12: Confrontation
Mabilis kong pinaandar ang kotse ko at mabilis na nakarating sa Cambria Residences kung nasaan ang unit namin ni Art. Pagkarating ko sa 38th floor ay sunod-sunod kong pinindot ang doorbell button ng unit ni Art.
Hindi niya ako pinagbubuksan. Alam kong nandito na siya sa loob dahil mas nauna siyang makarating kaysa sa 'kin. Buwisit naman. Ano, susuyuin ko pa siya? Napakabaduy talaga ng lalaking 'yon! Bakla amputa!
Inilapit ko ang bibig ko sa mic. "Hoy, Art. Mag-usap tayo," sabi ko. Iilang segundo ang lumipas pero hindi niya pa rin ako pinagbubuksan.
"Talaga bang hindi mo ako pagbubuksan?" sabi ko pa. "Tss! Bahala ka nga!"
Napa-irap ako at padabog na pumasok sa unit ko.
He's overreacting! Just because I didn't thank him, nagkakagan'to siya?!
Fuck, Vien! Wag mong sabihing crush mo ang lalaking 'yon at hindi mo matanggap na hindi ka talaga parte ng buhay niya dahil isa ka lang malaking pabor?!
Darn him for making me feel this! Ugh!
Tomorrow morning, I woke up early to make cupcakes. Inihanda ko ang mga ingredients at tinandaan ko ang mga itinuro sa 'kin ni Art.
Makailang ulit kong sinubukang gawin 'yon. I tried my best kasi iilang ingredients na ang nasayang ko. At nang magawa ko ito nang perfect, nilagay ko ito sa isang lunch box.
I don't know why this idea came up into my mind. Pero ang alam ko...ginawa ko ito as a peace offering for Art Brennan. I know this will be helpful, this might soften his heart a bit. Alam kong nagtatampo lang 'yon. At saka, thank you gift ko na rin. Para naman kahit papa'no, gumanda ang image ko sa kaniya! He thinks of me as a mannerless woman!
Nang matapos ako ay naligo na ako at naghanda sa pagpasok. I prepared everything and went inside my car. I drove smoothly towards the campus.
Pagkarating ko ro'n, may pinagkakaguluhan na naman. But not him anymore, it was a bulletin board. Sumilip din ako.
"Omg! Tanggap ako!" rinig kong sabi no'ng isa.
Ano ba yun?
Lumapit ako at nanlaki ang mga mata ko nang makitang lumabas na ang results ng scholarship exam at nakapaskil ito.
I immediately scanned the names to find mine. Nanlaki naman ang mga mata ko at napa-nganga ako sa tuwa nang makita ko ang pangalan ko sa list ng mga scholars.
While I was grinning in happiness, nahagip ng mata ko si Art kasama ang mga barkada niya. Kaya naman mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya.
"Art!" Natigilan sila sa paglakad. Hindi naman siya lumingon sa akin.
"I passed! Scholar na 'ko!" Sa sobrang tuwa ko, nayakap ko siya. His reaction made me confused. Naitulak niya ako na para bang pinandidirihan niya ako.
"H-hoy?" nauutal kong tanong. Magkasalubong ang kilay niya at napagawi ang direksiyon niya sa 'kin pero hindi niya ako magawang tignan.
Naalala ko yung cupcakes na ginawa ko. Agad ko 'yong kinuha sa bag ko at iniabot sa kaniya.
"Oh, ginawan kita. Bilang kapalit sa pagtulong mo sa 'kin," sabi ko. Napatingin siya roon pero hindi niya yun tinanggap at muli siyang naglakad para lagpasan ako. Hinabol ko naman siya at hinawi ang balikat niya.
"Hoy, Art Brennan! Tanggapin mo na 'to! Masyado kang pakipot!" sigaw ko sa kaniya at muling iniabot ang lunch box.
Nagulat naman ako nang hawiin niya iyon. Nabitawan ko ang lunch box. Bumukas ito at natapon ang mga cupcakes na ginawa ko sa sahig.
"What the hell?!" I screeched. Yung pinaghirapan kong cupcakes! Minsan lang ako mag-effort tapos ire-reject niya pa?!
"Art! I think you're too much!" sigaw rin ni Jin at hinarap si Art. Hindi naman siya pinansin ni Art bagkus ay ngumisi lang ito sa ginawa niya.
"Gusto ko, eh. Bakit ba?" malamig na sambit niya. I gritted my teeth and clenched my hands into fist.
Humarap ako sa kaniya at hinuli ang mga tingin niya. "Yan ang gusto mo?!"
He's staring at me with a blank expression in his eyes. But the way his brows furrowed, I know there's something. Something that I can't explain.
"Fine! I'm going to stay away from you! Pasensya kana kung pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa 'yo!" Pagkatapos kong isigaw yun ay umalis na ako at naglakad nang mabilis.
Damn! I don't know pero naiinis ako kasi alam kong naiinis siya sa 'kin! At hindi ko alam ang dahilan!
***
Isang linggo na ang lumipas simula no'ng tuluyan kong layuan ang kupal na si Art. Hindi ko na rin siya nakakasabay o nakakasalubong. Maybe talagang iniiwasan niya ako.
Sa isang linggo na yun, ramdam ko ang pagbabago niya. Actually, ramdam ng buong students na kilala siya. Because since that day, naging mainitan daw ang ulo niya. Kapag nakikita ko siya sa canteen, palaging magkasalubong ang kilay niya at nakasimangot. Minsan, bigla-bigla nalang siyang mang-aaway at maninigaw. I can't believe that innocent nerdy guy turned into a beast.
And freak, ako ang sinisisi ng lahat. The rumor is spreading that I, Vienxieren tamed that PolSci student and when he fell in love with me, I broke his heart. Kung anu-anong rumor ang kumalat kaya ang tingin ng lahat sa 'kin, isa akong heartbreaker. Hinayaan ko nalang yun kahit pa madalas akong makatanggap ng threats. Sikat na ako at halos kilala ng lahat, wala akong problema do'n.
Ang pinoproblema ko ngayon, kung saan ako kukuha ng pera. Then, I remember something.
"Kapag na-master mo ang paggawa nito, you can sell it online to at least gain money."
Yun ang sabi sa 'kin ni Art the day he taught me how to do cupcakes. Kaya naisipan kong mag-search pa ng ibang flavors ng cupcake na puwedeng gawin. I tried to do cupcakes as many as I can. Pagkatapos ay pinicturan ko lahat iyon at pinost online. Maybe at some point, kikita ako sa gan'tong uri ng negosyo. Whatever.
After that, I decided to go to a nightclub. Susulitin ko ang pagpunta at pag-inom dito habang sobra pa ang pera ko. Because I know in the next coming days, I need to budget my money.
I wore my black ripped jeans, wedges and a black tube. Makapal ang nilagay kong make-up at nilugay at kinulot ko ang mahaba kong buhok.
Medyo may kalayuan ang pinuntahan kong club. Exclusive ang nightclub na ito at mayayaman lang ang nakakapunta. Sikat kasi 'yon at...dito kasi kami nagkakilala ni Xenon.
Pagkarating ko roon ay binati pa ako ng mga security and bouncers. Kilala kasi nila ako dahil regular customer ako rito...noon.
"Hi, Miss Vien. Welcome back! Bakit ngayon ka lang ulit pumunta rito?" tanong ng isang bouncer sa 'kin sa malakas na boses. I just gave him a smirk at naglakad na papunta sa counter.
Walang nagbago sa club na 'to. Maingay, magulo, at sobrang usok pa rin. Napailing naman ako nang makitang napalitan na ang bartender nila. Umupo ako sa couch at um-order ng paborito kong drinks. Sinindihan ko ang yosi ko at madiing humiphip dito.
Habang pinagmamasdan ko ang paligid, hindi ko maiwasang maalala lahat ng memories na meron ako sa lugar na 'to. Bawat sulok nito, may alaala sa 'kin.
Kung papaano niya ako unang dinala rito noon, pinakilala sa mga staffs, kung paano kami sabay na nalasing dito, sumayaw, ang mga halik niya, at ang...huli naming pag-uusap.
"Always remember...I love you. I will do everything for you."
His last words to me before the day he died. Yun din ang huling araw na nakita ko siya. No'ng namatay siya, pinagbawalan ako nina papa na lumabas. I don't even have any idea where he was buried. I f*****g don't know his identity! All I know is his name was Xenon.. Ni hindi ko man lang siya nadadalaw. Simula no'ng namatay siya, ngayon lang ulit ako bumalik sa lugar na 'to. Ang nightclub na nagsilbing tagpuan namin noon.
Pinahid ko ang luha sa pisngi ko nang tumulo ito. Nabuburyo ako kaya naisipan kong lumabas.
"Miss Vien, ba't ngayon ka lang ulit pumunta rito?" pag-uulit ng tanong ni Kuyang Bouncer sa 'kin. "Hinahanap---"
"Art?!" gulat na sabi ko nang makita sa di-kalayuan si Art na papasakay sa kotse niya. Anong ginagawa niya rito?!
Tumakbo ako papunta roon at sa kakamadali ko, may nabunggo akong lasing na lalaki.
"f**k! Ano ba 'yan!" bulyaw niya sa 'kin. Nanliit ang mga mata niya nang matitigan ako.
"Teka, ikaw yung girlfriend ni Xenon dati diba? Yung mayabang?!" Inirapan ko siya at akmang aalis na nang hawakan niya nang mahigpit ang braso ko.
"Alam mo ba kung ano ang ginawa sa 'kin ng lalaking 'yon?! He ruined my life!" galit na sigaw niya.
"Get your hands off me!" sigaw ko at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya. Sinuntok ko ang mukha niya kaya nakawala ako mula sa kaniya. Bigla nalang siyang dumukot sa bulsa niya at nagulat ako nang may hawak na siyang baril.
Dahil sa takot, mabilis akong tumakbo papunta sa sasakyan ni Art na paandar na. Malakas kong kinatok ang windshield niya na nagpahinto sa pag-andar nito. Without any hesitation, I opened the door and went inside his car. Umupo ako sa front seat na katabi niya.
Gulat naman siyang napatingin sa 'kin pero wala akong paki at ni-lock ko ang door ng sasakyan.
"Bakit ka nandito?!" galit na sigaw sa 'kin ni Art habang pinandidilatan ako ng mata. Hindi ko naman iyon pinansin dahil tumatakbo papunta rito yung lasing na lalaking may hawak na baril.
"Paandarin mo na! Bilis!" sigaw ko kay Art.
"At ba't ko naman gagawin 'yon?! Bumaba ka!" sigaw rin niya.
"Art!" Pinandilatan ko siya ng mata. Napasigaw ako nang malakas nang hinampas ng lasing yung sasakyan ni Art sa gilid ko. Pinaputok niya yung baril niya sa taas.
"s**t!" Napamura si Art at agad na pinaharurot ang sasakyan papalayo. Napatakip naman ako sa tenga ko nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril.
Buwisit na 'yan! Delikado pa rin talaga sa club na 'to! I will not go back to this place anymore, ever!
"What is that f*****g mess?! Ano na namang ginawa mo?!" Napatingin ako kay Art na ngayon ay galit na galit habang mabilis na pinaaandar ang sasakyan.
I rolled my eyes. "Wala! It's none of your business!"
Napa-iling naman siya sa inis. Naka-ilang sulyap siya sa 'kin at napansin ko ang pagkunot lalo ng kaniyang noo.
Nagulat nalang ako nang ihinto niya ang sasakyan sa gitna ng madilim na kalsada.
"Bumaba kana," sambit niya na nagpalaglag ng panga ko.
"A-ano? Are you kidding me?!" di-makapaniwala kong tanong. Mapakla akong natawa.
"Get out of my car!" sigaw niya habang nakatingin pa rin sa kalsada.
"No way! Bakit naman ako bababa?! Ginu-good time mo na naman ako, Art! Psh!" I crossed my arms. Iiwan niya ako sa gitna ng kalsada tapos ako lang mag-isa? Bakit niya naman gagawin sa 'kin 'yon?
"Sabi ko bumaba ka!" Napapikit ako nang mas lumakas ang sigaw niya. Pagmulat ko ay nakita ko siyang matalim na nakatingin sa 'kin. Parang hindi siya yung Art na kilala ko. Para bang...galit na galit siya sa 'kin at may malaking kasalanan akong nagawa sa kaniya.
"Art, may personal kabang galit sa 'kin?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya. Nag-iwas siya ng tingin sa 'di ko malamang dahilan.
Naramdaman kong nangilid ang mga luha ko na nagbabadyang tumulo. Pagkaraan ay hindi ko na ito napigilan at tuluyan na itong tumulo sa mga pisngi ko.
Fuck, bakit ako umiiyak?
Napatingin siya sa 'kin at mas lalong kumunot ang noo niya. He clenched his jaw and his lips parted.
"Wag mo 'kong idaan sa pag-iyak mo. Hindi ako maaawa sa 'yo," matabang niyang sabi. Pinunasan ko ang luha ko at hindi ko na napigilan ilabas ang hinanakit ko.
"Ano bang nangyayari sa 'yo?! Bakit ba bigla kang nagkakaganiyan? I know there's something wrong! Hindi ka naman ganiyan!" I spilled out.
Bahagya siyang ngumisi. "Nagkakamali ka, gan'to talaga ako."
"No! Art, kahit saglit, nagkasama tayo! At alam kong hindi ka ganiyan dati! Bakit parang ang tigas mo na yata ngayon?!"
"Stop acting like you know me! Hindi mo 'ko kilala, wala kang alam sa 'kin!" sigaw niya. Napa-iling nalang ako dahil hindi ko siya maintindihan. Gulong-gulo ako sa nangyayari sa kaniya.
"W-what the f**k is wrong? You freak," kalmadong sabi ko.
Natahimik siya. Ilang sandali pa ay hinampas niya ang manibela at galit na tumingin sa 'kin.
"Nagagalit ako, Vienxieren! Galit ako sa mundo, sa lahat! At mas lalong galit ako sa 'yo!"
"Ano bang ikinagagalit mo, ha?!"
"Ikaw! Ikaw mismo! I hate you! I hate your existence! Kasi nang dahil sa 'yo, hindi pa nagigising ang fiance ko!"
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Gulat ko siyang tinignan at doon nabubuo sa utak ko ang puzzle na dahilan kung bakit siya galit na galit sa akin.
"Kasalanan mo kung bakit siya nando'n! You are a life wrecker! You ruined everything! At kung hindi magigising si Cassadee, isusumpa kita Vienxieren sa buong buhay ko!" Halos pumiyok siya sa pagsigaw at doon din kumawala ang luha sa mga mata niya.
Sumikip ang dibdib ko sa mga nalaman ko. Naalala ko ang mukha ni Cassadee na nakahiga sa kama. Pati na ang sinabi ni Art sa akin noon.
"I'm not living here alone."
"What do you mean? May iba pa tayong kasama dito?"
"Tanga, hindi. May hinihintay akong bumalik dito."
"Huh? Sino?"
"My fiance. I'm still hoping she's gonna go back to our place."
"M-may fiance ka?!"
"Oo."
"W-where is she?"
"Nagpapahinga pa."
Siya rin ang babaeng nakita ko sa picture. Siya ang babaeng may-ari ng extra kama sa kuwarto ni Art.
So, siya pala. Si Cassadee Gamboa. Ang fiance niyang nagpapahinga pa, at hinihintay niyang bumalik.