Di kayang tignan ni Danie ang kanyang anak sa sobrang kahihiyan habang nakatayo ito sa harapan nila ni Clayton. "Did we commit a crime, para kang lawyer ah can you seat down" natatawang sabi ni Clayton kay Tantan. "Pakasalan mo nanay ko" biglang sabi ng bata ka kay Clayton. Halos maibuga niya ang hinihigop niyang kape dahil sa sinabi ng bata sa kanya saka siya natawa. "Sure" nakangising sabi nito sabay tinignan niya si Danie. "Tantan anak alam mo ba sinasabi mo!" "Opo nay, kailangan pakasalan ka ni doc pogi dahil ang gumagawa lang po ng ganyan ay mag asawa eh di pa kayo mag asawa kaya kailangan niyo pong magpakasal. " That's true! kiddo"nakangiting sabi ni Clayton. "Tumahimik ka nga sulsul ka din eh!" inis na sigaw ni Danie sa kanya. "Anak saan mo nalaman yang mga bagay na yan

