanan kung naaakit siya sa 'kin!" "What?!" She chuckled. Napahinto naman kaming dalawa sa pag-aaway nang dumaan sa harap namin si Art. Napatingin siya sa 'min saglit pero nilagpasan niya lang kami na parang wala siyang nakita. "You'll pay for this, freak!" Sasampalin pa sana ako ni Dhalia nang masalo ko ang kamay niya. I twisted her arms causing her to squeal. I pushed her away and ran. Hinabol ko si Art na ngayon ay nasa parking lot at pasakay na sa kotse niya. "Art Brennan!" I shrieked. Napahinto siya at tamad akong tinignan. Sobrang seryoso ng mukha niya at para siyang naging mukhang bad boy sa mga tinginan niya. "What the f**k is going on?!" I wailed. Mabilis akong naglakad papunta sa kaniya pero agad siyang sumakay sa kotse niya. Hinampas ko pa ang windshield niya pero pinaandar na niya ang sasakyan kaya wala akong nagawa. Napabuntong-hininga ako at nasapo ang sariling noo. Naalala ko yung sinabi niya sa 'kin nitong nakaraang araw. "Tapos na ang session natin. Wala ka ng dahilan para lapitan ako." Does he really mean that? Talaga bang ayaw na niyang lumapit ako sa kaniya? "You act different, Vienxieren. Bukod sa hindi ka marunong mag-sorry, magpasalamat, magdasal, ano pang hindi mo kayang gawin?" "Marami," sagot ko. "You mean--ayaw mo sa ugali ko?" "I got it. You actually hate my whole personality." If he hates my personality, then I will f*****g change! Teka? Baka nagtatampo lang siya sa 'kin dahil hindi ko siya pinasalamatan sa pagtuturo niya sa 'kin? Maybe...he just wants my thank you. Psh. Baduy talaga niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD