XVI

1507 Words
Closed casket. That was what Vittorio Alessandro Romano's burial like. Wala rin naman silang bangkay na ililibing dahil hindi na nakita ang katawan ng lalaki. Ngunit para kay Faye, hindi niya mapigilang... umasa. Umasa na sana ay buhay pa ang lalaki. Na uuwi rin ito sa kanya. Na tutuparin nito lahat ng pangako nito. Mangilan-ngilan lang ang dumalo sa okasyon na iyon, maliban sa iilang kasosyo sa negosyo at sa kapatid nitong si Alonzo na hindi rin naman nagtagal. Hindi naman nagsara ang La Traviata noong araw na iyon kaya may negosyo pa rin itong kailangang tingnan at pangasiwaan. Pero pinili ni Faye na manatili saglit sa sementeryo at hayaan ang pagbuhos ng ulan natuluyang basain ang kanyang katawan. Nanghihina ang kanyang mga tuhod ngunit pinipilit niyang makatayo nang maayos. Maski ang kanyang mga kamay ay hindi kumakalma. She was shaking so hard that she could not even breathe properly. It was surreal. Everything was just painful and surreal. "Sabi mo babalik ka," mahinang bulong niya habang tinitingnan ang litrato ng lalaki na nakapatong sa ibabaw ng bagong tabon na hukay. "Nangako ka, Alessandro... Sabi mo babalikan mo ako... Sabi mo pagbalik mo, magpapakasal tayo. Sabi mo... Babalik kang buhay... Nangako ka na babalik kang buhay..." Hindi niya pinansin ang putik na kumapit sa kanyang damit nang tuluyan nang bumigay ang kanyang mga tuhod. Hindi niya na kaya pang pigilan ang kanyang sarili at magpanggap na ayos lang ang lahat at kinakaya niya pa ang mga bagay-bagay. Pakiramdam niya ay tila ba siya ang napagdiskitahan ng langit at ibinigay lahat ng mga pasanin sa kanya para saluhin niya nang mag-isa. Si Alessandro lang ang tunay na nagpahalaga sa kanya at ngayon... Isa na lamang siyang babaeng bayaran, walang matatakbuhan, habang naghihintay sa isang taong kailan man ay hindi na babalik. Hindi maipaliwanag ng dalaga ang sakit ng kanyang dibdib noong mga oras na iyon. O kung ang likido bang dumadalisdis sa kanyang pisngi ay luha o tubig-ulan. Wala na siyang pakialam. Wala na siyang pakiramdam. Hindi niya na alam kung ano pa ang dapat niyang maramdaman. Umasa siya na sa pagbabalik ng lalaki ay mararanasan niya nang mamuhay nang tahimik ngunit ngayon ay wala na ito. Wala na rin ang tanging lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal. Naiwan siyang nag-iisa sa magulo nitong mundo na hindi alam kung ano ang gagawin, o kung kanino tatakbo, o kung ano ang kapalaran na haharapin niya. Kung sana lang ay pinilit niya ang lalaki na pasamahin siya, 'di sana ay nagawa niya pang masamahan ito kahit sa huling hininga. Kung pinilit niya lang kaya ang lalaki na isama siya, naging iba kaya ang takbo ng kanilang kuwento? Nagkaroon kaya si Alessandro ng dahilan para lumaban pa? "Uwi ka na, Alessandro, please?" garagal ang tinig na bulong niya habang marahang hinahaplos ang kuwadro ng lalaki. "Sabi mo pagkabalik mo, papakasal tayo... Alessandro, nangako ka sa 'kin, 'di ba? Sabi mo, babalikan mo ako... Please, umuwi ka na... Sabihin mo na mali sila, na buhay ka pa at... at..." Tuluyan nang nilamon ng hikbi at malakas na tunog ng kulog ang kanyang tinig. Kahit naman kausapin niya ang kuwadro ng lalaki ay wala na rin iyong saysay. Wala na si Alessandro. Wala na ang... lalaking dapat sana ay papakasalan niya. At ang tanging kaya niya lang gawin ay harapin ang mga susunod na araw nang mag-isa. Katulad ng nakasanayan niya na. Nang tumayo siya ay basang-basa na ang damit niyang suot. Hindi pa rin tumitila ang ulan ngunit hindi niya na iyon pinansin pa. Naglakad na siya papalayo mula sa puntod ng lalaki dahil alam niyang kapag nanatili pa siya roon ng ilang sandali pa, mas lalo lang siyang mababaliw at aasa sa imposible. Kailangan niyang... pakawalan si Alessandro. At harapin ang isang kinabukasan na hindi ito kasama. "You should use an umbrella. Magkakasakit ka n'yan." Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang baritonong tinig na iyon. Feng "I heard that one of the Romano twins died. So I came here. What about you, Mr. Xiao?" Tila ba hindi naririnig ni Feng ang tinig ni Romeo sa kanyang tabi. Nanatiling nakatitig ang kanyang mga mata sa babaeng nakatayo sa tabi ng sariwang libingan ni Alessandro Romano. Kahit na may kalayuan ang kanilang distansiya mula sa isa't isa ay nakikita niya ang panginginig ng katawan nito. He knew that was Faye, the escort from the other night. Hindi na ito bumalik sa silid at nalaman niya na lamang na hinimatay raw ito. Ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit. Bahagyang humigpit ang pagkakatikom ng kanyang mga labi nang makita niya na tuluyan na itong napaluhod sa tabi ng puntod ng lalaki, nanginginig at umiiyak. Kahit na malakas ang buhos ng ulan ay natitiyak niyang umiiyak ang dalaga. "Do you know her, Feng?" untag ni Romeo sa kanya. He shrugged. "Maybe Alessandro's girlfriend? I'm not sure. I'm not updated on other people's affairs." Humigpit ang hawak niya sa payong. He wanted to come near to her and give her the umbrella he was holding. He badly so wanted to comfort her the way she did the other night. But all he could do was to watch in a distance. Ayaw niyang ibunyag ang katauhan niya. Ngunit mas ayaw niyang makita ang dalaga na umiiyak. Hindi malaman ni Feng kung ano ba ang lumukob sa kanya kaya naman mabigat sa kanyang puso habang pinapanood itong nagkakaganoon. He should not even care about her. They were not even that close. But all that he could feel right now was the urge to embrace her and comfort her as the world around them weep for Alessandro Romano's death. "Why are we still here, anyway? It's not like you're close to the Romanos or anything." Saglit niya itong tinapunan ng tingin bago ibinalik ang titig sa dalaga. "No, I'm here for another reason. You can go ahead now, Romeo. Kung naiinip ka e 'di mauna ka na." "Jeez, alright, Mr. Bossy." Hindi niya na nilingon pa ang lalaki nang maglakad ito papalayo. O inalintana ang ulan na tuluyan nang lumakas. Tahimik niyang pinanood ang dalaga habang nagluluksa. At pinipigilan ang sarili na lapitan ito at patahanin. Maybe it was because they were both broken. Or that she really gave him comfort the other night, even with those simple gestures and words. Or maybe... she just really reminded him of her. But whatever the reason was, Feng could not brig himself to turn and walk away. Maybe, even at a distance, he still could keep her company. Even if she was not aware, at least there was someone out there looking out on her. Nang tumayo ito ay hindi naman nagdalawang-isip ang mga paa ni Feng. Inihakbang niya ang mga iyon hanggang sa makalapit sa dalaga. Hanggang sa maabutan niya ito at mahawakan sa siko. He could feel the electricity crossing between their skins as his palm touched her elbow, sending both of them on a halt. He could hear his heart beat out of his own ears despite the loud sounds of the rain. In a second, he felt tongue-tied. "You... You should use an umbrella." Napalunok siya bago itinutok sa ulo ng dalaga ang payong na dala. "Magkakasakit ka n'yan." Para pa itong saglit na natigilan sa kanyang ginawa. Kahit na sa ilalim ng ulanan ay kitang-kita niya ang pamumugto ng ma mata nito. Tipid na ngumiti ang dalaga at tumikhim. Kinuha ang payong niya at tumungo. "Salamat... Pero ikaw naman ang mababasa. Siguro puwede kitang ihatid sa sasakyan mo—" "Sure, sure..." Parang nais niyang magpalamon sa lupa nang mapasagot siya nang maaga. "I mean, I'm not going to pass on that offer..." Tahimik nilang nilakad ang daan patungo sa sasakyan ni Feng. Dala niya pa man din ang Bentley ni Jian dahil gamit nito ang isa niyang sasakyan. Nang makasakay sa sasakyan ay saglit niyang hinayaan ang bintana na nakababa at sinulyapan ang dalagang katulad niya ay basang-basa rin ng tubig-ulan. "Do you want a... a ride?" Tipid lang ang ngiti nito at umiling. "Hindi na, maglalakad na lang ako. Ito na pala ang payong—" "You can keep that," gagap niya. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Feng at ginulo ang kanyang basang buhok. "Well, I guess... I guess I'll be going." Pinanood pa siya ng dalaga na magmaneho papalayo bago ito naglakad papalabas ng sementeryo na nasa kabilang bahagi. Makailang beses pang nagtalo ang kanyang puso at isipan kung liliko ba at aalukin ulit ang dalaga ng libreng sakay ngunit nang napasulyap siya sa rearview mirror ay wala na ito. Nagpakawala na lamang si Feng ng malalim na buntong-hininga at itinuloy ang pagmamaneho. Why was he even acting like this? It was not as if Faye recognized him or anything. Besides, what happened to them was nothing but a usual transaction between an escort and a client. Baka nga hindi na siya nito naaalala, o iniisip man lang. At hindi niya malamang kung bakit may kaunting kurot at hapding biglang nagparamdam sa dibdib niya na dala ng kaisipan na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD