Wala na siyang mapupuntahan.
Wala na rin naman nang balak si Faye na takasan ang kontrata na pinirmahan niya sa mga Romano. Maliban sa hawak ng mga ito ang kanyang ina, wala na rin naman nang maghihintay sa kanya. Wala na ring saysay ang pagsusuot niya ng singsing na iniwang alaala ni Alessandro sa kanya. He was... Dead.
And it would be nonsense for her to keep on fighting, waiting when the one she would be waiting would never come back. Not anymore.
Sa penthouse pa rin siya ng lalaki nakatira. Hinayaan siya ni Alonzo dahil siya naman daw ang fiancee ng kapatid nito. Ang tanging pinagkaiba lang, may mga tauhan itong nakapuwesto palagi sa labas ng gusali. Tiyak na sinasabi ng mga iyon ang bawat kilos na kanyang gagawin, bawat kilos na kanyang babalakin. Hindi na rin naman na siya nagtaka at mas lalong ayaw niya na ring labanan ang takbo ng kanyang tadhana. Mapapagod lang siya kakaasa, kakatakbo, kakahanap ng taong...
Napasulyap siya sa itim na payong na nakasabit sa may tabi ng pintuan ng penthouse. Bahagyang napangiti ang dalaga nang maalala ang lalaking nagbigay niyon sa kanya. Mukhang isa ito sa mga nakipaglibing dahil nakasuot ng itim na tuxedo ang lalaki. Chinito at may katangkaran. Naka-wax ang buhok na bahagya nang nabasa dahil sa ulan. Hindi niya maintindihan kung bakit ginawa iyon ng lalaki. Siguro ay dahil mukha siyang tanga?
Pero pamilyar ang boses niya...
Nagpakawala na lamang ng mahinang tawa ang dalaga at napailing. Inihiga niya ang kanyang katawan sa malambot na kutsong kanyang kinauupuan at tumitig sa kisame. At hindi niya maikakailang sadyang hinahanap-hanap niya ang presensiya ni Alessandro sa bawat sulok ng tahanan na kanyang kinaroroonan. Kung gaano kabilis na nagkapalagayan sila ng loob, ganoon din kabilis binawi ang lalaki sa kanya. Ganoon kabilis nawala. 'Ni hindi niya man lang nagawang makapagpaalam nang maayos.
Nang idilat niyang muli ang kanyang mga mata ay papalubog na ang araw. Ang gintong kulay niyon ay tila ba mas lalong nagpalungkot sa atmospera ng silid. Kung naroroon lang si Alessandro, siguro ay iba ang kanyang nararamdaman ngayon.
Ngunit kailangan niya nang tanggapin ang totoo. Patay na ang lalaki at may malaking utang pa siyang kailangang bunuuin.
Nang makaligo ay pumili siya sa mga mamahaling damit na ipinadala ni Alonzo. Kailangan niya raw iyon bilang escort ngunit para namang nais niya nang sumuko nang makita ang haba at nipis ng nga mamahaling damit na iyon. Hindi naman kasi siya sanay na magsuot ng mga ganoong disenyo ngunit dahil na rin malapit nang mag-umpisa ang kanyang shift ay wala nang nagawa ang dalaga kung hindi ang isuot ang isang sequined bodycon dress na kulay ginto. Inilugay niya ang kanyang maalun-along damit at naglagay ng simpleng makeup sa mukha. Isinuot niya ang stilletos na nasa may paanan ng kama bago lumabas at hinayaan ang mga tauhan ni Alonzo na ihatid siya patungong La Traviata.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang ay sinalubong na siya ng tinig ng isa sa mga receptionist ng lugar. Nanlaki ang mga mata ni Faye nang marinig niya ang sinabi nito. May kliyente na raw na naghihintay sa kanya at maraming dalang regalo.
Para niyang nalunok ang kanyang sariling dila nang makita ang silid na inupahan ng kanyang kliyente na halos mag-umapaw na sa dami ng mga makikintab na kahon. Sa gitna niyon ay nakaupo ang pamilyar na pigura ng lalaking nakamaskara. Ang mismong lalaking bumili sa kanyang unang gabi. Tahimik lang ito at hindi umiimik habang umiinom ng wine mula sa kopita kaya naman tumikhim ang dalaga at naglakad papalapit sa lalaki.
"Sir," nahihiyang tawag niya sa lalaki. "Kayo po ba ang kliyente ko?"
Tumawa ito. "Are you expecting somebody else, Faye?"
Bahagya siyang napapitlag sa tanong ng lalaki. Sumagi kasi sa kanyang isipan si Alessandro. Naaasiwang napakamot ng ulo ang dalaga at napailing. "Medyo nagulat lang ako, Sir. Hindi ko naman inakala na makakakuha pa ako ng kliyente—"
Ngumiti lang ito. "Have a seat, Faye. You don't look comfortable in those shoes. You can remove them, if you want."
"Ah, huwag na, Sir, nakakahiya naman sa inyo—"
Humalakhak ito. Maski ang tawa ng lalaki ay tawang guwapo. Ngunit siguro ay maliit lang ang epekto niyon sa kanya dahil na rin sa pagkawala ni Alessandro. "Don't be shy when I'm around, Faye. You can be comfortable around me. Kahit na mag-underwear ka lang sa harapan ko, I don't mind. Hindi ako tatablan."
Hindi niya malaman kung insulto ba iyon o assurance. Ngunit nang maalala ang dahilan ng lalaki kung bakit ito naglalasing ay bahagyang napangiti ang dalaga. "Kumusta pala 'yang puso mo, Sir?"
Saglit itong natigilan. Ngunit kaagad namang nakabawi ang lalaki at nagkibit-balikat. "Ano pa bang magagawa ko? I'll just let her be. Kung saan siya masaya at kung ano ang ikasasaya nila ng kaibigan ko, do'n ako. Hindi ako naninira ng relasyon, Faye."
Nang sulyapan niya ito ay napansin niyang nakangiwi ito habang iniikot-ikot ang braso nito. Napakunot ang noo niya at napausog papalapit. "Okay ka lang, Sir?"
He sighed. "Masakit lang ang balikat ko, siguro kakatrabaho. The anniversary celebration's really a pain in my ass."
Napalunok siya at tuluyang napatayo. "Alam mo, Sir, nagtrabaho rin ako dati bilang masahista. Gusto niyo ba, bigyan ko kayo ng massage?"
Nagningning ang mga mata nito na parang mga mumunting Christmas lights. "Really? I won't reject that offer..."
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago pumuwesto sa likod ng lalaki. Sa gulat niya ay inalis nito ang pang-itaas nito at inihagis sa lapag. Pinilit naman ni Faye na pakalmahin ang sarili at masahihin ang balikat ng lalaking kumikirot.
"Hindi kayo dapat nagpapakapagod, Sir. Tapos ang lakas niyo pa uminom. Baka naman mamaya e matuluyan kayo n'yan," pangangaral niya habang hinihilot ang balikat nito. Hindi naman umiimik ang lalaki at nakapikit lang. Mahinang umuungol at parang pigil na pigil pa.
"Faye, diinan mo pa."
Sinunod niya ang utos ng lalaki. Hindi mapigilan ng dalaga na mapasulyap sa mukha nitong natatakpan ng maskara. Nakapikit pa rin ang mga mata nito at tila ba dinadama ang sandali. Sa isang iglap ay muling nagbalik sa kanyang alaala si Alessandro. At ang mga gabing inaalagaan niya rin ito dahil pagod pagkagaling sa trabaho.
"Namamaga mata mo," mahinang sabi ng lalaki bago dumilat at tumingin sa kanya. "Is everything alright, Faye?"
Basag ang kanyang tinig nang tugunin niya ang lalaki. "Ayos lang, Sir... Personal na problema lang."
Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Hey, you can talk to me..."
Umiling siya at tumikhim. "Huwag na, Sir. Binabayaran niyo ako para makinig sa inyo. Not the other way around." Sinulyapan niya ang bunton ng mga regalong nakakalat sa isang tabi. "Para kanino 'yong mga regalong 'yon, Sir?"
Ngumiti lang ito. "They're for you. From now on, you'll only be serving me and no one but me, got it?"
Parang gusto nang malaglag ng panga ni Faye sa sahig sa sinabi ng lalaking kanyang kaharap.