Zharmella's POV
Dumaan ang isang linggo na ang daming nangyari. Ewan, pero parang trip ata talaga akong paglaruan ng tadhana no? Bakit pagdating sa pag-ibig, lagi akong nalalagay sa mga sitwasyong di ko naman gusto. All I ever wanted is to be love and to love, yung walang sagabal pero bakit ang hirap naman ata. Lagi nalang merong problema, kung hindi ako ang nasasaktan ay ako naman ang nakakasakit.
Hindi ko pa din makalimutan yung naging sagutan namin ni John nung isang araw. Nainis ako sa sinabi niya, pero di ko din maiwasang mainis sa sarili ko. Mismong sarili ko ay di ko maintidihan.
FLASHBACK . . .
Saturday ngayon kaya walang pasok, nandito lang ako sa condo. Wala akong balak gumala, nakakatamad. Ginawa ko nalang yung mga school works ko para wala na akong iisipin pa na related sa school. Bibisita nga pala si John mamayang lunch, kaya hangga't umaga pa ay tinapos ko na lahat ng gawain ko.
Sa wakas ay natapos ko na din LAHAT ng mga gawain ko. It is already quarter to 10 am, ang usapan namin ni John ay mga 11:30 am na siya pumunta dito. Malapit na pala, wala pa akong ligo kaya dali-dali akong pumasok sa banyo para mag shower.
Nang natapos akong maligo at magbihis ay dumeretso ako sa kitchen. Titignan ko sana kung anong masarap lutuin. Meron akong chicken dito, hmm adobo nalang kaya?
Biglang tumunog yung doorbell, Hala baka si John na yun. Patay! Di pa ako nakaluto. Patakbo kong tinungo ang pintuan, tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni John. He look so handsome with his crisp white shirt and grey shorts paired with a leather shoes. Wow.
"Hey, di mo pa ba ako papapasukin?" natatawang tanong niya. Napatigil ako sa iniisip ko tungkol sa itsura niya nang bigla siyang nagsalita.
"Ah, yeah right! Come in." agad na tugon ko sa kanya at naunang naglakad sa loob.
"Love, hindi pa ako nakaluto." Nahihiyang saad ko at napakamot sa ulo.
"Gusto mo ako nalang magluto?" Tanong niya.
Nakakahiya naman! Lagi nalang siya yung nagluluto kapag bumibisita dito.
"Sure ka love?" Nahihiyang sagot ko.
"Oo naman. Sus, para ka namang hindi pa nasanay." pang-aasar niya nang mahalatang nahihiya ako.
"Okay, sige." Pagsang-ayon ko nalang. Kahit naman tumanggi ako, ipipilit niya parin.
"Anong gusto mong lutuin ko?"
"Ahhh, chicken adobo nalang love." Nakangiting sagot ko.
Pumunta na siya sa kitchen para magluto. Since wala akong magawa, pumunta ako sa kwarto ko at kinuha yung cellphone ko. Lumabas ulit ako at naupo sa sofa dito sa living room. Dito ko napiling mag phone para kapag tinawag na ako ni John para kumain ay madali akong makakapunta sa dining area kasi nasa likod lang naman yun ng living room.
Inopen ko yung IG ko at ang tanging ginagawa ko lang ay mag scroll nang mag scroll. Minsan ay napapa like din ako kapag bet ko yung picture. Nang magsawa ay doon naman ako sa mga stories. Nangunguna ang pangalan ni Axel. Tsk, laging may story to ah. Binuksan ko yung sa kanya.
15 hours ago
"I didn't mean to hurt you."- axlsy
Alam kong kanta lang iyon, pero kinabahan pa din ako. Para sa akin ba yan Axel? Dahil sa naging curious ako, naisipan ko siyang e stalk. Ngayon ko nalang ulit ginawa to.
Wala siyang bagong posts. Pictures niya lang 2 years ago yung nandoon. Ang gwapo niya talaga. Siya yung tipong isang tingin mo lang sa kanya ay pangangarapin mo na maging sayo siya. Yes, ganon siya ka gwapo at ang lakas ng s*x appeal.
Wala pa ding kupas yang mukha mo Axel. Ngayon nga ay mas gumwapo pa ito. Lalong nagbigay sa kanya ng dating ang masculine features niya. Hindi na siya yung sobrang payat dati. Well, kahit naman payat siya ay gwapo pa din, sumobra nga lang ngayon.
Sa picture ay naka sandal siya sa kotse. Ito pa din yung kotse na gamit niya ngayon. He is so damn hot with his unbottoned polo shirt na kitang kita ang dibdib niya. Pinaresan niya iyon ng tattered jeans na ang laki ng butas, napakaangas ng dating. Yung mukha niya ay naka poker face lang pero bakit ang lakas pa din ng dating nito para sa akin. Hays.
"Tsk."
Nabigla ako nang marinig ang asik na yun, naitigil ko ang pagpapantasya sa picture ni Axel at dahan-dahang lumingon sa likod ko. Ganun nalang ang kaba ko nang makita ang galit na mukha ni John. s**t, nakita niya.
Ngayon ko pa lang nakita ang galit na mukha ni John, hindi lang galit kundi nasasaktan din.
"L-love." Kabadong usal ko.
"Tapos ka na ba sa pag-iistalk mo?" May bahid ng galit ang tono ng pananalita niya.
"L-love, kung ano man yang iniisip mo, mali yan." Pangongombense ko kahit wala pa naman siyang sinabi tungkol sa iniisip niya.
"Kumain na tayo." malamig na tugon niya.
Nauna na siyang pumunta sa dining area. Hindi naman agad ako nakatayo. Gosh! Zharm, ano ba yung ginawa mo. Huhuhu
Sumunod ako sa kanya sa dining area. Nakaupo na siya dun at naunang kumain. Hindi man lang ako hinintay.Umupo ako at kaharap ko siya sa mesa. Tinignan ko siya kaso hindi siya nag-angat man lang ng tingin sa akin.
Nanlulumo man ay kumain na lang din ako. Tahimik lang kaming kumakain ngayon. Nakakabingi ang sobrang tahimik dito. Tunog lamang ng mga plato at kutsara ang tanging nagbibigay ingay sa dining area.
Nauna siyang natapos kumain. Tumayo siya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Dali-dali kong inubos yung pagkain ko nang makita ko na nilagay niya na sa lababo yung plato niya at naglakad palabas ng dining area.
Agad kong nilagay ang platong gamit ko sa lababo at sinundan ko si John. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa ng living room, malayo ang tingin at napakaseryoso ng mukha. Natatakot man ay pinili ko pa ding lapitan siya.
Umupo ako sa tabi niya. "Love." Tawag ko sa kanya.
Hindi siya kumibo, sa halip ay lumingon ito sa gawi ko.
Napalunok ako ng makita ang blankong mukha niya. Wala akong makitang kahit anong emosyon.
"Bakit?" malamig na tanong niya.
"H-ha?" Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya.
Bumuntong hininga siya.
"Miss mo na ba?" sarkastikong tanong niya.
Napaawang ang bibig ko.
"What? Of course not!" Agad na sagot ko. Wth.
Natawa siya, pero pekeng tawa yun. "Ah, talaga? Kaya pala titig na titig ka sa picture niya kanina." sarkastikong tugon niya.
Nasapo ko ang ulo ko. s**t you're so stupid Zharm.
"It's not like what you think, okay?" Pangungombense ko. Kung wala lang yun, anong dahilan mo? pagtutol ko sa sairiling sinabi. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam huhu.
"Kung ganon, bakit mo pa siya iniistalk!" sigaw niya. Nagulat naman ako. First time niya akong sinigawan.
"I-it's just t-that ..." Utal-utal na sagot ko. Hindi ko alam kung anong isasagot. Maski ako ay walang mahanap na dahilan kung bakit ko ginawa yun.
"What? Dahil ba hanggang ngayon ay siya pa din?" galit na sigaw niya.
"No! Bakit mo ba ako sinisigawan? It's just a f*****g stalk!" Sigaw ko din. Oo, tama. Hindi naman palaging may dahilan kapag nag-iistalk, ganon lang siguro yun diba? Hindi naman ibig sabihin nun ay di pa ako nakaka move on duh.
"Wow! It's just a f*****g stalk? f**k!" Di makapaniwalang sagot niya.
"Love, please calm down."
"How can I f*****g calm down, Zharm?" Aniya.
Nagulat ako sa biglaang pagtawag niya ng pangalan ko. Galit talaga siya.
"For 2 years, I keep my mouth shut kahit may mga napapansin ako. Kahit hindi mo masabi sakin na mahal mo ko. Binalewala ko lahat ng yun Zharm!" emosyonal na sabi niya.
"Mahal mo nga ba ako? O ginagamit mo lang ako para makalimot dun sa pesteng ex mo?" deretsong tanong niya.
Nasampal ko siya bigla. Ano raw? Ginagamit? Nainsulto ako sa sinabi niya dahil parang pinamukha niyang manggagamit ako ng tao.
"Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Manggagamit? Sa pagkakatanda ko IKAW mismo yung nagsabi sa akin na kung kailangan kita, isang tawag ko lang darating ka. Tapos, ako pa talaga ang sasabihan mo ng ganyan?"
Napahawak siya sa pesnge niyang tinamaan ng sampal ko. s**t, di ko sinasadyang masampal siya. Nadala lang ako.
"Oo nga pala, ako pala yung nagpumilit na samahan ka, na pasayahin ka dahil umasa ako na baka sa paraang yun ay mahalin mo din ako." seryosong sabi niya.
Tumayo siya at bigla nalang umalis. Di ko na siya sinundan, napahawak nalang ako sa aking ulo dahil naguguluhan ako. Di ko nalang muna siya kukulitin, kailangan lang siguro namin ng oras para mapag-isa.
End of Flashbacks . . .
Nandito kami ni Steph ngayon sa field, nakaupo kami sa may bench. Wala kaming klase ngayon kasi may biglaang meeting ang mga Prof para sa darating na acquaintance party ngayong Friday. Mamayang mga alas dos ay magmemeeting din yung mga Student Body Officers para din sa gaganaping acquaintance. Mamemeet na din namin ang bagong President ng SBO which is in the 4th year college. Dahil kasali ako sa mga officers, kailangan ko din pumunta. Ang sabi may bago daw na officer galing 4th year din.
Hindi pa rin nagpaparamdam si John since noong Saturday until ngayong Monday. Naiintindihan ko naman siya kaya di ko na din siya tinetext.
Ikinuwento ko kay Steph ang lahat ng nangyari sa amin. Pati siya ay naiinis din sa akin. Hays, oo na aminado naman ako na kasalan ko din yun.
"Bakit mo naman kasi inistalk pa si Axel?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko din talaga alam. Nakita ko kasi yung story niya and then naisipan ko nalang bigla na iistalk siya. Yun lang yun, di naman ibig sabihin na hindi pa ako nakakamove on." sagot ko.
Ilang araw ko ding iniisip kung naka move on na ba talaga ako, pero ang totoo niyan ay hindi ako sigurado. I'm confused.
"Pero talaga bang naka move on ka na?" tanong ulit ni Steph.
Sasabihin ko ba sa kanyang naguguluhan ako at di ako sigurado? Sige na nga lang, total best friend ko naman siya.
"Sa totoo lang, hindi ako sigurado. Naguguluhan ako Steph. Sa tuwing nakakasalubong ko o nakikita si Axel, naiinis pa din ako. Pero lagi din akong nakaabang kung may stories siya sa IG. Tsaka lahat ng stories niya, feeling ko para sa akin." mahabang sabi ko. " Pero di ko din naman gustong saktan si John, importante siya sa akin. Ayaw ko din na mawala siya." dagdag ko.
"Nako, hindi naman pwede yan Zharm. Alamin mo muna kung ano yung tunay mong nararamdaman. Kung may feelings ka pa kay Axel, hiwalayan mo si John dahil siya lang ang mas masasaktan dito pag nagkataon." sagot niya.
"Pero, ayoko din na mawala siya Steph."
"No, it's selfish Zharm. Kelangan mong bitawan ang isa sa kanila." sagot niya.
"Hindi na ako mahal ni Axel." malungkot na sagot ko.
"Alam mo naman pala eh." sagot niya na mas lalong nakapagpalungkot sa akin.
"Bakit feel ko para sa akin yung mga stories niya sa IG." biglang tanong ko.
"Nako, yung pagiging assuming mo na ang nagsasabing hindi ka pa nakakamove on." deretsong ani niya sabay batok sa akin.
"Aray naman! Feel ko lang kasi, pero baka nga nag-aassume lang talaga ako."
"Paano naman kung bumalik nga siya?" tanong niya.
"Sus, parang imposible naman ata yan. Kung may balak siya edi sana matagal na." sagot ko.
Tumango lang si Steph at hindi na ulit nagtanong. Totoo naman kasi eh, bakit ngayon pa siya babalik? Ngayong may boyfriend na ako.
Naalala ko yung kasama niyang babae sa story niya dati. Tsk, imposible na talagang may balak pa siyang bumalik. May girlfriend na siya, baka para sa kanya yung mga stories niya. Ang assuming mo Zharm.
Nung mag alas dos na ay nagpaalam na ako kay Steph na aattend muna ako ng meeting. Sa small conference room gaganapin yung meeting namin. That room is intended for student body officers gaya namin.
Pagkarating ko doon ay madami na sila. Lahat sila ay kilala ko na, may iilan na 3rd year college din but most of them are 4th year na. Akala ko ay kompleto na kami pero biglang nagsalita ang Secretary namin na si Riza Lopez, a 4th year college student.
"Let's wait for our new President ha, together with our new member. Wala pa kasi sila but nag text si Kiera na on the way na daw sila." aniya.
Oh, may bago na naman kaming member. Well, meron kasing mga umalis na dito kasi hindi na kaya ng schedules nila kaya last week lang ay naghanap sila ng pamalit. Syempre, yung mga may matataas din na grades at may potentials yung kinukuha namin. Hindi lang basta bastang mga studyante since nakasalalay sa amin ang lahat ng activities ng mga College dito sa school. By the way, my position is P.I.O at sa pagkakaalam ko ay yung partner ko dito ang umalis kaya yung new member na sinasabi ni ate Riza kanina ay yung papalit sa partner ko. Sa madaling sabi ay makakasama ko iyon lagi, sino kaya yun?
Nagcecellphone muna ako habang naghihintay na makompleto kami at makapagstart. Biglang tumayo si Secretary.
"Hey, guys! Nandito na sila Ms. President Kiera Sanchez and our new P.I.O Mr. Axel Sy." masayang pagpapakilala niya.
Axel Sy? tama ba yung narinig ko? Agad kong nilingon kung nasaan yung tinutukoy niya at nagulat ako ng makitang si Axel nga ito. Nagtama ang mga mata namin, kinabahan ako bigla. s**t. So ibig sabihin makakasama ko siya lagi? huhuhu. Inalis ko agad ang pangingin ko sa kanya at muli akong nagulat ng makita ko yung babae. Yung babaeng nasa picture, yung girlfriend ni Axel. Siya yung tinutukoy na bagong President.
Oh no. I cant believe this is all happening. What a small world! Pinaglalaruan ata talaga ako ng tadhana.
To be continued . . .
A/N: If you liked this chapter, please consider giving it a vote.