27: Christmas Night Nanatiling gano'n ang posisyon namin. Para niya akong niyayakap. Hindi ko alam kung bakit sa mga oras na 'to ay nadidinig ko ang malakas na kabog ng puso ko. Gusto kong umiyak sa harap niya dahil sa ginagawa niya. He's like...comforting me. Pero bakit niya naman gagawin sa 'kin yun? Malaki ang galit niya sa 'kin at nahihirapan siyang patawarin ako. Hindi ba't sabi niya noon natutuwa siyang nakikita akong umiiyak? "Your christmas is still merry," he whispered to my ear. Lumayo siya sa 'kin at tinignan ako sa mga mata. And there, nakita ko na naman ang reflection ko sa pupil ng mga mata niya. "I want you to celebrate your christmas. Dapat masaya tayo." My forehead creased. Hindi ko kayang maging masaya sa araw na 'to. Kung pipilitin kong gawin 'yon, lolokohin ko lang a

