XII

1699 Words
Idinura ni Alessandro ang dugong namumuo sa kanyang bibig. He was already down to his last two magazines and it seemed that they kept on multiplying in the dark of night. Hindi niya malaman kung nagtatawag ba ang mga ito ng backup, kung sadyang malaki na ang tama niya kaya hindi niya na naipopokus ang kanyang katawan sa mga kaharap, o dahil… tumatanda na siya. Lumalabo ang paningin. Humihina ang katawan. At kung sino mang may gustong patayin siya ay ginamit iyon na pagkakataon para pabagsakin siya.  “F*ck!” mahinang mura niya bago sinapo ang dumudugong braso. Mukhang malalim ang tama niya dahil basang-basa na ng kanyang sariling dugo ang kanyang coat. Ipinikit ni Alessandro ang kanyang mga mata at inisip ang misyong iniatas ni Alonzo sa kanya. Pabagsakin ang mga De Santis. Hindi ugali ng kanyang kapatid ang makipagbati at mas lalong alam nitong hindi yuyuko ang mga De Santis sa kanilang mga Romano kaya naman iisa lang ang naisip nitong paraan para tapusin ang sigalot na ito rin ang nag-umpisa.  Ngunit hindi naman sinabi ni Alonzo sa kanya na pagkalapag na pagkalapag ng kanyang kinalululanang private jet sa Italya ay mga bala ang sasalubong sa kanya. Hindi sumasagot ang mga tauhan niyang dapat ay nasa susunod na private jet. Hindi niya rin ma-contact si Alonzo para sa backup. Tila ba sadya siyang iniwan nito nang… nag-iisa.  Ang kaisipang iyon ang nagdulot ng matinding init sa katawan ni Alessandro. Mabilis ang t***k ng kanyang puso at tila ba kinakapos siya ng hininga. Tila ba sinasakal siya ng mga hindi nakikitang kamay, inaalis ang kanyang ulirat at ginigising ang nahihimbing na halimaw niyang katauhan. Ang katauhan na itinago niya simula noong nakilala niya si Faye. Itinago niya ang mga kamay at matang walang ibang alam kung hindi dahas nang dumating ang dalaga sa kanyang mundo. Ngunit alam ni Alessandrong sa pagkakataon na iyon ay wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang ipakita kung gaano kademonyo ang isang Romano na katulad niya.  Sa isang kisapmata ay inalis niya ang punit na manggas ng kanyang long sleeves at itinali iyon sa ibabaw ng kanyang sugat upang lagyan ng pressure ang pagdurugo. Nagdidilim ang paningin ni Alessandro nang alisin niya ang mamahalin niyang coat at ihagis iyon sa lapag. Pagkatapos, inabot niya ang mahabang tubong nakakalat sa maliit na eskinitang kanyang pinagtataguan.  “Gusto mo talaga akong mamatay, Alonzo, huh?” pagak na saad niya bago tumawa at pinadaan ang dulo ng tubo sa bakal na hagdan ng gusaling itinatago ang eskinitang kinaroroonan. Sa lakas ng puwersa ng kanyang kamay ay lumikha iyon ng mga mumunting kislap at nang ilayo niya ang dulo ng tubo mula roon ay namumula na iyon at umuusok. “Let’s see if you really can f*cking kill me!” Kumalat ang katahimikan sa buong paligid. Alerto ang mga tauhan ni Alonzo habang inililinga ang kanilang mga mata. Inutusan sila ng kanilang amo na hindi nila dapat hayaan ang kanilang Signore Alessandro na makatungtong sa teritoryo ng mga De Santis at ang biglaang pagawala nito ay isisisi sa kanilang mahigpit na karibal. Hindi nila ito papatayin ngunit kailangan nilang iparalisa ang lalaki. Hindi nila malaman ang dahilan ng kanilang Signore Alonzo ganoong alam naman nila ang kakayahan ng kakambal nito ngunit iisa lang ang alam ng mga mumunting tau-tauhan ng magkapatid na Romano: may nagbabadyang sigalot sa pagitan ng dalawa at kailangan nilang kumampi sa mas malakas at mas makapangyarihan upang mailigtas ang kani-kanilang mga buhay.  Siguro naman ay masyadong malinaw kung sino sa dalawang lalaki ang dapat nilang pagkatiwalaan ng kanilang– “Sinong nand’yan?” garagal ang tinig ng lalaki bago nilingon ang damuhan na pinanggalingan ng kaluskos. Ang mahabang kalsadang iyon ay pagmamay-ari ng mga Romano at kasalukuyang sarado iyon noong mga oras na iyon kaya naman bahagyang ginapangan ng takot ang lalaki. Ang iba nitong mga kasamahan ay nagkalat sa iba’t ibang bahagi para tingnan kung naroroon ba ang kanilang Signore. Napalunok ang lalaki at inayos ang radyo nito ngunit hindi iyon gumagana. Wala rin itong naririnig na kahit na ano mula sa mga kasamahan nito. Ang gabi ay… tahimik. Lubhang tahimik. Sa sobrang tahimik ay halos naririnig na nito ang sariling pintig ng pusong nangangamba para sa sarili nitong buhay. Madilim at kahit na anong gawin nitong paglente sa bahaging iyon ay tila hindi man lang iyon naliliwanagan nang kaunti. Pakiramdam ng lalaki ay nag-iisa ito. At sa pag-iisa nito ay may isang bisitang hindi imbitado ang nais na… makipaglaro. “S-Sino… sino ‘yan?” garagal ang tinig na ulit nito. “Hin–” Ang nakakakuliling tunog ng bakal na pinapadaan sa semento ang huli nitong narinig bago ang lagutok ng buto nito sa leeg at ang mahinang paglagaslas ng dugo mula sa malalim na taga na nadaanan ng tubo na hawak ng kung sino mang umatake rito mula sa dilim. Kaagad na nasapo ng lalaki ang nagdurugong leeg at pilit na pinigil ang paglabas ng dugo. Ngunit huli na. Halos malunod na ito sa dugong tumatagas mula sa malaki niyang sugat. Nanghihinang napahiga ang lalaki sa lapag, nangingisay at pilit na humahagap ng hangin. Ngunit paano pa nito gagawin iyon ganoong halos humiwalay na ang ulo nito sa sariling leeg? Tuluyan na itong naluha nang makita ang mukha ng kanina pa nito binabantayan. Itim ang mga mata niya ngunit noong gabing iyon ay kitang-kita nito ang pagbabaga ng mga iyon. Pati na rin ang tila ba pagbangis ng mukha ng lalaki. Naipikit na lamang nito ang mga mata bago hinugot ang huling hininga nito. Hindi na rin magawang magsalita o magmakaawa para sa sa sarili nitong buhay. Wala na ring saysay ang pagmamakaawa Alam nito na iyon na ang katapusan.  Hindi na nito naramdaman ang muling pag-igkas ng tubong hawak niya upang putulin ang natitirang laman sa leeg nito. Ang pagtilamsik ng dugo niya sa puting suot ni Alessandro ay hindi sapat upang makuntento siya sa ginawa niya. Muling humalo sa kadiliman ang lalaki. Hinanap ang iba pang banta sa kanyang buhay. Siniguradong pagsikat ng araw kinabukasan ay siya na lamang ang tanging matitirang buhay sa lugar na iyon. Simula noong makilala niya si Faye ay sinubukan niyang burahin ang dahas sa kanyang mga kamay. Sinubukan niyang alisin ang mga bahid ng dugo na nagmantsa sa kanyang mga palad, kasama na rin ang ilang daang buhay na nawala nang dahil sa kanya. Sinubukan ni Alessandrong ialis ang kanyang buhay mula sa karahasan ngunit nakalimutan niyang hangga’t hindi siya nakakaalis sa gapos niya kay Alonzo ay patuloy nitong kokontrolin ang kanyang buhay. Hangga’t hindi siya nakakaalis sa impluwensiya ng kanyang kapatid ay patuloy siya nitong uutusan na pumatay. O magpakamatay.  Papasikat na ang araw sa kanluran nang itarak ni Alessandro ang tubong hawak sa dibdib ng huling tauhan ng kanyang kapatid. Nanghihina ang kanyang katawan na napaluhod siya at napaupo sa sementadong daan. Malalim ang tama niya sa braso at may saksak din siya sa may tagiliran. Kanina pa nagdurugo ang sentido niya, at bali na rin ang isa niyang braso at ang ilang bahagi ng kanyang tadyang. Nakakamangha nga na nagawa niya pang makatayo at makalakad. He was weak. Kahit naman bumalik siya sa X ay alam niyang babalakin lang din ni Alonzo na ipapatay siya, kung hindi man pabalikin sa Italya upang harapin ang mga De Santis. Wala siyang matatakbuhan. Kung may dadating pa ay mukhang hindi niya ba kakayanin na kaharapin ang mga iyon. Nanghihina na ang katawan niya na sinaliwan na rin ng epekto ng kanyang edad. Hindi niya alam kung ilang tauhan ng kanyang kapatid ang kanyang napatay at tiyak na mas lalong titindi ang galit nito kapag nalaman iyon. Hindi siya maaaring bumalik. Hindi niya alam kung paano ang— "Faye…" garagal ang tinig na bulong niya  nang maalala ang dalaga. Nangako pa man din siya ba babalik ngunit heto siya ngayon at lumalaban para sa kanyang buhay. He even promised to marry her. But it looked like it would not come true anymore. He was growing weaker and weaker. And he has no other information about Alonzo’s plan to kill him, nor what fate awaits him in X. Ang tanging hiling niya lang ay sana, manatiling ligtas si Faye at… “I’m sorry…” Mahina siyang natawa nang maramdaman ang presensiya ng isang babae sa kanyang likuran. Mula sa anino nito, sa gamit na pabango, tindig, at ang tunog ng takong, kilalang-kilala niya kung sino iyon. Si Valentina De Santis, ang dati niyang nobya at ngayon ay ang nagpapatakbo ng mga negosyo ng De Santis, ang siyang nasa kanyang likuran. Sinundan iyon ng mahinang tunog ng pagkasa ng baril. Hindi na sinubukan pa ni Alessandro na manlaban. Ngunit lumipas na ang ilang minuto ngunit hindi pa rin kinakalabit ni Valentina ang gatilyo ng hawak nitong baril.  “Long time no see, Mr. Romano,” malamig na bati nito sa kanya. “Gan’yan ba talaga kayong mga Romano, mga halang ang kaluluwa? Pati ang sarili nilang tauhan e papatayin?” Pagak na natawa si Alessandro. “Kung papatayin mo ako, Valentina, patayin mo na lang ako. Wala akong lakas o intensiyon na ipaliwanag ang sarili ko.” Nakakalokong tumawa ang babae. “That’s new. The great and invincible Vittorio Alessandro Romano, asking me to end his life… Alam mo ba kung gaano ko hinintay ang pagkakataon na ito, Alessandro? I’ve always wanted to f*cking kill you ever since you did that to me!” Mapait na ngumiti si Alessandro at itinaas ang kanyang mga kamay. Tumama ang metal na tubo sa semento nang bitawan niya iyon. “Then I’m giving you the chance now, Valentina. Hindi na ako makakabalik sa kapatid ko dahil alam ko na papatayin niya lang din ako. He sent me to kill you but I guess… I’m…” “That you’re still a coward and a f*cking lapdog to Alonzo, Alessandro,” gigil na dugtong nito sa kanyang sasabihin. Pagak na natawa si Valentina. “I have no good reason to prolong your agonizing existence, nor give you mercy and let you live a little longer. Addio, Signore Romano.” Ipinikit na lamang ni Alessandro ang kanyang mga mata at hinintay ang pagtama ng malamig na bala sa kanyang bungo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD