NANGINGITI si Nicolette na maramdaman ang mainit na kinasisiksikan nito. Dinig niyang maingay na sa labas pero inaantok pa ito at tinatamad bumangon. Masakit ang buong katawan niya at para siyang lalagnatin. “Si mama at papa,” usal nito sa isipan na maalala ang kanyang mga magulang! Nagising ang inaantok nitong diwa na maalala ang mga magulang sa kabilang silid! Napaangat ito ng mukha na naniningkit ang mga matang nasilaw sa liwanag! “Uhmm.” Napalingon ito sa katabi na napaungol si Lucas at hinila ang kumot nila pabalot sa katawan. Napangiti ito na napahaplos sa ulo ng asawa nitong kay sarap pa rin ng pagkakahimbing. “Good morning, handsome captain.” Bulong nito na magaang hinagkan sa buong mukha ang asawa. Maingat itong bumaba sa kama na napapangiwi at daing. Parang nangangalay

