Pangiti-ngiti lang si Alessandro habang ipinagmamaneho si Faye patungo sa ospital kung saan nakaratay ang ina nito. Alam niyang mabilis ang takbo ng mga bagay-bagay ngunit kontento na siya roon. Hangga’t hindi nalalaman ni Alonzo na may bagong babae sa buhay niya, wala nang pakialam ang lalaki kung mabilis man ang mga kaganapan. He has to put his plans in motion, if ever. Ayaw niyang pati sa aspektong iyon ay mapakielamanan na naman siya ng kanyang kapatid. Ayaw niya na sa huli ay hindi niya magawang protektahan ang babaeng mahalaga sa kanya.
Katulad noon.
“Sir Alessandro, ayos ka lang ba? Kanina ka pa walang imik,” usisa ni Faye sa kanya bago nito masuyong hinaplos ang kanyang kamay. “Puwede niyo naman po akong kausapin kung may problema kayo…”
Tipid lang na ngumiti ang lalaki. “Yeah, I am alright, Faye. Nothing to worry about. I’m just thinking about my schedule after this visit.”
Napatango-tango na lamang ang dalaga at tahimik na sumandal sa kinauupuan nito. Ipinilit niya talaga na samahan ito dahil ayaw niya naman na isipin nito na s*x lang ang habol niya rito. He wanted to be supportive to her as much as possible. Kahit na alam niya namang hindi pa rin nila kapwang napoproseso sa kanilang mga isipan ang pagbabago sa kanilang relasyon.
One thing that Alessandro hated whenever he fell in love with somebody else was the fear of history repeating its own course. Gaano man kabilis o katagal ng pag-usbong ng kanyang damdamin, iisa lang ang palagi niyang ikinakatakot. Si Alonzo. His twin brother was a ticking time bomb ready to f*ck him up if ever he learns that Alessandro started his own life without his knowledge. Co-dependent na raw ito sa kanya kaya naman hindi maaari na magdedesisyon siya tungkol sa buhay niya na wala itong nasasabi. At kahit na subukan niya man na itulak papaalis ang kanyang kapatid sa kanyang buhay ay hindi niya magawa.
He wanted Faye in his life. At ayaw niya na hayaan ang kanyang kapatid na guluhin na naman ang kanyang mga desisyon na aabot sa punto na sa huli ay maiiwan na naman siyang sunud-sunuran sa lahat ng nais nito.
Nang marating ang ospital ay dinala siya ni Faye patungo sa charity ward kung saan daw naroroon ang ina nito. Nang marating nila ang kinahihigaan ng ginang ay hindi niya mapigilang makaramdam ng awa para sa dalaga at ina nito na naiwang magbayad sa mga utang ng ama nitong hindi man lang pinag-isipan ang mga desisyon na pinili.
Nanatili si Alessandro sa isang sulok ng silid habang pinapanood niya naman si Faye at kung paano nito alagaan ang mama nito. Dalawa lamang ang pasyente na nasa loob ng maliit na silid na katamtaman ang laki kaya naman humanap siya ng sarili niyang puwesto upang panoorin ang dalaga. Unti-unting may ngiting gumuguhit sa kanyang labi sa tuwing naiisip na hindi magtatagal at aalagaan din siya ni Faye at mamahalin, katulad ng ginagawa nito.
Naipiling niya ang kanyang ulo sa naisip. ‘Ni hindi niya nga alam kung nais ba ni Faye na pakasalan siya. Isa pa, hangga’t hindi sila nakakalayo sa impluwensiya ng kanyang kapatid, tiyak niya na hindi sila matatahimik.
Speaking of the devil, sa isip-isip niya nang maramdaman ang pag-ba-vibrate ng kanyang smartphone. Saglit siyang lumabas ng silid upang sagutin ang tawag ng kanyang kapatid. “Hello, Alonzo?”
“Where are you, Alessandro?” seryosong tanong nito sa kanya.
He sighed. “It’s my day-off, Alonzo. I don’t feel well and I’m in the doctor’s so leave me alone. I’ll talk to you tomorrow.”
“I called Dr. Saavedra, sabi niya wala ka raw sa medical center,” nanghuhuli na dugtong pa nito.
Napapalatak na si Alessandro. “Can’t I have my own alone time now, Alonzo? I want to rest. Please. I’ll call you later.”
Ibinaba niya ang tawag at tahimik na naglakad pabalik sa silid. He was deep in his thoughts that he did not notice Faye standing outside the hospital room, seemingly waiting for him. Bahagya pa siyang napapitlag nang tapikin siya nito sa braso. “Faye…”
“Ayos ka lang ba talaga, Sir? Baka naman mamaya, ako ang dahilan kung bakit may problema ka sa trabaho,” nag-aalalang usisa ni Faye. “Puwede ka naman nang bumalik, Sir. Nadalaw ko na si Mama, dadalaw na lang ako ulit next week–”
Umiling siya at ngumiti bago ito niyakap. “It’s alright, Faye. Pasyal na muna tayo bago umuwi, kung gusto mo. I want to get to know you better.”
Napataas ang kilay ng dalaga. “Hindi ba late na ‘yan, Sir Alessandro? E naikama mo na nga ako…” pabulong na asar nito sa kanya.
Sa isang iglap ay nakalimutan ni Alessandro ang kanyang kapatid. Alonzo has always been like that. Kapag dumaan lang ang kalahating araw na hindi siya nito nakikita o nakakausap e bigla na lang itong nagpupunta sa kanyang penthouse, kung hindi man siya pinapahanap sa mga tauhan nito.
Maybe Faye was his act of rebellion towards him. But all that he ever wanted was to be left alone, was he really the one to be blamed? Ayaw niya ng ginagawa siyang puppet o robot o aso na sunod nang sunod sa bawat gusto nitong ipagawa sa kanya. He was so sick and tired of that. Alonzo could take away everything that he has, but he would never let someone he loves dearly be taken away from him by his own twin. Not anymore.
“Sir Alessandro, bakit… bigla mo na lang akong inalok na maging kasambahay mo?”
Napalingon siya sa dalagang kumakain ng ice cream sa tabi niya. Nakaupo sila pareho sa ibabaw ng kanyang mamahaling coat sa may dalampasigan at malapit nang lumubog ang araw noong mga sandaling iyon. Mahina siyang natawa at tumingin sa asul na karagatan na nasa harapan nila. “I don’t know. I acted on impulse, to be honest. Pero siguro… kasi tinutukan kita ng baril. At wala na akong ibang alam na paraan para makabawi sa ‘yo. Isa pa, iba-iba ang pinapadala ng agency mo na maglinis ng penthouse ko. Ikaw lang naman ‘yong nakapukaw ng pansin ko, Faye. Kaya… inalok kita na magtrabaho sa ‘kin. Alam ko naman na na may utang ka na binabayaran sa ‘ming mga Romano. And I really wanted to help you because there was desperation and fatigue in your eyes.”
“Alam mo na pagod ako?” gulat na tanong pa ni Faye. “Ang sigla ko kaya no’ng kausap mo ako, Sir.”
Nailing naman si Alessandro. “Halata naman, Faye. I’m good at analyzing people because it’s a part of my job. But since you asked me… ako naman ang may itatanong sa ‘yo, Faye.”
Napakunot ang noo ng dalaga. “Ano po ‘yon, Sir?”
Mahina siyang natawa. “Why do you still keep on calling me sir, Faye? Hindi ba, sabi ko, puwede mo na akong tawagin sa pangalan ko?”
Saglit itong hindi nakaimik, nakapako lang ang titig ng dalaga sa ice cream na kinakain nitong unti-unti nang natutunaw. Mayamaya ay malungkot itong napangiti at sinulyapan siya. “E Sir, huwag ka sanang magagalit… Pero kahit naman tawagin kita sa pangalan mo, wala pa rin namang magbabago sa ‘ting dalawa. Amo pa rin kita. Kasambahay mo pa rin ako. May namamagitan sa ‘tin, oo, pero hindi sapat ‘yon para–”
“Para ano, Faye?” garagal ang tinig na tanong niya. “Para paglapitin ‘yong estado natin sa lipunan?”
Hindi niya napigilan ang pagkabasag ng kanyang puso sa paliwanag ni Faye. Hindi niya maintindihan ang sarili niya at ang dalaga, sa totoo lang. Heto siya at ipinagpipilitan ang kanyang umuusbong na nararamdaman sa dalaga habang ito naman ay naniniwala na kahit na may mamagitan sa kanila, hindi pa rin niyon mababago ang dapat na trato nila sa isa’t isa, amo at tagapagsilbi. Tila ba bumubuo na ito ng bakod sa puso nito bago pa man siya makapasok. Bago pa man niya mapatunayan at maiparamdam dito nang lubos ang kanyang nararamdaman.
Niyakap nito ang sarili nito at malungkot na ngumiti. “Sir… hindi rin naman ako mababagay sa mundo mo,” halos pabulong na sabi nito. “At kung ano mang namamagitan sa ‘tin, kailangan lang nating lubusin ‘yon. Kailangan lang nating… i-enjoy. Kasi hindi natin alam kung hanggang kailan magtatagal. Kung hanggang kailan ako maninirahan d’yan sa puso mo. Ayaw ko lang na saktan ang sarili ko, Sir… Ayaw ko lang na magpantasya ng alam ko namang hindi puwedeng mangyari.”
Mahinang tumawa si Alessandro, namamait ang lalamunan. “Why are you so afraid of you being poor, when I’m… ready to give up everything just to choose you, Faye?”