13: Heartless Sa madilim na kalsadang hinintuan namin, kitang-kitang ko pa rin ang mga mata niyang kumikislap dahil sa mga luha niya. Art is crying...at alam kong dahil yun sa sakit at galit. Hindi ko rin mapigilang humikbi dahil kahit ako, nasasaktan sa nangyayari. Hindi ko akalaing magkakagan'to. Hindi ko akalaing si Cassadee and fiance ni Art. Hindi ko akalaing hahantong sa gan'tong confrontation ang aksidenteng akala ko'y limot na ng lahat. Kaya ba may peklat ang mukha niya ay dahil siya ang nagmamaneho ng motor na 'yon? Bigla naman niyang hinawakan nang marahas ang braso ko. "Bakit hindi ka nagpakita?! Matagal naming hinanap ang hustisya, bakit ka nagtatago?! f**k Vienxieren, it's two f*****g years! Wala kabang konsensiya?!" malakas na sigaw niya pa sa 'kin. Nanginginig ang buong

