Chapter 8

2184 Words
Ngumiti sa akin si Kiera nang makitang nakatingin ako sa kanya. Binigyan ko din siya ng ngiti pabalik. Nagsimula nang umupo sa kanya-kanyang pwesto ang aming mga kasamahan.  Ang gamit naming mesa ngayon ay mahabang rectangular shaped table. Sa kasamaang palad, ang may bakanteng upuan lang ay yung sa end point ng mesa at sa mismong kaharap ko.  Pumwesto si Kiera sa may end point ng mesa. Para mas maintindihan ninyo, diba may dalawang maliit na sides ang rectangle, which is yung dulo? Doon siya sa isang side na yun, malapit sa akin. Nakaupo kasi ako sa tabi ng end point o pinakahuli sa mahabang side ng rectangle, so parang katabi ko na din si Kiera. Gets niyo? Si Axel naman ay nasa harap ko  which is kagaya ko din na katabi si Kiera. "So guys, since me and Axel are new here. Can we introduce ourselves to each other first?" biglang saad ni Kiera. Sumang-ayon naman ang lahat. Nasa 20 plus kami ngayon dito,  since may mga tig dadalawang representatives sa lahat ng college courses, isang 3rd year at isang 4th year.  Nagsimulang magpakilala si Kiera kasi siya naman yung President ngayon. Hindi ko maiwasang hangaan ang kanyang itsura. Maganda siya, maputi at makinis. Kulot ang kanyang buhok na color brown at may matangos na ilong. Matangkad din siya pwedeng pwede nang maging model. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit naging girlfriend siya ni Axel. "Hi, I'm Kiera Sanchez. Your newly elected President from the department of Civil Engineering." nakangiting pagpapakilala niya. Nakakahanga, magaling siyang magsalita. Bagay na bagay bilang President.  Sinulyapan ko nang palihim si Axel pero tulad ng ibang kasamahan namin ay nakatingin din ito sa nagsasalita. Ibinalik ko agad ang paningin kay Kiera bago pa may makakita sa akin na nakatingin kay Axel. "In case you don't know, your former President resign from her position because of the very hectic schedule that she have. So, the in-charge of this organization decided to elect a new one. Surprisingly, I won." dagdag ni Kiera. Hmm okay? Si Axel kaya? Dumaan din ba sa votings o volunteer to? Well, pwede kasing mag volunteer pero syempre dapat lang na ma meet mo yung standards ng position mo. In his case, being a P.I.O kasi dapat magaling ka magsalita at maidedeliver mo nang maayos ang announcements. Dapat din wala kang hiya, hahaha like me. Kaya nga ako naging P.I.O. diba? Sa pagkakakilala ko kasi kay Axel is medyo snobero, madalang magsalita. Siguro kapag sobrang close mo na siya, doon mo lang makikita yung bubbly side niya. Baka naman nagbago na siya? Pero I don't judge him ha, baka magaling talaga siya magsalita kahit tahitahimik lang yan.  Sunod na nagpakilala ang ibang officers based sa pagkakasunod-sunod ng kanilang positions. Kasalukuyang nagpapakilala ang Auditor namin. Nako, kami na pala ni Axel yung susunod. Napatingin ako sa kanya nang matapos ang Auditor, tamang-tama ay nakatingin din siya sa akin. Hindi ako nagsalita maging siya ay ganun din. Ngunit parang automatikong nag-uusap ang aming mga mata. "Ladies first." aniya.  Tumango ako at tumayo upang magpapakilala na. Nararamdaman kong nakatingin na din sa akin ang lahat, pati na din si Axel. Sanay naman na ako magsalita pero, ngayon lang ako nakaramdam ng kaba dahil sa presensiya ni Axel. Kinalma ko muna ang sarili bago nagsalita. "Hi, I'm Zharmella Vera. Your Public Information Officer." deretsong tugon ko sabay upo. Wohh kinabahan talaga ako. Hindi ko na pinahaba yung pagpapakilala ko. Kilala na naman ako halos ng lahat. Sumunod na tumayo si Axel. Hindi ko din maiwasan na mapatingin sa kanya. Hindi ko inaasahang susulyap muna siya sa akin bago magsalita. Eh? para saan yon? Hindi ko nalang siguro bibigyan ulit ng meaning iyon. "I'm Axel Sy, from the Department of Civil Engineering. I volunteered to be your Public Information Officer. Nice meeting you all. Thank you." pagpapakilala niya. Mukhang hindi naman siya nahihiya. May confidence din kung magsalita. Nagbago ka na nga Axel. Ano pa ba ang inaasahan ko, sa ilang taon ba naman syempre meron at meron talagang magbabago sa tao.  Kung dati ay hindi mo siya makikitaan ng kompyansa sa sarili, ngayon ay kitang-kita mo na yun sa kanya. Di ko tuloy maiwasan na malungkot nang maalala ko kung paano siya ininsulto ng mommy ko dahil daw mahirap lang siya. Ano daw ang ibubuhay niya sa akin pagdating ng panahon, kung pati kompyansa sa sarili ay wala siya.  Ayaw sa kanya ni mommy dati, lagi niya akong sinasabihan na hiwalayan ko na daw si Axel at maghanap ng lalaking may kaya sa buhay, yung hindi ako ipaparanas nang paghihirap. Ngunit, dahil mahal ko siya, sinusuway ko lagi ang mommy. Hindi naman kasi dapat pera yung habol mo sa isang lalaki diba. Kaya ko naman magkaroon ng sariling pera. I can be a rich wife so I don't need to find a rich husband in the future. Sinasabihan pa ako ni mommy na aasa lang daw yan sa akin, kasi ako yung merong pera. Well, wala naman sa akin yun. Okay lang na ako yung gumastos, ako yung manlilibre.  Dahil doon, mas lalo pang nawalan ng confidence si Axel. Lagi ko siyang sinasabihan na huwag nalang pansinin yung sinabi ni Mommy. Basta ang mahalaga, mahal namin ang isa't-isa at dapat walang mang-iiwan. Bilib na bilib ako sa kanya kasi yung baon niya hindi niya ginagastos kundi iniipon niya para may regalo siya sa monthsaries namin at para hindi na daw ako lagi yung manlilibre. Masaya kami dati, kahit anong problema ay nasusulba namin ng magkasama. Dahil sa kanya natuto akong kumain ng mga street foods  tulad ng kwek-kwek at proven na may puso. Ang puso ay kanin na binalot sa dahon ng niyog at kinorte ng tatsulok (triangle). Grabe first time kong kumain ng ganon, at sobrang sarap. Kontento na ako dati na doon niya ako ililibre. Pero bigla nalang siyang nagbago, nanloko at nang-iwan. Di ko pa rin maintindihan kung bakit. Lagi ko naman siyang ipinaglalaban sa mommy ko.   Nalunod na ako sa pag-iisip ng nakaraan namin. Nakabalik lang ako sa realidad nang tapikin ako sa balikat ng katabi ko. Hindi ko na namalayan na nagsimula na pala silang mag-usap tungkol sa Acquaintance Party. Nakakahiya. "Tinatanong ka nila kung anong gusto mong theme ng party." pabulong na sabi ng katabi ko. "H-ha, ahh may pagpipilian na ba?" agad na tanong ko sa lahat. Putek nakakahiya. Hindi ako makatingin sa titig na titig na Axel. "Well, we have three themes na nasuggest, First, Hollywood Glamour na suggestion ko. Second, Glow in the Dark suggested by Riza and third, Masquerade suggested by Axel. We already voted at desisyon mo nalang ang kulang." seryosong sabi ni Kiera. Ganon ba ako katagal nag space out? Grabe sobrang nakakahiya talaga. Ako nalang pala ang kulang. Tiningnan ko ang ibang officers at nakatingin na din sila sa akin na tila ba kanina pa naghihintay ng sagot ko. Kung Hollywood Glamour, classy but common. Lagi na kasing ganyan yung theme dito. Kung Glow in the Dark naman, well, maganda naman kaso di ko bet. Masquerade? maganda, classy na may pa mysterious effect.  "Ah, I'll go for masquerade."  sabi ko. Nabigla naman ako sa naging reaction ng ibang officers. May ibang nakasigaw ng 'Yes' at may ibang nakangiti. Lalong lalo na si Axel, ang laki ng ngiti niya.  "Buti nag Masquerade ka Zharm! Nag tie kasi yung Hollywood Glamour at Masquerade." masayang sabi ng katabi ko. Kaya naman pala sobrang saya ng iba kasi Masquerade yung lamang. Palihim kong sinulyapan si Axel ngunit nakatingin na pala ito sa akin habang nakangiti. Sayang-saya ang mokong ah. Palibhasa nanalo yung suggestion niya.  Ngumiti nalang din ako nang tipid. "Okay. So, Masquerade will be the theme." pag-anunsyo ni Kiera. "Let's start assigning everyone for their respective works." ani Vice-President. Nakinig na ako sa pinag-uusapan nila. Ayoko nang mapahiya kakaspace out noh! Hinati-hati na nila yung magiging trabaho namin sa preparation ng party. Kiera will be the one in-charge for the design, may mga kasama din siya doon yung mga mahilig mag designs. The Vice-President together with the other officers are assigned in the music. Riza, the secretary is assigned in the program kasama yung natitirang officers. Sila ang gagawa ng activities at iba pang magaganap during the party. Lastly, me and Axel are assigned for the room to room announcement. Yes, room to room namin i-aannounce yung napag-usapang details about the party. It was suggested by Kiera, tsk! Pwede naman ipatawag nalang lahat ng college students para isahang announcement nalang.  Nang matapos ang meeting, sinadya kong magpahuling lumabas para sa ganun ay hindi ko na makakasabay palabas sina Axel. Inayos ko kunyari yung laman ng bag ko para hindi naman halatang nagpapahuli ako. Nang makalabas na ang lahat, tiningnan ko muna yung phone ko. Hays, wala pa ding text si John.  Inilagay ko na sa bag ko yung phone at tumayo na sa upuan upang lumabas. Pagbukas ko ng pinto, gulat na gulat ako nang makita si Axel na nakasandal sa wall doon sa corridor habang nakayuko ang ulo na parang may hinihintay. Tinignan ko yung magkabilang sides kung nandun ba si Kiera, baka siya yung hinihintay ni Axel pero wala. Sino naman kayang hinihintay niya.  Nagsimula na akong maglakad. Wala na masyadong tao ngayon kasi 5:00 pm na din kasi. Malapit nang dumilim yung ulap, magcocommute pa naman ako ngayon kasi hindi kami okay ni John kaya walang magsusundo.  Nang tuloyan na akong nakadaan, nakita ko sa gilid ng mata ko ang biglaang pag-angat ng kanyang ulo. Nagpatuloy ako sa paglakad, hindi ko pinansin ang presensya niya. Hindi paman ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang pagsunod niya at nasa gilid ko na siya. Tiningnan ko ang gawi niya at nakatingin din siya sa akin. "Bakit?" tanong ko.  Ano bang kailangan nito at sumabay sa akin. Nasaan kaya yung girlfriend niya. "Wala, nakikisabay lang." kaswal na sagot niya. Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy sa paglakad. Walang kumikibo sa amin, awkward. Gusto ko sanang magpatiuna pero kahit anong subok ko ay nasasabayan ako nang malalaking hakbang niya. Tsk! Malapit na kami makadaan sa parking lot. Liliko na sana ako kasi hindi naman ako sa parking lot pupunta, magcocommute nga kasi ako. Bigla siyang huminto at tinawag ako. "Zharm!"  Napalingon ako sa likod ko. Hindi pa naman ako ganoon kalayo sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.  "Wala ka bang dalang sasakyan?" tanong niya. "Wala. Wala talaga akong sasakyan." kaswal na sagot ko. "Hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo?" aniya. Pakealam mo?  Gusto ko sanang isagot sa kanya yan. "Hindi." tipid na sagot ko. "Well, I have mine. Wanna ride with me?" nag-aalinlangang tanong niya. Ano daw? Bakit parang andumi ng dating ng tanong niya sa akin? "Wanna what?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Napaisip siya sa sinabi at biglang natawa. Ay putek, tinawanan pa talaga ako. "Hey, dont get me wrong. I mean, gusto mo bang makisakay? Ihahatid kita." natatawang tanong niya. Ayusin mo kasi yung tanong! Nakakainis. "No, thanks. I can commute." pagtanggi ko. Nakakahiya at ang awkward masyado. O baka naman ako nalang ang nakakaramdam nang awkward samin. "Sige na. It's dangerous, kasi mag gagabi na rin." pamimilit niya. Tiningnan ko ang ulap at parang ang bilis naman ata nitong dumilim. May liwanang pa naman kanina ah, ngayon talaga is madilim na. Tatanggi pa sana ako kaso naunahan niya ako magsalita. "Please? Madilim na oh." aniya. Bumuntong hininga ako. Mapilit ang mokong. Pero aaminin ko din, natatakot akong magcommute kapag ganitong madilim na. Syempre, baka may mga bad guys diyan at mapagtripan ako o di kaya magkataong yung driver yung bad guy. Geez, scary. "Okay." Agad niyang kinuha ang kotse at huminto iyon sa tapat ko. Bumababa siya para pagbuksan ako. Agad naman akong pumasok at kusang isinara ang pinto para hindi na siya mag-abala pa. Ikinabit ko na yung seat belt ko. Umikot naman si Axel at pumasok sa sasakyan, agad din naman siyang nagmaneho. Wait, alam niya ba saan ako nakatira? Hindi ko na hinintay pa na magtanong siya. "Sa Amelia Townhouse lang ako." sabi ko. "Okay." sagot niya habang nakatutok ang paningin sa daan. Naging tahimik lang kami sa buong byahe. Awkward. Ngayong nakasama kita, hindi ko pa rin maintindihan ang nararamdaman Axel. Naiinis pa din ako at nasasaktan sa tuwing sumasagi sa isip ko yung nangyari dati. Gusto kong magtanong, pero para saan pa? Matagal na tayong wala, at alam ko na nakamove on ka na. May nakita akong street foods na stall, hindi ko maiwasang maalala ang dati na kasama kitang kumakain ng ganyan. Napangiti ako sa naisip, nakakamiss lang. Huminto na ang sasakyan, nandito na pala kami sa Amelia Townhouse.  "Thank you for the ride." Sinserong tugon ko. "No problem." Nakangiting aniya. Gusto ko nang makaalis dito sa harap niya dahil hindi ako komportableng kasama siya. Baka di ko na mapigilang magtanong pa tungkol sa nakaraan namin. Binuksan ko na ang pinto at balak ko na sanang lumabas nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Bumilis ang t***k ng puso ko, napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "Zharm." usal niya. Ano? Sasabihin niya bang mahal niya pa rin ako? Aamin na ba siya na para sa akin yung paglipat niya dito, pati na rin yung stories niya? Hindi ako nakasagot dahil ang dami nang naiimagine ng isip ko. "No, I already moved on." biglang sabi ko. Natakpan ko ang bibig ko nang marealize na nasabi ko pala ang dapat ay sa isip ko lang. "What? I'm not asking you." nagugulat din na sabi niya. "A-ano pa lang sasabihin mo at kelangang hawakan mo pa ang kamay ko?" napatingin siya sa kamay namin at agad itong binitawan. "Yung seat belt kasi di mo pa tinatanggal." natatawang aniya. To be continued. . .  A/N: If you liked this chapter, please consider giving it a vote.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD