Pagkatapos maitapon si Shantal Kim mula sa tahanan ni Jian ay bumalik ulit si Feng papasok sa loob ng mansiyon. Base sa tinginan ng mag-asawa kaninam, mukhang balak na ni Jian na patawarin ang babae at muling ayusin ang kanilang relasyon. Katulad ng una niyang plano. Katulad ng matagal na niyang hinihiling.
Nakakapagtakang ngayon ay… may kaunting kirot siyang nararamdaman sa tuwing naiisip na magiging maayos na ang mga buhay ng mga ito.
Ipiniling ni Feng ang kanyang ulo at inayos ang suot niyang barong. Naglakad siya patungo sa may wine cellar at kumuha ng isang bote ng mamahaling wine. Aayain niya sana si Jian at Briar na uminom, magdiwang kung baga. Maliban sa anibersaryo ng Paradiso ay wala na rin si Shantal na hahadlang sa relasyon ng mga ito. Magiging maayos na ang lahat.
Though he might need more time to get used to changes.
Hindi na siya kukulitin ni Briar, that one was for sure. Hindi na siya nito gigisingin sa madaling araw para lang tanungin kung ano ang paboritong ulam ni Jian, o kung ano ang mga bagay na nagpapangiti sa kanyang kaibigan. Wala nang magpapasundo. Magpapasama magtanghalian. Magpapasamang sundan ang asawa nito. Wala nang iiyak sa balikat niya. Wala na ring…
Wala na rin siyang puwang sa mundo nito.
Ganoon naman ang tungkulin niya. Extra. Pampahaba ng kuwento. Ang takbuhan ng lahat kapag nasasaktan sila, o kapag kailangan nila ng kaunting comfort. He has gotten used to it. Kung tutuusin nga, dati ay ayos lang siya kapag siya ang tinatakbuhan ng mag-asawa kapag nag-aaway ang mga ito. Pero ngayon, hindi niya na alam. Hindi niya na alam kung ano ang dapat niyang maramdaman, o kung tama ba ang nararamdaman niya.
Akmang kakatok si Feng sa silid ni Briar nang marinig niya ang mahinang pag-ingit ng kahoy na kama na sinasaliwan ng mga impit na ungol. Lumaglag ang kanyang balikat at pinilit niya ang sarili niya na humakbang papalayo. Halata namang… nagdiriwang na sila. Sa paraan na alam nila at paraan na ginagawa lamang ng mga taong nagmamahalan. He was naive and a fool to think that he should be part of their life.
Pumasok na lamang siya sa kanyang silid at ikinandado ang pinto. Binuksan ang bote ng wine na kanyang hawak at ibinuhos ang laman niyon sa kanyang bibig. Hinayaan ni Feng na malunod siya sa manamis-namis na lasa ng likido, sa pagbabakasakaling maaalis niyon ang pamamait ng kanyang bibig. Nang masaid ang laman niyon ay hinubad niya ang suot niyang barong at shoulder holster niya. Inihagis sa kama at sumalampak sa isa sa mga upuan na naroroon.
It was his duty to make sure that the Chairman and his wife were happy and content. That they were safe and sound. Like what his family has been doing for decades. At ang tulungan si Jian na makipag-ayos sa asawa nito, ang pagsama-sama niya kay Briar at ang pagiging palaging nand’yan sa tabi nito sa tuwing may kailangan ito, ay parte lang ng kanyang tungkulin. He should be happy. He should be f*cking happy.
But how can he be happy when every single second, his heart breaks? Whenever he hears those distant moans, or those… voices calling each other’s names, full of passion, full of love… Her voice. Her voice that used to call him in the middle of the night whenever she was feeling lonely, or sad, or… unfulfilled. That voice that often asked for comfort and reassurance that everything would be alright.
She would not need him anymore, and it felt painful to him.
Hindi niya naman gusto na mahalin siya pabalik ni Briar Lee. Alam niya kung gaano kalalim ang nararamdaman ng kanyang pinakamatalik na kaibigan sa asawa nito na halos itapon nito ang lahat ng mayroon ito para lang makuha ang damdamin ng babae. Saksi siya sa lahat ng pinagdaanan ng dalawa. Kaya naman bakit niya hihilingin na iwan na lang nito ang asawa nito at siya ang mahalin?
Pagak siyang natawa nang mapansin ang makintab na kahitang nakalagay sa ibabaw ng kanyang bedside table. Natatandaan niyang nagpasadya pa siya ng jade bracelet para sana ibigay kay Briar ngayong Founding Day ng Paradiso. Pero sa takbo ng mga bagay-bagay, pinili na lamang ni Feng na ilagay ang maliit na kahita sa loob ng kanyang drawer at ikinandado iyon. Para saan pa?
He did not want to make things awkward. Magiging masaya na si Briar. Magiging okay na ito nang wala siya.
Naihilamos na lamang ni Feng ang kanyang mga kamay sa mukha niya. Tumayo siya at tinungo ang banyo ng kanyang silid para maligo. Ayaw niyang magmukmok sa mansiyon. Siguro ay mas maigi na rin kung makikihalubilo siya nang kaunti sa mga tao sa labas. Iiinom niya na lang sa bar ang kung ano mang bumibikig sa kanyang lalamunan. Hanggang sa makalimot siya. Hanggang sa makalimutan niya lahat. Lahat-lahat.
Halos lahat ng kanilang mga patron at empleyado ay nagkakasiyahan nang lumabas siya. Hindi niya na tinangka na katukin pa ang mag-asawa. Kailangan niyang uminom. Kailangan niyang makalayo. Kailangan niyang makalayo at uminom. Kung alin man doon ang mas epektibo, hindi niya alam.
Nasa kalsada na siya nang maalala na may isang nightclub sa Paradiso na hindi niya pa napupuntahan, ang La Traviata. Pagmamay-ari iyon ng magkapatid na Romano, mga Italyanong may-ari ng casino at nagpapa-utang maliban sa ilan pang mga gawain. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Feng at tinungo ang lugar. Iilan lang ang mga tao sa paligid ng establisyimento ngunit nakakapagtakang pagkapasok niya sa loob niyon ay maraming kalalakihan ang nag-iinuman at tila ba may hinihintay na event.
Hindi niya na lamang iyon pinansin at lumapit sa bartender. Um-order ng inuming nakalalasing. Hindi na alam ni Feng kung ano ang inihalo ng lalaki sa kanyang inumin ngunit nang sumayad iyon sa lalamunan niya ay naramdaman niya ang tapang niyon. Brandy. Vodka. Beer. Gin. Hindi niya na matandaan kung nakailang baso na siya, o kung ano na ang mga nainom niya. Hindi pinigilan ni Feng ang sarili na maglasing. Hindi rin siya sinaway ng bartender. Kailangan niyang uminom dahil kailangan niyang makalimot.
After ordering a few more glasses of brandy, Feng decided to scan the place, even though his eyes were a little bit blurry. It was a typical nightclub that he was sure he would not let Briar go to. Mahina siyang natawa habang sinisimsim ang inumin na nasa baso niya nang mapagtantong kahit na nakalayo na siya sa mansiyon ay iniisip niya pa rin ang babae. Na tila ba wala nang ibang makita ang kanyang mga mata at wala nang ibang maalala kung hindi si Briar.
Mayamaya ay namatay ang ilaw, at napalitan iyon ng mapusyaw na kulay pulang mga bumbilyang sumasayaw-sayaw. Bumukas ang telon sa entablado at iniluwa niyon ang ilang kababaihang sumasayaw, na ang tanging suot lamang ay mga maninipis na lingerie. It was a bidding event. Kahit na nagdodoble ang paningin ay nakikita ni Feng ang…
Hindi na bago sa kanya ang tanawin na ganoon. Jian and him were running a red light district, after all. But when he laid his eyes on her, a strange pang on his chest sent him swallowing hard. He took his glass to his lips and dampened his dry throat. He savored the taste of his drink as he rested his gaze on that one girl dancing on the stage, her smooth body almost naked with the sheer white fabric she was wearing. He watched as her assets bounced and danced, trying to erase another woman's figure in his mind.
Nang mag-umpisa ang bidding para sa kung sinong lalaki ang makakasama nito ay napatayo si Feng at nagsuot ng maskarang nakuha niya mula sa mga display ng nightclub. He was not the type that would bid for a woman but maybe there was something in her gaze, or the sadness in her eyes, that prompted him to step in. Prompted him to appear.
Siguro nga ay mahilig talaga siyang sumagip sa mga taong… nangangailangan ng tulong. Sa mga taong nalulungkot. Sa mga taong wasak at kailangan ng kaunting kalinga. Alam ni Feng na delikado ang kanyang ginagawa lalo na at bilang vice-chairman ng Paradiso ay hindi siya maaaring mangialam sa mga kalakaran ng mga negosyong nasa loob ng kanilang nasasakupan ngunit may kung ano sa babaeng iyon na naging dahilan para itaas niya ang kanyang kamay at pukawin ang atensyon ng mga taong nasa loob. Mababa pa ang halaga ng bidding kaya naman–
"One million pesos and a brand new Rolex that costs four hundred thousand pesos for the girl," he butted in, making him the highest bidder. Wala nang nakapantay sa alok niya kaya naman mayamaya lang ay nasa isang silid na siya kasama ang babaeng tila hindi mapakali. Nagpadala siya ng ilang bote ng wine sa silid bago hinubad ang coat niya at ibinigay sa dalaga. Hindi pa rin hinuhubad ni Feng ang suot niyang maskara dahil ayaw niyang ipakita ang totoo niyang katauhan. Ilang sandali pa ay hindi na nakatiis ang dalaga.
"Sir—"
"No, I'm not interested on s****l services," gagap niya. "How old are you? You look young to be dancing here."
"Twenty na po ako Sir, marami lang pinagkaka-utangan at… kaya..." Tumungo ang dalaga, pinagkikiskis ang mga palad, basag ang tinig. Tumikhim ito at bahagyang ngumiwi.
"I'm forty," he casually said before laughing. "Lady, I'm not going to eat you. You should look straight into my eyes when you're talking to me."
Tumingin ito sa kanya. At sa maamo nitong mukha ay naintindihan ni Feng kung bakit kumilos nang kusa ang kanyang katawan kanina. It was her face. The emotion painted on it. She was like her. Nakikita niya ang babaeng kanina pa laman ng kanyang isipan sa babaeng kaharap niya ngayon. Hindi man sila magkamukha ngunit ipinapaalala ng kanyang kaharap ang nararamdaman niyang kanyang tinatakasan. Iba man ang katauhan, o ang pangangatawan at mukha ay parang ito pa rin ang babaeng mahal niya, siguro ay dahil na rin una niyang naramdaman ang pagsibol ng kanyang damdamin para sa asawa ng kanyang kaibigan noong wasak na wasak ito at nangangailangan ng tulong, katulad ng emosyong nakapinta sa mukha ng kaharap. Funny because even though he had just thrown one million pesos and his brand new Rolex for this girl, all his eyes could see was still...
"What's your name?"
Napalunok ito. "Faye po, Sir..."