14: You Again Nag-aalangan pa ako kung pipindutin ko ba ang doorbell ng unit ni Art. Paano kung ipagtulakan niya na naman ako palayo? Paano kung... Hays, bahala na. I'll just face the consequences. Kailangan ko siyang makausap. Wala na akong nagawa nang kusang pumindot ang kamay ko sa button ng doorbell. Bumukas naman agad ang pinto at bumungad sa harap ko si Caleb, isa sa kaibigan ni Art. "Oh," gulat na sabi niya. "Sino 'yan?" Rinig kong sabi ni Jin at sumilip. Tumayo siya nang makilala ako. Ando'n din sina Zach at Clint. Mukhang nagmo-movie marathon silang magbabarkada. "Vien!" sabi ni Jin at hinila niya ako papasok ng unit. "Anong ginagawa mo rito?" "Art!" pasigaw na tawag ni Caleb kay Art. Wala pang ilang sandali ay lumabas na si Art mula sa kuwarto niya. Nakasuot lang siya ng ma

