"Tantan anak andito na si nanay, anak!" Kanina pa ako tawag ng tawag sa anak ko pero walang sumasagot, sakto naman dumating si mama. "Mah kakauwi niyo lang, asan si Tantan bakit parang wala siya dito kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya" "Ay ewan ko diyan sa anak mo, pagsabihan mo nga alis siya ng alis sa bahay kung saan saan nakakarating tignan mo anong oras na dipa umuuwi ayan nakita mo na ang tunay na ugali niya ang tigas ng ulo" "Nay di naman siya ganito dati kahit umaalis naman yun sa bahay nadadatnan ko parin siya, eh ngayon alas otso na ng gabi wala pa siya dipa umuuwi baka may nangyari na sa kanyang masama mah" "Naku malamang na kay Alan nanaman yan, sila lang naman lagi magkasama naku pag yang Alan na yan kasama ng anak mo ay ewan ko na lang" "Nay kayo din naman lagi kayong

