TAHIMIK si Nicolette na nagpapahangin sa balcony ng bahay. May parte sa puso niya na masaya siya. Masaya na mapag-alaman niyang hindi niya pala totoong ama si Larry Aquino. Ngayon ay naging malinaw na sa kanya lahat. Kung bakit mula pagkabata ay malupit na ito sa kanya. Na wala itong maramdamang pagmamahal at awa ang ama niya sa kanya. Iyon pala ay dahil hindi naman talaga niya ito kaano-ano. Parang nabuo ang pagkatao nito na malaman niya ang buong katotohanan. Excited ito na kabado na makilala ang totoong ama niyang posibleng nasa Zambales. Gusto niya itong makilala. Gusto niyang makita ang itsura nito. Marinig ang boses nito at makadaupang palad ito. Pero may takot din itong nadarama dahil may naging asawa na ang totoong ama niya at may kuya siya dito. Ayon kay Lucas, kung iyon nga a

