2

2225 Words
“ARE YOU sure I look okay? Huwag na lang kaya, Bernard,” nag-aalangang sabi ni Margarette habang yakap niya ang sarili. Hinagod siya ng tingin ni Bernard. Tila kinurot ang puso niya nang makitang nagpipigil lamang itong matawa sa ayos niya. “You look lovely, honey.” Kinagat nito ang ibabang labi. Tila anumang sandali ay sasambulat ang tawa nito. Pinigilan niya ang sarili na singhalan ito. Kung hindi lamang talaga niya mahal ito, tinarayan na niya ito. At kung hindi lamang niya mahal ito, nunca na isusuot niya ang damit na iyon na bigay nito sa kanya. “I think I should change,” sabi niya. “Hindi ko yata kayang lumabas ng bahay na ganito ang suot.” Umiling ito. Hinawakan nito ang mga braso niya at sinalubong ang tingin niya. This time, there was no laughter or any trace of mirth in his eyes. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “You’re fine. You’re beautiful. You’re very lovely in that dress. Trust me. Hindi ako nagkamali sa pagpili ng damit na iyan para sa `yo.” Hindi siya nakapagsalita. Kahit hindi siya komportable sa damit na iyon, naniwala siya sa sinabi nito na maganda siya. Pagkakatiwalaan niya ito. Baka hindi lamang siya sanay na magsuot ng ganoong uri ng damit kaya hindi siya komportable. She wore a red tight-fitting dress. Hapit na hapit iyon sa katawan niya at halos lumuwa ang dibdib niya sa baba ng neckline niyon. Maganda ang yari ng damit. Pero marahil ay mas gaganda siya kung maganda rin ang hubog ng katawan niya. Aminado siya na chubby siya. Kitang-kita ang korte ng bilbil niya sa damit niya. She had always been insecure about her weight. Marami ang nagsasabi na maganda ang mukha niya, matangkad siya, at napakakinis ng maputing balat niya. Mataba nga lang siya. Bata pa siya ay mataba na siya. Mabagal yata ang metabolism niya dahil kahit hindi siya gaanong nagkakakain, tumataba pa rin siya. “Let’s go, we don’t have much time,” yaya sa kanya ni Bernard. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng pinto ng bahay nila. Dinampot niya ang kanyang bag at itinakip iyon sa tiyan niya. “Uuwi tayo before ten, ha?” aniya habang hila-hila nito. “Ano ka ba?” natatawang sabi nito. “Ten? Ano ka, nasa probinsiya? Umpisa pa lang ng kasiyahan sa mga oras na iyon.” “Ten ang curfew ko, Bernard. Pagagalitan ako ni Papa `pag nalaman—” “Nasaan ba ang papa mo? Hindi ba nasa Singapore siya? Ang mama mo naman ay nasa San Pioquinto. Ang sabi mo, sa weekend pa sila babalik. You can have fun tonight without worrying about your curfew. Wala namang makakaalam dahil off ng katulong n’yo. Loosen up a bit, Margarette. You’re twenty already. Don’t act like a fifteen-year-old provincial lass.” “Bernard...” Likas na masunurin siyang anak. Hindi rin siya mahilig sa mga gimik. Mas nais niyang manatili sa bahay kaya okay lang sa kanya na may curfew siya kahit beinte anyos na siya. Pero nang maging nobyo niya si Bernard, nag-iba ang lifestyle niya. Mahilig ito sa gimik, sa maiingay na lugar, sa inuman, at sa barkada. Iilan pa lamang ang mga nakikilala niyang kaibigan nito at hindi pa niya gusto ang mga iyon. Panay ang kantiyaw ng mga ito kay Bernard tungkol sa bagong girlfriend nito—siya. Nabulag na raw ito. Sa pandinig niya, pangungutya ang tawa ng mga kaibigan nito tuwing inaasar ng mga ito si Bernard. Minsan ay tinanong niya kung bakit hindi ito nagagalit. Ang sagot nito sa kanya ay mahilig lamang sa biruan ang mga kaibigan nito. Dahil doon, sinisikap niyang magpapayat. Ayaw na niyang makantiyawan si Bernard ng mga kaibigan nito. Nais niyang maging kaaya-aya sa paningin ng mga tao para dito. At dahil iilan pa lamang ang mga kaibigan nitong nakikilala niya, niyaya siya nitong um-attend ng isang pool party. Birthday raw ng isang kabarkada nito. Ayaw sana niyang sumama rito dahil pakiramdam niya ay hindi niya magugustuhan ang iba pang mga kaibigan nito, ngunit hindi niya ito matanggihan. Pagdating kay Bernard, hindi niya kayang tumanggi—gagawin niya ang lahat para dito. Tumigil ito sa paglalakad at sinapo nito ang kanyang mukha. “Ako ang bahala sa `yo,” anito sa masuyong tinig. Pakiramdam niya ay matutunaw ang mga binti niya sa uri ng tingin nito sa kanya. Hindi mapakali ang kanyang puso. Ang guwapo talaga nito. Minsan, hindi niya mapaniwalaan na nobyo niya ito. Tila panaginip lamang ang lahat. Wala na siyang nagawa kundi tumango na lamang. Tama ito, wala siyang dapat na alalahanin. Iyon ang una at huling pagkakataon na susuwayin niya ang kanyang mga magulang. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya. Kasama naman niya ang kanyang pinakamamahal na nobyo. Pagdating pa lamang nila sa lugar ng pagtitipon, alam na niyang hindi niya magugustuhan ang pagpunta roon. Agad siyang nagsisi sa pagpayag na sumama kay Bernard. Sana ay nagdahilan na lamang siya. Sana ay hindi na lang nito naisip na ipakilala siya sa mga kaibigan nitong masasama ang ugali. Pagdating pa lang nila ay nagtawanan na ang mga ito. Ang isa pa ay tumatawang sinabi na hindi siya ang pinagtatawanan ng mga ito. Bago raw sila dumating ay may nakakatuwang kuwento ang isa sa mga barkada ng mga ito. She wasn’t stupid and numb. Ramdam niya na siya ang pinagtatawanan ng mga ito. Natigagal pa siya nang makita niyang nakaupo sa isang mesa si Alyssa. Nakatawa rin ito habang nakatingin kay Bernard. Pinagmasdan niya ang ayos nito. She was very lovely and thin. She wore a black string bikini top and a pair of denim shorts. Nakalabas sa waistband ng shorts nito ang strings ng bikini bottom nito. Nanunuyang nginitian siya nito. She hated that woman all the more. Si Bernard naman ay tila walang pakialam sa kanya. Tila hindi siya nais na ipagtanggol nito sa hayagang pangungutya sa kanya ng mga kaibigan nito. Tila nakikiisa pa ito dahil pati ito ay natatawa. What was wrong with him? Bakit ba siya dinala nito roon? Hindi naman siguro nito masasabi sa kanya na masyado lamang siyang nag-iisip. Alam niya kapag kinukutya siya ng ibang tao. Ramdam na ramdam din niya ang pagiging out of place niya. All the girls there wore sexy clothes. Some were even in their bikinis. Maigi na lamang at sinabi niya kay Bernard na hindi niya nais na mag-swimming sa pool party na iyon. Mabuti na lang pala ay may kaunting awa pa ito sa kanya dahil hindi plus size na bikini ang binili nito. Humiwalay sa kanya si Bernard at nakipag-inuman ito sa mga lalaking kaibigan nito. She wandered around aimlessly. Noon siya may narinig na hindi kaaya-aya sa pandinig. Pinigilan niya ang sariling mapaluha. “Oink! Oink!” sabi ng isang lalaki. “Bernard has really brought his source of amusement here.” “Poor girl, ginagawa lang laruan. Naïve. Tanga.” Humalakhak pa ang nagsabi niyon. “`Tibay ng sikmura mo, p’re!” “Kung gusto lang pagselosin ni Bernard si Alyssa, hindi na dapat siya nandamay ng inosenteng babae. Kawawa naman siya. Mukhang hindi niya alam kung ano ang nangyayari. I don’t wanna be in her position.” Nang hindi na siya nakatiis ay pumasok siya sa loob ng bahay at nakigamit ng comfort room. Nagkulong siya nang ilang minuto roon. Napakabagal ng oras at nais na niyang umuwi. Magpapaalam na siya kay Bernard. Bahala ito kung nais nitong manatili roon. Basta siya, aalis na siya roon. Palabas na siya ng banyo nang marinig niya ang papalapit na tinig ni Alyssa. Isinara uli niya ang pinto ng banyo at idinikit doon nang maigi ang kanyang tainga. “I can’t believe you did this, Bernard. I’m not jealous or affected at all. Nakakatawa `to. Margarette Montevidez? Come on!” Nakakainsultong tumawa pa nang malakas si Alyssa. Nais niyang lumabas ng banyo at sabunutan ito. Wala itong karapatan na magsalita nang ganoon sa kanya. Dahil ba hindi siya kasimpayat nito, nakakatawa na siya? Pisikal na anyo lamang ba talaga ang basehan upang mahalin ang isang tao? Ganoon ba talaga kaimportante ang bigat at kurba ng katawan? Bakit ganoon ang tingin sa kanya ng mga kaibigan ni Bernard? Bakit tila sinasabi ng lahat na gumaganti lamang si Bernard kay Alyssa at ginagamit siya nito? Hindi ba talaga siya iniibig nito? Pinaglalaruan lamang ba siya nito? “Margarette is beautiful,” pagtatanggol sa kanya ni Bernard. Kahit paano ay napaglubag niyon ang kalooban niya. “She’s fat!” “Chubby.” Napangiti siya. Hindi totoong walang concern sa kanya si Bernard dahil ipinagtatanggol siya nito. Tumawa nang nang-uuyam si Alyssa. “I know what you’re doing, Bernard. Pinaparusahan mo ako dahil nakita mo akong may kahalikan na ibang lalaki. Ipinaliwanag ko na sa `yo ang lahat pero ayaw mo namang makinig. Nakita mo naman ang hitsura ng hinayupak na `yon, `di ba? He’s so ugly. The girls just dared me. Kung hindi ko magagawa `yon, kukunin nila sa `kin ang Hermes bag ko. Pero dahil nagawa ko. I got Chanel and Versace bags.” Parang natahimik si Bernard. She was wishing so hard for him to say something. Kung dahil doon kaya ito nakipaghiwalay kay Alyssa, tama ang naging pasya nito. Napakababaw ni Alyssa para hagkan nito ang ibang lalaki para sa mga mamahaling bag. Tila sinabi na rin nito na may higit pa kay Bernard. Sa inasal nito ay tila hindi importante ang nobyo nito. “You can’t continue doing this to me, Bernard,” malambing na sabi ni Alyssa. “I’ve missed you so much already. Don’t waste your time with that fat girl. Don’t waste your time to spite us. Come back to me.” May narinig siyang tunog ng halik. Kinabahan siya. Malamang na hinahalikan ni Alyssa ang kanyang nobyo. Kahit hindi niya nakikita ang mga ito, nasaktan pa rin siya. “Margarette loves me, you know. Ako lang ang nakikita niya. Her attention is mine, only mine,” kapagkuwan ay sabi ni Bernard. “Lahat ng gusto ko, sinusunod niya. Palagi niya akong pinapaluguran. It’s like her world revolves around me.” Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang yabang sa tinig ni Bernard. She felt as if her heart was slowly dying. Hindi niya gusto ang naririnig niya mula sa kanyang nobyo. It sounded like a one-sided love. “I love you, too, Bernard,” malambing na sabi ni Alyssa. “We’ve been together forever. You can’t live without me—we can’t live without each other. Tigilan mo na ang pagmamarakulyo mo at bumalik ka na sa `kin. Okay, I will let you play with Margarette for some time. I’ll let you enjoy the attention and love. Hindi naman ako maramot na girlfriend. Kung mapapaligaya ka ng pakikipaglaro sa kanya, go. Just tell me when you’re coming back to me. Miss na miss na talaga kita.” Natawa nang malakas si Bernard. “Iyan ang gusto ko sa `yo, Alyssa. Alam mo kung paano ako paligayahin. Of course, I still love you. I will always love you—ikaw lang habang-buhay. The truth is, I really enjoy playing with Margarette. She’s so innocent. Madali ko siyang napaniwala na gusto ko siya. Hindi niya naisip na may mali sa sitwasyon. She’s blinded by her love for me. She’s a good source of amusement. Did you see her dress? I chose that. Ang taba niya, `no?” Sabay pang tumawa nang malakas ang dalawa. Marahas na binuksan niya ang pinto ng banyo. Nagulantang at nanlaki ang mga mata ng mga ito nang makita siya. Magkayakap ang mga ito. Halos wala nang daanan ang hangin sa sobrang lapit ng mga katawan ng mga ito. Nang makabawi si Alyssa ay nginitian siya nito. “Nariyan ka pala, Margarette,” kaswal na sabi nito. “Narinig mo ba ang lahat? Ano pa ang hinihintay mo? Get out and cry your heart out. Kasalanan mo rin naman dahil hindi ka nag-iisip. Tatanga-tanga ka kasi kaya ito tuloy ang napala mo.” Napakarami niyang nais na sabihin na masasakit na salita. Napakarami niyang nais isumbat kay Bernard. Nais niyang sabihin na walang karapatan ang sinuman na iparamdam sa kanya na siya ang pinakapangit na tao sa mundo dahil lamang mataba siya. Nais niyang sabihin kay Bernard na hindi ito karapat-dapat mahalin ng kahit sinong babae. Ang sama-sama nito. Wala naman siyang ginawang kasalanan kundi ang magmahal ng maling tao. She didn’t deserve this. No one deserved this. Tumulo ang mga luha niya kahit ayaw niyang bigyan ng kasiyahan ito na makita siyang umiiyak. He looked like he didn’t care a fig about her. “Go away, fat girl,” pagtataboy sa kanya ni Alyssa. “Iniistorbo mo lang kami ng boyfriend ko. Sa susunod, mag-iisip ka na, ha? `Wag puso ang laging pinaiiral mo. Maghanap ka na lang ng katulad mo.” “b***h!” was all she managed to say before leaving them. She hated them to the core...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD