1

1388 Words
“I DON’T really understand why you have to do this.” Hindi gaanong narinig ni Margarette ang sinabi ng best friend niyang bakla na si Jay. Ito ang nagmamaneho ng sasakyan niya. Nakaupo lamang siya sa passenger’s seat at malalim ang iniisip. Pauwi sila sa San Pioquinto—isang liblib na bayan sa Norte—para asikasuhin ang mga ari-arian ng mga magulang niya. Limang taon na rin mula nang mag-migrate silang mag-anak sa Amerika. Iniwan nila sa Pilipinas ang lumang ancestral house at tatlong ektaryang lupain na namana ng kanyang ina sa namayapang mga magulang nito. Hindi sanay ang papa niya sa buhay sa probinsiya. He had been a city boy all his life. Sa siyudad din ang trabaho nito. He was an executive in an advertising company. Noong bata pa siya ay palipat-lipat sila sa Maynila at sa San Pioquinto. Kailangan din kasing asikasuhin ng kanyang mama ang taniman na iniwan dito ng mga magulang nito. Nang magkolehiyo siya ay hindi na siya madalas na nakakauwi sa probinsiya. Ang mama na lang niya ang madalas na bumibisita roon para kumustahin ang taniman. “Are you listening to me, Meggie?” naiinis na tanong ni Jay. “Will you just shut up for a minute, Jay?” naiinis ding tanong niya. “I’m trying to think, okay?” “You don’t have to do this. You know what you need to do? Look for a real estate agent. Kapag may buyer na, saka na tayo magtungo ro’n.” Muntik na niyang masabunutan ito dahil ayaw nitong manahimik. “We’re halfway there. Shut up and concentrate on your driving.” “I don’t mind driving back, really. This is insane. No, this is beyond insanity! Look at you! Look at me!” “I hate you!” patiling sabi niya sa sobrang inis. “I hate you, too. You drag me here all the way from America for what? To make fun of yourself? Wake up, Meggie. This isn’t working. It will never work!” Hindi siya nakatugon. Sa sobrang inis niya, naluluha na siya. Pero lalo siyang pagagalitan ni Jay kapag nakita nitong naluluha siya kaya pinigil niya ang pag-alpas ng kanyang mga luha at ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana. “Don’t cry,” pag-aalo nito sa kanya sa malumanay nang tinig. Wala na iyon kahit anong bahid ng inis. “Meggie, you know I love you, right? Dahil mahal kita, hindi ako mag-aalangang sabihin sa `yo ang totoo. Hindi uubra ang gusto mo. Look at us. I’m not trying to insult you or myself—I love being me and you know that.” Tuluyan na siyang napaiyak. Nais niyang itago rito ang pagluha niya pero ipinagkanulo siya ng mga balikat niya. Inihinto nito sa gilid ng daan ang sasakyan at marahan siyang kinabig at niyakap nito. Napahagulhol na siya nang tuluyan at gumanti ng yakap dito. “I just wanna show them I’m okay, Jay. That I’m not affected anymore,” aniya sa pagitan ng mga hagulhol. Hinagod nito ang likod niya. “The truth is you’re not okay, Meggie. You’re badly affected. Na hindi dapat, hindi maganda. It has been five years, darling. Hindi ka pa man nakakapag-move on, gumagawa ka na naman ng panibagong hakbang na hindi makabubuti sa `yo. Alam mo iyon sa sarili mo, aminin mo man o hindi. Alam mong lalo kang hindi makakapag-move on sa nais mong mangyari. Lalo mo lang ibabaon ang sarili mo sa nakaraan. Baka hindi ka na makaahon.” Hindi siya nakatugon dahil nahihirapan siyang magsalita. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa tindi ng nararamdaman niya. Her heart was in pieces. “Everything will be all right, darling,” he soothingly said. She was thankful she had a best friend like Jay. Magkaklase sila nito noong elementary. Madalas siyang tuksuhin noon ng mga kaklase niya dahil sa pagiging mataba niya at ito ang palaging nagtatanggol sa kanya. Nagkahiwalay silang dalawa pagdating ng high school. Sa probinsiya na siya nag-aral, samantalang ito ay sa Seattle, USA. Naunang mag-migrate ang pamilya nito roon. High school siya nang ma-in love siya kay Bernard Punzal. He was rich and the most handsome guy in the universe. Pag-aari ng pamilya nito ang malaking bahagi ng San Pioquinto. Malawak na malawak ang taniman at manggahan ng pamilya nito. Sikat na sikat ito hindi lamang sa bayan nila kundi sa buong lalawigan. Ang kaso, hindi siya napapansin nito dahil may nobya na ito—si Alyssa. Alyssa was the mayor’s only daughter. She was tall, slim, breathtakingly beautiful, and a total b***h. Kung makaasta ito ay parang pag-aari nito ang lahat at ito na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Halos sambahin ito ng lahat maliban sa kanya. She hated her. Hindi nakikita ng ibang tao ang sama ng ugali nito dahil natatakpan iyon ng kagandahan nito. Kung manlait ito ay tila wala itong kapintasan sa katawan. Halos perpekto ang ganda nito, pero masama naman ang ugali nito. She firmly believed she didn’t deserve Bernard. Bernard and Alyssa were considered the golden couple in San Pioquinto. Bata pa nga lang yata ang mga ito ay mag-on na ang mga ito. Matalik na magkaibigan pa ang pamilya ng mga ito. May nakapagsabi sa kanya dati na maghihiwalay ang lahat ng magkarelasyon sa buong mundo ngunit hindi sina Alyssa at Bernard. Kahit alam niyang imposibleng mapasakanya si Bernard dahil kay Alyssa, hindi nawalan ng pag-asa ang kanyang puso. Patuloy siyang umasa na magkakahiwalay ang mga ito at mapapansin din siya ni Bernard. He would realize that she was the right woman for him, not Alyssa. His life would be miserable without her. Natapos ang high school na hindi nagkakaroon ng katuparan ang pangarap niya. Sa Maynila na siya nag-aral. Sa Maynila rin nag-aral sina Bernard at Alyssa. Pero magkakalayo ang mga unibersidad na pinag-aralan nila. Nakikita pa rin niya ang kanyang pinakamamahal pero napakadalang niyon. Sa lahat pa ng pagkakataon ay siya ang gumagawa ng paraan upang makita ito. She couldn’t really understand why she kept on loving Bernard. Kahit pilitin niya ay ayaw talagang tumigil ng puso niya sa pagtibok para dito. Sinubukan niyang ibaling sa iba ang pagtingin niya dahil tila imposible nang mapansin siya nito. Hindi lamang talaga niya magawa. She was even convinced that Bernard was her one true love. Baka nga hindi na tumibok ang puso niya sa ibang lalaki. Malapit na siyang magtapos sa kolehiyo nang umapaw ang pag-asa sa kanyang puso. Isang araw ay hindi sinasadyang nagkita sila ni Bernard sa mall. Hindi nakadikit dito si Alyssa. Kahit nahihiya, niyaya niyang magkuwentuhan muna sila nito kung wala itong gagawin. Anong ligaya niya nang magpaunlak ito. Matagal silang nagkuwentuhan sa isang tahimik na coffee shop. Hindi rin niya natiis na itanong dito kung bakit hindi nito kasama si Alyssa. Parang inawitan siya ng mga anghel nang sabihin nitong nakipaghiwalay na ito kay Alyssa. Ang inakala ng lahat na imposibleng mangyari ay nangyari. Wala talagang imposible sa mundong ibabaw. Basta matibay ang pananalig ng isang tao, makukuha nito ang gusto nito. Mula nang araw na iyon, madalas na silang magkausap ni Bernard. Madalas niyang tawagan o puntahan ito sa unibersidad na pinapasukan nito kahit may-kalayuan iyon sa unibersidad at tirahan niya. Binibisita rin niya ito sa apartment nito. She just wanted to grab the once-in-a-lifetime chance to be with him. Naniniwala siya noon na hindi siya dapat nagpapatumpik-tumpik. Kailangan niyang kumilos nang mabilis upang hindi na magkaroon ng pagkakataon si Alyssa kay Bernard. Kailangang mabaling sa kanya ang buong atensiyon ni Bernard. Buo talaga ang paniniwala niya na sila ang nakatadhana para sa isa’t isa. She was the happiest woman in the whole world when Bernard finally asked her to be his girl. Hindi niya inalintana na wala pang isang buwan mula nang makipaghiwalay ito kay Alyssa. She ignored the voice that was telling her he was just on the rebound. Hindi siya naghinala sa bilis ng mga pangyayari. Wala siyang duda kahit kaunti. She was too busy being happy. Kasi tanga ka. Hindi ka nag-iisip. Ano tuloy ang napala mo? Nanariwa sa alaala niya ang nakaraan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD