MAHABA-HABANG katahimikan ang naghari sa dalawa. Pinapakiramdaman ang isa't-isa kung sino ang unang babasag sa nakabibingi nilang katahimikan. Kahit paano ay nagkaroon na din ng idea si Lucas sa katauhan ng dalaga. Anak pala ito ng isang senator ng bansa at only child. Wala na ang ina nito kaya hindi na siya nagkaroon ng kapatid dahil hindi na nag-asawa ang ama niya. Kilala ni Lucas ang ama nito dahil sinabi ni Nicolette kung sino siya. Dahil isa itong senator, mabilis lang na nakilala ni Lucas kahit hindi niya iyon kilala personally.
May parte sa puso nito na naaawa sa sitwasyon ng dalaga. Siguro kaya pumayag siyang magpakasal sila ni Sixto ay dahil gusto ng ama niya na maikasal ito sa anak ng kumpare niya. At dahil natatakot si Nicolette sa ama ay sumabay na lang ito sa agos kahit hindi siya sigurado. Kaya naman nang nasa simbahan na ito, saka lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na sumalungat sa agos at ipaglaban ang kagustuhan nito. Sa nakikita niya kasi, kontrolado ng ama nito ang bawat kilos ng dalaga. Kaya kahit mga kaibigan ay wala ito. Dahil istrikto ang ama niya at pinagbabawalan gumala o makibarkada ang anak nito. Tiyak na nasasakal na si Nicolette sa ama niya. Kaya ngayong may pagkakataon siyang makatakas, kaya tumakas na siya. Ang problema, nagkataon na siya pa na matalik na kaibigan ni Sixto–na groom ang nilapitan ng dalaga.
Napahinga ng malalim si Luucas na inilapag sa mesa ang lata na wala ng laman. Naubos na kasi nila ang kinuha nitong anim na beer kanina sa fridge. Tahimik lang naman si Nicolette sa tabi nito. Nakatutok ang mga mata sa palabas sa TV.
“You can stay here, honey.” Ani Lucas na ikinamilog ng mga mata nitong napalingon sa binatang nagtaas baba ng mga kilay dito.
“Sigurado ka? Okay lang tumira ako dito sa'yo? Wala kasi talaga akong ibang mapupuntahan e.” Paninigurong tanong ni Nicolette dito na bakas sa mukha at mga mata na nabuhayan ito ng pag-asa sa alok ni Lucas.
“Oo naman. Wala din naman akong ibang kasama dito. Para naman–you know, may babae ako dito.” Anitong sinamaan ng tingin ng dalaga na ikinahagikhik nito.
“Hwag na lang kung gagawin mo pala akong parausan mo,” ingos nito na napairap kay Lucas.
“Hindi naman ako gano'n, honey. Sobra ka naman sa akin. Hindi ako namimilit ng babaeng titikim sa kasarapang lalake ko ha? Kayong mga babae pa nga ang pumipila para matikman ako e.” Anitong ikinangiwi ni Nicolette na ikinangisi naman nito.
“Ang hirap mong kausap.” Ingos nitong ikinatawa naman ni Lucas na nakurot nito na hindi napigilan.
“Ouch, honey–masakit. Gusto mo na ba ako niya'n?” natatawang daing nitong sinamaan ng tingin ni Nicolette.
“Oo, gusto kita, hudas. Gustong-gusto kitang gulpihin dahil sa kahanginan mo!” sikmat nito na nanggigigil hinila sa braso si Lucas at kinagat ang punong-braso nitong impit na ikinadaing at tawa nito!
“Urghh fvck, honey! Hindi mo na lang sabihin na gusto mo akong kainin. Magpapakain naman ako sa'yo e,” natatawang daing nito na napahimas sa braso niyang kinagat ni Nicolette!
"Bahala ka nga d'yan. Dito ka sa sala at matutulog ako!" pagmamaldita nitong tumayo na at nagmamart'ya pang nagtungo sa silid.
"Gusto mo bang samahan kitang matulog, honey? Masarap matulog na may kayakap na gwapo at matcho, alam mo na, nakahanda naman akong ikulong ka sa init ng yakap ko," pahabol ni Lucas dito na nasa pinto.
Nilingon ito ni Nicolette na matamis na ngumiting ikinangiti nito na napakindat pa sa dalaga. Pero unti-unting napalis ang ngiti nito nang itaas ni Nicolette ang kamao at pinakitaan ito ng middle finger na ikinaubo nitong napabungisngis at iling sa dalaga. Inirapan ito ni Nicolette na pumasok na sa silid at naiiling na lamang.
"Damn! Ikaw ang i-fvcked ko d'yan e!" natatawang saad ni Lucas na kakamot-kamot sa batok at naiiling.
NAGTUNGO sa balcony si Lucas na tinawagan ang kaibigan nito. Wala naman siyang balak isuplong si Nicolette sa kaibigan. Aalamin niya lang kung anong nangyayari sa mga ito, matapos hindi dumating ang bride.
Napabuga ito ng hangin na hinihintay sumagot si Sixto sa tawag nito. Nakailang dial pa siya bago sumagot ang binata.
“Dude?” bungad nito na bakas ang lungkot sa boses.
“Dude, is everything okay?” kabadong tanong ni Lucas dito.
Pigil-pigil ang paghinga nito na hinihintay sumagot si Sixto. Dinig niya pang napahinga ng malalim ang kaibigan mula sa kabilang linya.
“Uhm, dude, h-hindi kasi natuloy ang kasal e.” Mababang saad nito na ikinalunok ni Lucas at parang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.
Bakas kasi ang lungkot at pag-aalala sa boses ng kaibigan nito. Idagdag pang nagu-guilty siya dahil nasa poder niya ang bride sana ni Sixto.
“B-bakit naman?” utal nitong tanong kahit alam na niya ang sagot.
Napahinga ng malalim ang kaibigan nito na dinig niyang nasa kahabaan ng byahe, base na rin sa mga busina at ugong ng sasakyan sa paligid nito.
“Hindi dumating si Nicolette e. Umalis na ako sa simbahan at ilang oras na siyang late. Nahihiya na ako kanina sa mga bisita. Mabuti na lang at pribado ang kasal namin. Pero– hindi ko pa rin mahanap si Nicolette. Galit na galit kasi si Tito Larry. Parang mapapatay na niya si Nicolette sa mga salitang lumalabas sa bibig nito sa mga tauhan niya at ipinapahanap niya ang anak niya. Kailangan ko siyang unahan na mahanap si Nicolette at ilayo muna sa ama niya. Dahil oras na siya ang unang makahanap kay Nicolette, baka kung mapapatay niya nga ang anak niya. Dude, ilang beses niyang sinabi iyon. Kahit bangkay daw na iuwi ng mga tauhan niya si Nicolette basta mahanap lang siya. Anong klase siyang ama?” pagbibigay alam ni Sixto ditong napalunok na namuo ang luha sa mga mata sa nalaman!
“Kung gano'n ay hindi nga siya nagbibiro,” piping usal ni Lucas na maisip ang kwinento ni Nicolette kanina sa kanya tungkol sa ama nito.
“Ahem! Magpahinga ka na muna, dude. Ako na munang bahala kay Collette.” Saad ni Lucas dito.
“Sige, dude. Salamat ha? Kapag nahanap mo siya, tawagan mo kaagad ako. And please, bring her somewhere that her father can't find her. Ako na lang ang pupunta sa kanya. Tiyak na takot na takot na iyon ngayon. Iniisip ko nga, kasalanan ko ito. Kung hindi ko siya inalok ng kasal sa harapan ng ama niya, hindi sana kami malalagay sa gan'tong sitwasyon. Napasama pa tuloy siya at ngayo’y nasa panganib ang buhay niya,” wika ni Sixto na bakas ang lungkot, pag-aalala at pagsisisi sa boses nito.
“Sige. Tawagan ulit kita, dude. Magpahinga ka muna, okay?” wika ni Lucas dito.
“Thanks, dude.”
“You're welcome, dude.”
Bagsak ang balikat na napabuga ng hangin si Lucas matapos maibaba ang linya. May takot na nadarama para sa kaligtasan ng dalaga. Tiyak niyang kung ipapahanap ng ama niya si Nicolette sa investigator, mahahanap nila kung nasaan ito.
Napalunok ito na muling tinawagan ang kaibigan niyang police captain sa tabi ng station nila. Hindi naman nagtagal, sumagot ang binata.
“Captain Lucas?” bungad nito na ikinangiti ni Lucas.
“Hi, Captain Migs, nasa station ka ba ngayon?” tugon nito sa kausap.
“Yeah. Ikaw, hindi kita nakitang bumalik a. Nasaan ka?” sagot nito.
“Uhm, umuwi na ako e. May hihilingin sana akong pabor sa'yo, captain. Kahit magbayad ako gawan mo lang ito ng paraan,” seryosong saad ni Lucas na pigil ang paghingang hinihintay sumagot ang kaibigang pulis.
“Sure, captain. Ano po ba iyon? Kahit hwag mo na akong bayaran. Para namang hindi tayo magkaibigan,” naiiling saad nito na ikinangiti ni Lucas.
“Salamat ha? May mga ipapabura sana akong kuha ng CCTV footage e. Mula sa Saint Joseph cathedral hanggang d'yan sa station natin. Uhm, may run-away bride kasing humingi ng tulong ko. Ipapabura ko sana ang mga footage na nahagip siya at sumakay siya sa pick-up ko kaninang umaga. Senator kasi ang ama niya. Kailangan ko siyang unahan at baka mapahamak naman ako sa pagtulong sa anak niya. Magagawan mo ba ng paraan ngayon, captain?” pakiusap ni Lucas ditong natigilan pa sa narinig.
“Uhm–sure, captain. Ako mismo ang lilinis sa mga bakas ng bride.” Tugon nitong ikinapikit ni Lucas na nakahinga ng maluwag.
“Thank you, captain. I owe you this. Salamat talaga.” Pasasalamat nitong ikinangiti ng kaibigan niyang pulis.
“Walang anuman, captain. Para namang wala akong utang na loob sa'yo. Tawagan kita mamaya kapag natapos na ako, okay?” anito na ikinatango-tango ni Lucas na humingang malalim at napangiti.
“Okay. Thanks again, captain.”
Para itong nabunutan ng tinik sa dibdib na napa-woah pa sa paggaan ng dibdib niya! Nakatitiyak kasi siyang ipapahagilap ng senator ang mga CCTV at malalaman nilang dumating si Nicolette sa simbahan at sumakay sa sasakyan niya!
“Damn. Mabuti na lang pala at tinawagan ko si Sixto.” Usal nito na napahilot sa sentido at ilang beses na nag-enhaled exhale para kalmahin ang pusong kay bilis ng t***k!
Pumasok ito ng condo na tumuloy sa kusina. Kumuha ng dalawang beer in can at naupo sa silya. Iniisip nito kung paano niya itatago si Nicolette na hindi siya basta-basta matutunton. Tiyak niya kasing magkakabanggaan sila ng ama ni Nicolette kapag nahanap nito ang anak niya.
Napatungga ito ng kanyang beer na humingang malalim. Hindi kasi siya pwedeng basta-basta mag-file ng ilang days na leave sa trabaho. Kaya hindi niya matututukan ang pagbabantay kay Nicolette. Gustuhin man niyang siya mismo ang mag-aalaga at poprotekta dito 24/7, pero alam niya na imposible iyon. Kaya ang mas mainam nitong gawin ay ilayo si Nicolle dito sa syudad at itago na muna sa lugar na walang makakakilala sa kanya.
"Dalhin ko kaya siya sa probinsya nila Ate Gab? Tiyak na tutulungan siya ng pamilya ni ate. Pero--masyadong matao doon. Tiyak na meron at merong makakakilala sa kanya sa mga kapitbahay at kilala ang ama niya ng mga tao," usal nito na napailing.
Inubos nito ang laman ng beer niya at muling binuksan ang isa pa. "Sa mansion kaya? s**t--hindi pwede. Nandoon ang bubwit na Jane na 'yon. Sisiraan niya lang ako sa honey ko kapag dinala ko doon si Collette."
Napaubo ito na maisip ang naisatinig na tinawag niyang honey niya ang dalaga. Kahit na inaasar niya lang naman ito ay parang iba na ang dating sa kanya ng pagtawag niya ng 'honey' kay Nicolette. Na parang hindi na lang basta tawag iyon kundi--endearment na niya sa dalaga.
"Damn, Lucas. Hindi mo naman siguro siya kursunada noh? Lagot ang itlog natin kay mommy kapag malaman niyang nobya ng kaibigan mo ang nakursunadahan mo," naiiling kastigo nito sa sarili na parang sirang nangingiting mag-isa habang umiinom sa kusina.
Nang maubos na nito ang beer ay tumayo na rin ito. Kahit gusto niyang dalhin abroad si Nicolette para mailayo sa lahat, walang mga papeles ang dalaga. Mahihirapan siyang ilabas ito dahil naiwan sa bahay ang mga passport at ibapang documents nito. Kaya hindi sila basta-basta makapuslit palabas ng bansa.
"Damn! Tama! Bakit nga ba hindi ko naisip ang lugar na iyon?" bulalas nito na maalala--ang rest house nila sa Tagaytay!
Para itong nabuhayan na maalala ang rest house nila. Doon niya pinakamagandang dalhin si Nicolette para maitago ito sa lahat. Dahil walang ibang makakasama si Nicolette doon kundi ang mag-asawang caretaker nila na parang mga magulang na rin nilang magkakapatid!
Tiyak niyang magugustuhan ni Nicolette ang lugar at mare-relax ang isipan nito habang nandoon. Hindi niya na rin poproblemahin ang mag-aalaga sa dalaga dahil mapagkaka tiwalaan naman ang mag-asawang caretaker nila sa bahay. Idagdag pang walang basta-bastang nakakapasok doon sa village nila kaya kahit nandidito siya sa Manila, panatag itong hindi matutunton si Nicolette doon lalo na't burado na ang mga mag-uugnay ditong ebidensya para matunton siya ni Sixto lalo na--ang ama nitong malupit sa dalaga.