LUMIPAS ang mga araw na nananatili sina Nicolette sa hospital kasama ang mga magulang nito. Dumadalaw din naman sina Gabby, Matteo at maging si Anton sa kanila. Mabilis namang naka-recover ang pangangatawan ni Nicole dahil bukod sa mag-ama niyang nag-aalaga sa kanya at inspiration niya, may mga gamot din itong iniinom at idagdag pang naka-dextrose ito. Sa ilang araw nila sa hospital ay kita ang pagbabago sa itsura ni Nicole. Hindi na ito kasing putla katulad noong nakaraan na halos walang kabuhay-buhay ang itsura. Maging ang mga mata niya ay kumikinang na rin ngayon. Nagkakalaman na rin ang pisngi nito. Malakas na rin itong kumain at nagagawa nang makipagkulitan sa mag-ama niya. Maging si Nicolette ay nakabawi-bawi na rin ang sarili. Na-discharged na rin ito kaya katulong sila ng kanil

