28: Forgiven Seryoso niyang ibinalik ang tingin niya sa view. Hindi siya nakangiti, hindi rin siya nakasimangot. Hindi ko mabasa sa mukha niya kung ano ang iniisip niya. Kaya ibinalik ko rin ang tingin ko sa view. "Ano namang ginagawa mo rito 'pag may problema ka?" tanong ko habang diretso pa rin ang tingin. "Sumisigaw ako," he answered. "Huh?" Muli akong tumingin sa kaniya. "Dito ko isinisigaw yung problema ko. Minsan, dito rin ako umiiyak." Naikunot ko naman ang noo ko. "Effective sa 'yo yun?" He gazed at me and smirked. Pagkatapos ay tumingin ulit siya sa view at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang dulo ng bibig niya. "Ang guwapo koooo!" malakas na sigaw niya. "Ang guwapo guwapo koooo!" Natawa naman ako. "Hindi naman problema 'yang sinisigaw mo, eh! Sige ka, baka mamaya

