“WHAT are you doing here? Kanina ka pa hinahanap ni Vincent.” Napapitlag si Margarette nang may biglang magsalita sa likuran niya. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang tinig na iyon. Kahit medyo madilim sa kinaroroonan niya at kahit hindi niya ito lingunin, alam niyang si Logan ang gumambala ng katahimikan niya. Ang puso niyang hindi pa rin nakakalma ay nagwawala na naman. Paglabas niya ng comfort room ay hindi niya makita si Vincent. Tila abala pa ito sa pakikipag-usap sa taong sinasabi ng pinsan nito na interesado sa business nito. Dahil wala siyang gaanong kakilala roon, nagdesisyon siyang lumabas muna at magpahangin. Dumating lamang si Logan sa party ay hindi na agad siya komportable. Parang mahirap na uli para sa kanya na mag-enjoy. Nakakita siya ng maliit na hardin sa labas ng pinagda

