Chapter 7

2234 Words
TAHIMIK si Nicolette habang nakamata sa labas ng bintana. Iniisip ang sitwasyon nito ngayon. Pakiramdam niya, daig niya pa ang isang wanted na kriminal na nagtatago sa mga tao. Kung wala lang si Lucas, hindi na niya alam kung saan siya pupulutin ngayon. Tiyak na nahuli na siya ng mga tauhan ng ama niya at baka ginugulpi na siya ngayon ng papa niya. “Siya nga pala, honey. Okay lang bang sabihin natin kina nanay at tatay ang sitwasyon mo? Sila kasi ang makakasama mo sa bahay. Dapat may alam sila kung bakit dadalhin kita doon. Para kung sakali at may ibang tao na magawi sa bahay, alam nila ang ginagawa nila.” Saad ni Lucas habang nasa kahabaan sila ng byahe. “Sige. Kung mapagkaka tiwalaan naman natin sila e. Hindi natin kailangang itago sa kanila ang totoo.” Mababang saad nito na sa labas pa rin ng bintana nakamata. Napasulyap naman si Lucas dito. Kahit naka-side view ang dalaga sa kanya, kita niya na napakalungkot nito at malalim ang iniisip. “Ahem! Nagugutom ka na ba? Magti-takeout ako ng food para dito na tayo kakain sa sasakyan.” Alok ni Lucas para makausap ang dalaga at malalim ang iniisip nito. “D'yan na lang sa drive thru. Dumaan ka d'yan. Gustong-gusto kong kumakain sa fast-food na ‘yan pero. . . hindi ko nagagawa kasi pati sa allowance ko dati ay tinitipid ng papa. Ang natatandaan ko nga e–bata pa ako noong huling nakakain ako sa fast-food na favorite ko. Kasama ko noon ang mama at kaarawan ko. Iyon ang hiniling ko sa kanila noon kaya dinala ako ng mama sa Jollibeé,” mababang saad nito na nangilid ang luhang maalala ang kanyang inang yumao. Napayuko ito na hinayaang tumulo ang luha. Napalunok naman si Lucas na alam niyang umiiyak ito. Inabot niya ang kamay nito na pinag-intertwined ang palad nila. Hindi naman umangal ang dalaga. Tahimik itong nakayuko na umiiyak. Marahang pinipisil-pisil ni Lucas ang palad nito na inaalo at pinaparamdam sa dalaga na hindi ito nag-iisa. “Pwede kang magkwento sa akin ng kahit na ano, honey. Hindi naman kita huhusgaan. Makikinig ako sa'yo. Ang sabi kasi ng mommy, mas gumagaan ang bigat na dinadala mo kapag may napagsasabihan ka ng nararamdaman o pinagdadaanan mo na isang mapagkaka tiwalaang tao. You know that you can lean on me, honey. Nakahanda akong damayan ka anuman iyan,” wika ni Lucas na marahang pinipisil-pisil ang malambot nitong palad. Napahikbi ito na kinabig ni Lucas na pinasandal sa balikat niya. Hindi naman ito umangal na sumubsob sa balikat ng binata at pinakawalan ang bigat sa dibdib nito na matagal na niyang kinikimkim. “Kasalanan ko kaya namatay ang mama ko. Kaya malupit ang papa sa akin. Sinisisi niya kasi ako kaya namatay ang mama. Noong ika-eight birthday ko, hiniling ko kay mama na sa fast-food na lang kami kakain. Ayoko ng children's party kasi wala din naman akong friends na iimbitahin sa bahay. Pumayag siya at dinala ako sa favorite fast-food ko. Sobrang saya ko na kumain doon. Naglaro pa kami ni Jollibeé noon at kinausap sila ng mama na batiin ako at dalhan ng cake kasi birthday ko. Pero paglabas namin ng fast-food, may magnanakaw na humablot sa bag ng mama. Hahabulin sana siya ng mama pero may humaharurot na kotse noon kaya nabundol ang mama ko at tumilapon sa gilid ng daan. Iyong tagpong iyon na naliligo ang mama ko ng dugo habang nakadilat ang mga mata na mahinang sinasambit ang pangalan ko, gabi-gabing naging bangungot sa akin noong bata ako. Bawat gabi ay laman iyon ng panaginip ko. Sinisisi niya ako kasi iyon ang araw-araw na ipinaparamdam ng papa sa akin. Sinisisi niya ako sa pagkamatay ng mama. Kaya naging malupit siya sa akin at naging mahigpit. Parusa ko raw iyon dahil pinatay ko ang mama ko. Lumaki ako na nakatatak sa isipan ko na ako ang pumatay kay mama. Kaya sinisisi ko palagi ang sarili ko dahil kung hindi ako nakiusap sa kanya noon na sa fast-food kami kumain, hindi sana nangyari iyon. Hindi sana siya namatay sa gano'ng paraan. Lumaki sana ako na may mama akong nagtatanggol sa akin sa tuwing pagagalitan ako o papaluin ni papa. Kasi noong buhay ang mama, pinoprotektahan niya ako kapag papaluin ako ni papa. Siya ang tumatanggap ng parusa. Inaaway niya ang papa noon kapag papaluin niya ako. Pero noong nawala na siya, wala na. Hindi lang ako nawalan ng mama. Nawalan din ako ng kakampi at pumuprotekta sa akin. Kaya malaya akong nasasaktan ng papa.” Pagkukwento nito habang nakasandal sa balikat ni Lucas at patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata nitong namumugto na at namumula. “Hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa mama mo, honey. Aksidente iyon. Walang may gusto na mangyari iyon. Pero– nahihiwagaan ako sa papa mo. Bakit gano'n siya kalupit sa'yo? Anak ka pa rin niya. Matanda na siya. May utak naman siya para maisip na hindi mo kasalanan ang nangyari sa asawa niya. Pero bakit ibinunton niya sa'yo ang aksidenteng iyon? Dapat ang pagbuntunan niya ng sisi at galit, iyong snatcher at nakabundol sa mama mo. Hindi ikaw dahil hindi mo naman kasalanan iyon. Public servant siyang tinagurian pero napakalupit pala niya sa loob ng tahanan niya. Baka naman–adopted ka, honey? O hindi mo talaga siya ama,” wika pa ni Lucas dito na mapait na napangiti. “Iniisip ko rin iyan noon pa man. Dahil mula nagkaisip naman ako ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng papa. Lumaki ako na may malaking puwang sa puso ko. Nangungulila sa pagmamahal ng ina at ama ko. Pakiramdam ko kasi ay ulila akong lubos. Dahil kahit buhay ang papa, hindi ko naman siya maramdaman na nagmamahal sa akin. Naiinggit nga ako sa mga schoolmates ko e. Kasi may mga magulang silang sumusundo noon sa kanila sa school. Masayang masaya sila sa tuwing family day sa school at kasama ang mama at papa nila. Habang ako, wala na nga akong mama–wala pa akong papa. Palaging ang yaya ko at driver ko ang uma-attend at sumasama sa akin kapag may mga program kami sa school.” Wika ni Nicolette na nagpahid ng luha at umayos ng upo. Dumaan naman si Lucas ng drive thru na nadaanan nila. “Uhm, anong gusto mo, honey? Order what you want. Hangga't ako ang kasama mo, ligtas ka at magagawa mo ang mga gusto mo. Kung anong mga gusto mong isuot, gawin o kainin, sabihin mo lang. Ibibigay ko anuman iyan,” wika nito na napakindat sa dalagang namumugto ang mga mata at namumula na ang ilong at pisngi dala ng pag-iyak. “Pwede ka naman palang makausap ng maayos e. Kung ganyan ka palagi, e ‘di magkasundo tayo,” ingos ni Nicolette na tumingin sa menu at um-order ng mga gusto nito. “Kukunin ko lahat ng gusto ko ha?” aniya pa. “Kasama ba ako?” tudyo ni Lucas dito. “Ay hindi kita gusto kaya hindi ka kasama.” Ingos nitong ikinahagikhik ni Lucas. “Fvck! Bakit ba ayaw mo sa akin? Sa gwapo kong ito, tatanggihan mo talaga ako? Hindi mo yata alam kung anong sinasayang mo e. Pinag-aagawan kaya itong kagwapuhan ko ng mga katulad mong magagandang binibini. Ang kaibahan lang e. Sila, hindi na sila virgin. Pero ikaw–” anito na napahagod pa ng tingin sa dalagang nilingon ito na pinandidilatan siya ng mga matang napangisi. “Mukhang virgin ka pa, honey.” Namilog ang mga mata ni Nicolette na nahampas ito sa brasong napahalakhak at daing na nasabunutan pa siya ng dalaga! “Bwisit ka! Virgin pa talaga ako at hindi mo ako matitikman! Magpantasya ka d'yan!” ingos nito na ikinahalakhak nitong inalis ang kamay ng dalagang nakasabunot sa kanya. “Baka kainin mo ‘yan, honey. Walang nakakatanggi sa isang Lucas Payne.” Tudyo nitong ikinaikot ng mga mata ni Nicolette na bumaling na sa staff ng fast-food at kinuha lahat ng mga gusto nitong kainin sa fast-food na iyon. HABANG nasa kahabaan ng byahe, kumakain naman ang dalawa. Nagpapasubo si Lucas dito at nagmamaneho ang isang kamay nito. "I want that, honey." Saad nito na inginuso pa ang hawak ni Nicolette na yumburger at nakagatan na. "Sandali, kuha akong bago." Tugon nito. "Nope. Iyan na, honey." Aniya na kinuha ang kamay nito at kumagat sa yumburger nito. Sinadya pang sa may kagat na parte siya kumagat. Napakurap-kurap naman si Nicolette na wala manlang pandidiri itong kumagat doon sa nakagatan na niya. Sarap na sarap pa ito habang nginunguya iyon at sa harapan nakatuon ang paningin. "Gosh, para na rin niyang nalasahan ang laway ko," impit nitong bulong sa isipan na nag-iinit ang mukha. "One more, honey. Masarap pala iyan." Anito na sinubuan ulit ng dalaga. Naiiling na lamang si Nicolette na halatang nagpapabebe sa kanya si Lucas. Pwede niya naman kasing iparada muna sa gilid ng daan ang sasakyan nito para makakain silang dalawa pero heto at nagmamaneho ito na nagpapasubo sa dalaga. Kaya hindi maiwasang mag-share sila sa pagkain maging ng kutsara at tinidor. Hindi na lamang ito umaangal dahil hindi naman siya naiilang kay Lucas. Idagdag pang ang dami niyang utang dito. Tiyak na hindi lang isang million ang halaga ng mga pinamili nitong mga gamit niya at mga branded ang mga iyon. At ngayon, heto at nakakain siya sa paborito niyang fast-food dahil din kay Lucas. Mas gumaan na rin ang bigat sa dibdib nito na sa unang pagkakataon, may nasandalan siya at napagkwentuhan ng buhay niya. Pakiramdam niya ay unti-unti na siyang nakakalaya mula sa pagkakakulong niya sa pamamahala ng kanyang ama. At iyon ay dahil kay Lucas. Si Lucas pa lang ang nakakagawa nito sa kanya. Ang ilibre siya ng mga gamit, ibili ng foods na paborito niya at nakakabiruan niya. Pakiramdam niya ay nagkaroon siya bigla ng tinatawag na 'knight in shining armor' dahil kay Lucas. Kahit bagong kakilala niya pa lamang dito, magaan na ang loob niya sa binata. Komportable siyang ipakita kung sino siya dito at hindi nag-aalangan na batukan ito kapag umiiral ang kahanginan o kakulitan. PASADO alasyete na nang makarating ang mga ito sa rest house nila Lucas sa Tagaytay. Hinihintay naman sila ng mag-asawang caretaker at tumawag si Lucas sa mga ito na dadalaw siya ngayon at may kasama siya. Inaasahan naman ng mag-asawa na kasintahan ni Lucas ang kasama. Dahil hindi naman iyon nagdadala ng ibang tao sa rest house--lalo na at babae ito. "Magandang gabi po, Nay, Tay, mano po," magalang at nakangiting saad ni Lucas na magkasunod na nagmano sa mag-asawa bago yumakap at halik sa mga ito. Tuwang-tuwa naman ang mga ito na dumalaw ang isa sa mga anak ng boss nila. Wala kasing anak ang mga ito. Kaya ang mga anak ng amo nila ang itinuturing nilang mga anak. Napakabait kasi ng mga anak ng amo nila. Lalo na ang mga lalake. Maloko lang sila at palabiro pero napakalambing at galang na bata ng mga ito. Mas malapit pa nga sila sa dalawang lalake na sina Matteo at Lucas, kaysa sa dalawang babaeng sina Trixie at Jane. Si Trixie kasi ay hindi pa nagagawi dito sa rest house nila at nasa Vancouver ito. Habang si Jane na bunso ng magkakapatid, medyo maarte kaya hindi sila masyadong nakakasalamuha ito. Hindi katulad nila Matteo at Lucas. Makulit, masayahin, magalang at magaling makisama. "Kaawaan ka ng Diyos, anak. Mabuti at dumalaw kayo dito. Sino siya, hmm? Siya na ba?" tudyo ni Mang Ernesto dito na natawang parang batang nahihiyang napakamot sa ulo. "Uhm, si honey--ay--Collete po. Siya po si Collete--honey ko ay este--" Natawa ang mag-asawa na namamali ito sa pagpapakilala sa dalaga. Pinamumulaan naman ng mukha si Nicolette dahil nanunudyo ang mag-asawa sa kanilang dalawa. At sa nakikita naman nito, malapit si Lucas sa mag-asawa. Para niyang kamag-anak ang mga ito kung ituring. "Uhm, honey, ano nga ba tayo?" natatawang tanong nito sa dalaga na napailing at lumapit na sa mag-asawa. "Hello po, Nay, Tay, magandang gabi po sa inyo. Ako po si Nicolette. Collette na lang po for short." Magalang saad ni Nicolette na nagmano sa mag-asawang nangingiting hinaplos ito sa ulo. "Magandang gabi rin sa'yo, hija. Aba, marunong mamili ang Lucas namin ha? Napakaganda mong bata." Magiliw na saad ng ginang na nakangiting hinaplos ito sa ulo. "Ako si Belen. Ito naman ang asawa ko--si Ernesto. Welcome ka dito sa bahay ha? Hwag kang mahihiyang humingi ng tulong o magtanong sa aming mag-asawa at kami ang makakasama mo dito." Tumango-tango naman si Nicolette na ngumiti at yumuko pa sa mag-asawa. "Salamat po, Nay." "Walang anuman, hija. Saka--ano mo ba talaga si Lucas?" tanong ng ginang na inakay na itong pumasok sa loob ng bahay. Nilingon nito si Lucas na nakasunod sa kanila at nagpapa-cute pa sa kanyang napangisi. "Alalay po." Sagot nitong ikinamilog ng mga mata ni Lucas at ng mag-asawa. "Ha? E. . . akala namin nobya ka niya, hija? Ngayon lang kasi may dinalang babae si Lucas dito e." Bulalas ng ginang na ikinahagikhik nito. "Nobya? Naku, hindi po a. Hindi ko naman type ang mahanging iyan." Nakangusong sagot ni Nicolette dito na ikinabungisngis ni Lucas sa likuran nila. Nilingon naman ng matanda si Lucas na nagpipigil matawa. Naiiling ito na nangingiti sa binatang parang batang nahihiya. "Mapapangasawa ha? Alalay ka pala e." "Fvck! Nay naman e. Hwag mo ng ibuko ang tao."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD