X

1976 Words
“Sir? Bakit mo ‘ko dinala rito?” nagtatakang usisa ni Faye kay Alessandro. Nang makauwi kasi ito ay pinagbihis lang siya saglit ng lalaki ng bestida at pinasakay na sa sasakyan. Wala itong imik habang nagmamaneho. At hindi rin siya nagtangka na magtanong, hanggang sa marating nila ang dalampasigan ng X. Hindi pa naman malalim ang gabi ngunit iilan na lang ang makikitang pagala-gala sa labas, lalo na sa parteng iyon. Wala masyadong turista sa kanilang siyudad sa mga ganoong panahon kaya naman hindi na nagtaka pa si Faye. Ang tanging katanungan lamang sa isipan niya noong mga oras na iyon ay kung bakit siya dinala ng lalaki roon. Sinenyasan siya ni Alessandro na bumaba mula sa mamahaling sasakyan nito. Sumunod naman ang dalaga at tahimik nilang nilakad ang kahabaan ng buhanginan, habang kapwang nalulunod sa katahimikan at ang malayong tunog ng siyudad. Hindi nagsalita ang lalaki at ganoon din siya. Walang umimik sa kanilang dalawa hanggang sa kuhanin nito ang kanyang kamay at mahigpit na hawakan iyon. Hindi nagtagal ay narating nila ang parte ng dalampasigan na tila isang maliit na kakahuyang natataniman ng mga palm tree at iba’t ibang uri ng mga halaman. Huminto roon ang mga paa ni Alessandro. “Faye…” Napahinto siya sa paglalakad at hinarap ito. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng lalaki at ngumiti. “Anong problema, Sir? Puwede kang magsabi sa ‘kin, makikinig ako.” Mahina itong natawa at hinagkan ang kanyang kamay. “Well, puwede bang… kahit ngayon lang, huwag mo na ‘kong tawagin na Sir? Alessandro na lang. Call me by my name, Faye.” Tumango siya. “Alessandro…” Napapikit ito, tila ba nakikinig ng musika. Hinila siya nito at ikinulong sa matitipunong bisig nito. “I love to hear you call my name over and over, Faye… Who knows until when it lasts?” May kabang bumundol sa kanyang dibdib na dahilan para kumawala siya sa yakap nito at salubungin ang nahahapong mga mata ng lalaki. Bagaman ngumiti ito ay alam niyang may mali, lalo na at kitang-kita naman sa paraan ng pagtitig nito sa kanya noong mga sandaling iyon. “Alessandro… anong problema? Makikinig ako. Pangako…” Humugot muna ang lalaki ng malalim na buntong-hininga at lumunok. “I… I have to go to Italy for two months, Faye. Family business. May… gulo na kinasangkutan ang kapatid ko at kailangan kong ayusin ‘yon or else magkakaroon na naman ng giyera sa pagitan namin at ng ibang mga grupo. I’m sorry if it was so urgent but believe me, Faye… I wanted to stay here with you.” Ngumiti siya at ipinakita na nauunawaan niya ang sitwasyon kahit na sa loob-loob ni Faye ay hindi niya masawata ang malakas na tambol ng kanyang dibdib. Bahagyang tumingkayad ang dalaga at inabot ang labi nito. “Alessandro, kailangan mo bang makipag-away? Kailangan mo bang…” Katahimikan ang naging sagot ng lalaki sa kanya. Mas lalong gumapang ang lamig sa katawan ng dalaga na kaagad namang napansin ng lalaki. Ikinulong nito ang kanyang mukha sa loob ng mga palad nito at hinagkan siya nang paulit-ulit sa noo. “Pangako, Faye. Uuwi akong buo para sa ‘yo… I’ll fight to live just for you, my love…” Bahagyang pumiyok ang kanyang tinig nang siya ay mapasinghap at yakaping muli ang lalaki. Hindi inakala ni Faye na magiging mabigat para sa kanya ang paglisan ng lalaki. Sinabi naman ni Alessandro na sandali lang iyon ngunit ano ang kasiguraduhan sa pangakong iyon? Tiyak niyang wala rin itong ideya kung ano ang haharapin nito sa Italy. ‘Ni hindi pa nga nila nasusulit ang mga sandali na magkasama, o ang makilala nang lubos ang isa’t isa, heto at kailangan naman nitong umalis at makipagsapalaran sa walang kasiguraduhan.  “Alessandro… sumama na lang kaya ako sa ‘yo?” mahina niyang bulong bago tiningala ang lalaki. “Sasama na lang ako sa ‘yo–” Umiling naman si Alessandro. “No, Faye… It’ll be better if you stay here, okay? Work in La Traviata while I’m not around. Nangako ang kapatid ko na poprotektahan ka at hahayaan ka na makabayad sa utang mo. Mas ligtas ka rito, Faye…” Hinila siya nito upang yakapin nang mahigpit. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Faye at niyakap pabalik ang lalaki. Kahit na ayaw niya itong paalisin dahil alam niyang panganib ang kakaharapin nito ay wala siyang magawa. “Mag-iingat ka, ha? Hihintayin kita…” Ngumiti ito at naglabas ng isang maliit na kahon mula sa bulsa nito. Sinulyapan siya ni Alessandro at bahagya pa itong nag-alangan nang buksan nito ang maliit na kahon. Lumaglag ang panga ng dalaga nang makita ang kumikinang na singsing na may maliit na asul na dyamante sa gitna. “Faye, kapag… natapos ang trabaho ko ro’n, magpakasal na tayo… I just don’t want to let you go and I’m sure that I wanted to be with you. Alam kong masyadong mabilis pero sana um-oo ka, Faye… I promise I’ll go back alive just for you…” “Alessandro…” Napatingin siya sa mga nangungusap na mata ng lalaki. “A–” “Oo o hindi lang ang gusto kong sagot, Faye,” pagsusumamo pa ng lalaki. “Will you marry me?” Isang tango lang ang isinagot niya na naging dahilan upang hilahin siya nito at mariing halikan sa labi. Saglit na huminto ang mundo ni Faye at pakiramdam niya ay siya lang at si Alessandro ang nasa gitna ng malawak na dalampasigan na iyon, natatago sa pagitan ng mga matatayog na puno ng buko at palm tree. Kapwa nilang alam na mabilis ang mga pangyayari ngunit hindi na iyon alintana pa ng dalaga. Alam niya namang pagbalik nito ay tatanungin siya ng ganoon ni Alessandro kaya bakit niya pa papatagalin? Isa pa, unti-unti na rin namang lumalalim ang dati ay paghanga lang na nararamdaman niya. Sa bawat sandaling nakakasama niya ito ay nasisiguro niyang mabuti ang lalaki at hinding-hindi siya nito sasaktan. Nang saglit siyang lumayo upang sumagap ng hangin ay itinulak naman siya ni Alessandro papasandal sa katawan ng puno ng niyog na nasa likuran nilang dalawa. Kaagad niyang napagtanto ang nais na gawin ng lalaki kaya naman nanlaki ang kanyang mga mata at hinawakan sa magkabilang balikat ang lalaki. “Alessandro, baka may makakita sa ‘tin–” “Kaya dapat huwag kang mag-ingay,” mahinang sabi ng lalaki bago hinubad ang suot nitong kurbata. Naghinang ang kanilang mga mata nang ibusal nito iyon sa kanyang bibig. Hindi pa nakuntento ang lalaki at inililis nito ang kanyang damit. Nais na magprotesta ni Faye ngunit paano niya naman gagawin iyon kung nakangiti pa rin ang lalaki at tila ba sinisigurado sa kanya na hindi nito hahayaan na may makakita sa kanilang dalawa? Nanghihina ang kanyang mga tuhod habang pinapanood ang lalaki kung paano nito alisin ang coat nito at itinapon sa buhanginan. Pagkatapos ay ibinaba nito ang neckline ng kanyang suot na damit kasama ang kanyang panloob upang ihantad sa mga mata nito ang nakatago sa likod niyon.  Nasabunutan niya nang todo ang buhok ng lalaki nang maramdaman niya ang pagkagat ng mga ngipin nito sa kanyang balat. Ang kabilang kamay naman nito ay abala sa pagmasa sa kabila niyang dibdib, na may halong diin at panggigigil. Napapikit na lamang ang dalaga habang unti-unting gumagapang ang kakaibang init at sensasyon sa kanyang katawan. Dalawang buwan. Makayanan kaya nilang dalawa na hindi makita ang isa't isa sa loob ng dalawang buwan? Napapitlag pa siya nang magtanim ito ng marka sa kanyang dibdib. Saglit na dumiretso mula sa pagkakatayo ang lalaki at tiningnan ang kanyang mga mata. Mahina itong tumawa at iniipit ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tainga at inalis ang busal niya sa bibig. Hinihingal na ikinawit ni Faye ang kanyang mga kamay sa batok nito at hinila papalapit upang siilin ng halik. Bakit pa ba siya natatakot? Nag-aalangan? Aalis si Alessandro at hindi biro ang dalawang buwan. Dapat ay ipadama niya na sa lalaki ang sinseridad ng kanyang nararamdaman.  "Can you give me a blow?" he requested before kissing her lips once again. "So I'll have something to remember while I'm in Italy…" Kasabay ng kanyang pagtango ay ang pagpapaluhod naman nito sa kanya. Hindi niya inalintana ang pinong buhangin na bahagyang lumalatay sa kanyang tuhod, o ang bahagyang pagsabunot ni Alessandro sa kanyang buhok. Sinenyasan siya ng lalaki na alisin ang suot nitong pantalon at tumalima naman siya. As she carefully pulled down his pants, it dawned to her that Alessandro was going to— Impit siyang napaungol nang walang pasabi na pinanganga siya ng lalaki at ipinasok sa loob ng kanyang bibig ang kahabaan nito. Nanlaki ang mga mata ni Faye at saglit na napakapit sa hita ng lalaki ngunit ginabayan nito ang kanyang ulo sa paggalaw kaagad, habang nakasabunot ang isang kamay nito sa kanyang buhok. Hinayaan niya ito at pinakinggan ang bawat utos ng lalaki, bawat pag-ulos, bawat paghagod ng kanyang kamay na siyang iniuungol ng lalaki. Hindi huminto si Faye hanggang sa nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkalat ng mainit na likido sa loob ng kanyang lalamunan. Kaagad na napahugot si Alessandro. Isinara nito ang kanyang bibig at pilyong ngumisi. “Swallow all of it, Faye.” Hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa mga mata ni Alessandro nang patayuin siya nito. Bahagya pa siyang napangiwi nang hawakan siya nito sa likod ng batok at idiin sa katawan ng puno ng niyog. Hinila naman ng lalaki ang kanyang balakang papalapit sa katawan nito at inililis ang laylayan ng kanyang bestida. At hindi niya namamalayan, sumunod nang napunit ang kanyang panloob.  “Alessandro…” “You better know how to stay silent while I’m f*cking you, babe,” pilyong bulong nito sa kanyang tainga bago nag-umpisang umulos. Habang nakasubsob naman ito sa kanyang leeg at nagtatanim ng mga mumunting marka roon, ang kamay naman nito ay nagliliwaliw, habang ang isa pa ay nakatakip sa kanyang mga labi. Ipinikit ni Faye ang kanyang mga mata at hinayaan si Alessandro na dalhin siya sa langit. Hinayaan niya ang lalaki na bagalan at bilisan ang ritmo ng kanilang mga katawan. He was in control. And she let him.  Ninamnam ni Faye ang sandali habang nasa ilalim sila ng punong iyon na bahagyang umuuga dahil sa lakas ng pagbayo ng lalaki. Tanging mga tunog lang ng kumakaluskos na dahon at ang impit nilang ungol ang kanyang naririnig, pati na rin ang mahinang musika ng balat na tumatama sa balat. Never in her life has she felt such raw and strong love that she wondered if she would be able not to miss him while he was away. Si Alessandro ang unang lalaking nagparamdam sa kanya ng ganoon kainit na pag-ibig kahit na malaki ang agwat ng kanilang mga edad at estado sa buhay. Si Alessandro ang… Isang halik ang nagpatahimik sa kanyang pagsinghap nang datnan ito sa loob niya. Masuyong ngumiti ang lalaki at bahagyang inayos ang kanyang buhok. Dumiretso ito mula sa pagkakatayo at pinaharap siya. Naramdaman ni Faye ang paglapat muli ng kanyang likod sa puno habang itinataas naman nito ang pantalon nito. Nilabas ng lalaki ang kahita ng singsing mula sa bulsa nito at kinuha ang kanyang kamay.  “Would you wait for me, Faye?” “Oo naman… hihintayin kita, Alessandro. Pangako.” Mas lalong lumapad ang pagkakangiti nito. Isinuot nito ang singsing sa kanyang daliri at hinagkan iyon bago siya sinulyapan. “Babalikan kita. Pangako. Hintayin mo lang ako, Faye…” Nang masulyapan niya ang mga mata nito, ay bahagyang nakaramdam ng takot ang dalaga. Dahil hindi pag-asa ang nakapinta sa mga iyon. O galak.  Kung alam mo lang kung gaanong lungkot ang nakikita ko sa mga mata mo, Alessandro… Ano ba talagang nangyayari? Bakit ayaw mong sabihin nang buo? Bakit sa tono mo, parang namamaalam ka na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD