Nung hindi ko na natanaw pa si John ay agad akong humarap sa siradong pinto ng unit ko. Inopen ko yung bag ko at hinanap doon ang susi. Nang madampot ko ito ay agad ko din binuksan ang pinto tsaka binitbit ang supot ng groceries paloob.
Inilagay ko na yung mga pinamili sa mga dapat nilang kalalagyan. Halos pagkain lang naman ang mga ito. Pagkatapos ay dumeretso na ako sa kwarto para kumuha ng maisusuot dahil balak ko nang maligo.
After ko maligo ay umupo ako sa kama at pinatuyo ang buhok ko. Nang matapos ay inihagis ko nalang yung towel sa basket at nahiga na doon sa kama. Kinuha ko yung phone ko sa side table, alas syete na ng gabi. Hindi na ako maghahaponan dahil busog na din naman ako sa kinain namin ni John kanina.
Naka receive ako ng text galing kay John, nakauwi na daw siya at matutulog daw muna kasi napagod siya. Nireplyan ko lang ito and then I decided to open f*******:. Para hindi mabagot sa f*******:, nagbasa nalang ako ng mga memes. Ilang minuto ay nagsawa din ako kaya naisipan ko na sa IG naman. Dumeretso ako sa IG stories at nahagip ng mata ko ang pangalan ni Axel.
" I love and miss teasing you."- axlsy
Iyan yung nakalagay sa unang story niya. Inislide ko ito dahil may isa pa siyang story. It is a picture of him and a girl who is unfamiliar to me, it was posted 30 mins ago. I think yung girl yung kumuha ng picture kasi si Axel ay kumakain lang. Hala familiar yung place, saan ba to? Then I realized that it is the restaurant na pinuntahan namin kanina ni John dahil sa rustic painting na parehang-pareha sa nakita ko kanina. Buti nalang hindi namin sila naabutan doon. Girlfriend niya kaya yun? Malamang Zharm, date nila yun. Sinagot ko din ang sarili kong tanong. Tss wala akong pakialam kong girlfriend niya yun o hindi.
Nag out na ako sa IG dahil pagod na din ako, gusto ko nang matulog. Tinext ko muna si John ng good night message para naman aware siya na tulog na ako kung sakaling magising siya. Ilang minuto lang ay agad din akong nakatulog.
Axel's POV
Kakarating ko lang sa school nang nakita ko si Zharmella na bumaba ng kotse ng boyfriend niyang si John. Oo kilala ko si John dahil noong jowa ko pa si Zharm ay kaibigan niya na yan. Halata ko na dati na may gusto si John kay Zharm, at talagang naging sila ha? Tsk.
Nag-umpisa nang maglakad si Zharm papasok, sinundan ko naman siya pero medyo malayo ako sa kaniya para hindi niya mahalata.
Hays, ang ganda mo parin Zharm. Miss na miss na kita, kung alam mo lang sana...
Nakita ko siyang padaan sa building ng Engineering at the same time ay building ko din. Halatang masaya ang araw niya kasi nung gumilid ako ng unti para makita yung mukha niya ay nangingiti-ngiti pa siya kung lumakad.
Hindi ko maiwasang mapangiti din pero kusa akong nalungkot ng maisip ko na hindi na ako ang dahilan ng saya niya. Binalewala ko yung naisip ko at binilisan ang lakad upang sa ganon ay makasabay ko siya.
Nagulat pa siya nung makita ako. HAHAHA. Sabay inirapan niya ako pero nginitian ko lang siya. Mas binilisan pa niya yung paglakad niya para hindi ako makasabay. Galit pa nga talaga siya sakin. Hindi ako nagpahuli, sinabayan ko ang bilis niya nang sa ganon ay magkapantay kami. Hahaha nakakamiss kang asarin. Kitang-kita sa mukha niya na ayaw niya akong kasabay. Malapit na yung room ko nang bigla siyang huminto at talagang sa tapat pa ng room namin kaya huminto din ako.
"Excuse me? Bakit ka ba sumasabay sa akin ha? Andaming pwedeng daanan diyan oh. Sinusundan mo ba ako?" deretso at mataray na tanong niya.
Natawa ako sa reaksyon niya. Hays same Zharmella that I love, mataray at sobrang taas ng kompyansa sa sarili. She really speak what she wants to say. "No, I'm not following you." pagsisinungaling ko.
Nagtaray na naman siya, inirapan pa ako. "Bakit ka huminto nung huminto din ako?"
Di ko na napigilan ang tawa ko, pikon as ever. Naaasar na yung mukha niya kaya mas gusto ko pang asarin siya. "Swear, I'm not following you. Dito kasi yung room ko kaya huminto ako. So, would you excuse me? Nakaharang ka kasi sa daan." nakangiting sabi ko. Totoo naman kasi na dito siya huminto sa tapat ng room namin at nakaharang siya sa mismong pinto. Except doon sa hindi ko siya sinusundan, kasi totoong sinusundan ko siya hahaha.
Umawang ang bibig niya at nilingon ang pinto, alam kong binasa niya kung anong room ito. HAHAHA. Napapahiya man ay nagtaray pa din siya. Ang lupet talaga oh. Sorry Zharm, di ko intensyong pahiyain ka gusto ko lang talagang asarin ka, nasabi ko sa isip ko.
"Okay. Whatever!" pairap na aniya tsaka agad na umalis sa harap ko at mabilis na naglakad. Tiningnan ko pa muna siya hanggang sa mawala ito sa mga mata ko.
I really love and miss teasing you Zharm.
Pagpasok ko sa room ay nag-start na din yung klase. Naka focus lang ako sa mga nagdaang discussion. Sobrang dami ng mga pinapagawa. Iba na talaga kapag graduating ka na. Pinag-iigihan ko yung pag-aaral ko kasi may gusto akong patunayan sa mga taong naging dahilan para makagawa ako ng mga bagay na pinagsisihan ko.
Kapag nakapagtapos ako, babawiin kita Zharm. Sana may babalikan pa ako, pero kahit wala na hindi ako titigil.
Natapos na ang klase, aalis na sana ako nang may tumawag sa akin.
"Axeeeel!" sigaw niya.
Si Kiera Sanchez pala, matalik kong kaibigan since high school pero di siya kilala ni Zharm dahil medyo naging ilag na ako sa mga babaeng kaibigan since naging kami ni Zharm at hindi din kami same school nag-aaral. Dont get me wrong, unti lang yung friends ko dati kasi hindi talaga ako palasalita. Nagbago lang ako dahil, basta ayoko munang isipin ang bagay na yun. Alam pa din naman ni Kiera yung about sa amin ni Zharm dati. Lahat lahat alam niya pati yung dahilan ko. Nagkahiwalay lang kami ng school nung 1st to 3rd year college kasi dito siya nag-aaral at ako naman ay sa Iligan. Malayo iyon dito sa Cagayan kaya doon ko naisipang mag-aaral para na din malayo ako sa lahat lalo na kay Zharm. Ngayong 4th year ko lang naisipang bumalik sa Cagayan since isang taon nalang at makakapagtapos na ako. Gusto ko na din kasing makita si Zharm. Buti nalang na credit lahat ng subjects ko dito kaya regular student ako.
"Oy Kiera, long time no see." Ngayon pa lang ulit kami nagkita pero alam niya na balak ko talagang magtransfer dito.
Lalo siyang gumanda sa kulot na kulay brown niyang buhok. Mas naging maputi ito at makinis. May katangkaran din siya na bagay bilang maging isang model.
"Mas gumwapo ka yata ngayon ah." nakangiting sabi niya.
"Sus Kie, hindi na bago yan." pagmamayabang ko.
"Kaso mayabang ka na din, tse!" angil niya at natawa nalang kami pareho.
"Gala tayo? Kwentohan mo ako tungkol sa bebe mo. Nagkita na ba ulit kayo?" tanong niya.
Habang palabas ay nagkwento ako sa kanya. Simula first day of school hanggang sa ngayon. Pati yung sikretong pagsunod ko kay Zharm sinabi ko rin. Napagdesisyonan namin na mag mall at kumain tsaka doon nalang ipagpatuloy yung kwentohan.
Pareho kaming may dalang sasakyan kaya nakasunod lang siya sakin. Sa SM Downtown ko balak pumunta. Nung makarating kami ay naghanap kami ng masarap na kainan. Gusto ko sana ng pasta at buti nalang nakakita si Kiera ng Italian Restaurant.
Papasok na sana kami ng may nahagip ang aking mga mata. Sila Zharmella at John, masayang kumakain. Natigilan ako sa paglalakad dahil parang tinutusok yung dibdib ko nang makita sila. Nagtaka naman si Kiera, sinundan niya kung saan ako nakatingin at nang malaman kung ano ito ay siya na ang nagkusang hilain ako palayo.
"OMG, sila Zharmella yun ah. Gusto mo pa bang tumuloy?" tanong niya nang makalayo kami doon.
"Oo naman." pilit ang ngiti ko. Alam kong nahalata niya iyon.
"Naku, osige mamaya nalang tayo kumain doon kapag nakaalis na sila. Maglibot na lang muna tayo." suhestiyon niya.
Pumayag ako sa suggestion niya. Naglibot nga kami sa mall, sinusundan ko lang siya. Andami naming pinasukang shop. Lahat yun ay mga shop ng damit. May ilan din siyang binili na damit. Pagkatapos ay pumunta siya sa mga pampaganda. Bumili ulit siya ng lipstick, hay mga babae nga naman.
Nakadaan kami sa National Bookstore, naalala ko na may bibilhin pala akong materials for drafting kasi yung mga gamit ko dati ay naiwan ko na doon sa Iligan. Niyaya ko muna si Kiera saglit sa NB at sinabing may bibilhin lang ako saglit.
Nang makalabas kami ng NB ay nagyaya na si Kiera na kumain. Nagugutom na kasi siya, ako din naman. Sana wala na sila doon.
"Siguro naman wala na sila doon, ilang oras na din ang lumipas." biglang nagsalita si Kiera habang pabalik na kami sa Restaurant.
"Sana nga." nasabi ko nalang.
Nakarating kami sa restaurant at hinanap ko agad sila, buti at nakaalis na nga sila. Agad naman kaming inasikaso ng waiters. Nag-order lang kami ni Kiera ng pasta at ice cream.
"So, kailan mo balak sabihin sa kanya?" aniya.
Ngumiti ako. "Hindi pa ngayon. Pero malapit na din." sagot ko sa kanya.
"Nako, sa tingin mo maniniwala siya?" nag-aalinlangang tanong niya.
"Hindi ko naman na desisyon yun kung maniniwala siya. Basta alam ko sa sarili ko ang totoo." seryosong sagot ko. "At isa pa, hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nababawi." dagdag ko pa.
"Paano kung di ka na niya mahal?" deretsong tanong niya na nakapagpatigil sa akin.
Napaisip ako, oo nga noh? Pero determinado pa rin ako sa gusto kong gawin.
"Then, I'll make her love me again." sagot ko naman.
"Paano na yung jowa niya?" dagdag niya pa.
"Bahala na si Batman." nagkibitbalikat ako. "Basta, I will to do my best to win her back." dagdag ko pa habang nanatili ang paningin ko sa pastang iniikot-ikot ko gamit ang fork.
Hindi na ulit siya nagtanong pa at nagfocus nalang sa kinakain. Naunang natapos si Kiera habang ako ay kumakain pa. Hiniram niya yung phone ko, picture daw muna kami.
"Ano ba yan, hindi man lang tumingin." bulalas niya habang nakatingin sa picture. "Ipopost ko ito sa IG story mo ha? Okay lang?" tanong niya pa. Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Tapos na kaming kumain at pareho kami na hawak ang tiyan ngayon dahil sa sobrang pagkabusog. Grabe ang sarap naman ng pagkain nila. 6:45 pm na pala nang tinignan ko yung phone ko. Napangiti ako ng makita ang wallpaper ko. It was our picture ni Zharm, I was smiling while she kissed me on the cheek. Kita ang saya namin sa picture nato, nakakamiss lang sobra.
Napagdesisyonan namin pareho ni Kiera na umuwi na kasi anong oras na din. Habang nagmamaneho ay nagpatugtog ako.
Girl I love you and I apologize
Still I don't know the reason so I, so I can tell you why, I
Hurt the one I love
Made you cry
And girl I know that I messed up and it hurts me deep inside
Oh I wish I could go back in time
So I could fix up my mistake
Make everything alright
Girl I know just what is on your mind
Wouldn't blame you if you hated me for the rest of my life
Ooh baby I
Saktong-sakto yung kanta sa nararamdaman ko. That song is entitled I Didn't Mean To Hurt You by 3T.
Didn't mean to hurt you
to make you cry
Oh, girl you know I really love you
And it hurts me deep inside to know that the person that just hurt you
and
made you cry
Is one who really really loves you and it hurts me deep inside
How could I hurt the one I love? Whoa oh yeah
Girl I'm sorry
Now I do realize
It'll never be the same
No matter how hard I try
'cause I, hurt the one I love
How could I let you down?
And there's no other reason why you, why you just fell to the ground
Well, oh I wish I could go back in time
So I could fix up my mistake
Make everything alright yeah
And girl I know, what's on your mind
Couldn't blame you if you hated me for the rest of my life
My......
Hindi ko maiwasang maging emosyonal. Sana nga pwede pang ibalik ang oras. Kung pwede lang sana, peero may dahilan ako Zharm, sasabihin ko din sa tamang panahon. Sana maniwala ka pa din sa akin.
I didn't mean to hurt you
Oh to make you cry girl
You know I love you
I really love you
Girl! You know I love you
Mahal na mahal pa din kita Zharm. Hindi ko ginusto ang lahat ng nangyari, at pinagsisihan ko na pinili kong gawin yun kesa ipaglaban ka.
You know I love you
Always thinking 'bout you
Baby won't you be my love
I really didn't mean to go and hurt you
Didn't mean to hurt you
Kahit kailan di ka nawala sa isip ko. Sana tanggapin mo pa ako. Babalik ako kapag pwede na. For now, I'll just admire you from a distance.
Loving you from afar.
To be continued.
A/N: If you liked this chapter, please consider giving it a vote.