Napatuwid ng tayo ang ilang mga babaeng naligaw sa Paradiso nang makita nila ang dalawang naglalakad sa may sidewalk ng malawak na kalsada ng lugar. Natigil ang kanilang mga hagikhikan at nagsisikuhan ang bawat isa kung paano lalapitan ang mga lalaki. But the men did not even give them a glance. With their expensive tuxedos and one of them using a golden dragon cane, it would be too obvious to know who they were. Tanga lang ang hindi makakakilala sa dalawang lalaki ganoong pagmamay-ari nila ang buong lugar.
“Looks like you’re catching everyone’s attention once again, Chairman,” pagbibiro ng lalaking kasabay ng may hawak na baston. “Girls were eyeing on you again.”
Tumawa lang ang tinawag nitong chairman. “Come on, Feng. Wala akong interes sa gan’yan. The issue between Shantal and Briar was already keeping me awake at night. Ayaw ko nang dagdagan ang sakit ng ulo ko. However, I do think that they’re interested on you, Mr. Xiao.”
Tumawa lang si Feng, ang kuwarenta anyos na vice chairman ng Paradiso. Hanggang ngayon kasi ay tinutulungan niya ang kanyang matalik na kaibigan upang maresolba ang mga personal na problema nito at ng asawa nito. “They won’t like an old man like me, Jian. They’re far more interested in the young chairman. I mean, come on. Sino ba namang magkakagusto sa ‘kin? Kukulubot na ‘to in a few years, hindi na mouth-watering, if you know what I mean.”
Ngumisi lang ang lalaki. “You’re thinking too low about yourself. Stop being humble, buti ka pa nga at hindi ka pilay.”
Napailing na lamang si Feng nang maihatid ang kanyang kaibigan sa opisina nito. Jianyu always do self-pity and sometimes it makes him want to punch him in the face. Kung tutuusin ay guwapo rin naman ang lalaki ngunit sadyang mababa lang talaga ang kumpiyansa nito, siguro ay dala na rin ng leg defect nito. Nitong nakaraan ay natuto itong magdamit na may kaunting confidence ngunit kilala niya ang kaibigan niya; ito pa rin ang mabait, tahimik, at mahiyaing Chairman Lee ng Paradiso. “Stop doing that self-pity, Jian. Be confident! Or else, I’m really going to steal your wife.”
Sinamaan siya nito ng tingin bago binato ng rolyo ng tissue na nakakalat sa lamesa nito. “As if you’d really do that.”
Malungkot siyang ngumiti. “Who knows? Anyway, I’m off to the race tracks. May utang pa si Grimaldi sa ‘kin.”
Nang makalabas ng opisina ni Jian ay nagpakawala na lamang ng malalim na buntong-hininga si Feng at ginulo ang kanyang maalun-along itim na buhok. Lumigid siya at nagpunta sa private garage ng Paradiso kung saan nakaparada ang mga sasakyan at motorsiklong kinokolekta nila ng kanyang matalik na kaibigan. Kung ito ay nahihilig sa mga vintage na sasakyan, siya naman ay may koleksiyon ng mga mamahaling motorbike at race bike. Libangan niya na iyon at madalas nga siyang makipaghamunan sa kanyang mga kaibigan na professional racer, katulad ni Romeo Grimaldi.
Nang makapagsuot ng proper gear at helmet na kulay itim ay namili na ang lalaki sa kung alin ang gusto niyang sakyan. Mayamaya pa, humarurot papalabas ng malaking garahe ang pulang Ducati V4S na kanyang kinalululanan.
Hindi biro ang halaga na kanyang ginastos para sa kanyang koleksiyon. Ngunit wala na lang din iyon para kay Feng. Maliban sa siya ang vice chairman ng Paradiso pati na rin ng mga negosyong pagmamay-ari ni Jian, wala rin naman siyang binubuhay. Sa edad niyang kuwarenta ay puro fling kung hindi man one night stand ang takbo ng kanyang buhay-pag-ibig. Wala na rin siyang mga magulang at nag-iisang anak lang siya. He was an old bachelor and he did not mind being called like that. He wanted to live his life to the fullest without letting his heart get in the way. Kahit naman kasi may nilalaman ang kanyang puso ay alam niyang hindi niya dapat–
Sumagitsit sa kalsada ang gulong niya nang maalala na may naipangako nga pala siya sa asawa ng kanyang kaibigan. Saglit na itinabi ni Feng ang motorbike niya at may tinawagan. Pagkatapos ay muli niya nang pinaharurot ang kanyang motorsiklo patungo sa drag race tracks ng Paradiso.
He raised his middle finger on Romeo who was already waiting at the side tracks, polishing his gears. Dalawang gitnang daliri naman ang ibinalik nito sa kanya bago hinubad ang helmet nito at naglakad papalapit sa kanya at sa motor niya. Mahigpit siya nitong niyakap at tinapik sa likod bago tumawa. “Natagalan ka yata, Mr. Xiao? Ano, nirarayuma ka na ba?”
Isinuot niyang muli ang kanyang helmet. “Don’t get too cocky, asshole. I might beat you again. Three million, Grimaldi.”
He scoffed before putting his helmet on too. “Add a new Yamaha on it, Mr. Xiao.”
He just shrugged before riding his bike. “Deal.”
The engines of the two fastest motorbikes in the middle of the tracks roared, clouds of sand forming behind. Feng focused on the marshal waving two green flags at them. Humigpit ang hawak ni Feng sa handlebar ng kanyang sinasakyan. Nang makita ang senyales na umpisa na ng karera ay hindi na niya hinayaan pa na mauna si Romeo. Halos lumilipad ang pulang motorsiklo ng lalaki nang paharurutin niya ito, nakasunod ang puting Ducati ng kanyang kalaban sa hindi kalayuan. Saglit niya lang itong tinapunan ng tingin bago pinaharurot pa ang kanyang sasakyan. Halos mauunahan na siya ni Romeo nang dumaan sa kurbadang parte ng track ang kanilang mga motorsiklo. Muntik pang sumemplang ang kanyang motor dahil sa tindi ng pagkatagilid niyon ngunit kaagad namang nakabawi si Feng. He never lost a race. He always made sure of that.
Saglit pa niyang pinaikot-ikot ang kanyang motorsiklo nang makalampas iyon sa finish line bago niya itinukod ang kanyang paa sa buhanginan at kontrolin ang paghinto niyon. Halos kalahating segundo lang ang binilang niya nang sumunod namang marating ni Romeo ang finish line. Hindi na siya nagtaka pa dahil professional racer ang kanyang kaibigan. Sadyang hindi lang siya nito matalo minsan, siguro ay dahil na rin hindi ito nagseseryoso.
Hinubad niya ang helmet niya at malakas na tumawa. “Ihanda mo na ang three million, thank you.”
Romeo removed his helmet and rolled his eyes at him. “Fine, fine, Mr. Xiao.” Saglit siya nitong sinulyapan. Pagkatapos ay mahinang tumawa. “I always wonder why you never pursued a career as a professional racer, Feng. You’re goddamn amazing! Halos kulang na lang e magkapakpak ‘yong motor mo sa bilis ng pagpapatakbo mo.”
Kinuha niya ang mineral water bottle na iniabot sa kanya ng race marshall at ininom ang laman niyon bago sumagot. “Kailangan ni Jian ng kasama sa pagpapatakbo ng Paradiso. Can’t leave that moron alone or he’ll run amok.”
Napahalakhak si Romeo. “Or maybe, you can’t leave him alone because of his wife.”
Hindi nakaimik si Feng. Bahagya lang siyang natawa ngunit hindi niya rin naman kinontra ang sinabi ng kaibigan. Sumandal ito sa motor nito habang nagsisindi ng sigarilyo. Nakatulala naman siya sa buhanginan, hindi pa rin umiimik.
“Come on, Feng. I know you, Hindi mo naman sisirain ang buhay ni Jian pero kailangan mo ring bumitaw. Distance yourself, man. Kapag nagkaayos na sila, wala ka nang lugar do’n. Maiiwan ka na parang tanga.”
He just scoffed. “I’m staying because I want to, Romeo. It’s not because of Mrs. Lee. Alam ko namang lumalalim na nararamdaman niya para kay Jian. Hindi ako bulag para hindi ‘yon mapansin. I’m just trying to serve my family’s oath to the Lees.”
Romeo frowned. “Ano, hindi ka magkakaro’n ng plano na magpamilya? Forty ka na kaya, Mr. Xiao. Baka nakakalimutan mo.”
He just shrugged and took out his smartphone. “Eh, f*ck romance. Why would I bother when the woman that I want is already married to my best friend?”
Saglit siyang natahimik nang makita ang natanggap na mensahe. Pagkatapos naman magpadala ng reply ay dali-daling sumakay si Feng sa kanyang Ducati at i-ni-start ang motorsiklo.
Nangunot ang noo ni Romeo. “O, saan ka pupunta? Akala ko ba hang out–”
“Sorry, Rome, something came up,” nagmamadakung sabi niya habang inaayos ang kanyang helmet. “I’ll treat you dinner next time–”
Mahinang tumawa ang lalaki. “Let me guess, tumawag si precious Mrs. Lee, telling you that she needed something?”
He shrugged. “Hey, Jian’s busy. I’m his proxy, so…”
Humahalakhak na sinenyasan na siya ni Romeo na umalis na. “Come on, dude, go now. Your reasons are freaking killing me.”
Itinawa niya na lang ang ekspresyon ni Romeo at pinaharurot na ang kanyang motorsiklo. The mansion was not that far from the tracks, anyway. Plus, he was speeding. May injury si Briar Lee, ang asawa ng kanyang kaibigan. Nabaril ito sa balikat noong isang araw habang kasama siya at ngayon ay nagpapagaling na ito kaya naman todo ang atensyon na ibinibigay niya sa babae, lalo na kapag minsan ay hindi maiiwasan ni Jian na maging abala sa kanilang negosyo.
Hindi niya naman gustong ipakita kay Briar na mas may kakayahan siya na alagaan ito. Jian was a busy man and they both knew that. Also, after everything that happened between the two, he just did not want her to feel lonely. She needed support. Jian and her both needed support.
“Mrs. Lee,” bungad na sigaw niya sa babaeng nakaupo sa garden set, nagbabasa ng libro. Ipinarada niya ang kanyang Ducati sa gilid ng pathwalk patungo sa mansiyon at iniabot sa valet ang susi para iparada iyon sa garahe niya. Nang makita naman siya nito ay ngumiti ito at kumaway. May arm support ang isa nitong braso. Kaagad namang lumapad ang ngiting nakapinta sa mga labi ni Feng nang makita na nakangiti ito, at halatang nagustuhan ang kanyang regalo.
“Feng! Akala ko nagbibiro ka lang no’ng sinabi ko na bilhan mo si Jian ng ginseng tea,” natatawang saad nito bago inipitan ng bookmark ang librong hawak at humarap sa kanya. “Nakuha niya na, at tinawagan niya ako…”
May kaunting hapdi na gumuhit sa kanyang dibdib nang makita ang ganda ng ngiti nito habang nakatitig sa wedding band na suot. Alam niya naman kung gaano kalaking effort ang ginagawa ng babae para makuha muli ang loob ng asawa nito na alam niyang hindi naman papalya. Jian was madly in love with her. And soon enough, she would be, too.
Their love was already written on a f*cking script and all that he could only do was to follow his lines and role. He was the wingman. The supporting character that the main leads need. At kahit na gaano pa kalalim o kadalisay o katotoo ang nararamdaman niya para kay Briar, alam niyang wala rin naman siyang laban.
Dahil hindi siya si Jian. Hindi siya ang main character. He was just that side character that was supposed to be forgotten after.
“Ano ka ba, Bri. It’s my duty to make sure that both of you are happy and safe. Ang mahalaga, nagustuhan ni Jian ang pinadala mo at malapit na kayong magkaayos. That simple.”
Nabahiran ng pag-aalala ang mukha ni Briar. “Sigurado ka bang okay lang sa ‘yo na nagiging tulay ka namin? You need a life too, Feng.”
Mahina lang siyang tumawa at sumandal sa upuan. Nagkibit-balikat. “I’m good, Briar… As long as Jian’s happy. As long as you’re happy, I’m good with that.”
Kahit na hindi ako ang nakikita mo, iisipin ko na lang na naging malapit ako sa ‘yo, Briar. Na minsan, naging magkaibigan tayo. And that’s more than enough. That’s more than enough for a side character like me.