XV

1307 Words
Napalunok na lamang si Faye habang tinitingnan ang kontratang inilapag ni Alonzo sa harapan niya. Wala na siyang takas. Kahit na subukan niya man na tumakbo papalabas ng La Traviata ay hawak naman ng mga ito ang kanyang ina. Sigurado siyang hindi mangingimi ang lalaki na iutos na patayin ang kanyang ina kung sakaling tatakasan niya ang kanyang mga responsibilidad. Hindi malaman ni Faye kung ano ba ang dapat niyang gawin. Kung lulunukin niya ba ang pride niya at kahihiyan at tatanggapin ang inaalok ng lalaki o ilalaban ang dangal niya. Ngunit alam naman ng dalaga na kahit anong gawin niya, wala siyang laban sa makapangyarihang si Alonzo Romano. Maski si Alessandro ay hindi kayang suwayin ang utos ng kapatid nitong— "Apat na buwan, Miss Barcoma. Apat na buwan mong pagtatrabahuhan 'yang utang mo rito bilang isang escort. May mga lalaking bibili sa 'yo para sa…. Siguro naman ay hindi ko na kailangang ipaliwanag pa?" nakakalokong sabi ng lalaki bago iniabot sa kanya ang ballpen. Napalunok ang dalaga at kinuha iyon bago sinulyapan ang kontrata. Bahagya pa siyang napapitlag nang lumapit ito sa kanya at sinapo ang baba niya gamit ang mga daliri nito. "Dapat kasi, sinunod mo na lang ang utos ko, Faye… E 'di sana, hindi ka nahihirapan ngayon. Well, anyway, my offer's already over. Sign now." Nanginginig pa ang kanyang mga kamay na nakaposas nang pirmahan niya ang papel. Nang matapos ay kaagad na kinuha iyon ng lalaki at lumabas ng silid. Tahimik na lamang na umiyak ang dalaga. Hinihiling na sana, dumating na si Alessandro. Alam niyang hindi siya nito papabayaan. "Miss?" Napapitlag siya at napalingon sa lalaking bumili sa kanyang unang gabi. Kanina pa ito walang imik kaya naman hindi maiwasan ng kanyang isipan na magliwaliw. Napatikhim siya at naiilang na ngumiti. "May kailangan po ba kayo, Sir? Pasensya na po, hindi ako madaldal. Wala rin naman po kasi akong… sasabihin." Bahagyang natawa ang lalaki. "Hindi ba kapag escort ka, gagawin mo ang lahat para hindi mawalan ng interes sa 'yo ang kliyente? And also, didn't I already tell you to look at me?" Kaagad na sinunod ng dalaga ang utos ng lalaki. Bagaman natatakpan ng magarbong maskara ang kalahati ng mukha nito ay sigurado niyang guwapo ang lalaki, sa singkit na mga mata pa lang nito ay natitiyak niya na iyon. Napalunok na naman ang dalaga at mahigpit na napahawak sa laylayan ng suot niyang manipis na bestida. "E Sir, sabi n'yo ayaw niyo rin naman ng—" Muli itong humalakhak at nilagok ang alak na nasa boteng hawak nito. "I'm just messing with you, darling. You look serious as f*ck." Hindi malaman ni Faye kung tatawa ba siya, sasakay sa trip ng lalaki, o sisimangot. Halata naman kasing lasing na ang kanyang kliyente. Namumula na ang tainga at buong mukha nito ngunit tila wala naman itong balak na huminto sa paglaklak. Mayamaya pa ay binuksan na naman nito ang isang bote habang nanonood lamang ang dalaga. Natigilan ang lalaki at sinulyapan siya. "Do you like to drink? I can pour you a glass—" "Ay naku, Sir, huwag na po," tanggi niya kaagad. Napakamot ng batok ang dalaga. "Hinay-hinay lang po. Anim na bote na po ng wine ang naiiinom n'yo, wala pa man din tayong tatlong oras dito sa loob, Sir…" Ngumisi ito. "Are you concerned about me, lady?" Tumango siya. "Malamang Sir, e kapag nadisgrasya kayo, wala na akong kliyente. Imposible namang may magka-interes sa 'kin sa mukhang 'to…" Lumakas ang tawa ng lasing na lalaki. Umiling. "If you're going to ask me, honey, you're beautiful on your own." Kaagad na namula ang kanyang pisngi sa sinabing iyon ng estranghero. Upang itago iyon ay kinuha niya ba lamang ang mga boteng walang laman at inilagay iyon sa may labas ng silid na kinaroroonan, hinihintay ang kung sino mang maglilinis na iligpit ang mga iyon. Pagkabalik sa loob ay para bang wala ang lalaki sa sarili nito habang nakahiga sa sofa at tatawa-tawa, halatang lasing na lasing na. Nang makita siya nito ay hinawakan nito ang braso niya at tumawa. "Alam mo ba, miss, katulad mo rin siya. She was a victim of circumstances. I should've protected her… and if I just met her sooner, or if Jian didn't marry her, f*ck, I would've married her. I would've married her, y'know that?" Nagpakawala na lang ng malalim na buntong-hininga si Faye at inalalayan papaupo ang lalaking ngayon ay mahinang humihikbi. Parang bata na inagawan ng kendi kung hindi man binilhan ng nanay nito ng ice cream. He was like a kid when intoxicated, unlike Alessandro who was daring and sexy when drunk. Alessandro, mahinang bulong ng kanyang isipan habang hinihimas ang likod ng lalaki. Hindi niya mapigilang mag-alala para sa lalaki. Wala sa kanya ang smartphone niya ngunit maski si Alonzo ay walang balita sa lalaki. Hindi niya alam kung anong nangyari sa trabaho nito sa Italy, o kung ayos lang ba ang lagay nito. Napasulyap na lamang siya sa singsing na suot at ipinikit ang kanyang mga mata bago umusal ng maikling panalangin. "Sir, Faye po ang pangalan ko," mahinang sabi niya bago inabutan ng baso ng malamig na tubig. Tipid siyang ngumiti ang mahinang tumawa. "Lasing na lasing na nga po kayo…" Pagak naman ang sumaliw na tawa sa kanyang tinig. Itinakip ng lalaki ang palad nito sa mga mata nito. "I'm just… I'm just really down today. I mean, I should be happy that she's getting back on track. Dapat masaya ako na malapit na silang magkaayos ng asawa niya na mismong bestfriend ko. But… I really can't deny my feelings. It hurts. It f*cking hurts and I just… I want to forget. Really. I want to forget her…" Napabuntong-hininga na lamang si Faye at kinuha ang baso ng tubig mula sa lalaki. "Sir, hindi naman madali ang makalimot. Pero hindi rin naman makakatulong kung lulunurin n'yo atay n'yo. Mas maigi rin siguro na may napagsasabihan kayo tungkol d'yan sa nararamdaman n'yo." Bahagyang napangiti ang lalaki. "Are you willing to be that person? I can pay." Nagkibit-balikat ang dalaga. "Naku Sir, mahal ang presyo sa 'kin ng mga Romano." He snickered. "I can pay, like what I've said. I even bought you for 1.4 million pesos and you're still doubting if I have money?" Naiiling na inayos ng dalaga ang mga bote ng wine na binili ng lalaki bago ito binalingan. "Sir, walang kaso sa 'kin, matutulungan n'yo pa akong kumita. Pero kayo ba? Ayos lang ba sa inyo na may binabayaran kayong babaeng kagaya ko, na p*kpok, para lang may makausap?" Bahagyang natigilan si Faye sa isinagot ng lalaki. "I don't mind. We're all victims of circumstances, Miss Faye. It doesn't change my reasons why I want to talk to you just because you're working as an escort." Saglit na nagpaalam ang dalaga sa lalaki nang makaramdam ng kaunting gutom. Dahil na rin may hungover ay nagpa-order ang lalaki sa kanya ng makakain sa may bistro. Pabalik na si Faye sa VIP room kung saan niya iniwan ang lalaki nang makarinig siya ng mga tinig na nag-uusap sa may restroom area at staff room. Dala na rin siguro ng kuryosidad ay idinikit ng dalaga ang tainga niya sa pinto at nakinig. Mayamaya ay nanginginig ang mga kamay na nabitawan ng dalaga ang food tray na bitbit kasabay ng pagbukas ng pinto ng staff room at pagdamay sa kanya ng mga staff ng La Traviata. Para siyang nauupos na sigarilyong unti-unting napaupo sa sahig, mga mata ay nanlalabo dahil sa luha. Kung sana ay hindi na lang siya nagpalamon ng kanyang kuryosidad… "Hindi mo ba alam? Patay na si Sir Alessandro at 'yong mga tauhan na kasama niya no'ng nagpunta sa Italy. Ambush daw. Hindi pa nahahanap 'yong bangkay at ang sabi ng intel ni Sir Alonzo, baka raw itinapon na sa dagat…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD