IX

1453 Words
Tahimik na pinagmasdan ni Faye ang buong siyudad ng X mula sa bintana ng silid ni Alessandro. Nahihimbing na ang lalaki at halos hatinggabi na rin. Ngunit siya? Hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Sa katunayan, simula noong makabalik sila ay tsaka lang niya naisip ang kanilang sitwasyon. Hindi niya naman intensyon na maging negatibo. O ang bumuo ng pader sa pagitan nila ng kanyang amo. Subalit totoo naman ang kanyang mga sinabi. Langit ito at siya ay lupa. Titingala lang siya nang titingala dahil kailan man ay hindi maaaring bumaba ang langit upang hagkan siya. Iyon ang mapait na katunayan na kailangan niyang tanggapin. Kapag nagsawa ito, maiiwan siyang… nag-iisa. Kaya habang umuusbong pa lamang ang lahat, kailangan niya nang bigyan ng limitasyon ang kanyang sarili. Kung gaano kabilis na nag-umpisa ang namamagitan sa kanila, gaano lang kadali na mawala ang lahat ng iyon kaya naman… siguro ay tama lang na bantayan niya ang kanyang puso, hindi ba? Walang mawawala kay Alessandro ngunit sa kanya, marami. Maraming-marami. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago bumangon nang tuluyan mula sa kama ng lalaki. Akmang babalik na siya sa kanyang silid ngunit naalimpungatan yata si Alessandro sa kanyang pagbangon kaya naman nilingon siya nito. Kaagad nitong hinawakan ang kanyang pulso. “Faye? Saan ka pupunta?” Tipid lang siyang ngumiti. “Babalik na ako sa kuwarto ko, Sir–” “Ito ang kuwarto mo.” Napalunok siya. Umiling. “Sir, kailangan mong magpahinga nang ayos at may trabaho ka pa bukas. Kailangan ko ring bumangon nang maaga kaya naman–” “At anong kinalaman ng pagtulog mo rito sa tabi ko sa pagbangon mo nang maaga?” pamimilosopo nito. “Come on, Faye. Mahiga ka na. Dito ka na sa tabi ko matulog.” Wala na siyang nagawa pa nang hilahin siya papahiga ng lalaki. Mahigpit ang yakap ng mga bisig nito sa kanya, tila ba sinasabi sa kanya na hindi siya nito papakawalan. Ngunit para kay Faye, alam niya namang… “Ingat ka, Faye… Gan’yan din ang Papa mo noon sa ‘kin. Pero no’ng naging mahirap na ang lahat, palagi na kaming nag-aaway. Sa ‘kin niya na sinisisi kapag nagiging mahirap ang lahat para sa kanya…” Hindi niya makakalimutan ang sinabi ng kanyang ina kanina noong bumisita siya, lalo na nang ikuwento niya ang buong pangyayari. Matagal nang sinukuan ng kanyang ina ang pag-ibig dahil na rin sa nangyari rito at sa kanyang Papa. Alam niya na naging negatibo na ang pananaw nito. Pero hindi naman siguro makakasama kung susundin niya nang kaunti ang payo nito. Kung talagang mamahalin siya ng kanyang Sir Alessandro, oras na lang ang magsasabi. “May nagawa ba akong mali, Faye?” mahinang bulong nito habang yakap siya. “I feel like… you’re being distant. You’re being distant to me.” Hindi siya sumagot ngunit niyakap niya ito pabalik. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa malapad na dibdib ng lalaki. “Hindi ako nagiging malayo.” “Then… What's wrong? Why won’t you tell me? Masyado bang mabilis ang lahat? Kaya ko namang maghintay. Liligawan kita kung gusto mo. I.. I can–” “Sir Alessandro,” putol niya sa sasabihin nito. “Bakit… bakit mo ako nagustuhan?” Saglit itong natahimik. Ngunit mayamaya ay bahagya itong lumayo sa pagkakayakap sa kanya upang titigan siya, mata sa mata. “They say that physiologically, you can feel like you’re in love in one-fifth of a second. I know, that was fast. And the real challenge was to feel that same feeling after that one-fifth of a second. Akala ko nahihiya lang ako o kung hindi man, e nangangailangan ng makakasiping kaya ko naramdaman ‘yon no’ng una kitang nakita, Faye. But one-fifth of a second passed. The feeling stayed. It lingered. That… made me feel certain that I like you. As to the why? I’m not sure. I don’t know. It’s not… something you really look for, right? Hindi mo naman kailangan ng dahilan para magustuhan mo ang isang tao. It just… happens.” Alessandro let his fingers slide down her cheek. “Alam kong naging mabilis ang mga pangyayari sa pagitan natin. I have been too impulsive and I might come on to you strong. I just… I don’t want anything to stop us. I wanted it to happen. I knew that from the very moment I decided to involve myself. And I am not the perfect guy you’d ever meet. I’m just a lonely bastard who longs to be loved but believe me, Faye… Trust me. I can wait for you. I can do everything for you. Just… just trust me…” Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at sinulyapan ang lalaki. “Sabi nila, kung gaano raw kabilis nag-umpisa ang mga bagay, gano’n din kabilis mawala lahat ng ‘yon. Ayoko lang… na matulad ako kay Mama. Ayoko na… kapag naging mahirap na ang sitwasyon, mag-away tayo o maiwan ako na nag-iisa at–” Tuluyan nang nabasag ang kanyang tinig. “Faye, Faye…” Hinila siya nito at muling ikinulong sa mga bisig nito. “I’ll make it stay. No matter what. E ano kung mabilis akong nahulog? E ano kung mabilis ang umpisa ng relasyon natin? I’ll do everything just to make it last. Just for you, I’ll make everything last. Because I want to spend my life with you.” Alessandro “What have you done again to anger the De Santis, Alonzo?” dagundong ng tinig ni Alessandro habang kaharap ang kanyang kapatid na prenteng nakaupo sa loob ng kanyang opisina, umiinom ng brandy. “Alam mo naman na sila ang pinakamalaking kasyoso natin sa negosyo! You can’t just shoot their son and declare war!” Malamig siyang tiningnan ng kanyang kapatid. “Why would I get afraid of a war, Alessandro? Alam ko naman ang kakayahan mo. You can lead all of our men against them and I’m not even bothered. You’re my killing machine.” Napalunok si Alessandro. Napatalikod at hinilot ang kanyang sentido. Sa katunayan ay ayaw niya na ng ganitong uri ng trabaho. He did not mind running the business but being involved in violence and all of the things he used to do under Alonzo was not in his plans anymore. Ayaw niyang mag-alala si Faye. Ayaw niya rin na madamay ito sa mga gulong kakasangkutan niya. “I don’t want to be involved in any of that , Alonzo. I want a peaceful life. Forty na tayo pareho, for Pete’s sake! We’re not kids anymore. Involving ourselves in violence and gang wars should not be on our lists anymore.” Hindi na siya nagulat nang nakarinig siya ng pagkasa ng baril. Hindi lumingon si Alessandro. Hindi niya hinarap si Alonzo. Malakas ang kutob niya na alam na nito ang lahat, mula sa kanyang ginawa pati na rin ang relasyon nila ni Faye. Pagak itong tumawa. “Akala mo ba hindi ko alam, Alessandro? You can never hide anything from me, mio fratello. You just lost almost 2.5 million pesos because you let your heart decide for that woman, Alessandro. At least the least thing you could do right now is to f*cking fulfill my request, or else–” “Or else what?” nanghahamon na tanong niya bago ito nilingon. “You’ll kill me? Papatayin mo ang sarili mong kakambal, Alonzo? Dahil lang gusto kong magkaro’n ng sariling buhay na hindi mo alam? Na hindi mo napapakelamanan?” Nakakaloko ang pinakawalang tawa ng kanyang kakambal. Ibinaba nito ang baril at matalim ang titig na ibinalik sa kanya. “You know I can do worse than that, Alessandro. It’s not that hard to hunt down your precious… Have you forgotten?” Nanlamig ang katawan ni Alessandro. Nagtangis ang kanyang bagang at akmang susugurin ang kanyang kapatid ngunit natigilan siya nang muli nitong itutok sa kanyang noo ang baril na hawak nito. “Alonzo! Leave Faye alone, for f*ck’s sake! Don’t repeat what happened before! Just let me be happy this time!” Ngumisi ito. “I thought you’ve forgotten about what I made you do to Valentina, Vittorio Alessandro. And I can do that again, and again, and…” Naramdaman niya ang malamig na nguso ng baril na humalik sa kanyang balat. “And I can do that again to your Faye, Alessandro. I can make something even worse this time. I can make everything hell for you, my brother… You should never have thought of falling in love. A Romano can never fall in love. And if you want to let her live her happy, peaceful life, you’ll fight this war for me. You’ll fight this war and be my loyal puppy dog once again!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD