
Bata pa lang si Josephina ay naranasan na niya kong ano ang meaning nang physically and mentally tortured, it came from her own experience. Bata pa lang siya nakaranasan na siya ang matinding hirap sa kamay nang kanyang mga magulang na dapat ang mga ito ang nag-aalaga at nagmamahal sa kanya katulad nang normal na mga magulang sa kanilang anak. Pero iba siya, hindi niya alam kong bakit ang init init ang dugo nang mga magulang niya sa kanya. Nasa limang taong gulang lamang siya nang ikulong siya nang mga ito sa basement na kong saan wala kang makita ni isang liwanag sa sobrang dilim kung saan mga daga at ipis ang mga kasama niya at iyak nang iyak habang tinatawag ang Mama at Papa niya pero parang mga bingi ito dahil kahit anong sigaw at hikbi niya ni anino ng mga ito ay wala siyang nakita. Si Yaya Mamay lamang niya ang naririnig niya kapag dinadalhan siya nang mga pag kain. Sixteen siya nang makalabas sa basement na iyon at sixteen siya na masilayan ulit ang liwanag pero akala niya hindi na siya babalik doon na hiniling niya na sana huwag na siyang ibalik pero nagsisi siya na hiniling pa niyang makalabas doon dahil ang kapalit ay ang walang hangganang pananakit sa kanya nang mga ito, isang araw tinanong niya ang mga ito kakatapos lang siyang gupitan nang buhok at kalmutin sa mukha, tinanong niya kong mga anak ba siya nang mga ito dahil hindi iyon ginagawa ng mga magulang sa anak. Nagtitigan lang ang mga ito at ibinalik ulit siya sa madilim na lugar na iyon. Naiisip niya kailan kaya siya makakaalis sa impyernong iyon? kailan siya lalaya? habang ang mga luha ay dumadaloy sa mukha niya.
