Chapter 1
LUMAPIT si Lucas sa kaibigan nitong groom matapos makatanggap ng emergency call mula sa opisina nito. Nasa harapan sila ng simbahan ngayon kasama ang ibang bisita at kasal ng kaibigan nito.
“I'm sorry, dude. I really have to go,” pamamaalam ni Lucas sa kaibigang si Sixto.
“Dude naman. Best man kita e. Parating na rin si Nicolette. Hindi ba talaga pwedeng iba na lang ang sumama? Day off mo kaya,” reklamo ng kaibigan nitong ikinangiti ni Lucas na napakamot sa batok.
“Pasensiya ka na talaga, dude. Tawag ng serbisyo e. Babawi na lang ako sa susunod. Sagot ko na ang binyag ng magiging inaanak ko sa'yo,” saad nito na tinapik sa braso ang kaibigan.
“May magagawa pa ba ako? Sige na nga. Hindi ka rin naman mapipigilan e.” Nakangusong saad ng kaibigan nitong nagtatampo pa rin kahit alam naman nitong emergency ang tawag kay Lucas.
“Salamat, dude. Congratulations in advance ha?” anito na tuluyan nang tumakbo sa gawi ng kotse nito.
Napabusangot naman ang kaibigan nito. Best man niya kasi si Lucas. Pero heto at nagkataong may sunog malapit na sakop ng station nila. Kaya naman heto at kahit day off ng binata, tinawagan siya ng mga tauhan nito.
He is Lucas Payne. Thirty years old. He is a Fire Captain and also a tycoon billionaire in the country. Pero dahil mas mahal nito ang pagiging fireman, iyon ang mas tinutukan niyang profession kaysa ang mag-manage ng kumpanyang nakapangalan sa kanya.
Lingid sa kaalaman ni Lucas, ang bride na kanina pa nila hinihintay dito sa harapan ng simbahan ay kanina pa dumating. Pero nagtatago dahil nagbago bigla ang isipan nito! Biglang naglaho ang excitement at kilig nito na magpapakasal sila ni Sixto. Kaya naman nagtatago siya at nag-aabang ng maaari niyang masakyan para makalayo sa lugar na walang nakakahalata sa kanya!
Sakto namang nakita nitong paalis na ang isang abay ni Sixto kaya maingat itong pumuslit sa likod ng pick-up ng binata at itinago ang sarili doon. Kabado ito ng umandar na ang pick-up at umalis na ng simbahan. Hindi niya pa man din kilala ang binata. Pero isa lang ang sigurado siya–malapit ito kay Sixto!
Tiyak niyang malaking scandal na tumakbo siya sa araw ng kasal nila. Anak siya ng isang senator at magkakilala ang ama niya at ama ni Sixto. Nakilala niya lang ang binata noong nakaraang buwan pa lang at um-attend sila ng kanyang ama sa anniversary ng mga magulang ni Sixto. Doon sila nagkakilala at nagkagaanan ng loob. Napadalas ang paglabas nilang magkasama na pareho silang magaan ang loob sa isa't-isa. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit pumayag siya na magpakasal sila ni Sixto kahit na bagong magkakilala pa lamang sila. Pero ngayong araw mismo ng kasal nila, para itong nahimasmasan. Nagising siya sa katotohanan at nakapagdesisyon na hwag ituloy ang kasal!
“Kaya mo ito, Nicolette. Bahala na,” usal nito na kinakalma ang sarili.
Napabusangot ito na makitang sa isang fire station sila huminto nitong kasama niyang binata. Katabi pa ng fire station ang isang police station na ikinalunok nito. Napakubli siya na nakasilip sa binatang nagmamadaling bumaba ng pick-up at pumasok sa fire station.
“Sandali? Ano namang gagawin niya dito sa fire station?” usal nito na pumasok ang binata sa fire station.
Nakagat nito ang labi. Nanatiling nasa likuran ng pickup na nakamata sa station. Maya pa'y naglabasan na ang mga fireman na mukhang may pupuntahang sunog, ayon na rin sa suot ng mga ito! Umandar na rin ang firetruck na nagmamadali pa ang mga bumberong sumakay doon.
“Oh–bombero siya,” usal ng dalaga na natigilan na makita ang binata kanina na lumabas na ng station at nakasuot ng pangbumbero.
Parang nag-slow motion pa ang paligid niya habang nakamata sa binatang napaka-hot ng datingan sa suot na uniform! Natigilan naman si Lucas na malingunan niya ang dalagang nakasuot ng wedding gown na nakasakay sa likod ng pick-up niya na ikinamilog ng mga mata nito!
Patakbo itong nilapitan ang dalaga na namutla at bakas ang takot sa mga mata na makita siya ng may-ari ng kotse!
“Hey, Ms! Stay!” pigil ni Lucas dito na akmang tatalon ang dalaga at tatakbo!
Sunod-sunod na napalunok si Nicolette at parang maiihi sa halo-halong nadarama! Nabasa naman ni Lucas na takot na takot ang dalaga. Kaya huminga siya ng malalim na pinapakita ditong wala siyang dapat ipag-alala.
“Relax, Ms. I won't hurt you. Anong ginawa mo dito sa sasakyan ko–teka,” ani Lucas na namilog ang mga mata na mapagtanto kung sino ang dalaga! “Holyshit! You're my bestfriend’s bride!?”
Namutla si Nicolette na marinig nitong tinawag ng binata na bestfriend nito si Sixto! Para na siyang maiihi sa kaba at gusto na lamang tumakbo sa mga sandaling ito!
"Captain, tara na po!" pagtawag ng mga tauhan niya kay Lucas.
"Oh s**t!" bulalas nito na maalalang may sunog silang aapulahin ngayon! "Officer Ramos! Come here!" pagtawag nito sa isang tauhan.
Kaagad namang lumapit ang fireman na tinawag ito ng kanilang Fire Captain.
"Yes, captain?" tanong nito kay Lucas na itinuro ang dalagang napapitlag at namumutla.
"Bring her to my condo. Bantayan mo siya doon at hintayin ang pagbabalik ko. Asikasuhin mo siya. You understand?" maawtoridad nitong utos sa tauhan na tumango at yumuko dito.
"Opo, captain." Magalang sagot nitong tinanguhan ni Lucas na bumaling sa dalaga.
Napangisi pa siya na mapasadaan kung gaano ito kaganda at sexy!
"Hey, baby, don't be afraid. He'll take care of you. Hintayin mo ako sa condo, marami kang. . . ipapaliwanag sa akin pagbalik ko," kindat ni Lucas ditong napangiwi na napasunod ng tingin sa binatang sumakay na sa firetruck!
Nagkatitigan pa silang dalawa nang dumaan ang firetruck sa tabi ng dalaga at napaiktad na muling kindatan ito ni Lucas na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi!
"Gosh! Parang babaero ang lintik. Gwapo pa naman, hmfpt!" ingos nito sa isipan na naiiling na nakasunod ng tingin sa firetruck hanggang makaalis na iyon.
"Ma'am, halika na po. Lumipat ka dito sa harapan," magalang saad ng fireman na inutusan ni Lucas na maghatid dito.
Kahit labag sa loob ay inabot ni Nicolette ang kamay nito na inalalayan siyang bumaba. Pinagbuksan pa siya ng pintuan at inalalayang makapasok sa loob ng pick-up. Sa mga oras kasi na ito, sa poder ng binata siya pinakaligtas na magtago. Dahil tiyak niyang hindi siya basta-basta makakauwi sa kanilang bahay, matapos niyang tumakbo sa kanilang kasal ni Sixto!
"Bahala na. Mukha namang. . . mapagkaka tiwalaan siya kahit mukha siyang hudyo," piping usal nito na pilit pinapatatag ang sarili na naiisip ang sitwasyon niya.
SAMANTALA, palakad-lakad si Sixto sa harapan ng simbahan. Panay ang sulyap nito sa wristwatch nito. Pinagpapawisan na rin siya at hindi na maayos ang necktie niya na kanina niya maya't-mayang hinihila na tila nasasakal.
"Damnit. Where are you, babe? Ang tagal mo namang dumating," usal niya.
Nahihiya na ito sa mga bisita nila. Nagbubulungan na kasi ang mga ito na sinasabing mukhang hindi matutuloy ang kasal niya. Kita nitong maging ang mga magulang niya at ama ni Nicolette ay hindi na rin maipinta ang mukha.
Kinakabahan na ito at hindi gusto ang mga tumatakbo sa isipan. Ayaw niyang isiping hindi sisipot si Nicolette sa kasal nila. Pero iyon ang kanina pa sumisigaw sa isipan niya. Ilang beses na rin silang tinatanong ng simbahan kung matutuloy ba ang kasal nito dahil may ibang naka-schedule para sa araw na iyon.
"Ano na, hijo? Nasaan na ang nobya mo?" tanong ng ama niya na lumapit na rin kay Sixto.
Napalunok ito na napasulyap sa mga bisita nilang ang iba ay nagpapaalam na. Napailing ito na mapait na napangiti.
"H-hindi ko po alam, Dad. Kanina pa naman dumating ang bridal car na naghatid sa kanya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit wala pa rin siya. Maayos daw siyang inihatid ng driver dito pero. . . pero wala naman pong bakas na nandidito siya," maluha-luhang sagot nito na nahihiya sa mga bisitang isa-isa nang nag-uuwian.
Napahilot sa sentido ang ama nito. Kinakalma ang sarili dahil hiyang-hiya sila sa mga bisita na hindi dumating ang bride ng unico hijo nito!
"Sigurado kang wala kang ginawa na dahilan para umatras si Nicolette sa kasal niyo ha?" mahina pero may kadiinang tanong ng ama nito na kwinelyuhan ang binata.
"W-wala po, Dad. I swear. Maayos nga po kaming nag-usap kagabi e. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit wala siya dito." Sagot nito na ikinahinga ng malalim ng kanyang ama at binitawan na din ito.
Bumaling ito sa ama ni Nicolette na maya't-maya ding may kausap sa cellphone nito. Lumapit siya sa kaibigan na tapos na ito sa kausap sa cellphone.
"Kumpare, baka naman may ibang nobyo ang anak mo at sumama na siya doon? Kaya hindi dumating. Ayusin mo naman ito, pare. Ano na lang ang mukhang ihaharap namin sa mga tao? Lalo na ang anak ko? Unico hijo ko iyan pero tinakbuhan ng bride niya sa araw ng kasal nila? Ano ito, naglalaro ba tayo dito?" iritadong tanong nito sa ama ni Nicolette.
"Walang ibang nobyo ang anak ko, kumpare. Nakatitiyak ako doon. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya dumating. Makakatikim talaga sa akin ang batang iyon. Akala niya ba ay laro lang ang pagpapakasal?" iritado ding saad ng matanda na nag-iigting ang panga sa galit.
Maya pa'y nag-vibrate ang cellphone nito na ikinasulyap nito doon at nabasang isa sa mga tauhan niya ang tumatawag.
"Sandali lang, pare." Pamamaalam nito na tinanguhan ng kumpare niya at iniwan na muna ito.
Tahimik lang naman si Sixto na nasa tabi. Nakikinig sa mga magulang nila. Kanina niya pa tinatawagan ang cellphone ni Nicolette pero unattended ito.
"Hello, Bogart? Kumusta, nand'yan ba siya?" tanong ng matanda na narinig ni Sixto at pasimpleng nakikinig sa ama ni Nicolette.
Napahilot pa sa sentido ang matanda na napapikit. Nag-iigting ang panga na napakuyom ng kamao.
"Hanapin mo. Kahit saan ka makarating. Basta hanapin niyo ang babaeng iyan. Kahit kaladkarin niyo siya, gulpuhin o patayin, maidala niyo lang ang katawan sa akin--gawin niyo. Ginagalit talaga ako ng babaeng iyan. Hindi ko palalagpasin ang ginawa niyang pagbilad sa amin sa kahihiyan dito," mahina pero may kariinang utos nito na galit na galit ang mga mata.
Natigilan naman si Sixto na napalunok. Namutla ito sa narinig na sinabi ng ama ni Nicolette. Binundol ito ng takot at kaba hindi para sa sarili kundi-- para sa nobya niya.
"Uhm, Dad, Mom, Tito, mauna na po ako. Hahanapin ko si Nicolette sa mga lugar na pwede niyang pinuntahan," pamamaalam nito sa mga matatanda na tinanguhan siya.
Nagmamadali itong sumakay sa kotse niya na hinubad ang coat at necktie. Kinalas din nito ang ilang butones ng polo niya dahil para siyang nasasakal na hindi makahinga ng maayos. Kaagad nitong pinasilab ang kotse paalis ng simbahan. Naiwan naman ang mga matatanda na nakiusap sa simbahan at pari para humingi ng dispensa.
Palinga-linga ito sa gilid ng daan habang nagmamaneho. Mabagal kasi ang usad ng mga sasakyan dahil tanghali na.
"Damn, babe. Nasaan ka na ba? Bakit mo ito nagawa? Sana naman sinabi mo na lang sa akin kagabi para hindi na kami nagpunta ng simbahan ngayon," usal nito na nangingilid ang luhang iniisip ang nobya niya kung nasaan na ito.
Alam naman niyang hindi pa gano'n kalalim ang pagmamahal sa kanya ni Nicolette. Hindi katulad kung gaano niya ito kamahal at aminadong na-love at first sight siya sa dalaga nang makita niya ito. Kaya kahit bago pa lamang ang relasyon nila, inalok na niya itong magpakasal sila. Sobrang saya nga nito na mapapayag si Nicolette na magpakasal sila. Kaya hindi naisip na maaaring hindi pa ito nakahandang magpakasal. Kaya heto at hindi siya tumuloy sa kanilang kasal.
Natatakot na ito para sa kaligtasan ng dalaga. Ang alam kasi nito, walang ibang kaibigan si Nicolette na nandidito sa Manila. Wala din silang kamag-anak dito kaya wala siyang idea kung nasaan na ang nobya niya.
"Damn, babe. I hope you're okay wherever you are right now. Just be safe--and I'll be okay." Usal nito na tumulo ang luhang naiisip ang nobya niya.