Abala ako sa pag-iisip kung ano ang dapat kong gawin. Napagdesisyonan ko na ituon nalang kay John ang aking atensyon at hindi ko na iisipin si Axel. Ano pa nga ba ang dahilan para isipin ko siya? Nakamove-on nako, sigurado ako. Baka naiinis lang talaga ako sa kanya at nabigla sa pagkikita namin ulit. Tama. Ganon lang yun Zharm. Naiinis ka lang at wala ng ibang dahilan.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa sobrang pag-iisip. 11:30 pm na at maaga pa ang pasok ko bukas kaya naisipan ko na rin matulog. Hays sana naman maganda ang araw ko bukas nasabi ko saking sarili hanggang sa tuloyan na akong kinain ng tulog.
Maaga akong nagising kinabukasan, naunahan ko pa yung alarm clock ko. Bumangon nako sa kama at inayos ang magulong higaan. Pumunta ako sa veranda at binuksan ang glass door. Tumambad sakin ang napakasarap na hangin.
"Hmmm. Good Morning Philippines! Bagong umaga, bagong saya!" wala sa sariling bulalas ko habang nilalanghap ang masarap na hangin. Alas singko pa kasi ng umaga at hindi pa masyadong lumalabas ang sikat ng araw.
Pumunta nako sa kusina para sana magluto, kaso wala nang ibang laman yung ref ko kundi itlog lang. Nakalimutan kong mag grocery, di bale yayain ko nalang si John hehe.
Napagdesisyonan ko na mag bread with egg nalang. Buti meron akong bread dito, nagtimpla din ako ng gatas. Oo hahaha baby pa rin to noh. Joke lang! Mas gusto ko lang talaga yung gatas kesa sa kape. Aside sa mas nasasarapan ako dito eh mas healthy din to.
Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako. 7:00 am ulit yung klase ko, mga 6:20 am na nung natapos ako sa pag-aayos. Sa school kasi namin ay hindi uso ang uniform kaya we are free to wear our style. I decided to wear a black sleeveless top paired with a high-waisted plaid skirt and a white sneakers.I decided to bun my hair, nag-iwan ako ng kaunting hibla ng aking buhok sa gilid. I also put a minimal make up and a lip tint. I open my phone and got a text from John.
From: Love
Good Morning, Love. Text me if you're ready to go and I'll pick you up. I love you.
Susunduin niya nga pala ako. Well, lagi naman hahaha. Wala pa kasi akong own car, ayaw ng parents ko but I know how to drive-- a car and also you know. Buti nalang nandito si John para maghatid sakin. Nakakapagod kayang mag commute.
To: Love
Good Morning. Tapos nako, love. I'll wait for you. Ingat!
I replied to him. After 15 minutes ay nandito na si John. Malapit lang din kasi yung condo niya sa akin. Hindi kami same school, sa Cagayan University (CU) siya nag-aaral and he's taking up Civil Engineering. Hindi din naman masyadong malayo yung school namin sa isa't-isa. Same way lang but mauuna yung school ko. By the way, same school sila ni Francine. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita ng babaeng yun.
Nakarating na kami sa tapat ng MUP. Hindi ko na siya hinintay na bumaba pa para pagbuksan ako kasi alam kong nagmamadali din siya kaya ako na ang nagkusa.
"Love, una nako. Ingat sa pagmamaneho." sabi ko. Tumango lang siya at umalis din. Ma lalate na kasi siya kung magtatagal pa siya dito.
Masaya akong naglakad papunta sa room namin, nag text si Steph na nandoon na daw siya. Sana naman walang sumira sa masayang araw ko.
Habang naglalakad, may biglang tumabi at sumabay sakin. Nagulat ako nang makitang si Axel ito.
Putek bakit siya na naman. Kakasabi ko pa nga lang na sana walang sumira ng araw ko pero heto na yata yung magiging dahilan sa pagkasira nito.
Ngumiti siya sa akin. Inirapan ko lang siya at nagpatiunang maglakad. Pero ang tigas niya talaga, sinabayan na naman ako.
Huminto ako at napahinto din siya sa paglalakad. "Excuse me? Bakit ka ba sumasabay sa akin ha? Andaming pwedeng daanan diyan oh. Sinusundan mo ba ako?" mataray na asik ko.
Tumawa siya ng mahina. "No, I'm not following you."
Umirap ulit ako. "Bakit ka huminto nung huminto din ako?"
Humalakhak siya ng tawa, inis akong tumingin sa kanya. "Swear! I'm not following you. Dito kasi yung room ko kaya huminto ako. So, would you excuse me? Nakaharang ka kasi sa daan." nakangiting ani niya na tila ba tuwang tuwa. Hindi naman sarcastic yung pagkakasabi niya.
Napaawang ang aking bibig. Tinignan ko yung pinto ng classroom at nandito pa pala ako sa Engineering Building. Yes, Civil Engineering din siya. Kaya naman napapahiya man ay nagtaray parin ako.
"Okay. Whatever!" sabi ko sabay irap at nagtuloy na sa paglakad.
Bwesit. Bwesit na lalaki. Uminit ang mukha ko dahil sa sobrang pagkapahiya at sa inis na din. Nagmamaktol akong naglakad hanggang sa makapunta sa room namin. Nung makarating ako ay siyang pagdating din ng prof namin. Gusto ko pa sanang mag rant kay Steph tungkol dun pero nagstart na yung prof mag discuss. Pilit ko mang kalimutan yung nagyari at ituon ang atensyon ko sa klase ay di ko magawa. Wala talaga akong maintindihan sa discussion sa harap. Basta ang alam ko lang ay
SIRA NA ANG ARAW KO DAHIL SA PESTENG AXEL NA YAN!
Natapos ang tatlong subjects na wala akong naintindihan kahit isa. Wala akong ibang ginawa kundi sumulat ng kahit ano sa filler ko dahil sa sobrang pagkainis ko kay Axel. Nagtataka man si Steph sakin pero hindi niya magawang magtanong dahil nagkaklase pa kami. Hinihiling ko talaga na sana matapos natong discussion nato at mag break na kasi gusto ko nang mag rant.
Wala pang isang minuto ay tinupad na ang aking hiling. Dinismiss na kami ng Prof para makapagbreak. Dali-dali kong pinasok sa bag yung gamit ko at sinabihan si Steph na bilisan kasi may ikukwento ako sa kanya.
Nasa food hub na kami ngayon, dito pa din sa dating pwesto namin malapit sa may aircon para malamig. Bumili kami ni Steph ng lunch namin, syempre kanin yun with ulam.
"Oh ano bang nangyari sayo? Para ka yatang pinagbagsakan ng problema." biglang sabi ni Steph habang kumakain.
Sumubo muna ako ng kanin at chicken bago magsalita. Magkasalubong na ang kilay ko habang ngumunguya. "Eh, kasi may pesteng sumira ng araw ko." inis na sabi ko.
"Wow, gwapo ba? Sino naman yang gwapong peste na yan?" bulalas niya.
"Sino pa ba yung peste sa buhay ko? Nag-iisa lang naman si Axel Sy." nakasimangot na sabi ko.
Umawang ang bibig niya. "Aba! ano na naman ang ginawa nung hayop na yun?" gigil na din na sabi ni Steph. Galit din kasi siya dito, syempre what are best friends for? Diba?
"Ano kasi..." nag-aalinlangang sabi ko nung maalala ang nakakahiyang pangyayari kanina. Kinuwento ko kay Steph lahat, walang labis walang kulang. At yung bruha naman, tawang tawa sa akin. Grrr
"HAHAHAAHA mygad Zharm, nakakahiya ka. Assume pa te!" pang-aasar niya habang tumatawa pa din.
Sinimangutan ko siya. "Sige, asarin mo pa ako." inis na sabi ko. Tumatawa parin siyaaa. Ahhh nakakainis naman. "Eh, sino ba ang di mag aassume duh? Pwede naman siyang umuna sakin, o di kaya ay sa likod ko nalang. Bakit kailangan sabayan pa ako."
"HAHAHA, may point ka naman. Pero kasi sana binawasan mo muna ang pagkaassuming mo. Napahiya ka tuloy." natatawa pa ding sagot niya.
Naiinis talaga ako. "Oo na! Ako na ang nakakahiya. Tss!" alam ko naman na ako yung mali dahil ako lang naman ang nag-isip ng kung anu-ano pero di ko talaga mapigilan ang mainis huhu.
Bumalik na kami ni Steph sa room dahil tapos na yung 30 minutes break namin. May dalawang subjects pa kami bago mag-uwian. Ito ang gusto ko, kahit maaga yung pasok at least maaga din uuwi.
Pinilit kong burahin sa isip yung nangyari kanina at buti naman nakisama yung utak ko. Nakapagfocus ako sa pakikinig sa dalawang subjects, hanggang sa mag dismiss na ito, Yehey uwian na!
Naalala ko na yayayain ko pala si John na mag grocery. Excited akong binuksan yung phone ko at wala pa siyang text. Baka nauna kaming natapos sa klase. Nagpaalam sa akin si Steph na mauuna daw kasi may lakad pa siya. Papunta na akong parking lot. Habang naglalakad ay tinext ko na si John na tapos na ang klase ko at sa parking na ako maghihintay sa kanya. Naghintay ako dito sa parking lot nang nagvibrate yung phone ko.
Love
Sinagot ko ang tawag niya. "Hello?" sabi ko.
"Hello, love? Papunta na ako diyan. Wait ka lang." sabi niya tsaka pinutol na ang linya.
Ilang minuto lang ang dumaan at kitang-kita ko na ang itim na sasakyan niya. Huminto siya sa harap ko at binaba ang bintana.
"Love, let's go?" nakangiting sabi niya. Tumango ako at sumakay na sa sasakyan dun sa tabi ng driver's seat. Humalik muna ako sa kanya tsaka ko kinabit yung seat belt ko.
"So, saan tayo? Uwi ba agad?" tanong niya.
"Nope. Ahm, free ka ba? Pwede bang samahan mo muna ako mag grocery?" Nahihiyang sabi ko.
"Sure, I'm always free for you love" malambing na sabi niya. Nginitian ko lang siya.
Pumunta kami sa SM Downtown, since ito yung medyo malapit na mall. Pinark niya muna ang sasakyan sa parking area. After that pumasok na kami sa mall. Hawak-kamay kaming naglakad papunta sa SM Market.
Kumuha ako ng basket kasama yung pantulak. Kinuha naman agad sakin yun ni John upang siya na ang magtulak. Namili nako ng mga pagkain, kuha lang ako nang kuha. Pati junk foods ay kumuha din ako. Pinagsabihan naman ako ni John na untian lang yung junk foods at dapat more on healthy foods ang kunin ko. Since tama naman siya, sinunod ko nalang yung sinabi niya. Pumunta naman kami sa may mga napkins kasi lagi talaga akong nag-iistock ng napkins dahil mahirap na kung maubosan ka sa mismong period diba.
Nang makuha na namin lahat ng mga kailangan sa condo, pumila na kami sa cashier para magbayad. Siya na sana magbabayad pero inunahan ko na siya. Alam ko na kasing aakohin niya yung bayad nito, nakakahiya naman no. May sariling pera naman ako.
"Love, nagugutom ako." sabi ko habang himas yung tiyan ko nung makadaan kami sa isang Italian restaurant.
"Sige, kain mo na tayo. Saan mo ba gusto?" tanong niya.
Tinuro ko agad yung restaurant na nakita ko. Tumango siya bilang pagpayag at pumunta nga kami doon. Pagkapasok pa lang namin ay agad din kaming sinalubong ng mga crew at inihatid kami sa bakanteng mesa. It is a table for two, tamang tama lang para sa amin.
Binigyan kami ng waiter ng menu upang makapagpili kami. Wow ansarap naman nito. Nagcacrave talaga ako ng pasta ngayon. Naunang pumili si John ng order niya habang ako ay di alam ang pipiliin dahil lahat ay mukhang masarap. Isang carbonara at ice cream lang ang kay John.
"Still undecided?" biglang tanong ni John nang makitang di pa rin ako makapili.
"Hmm, lahat kasi mukhang masarap eh." sabi ko at natawa naman siya. Sa wakas ay nakapagpili na din ako.
Tinawag ko ang waiter. "One Spaghetti alla Carbonara and one Gelato, please." sabi ko dito.
"One Spaghetti alla Carbonara and one Gelato" pag-uulit niya sa order ko "Please wait for a couple of minutes for it to be served Ma'am, Thank you." nakangiting dagdag niya.
Habang naghihintay ay pinagmasdan ko muna ang paligid. The entire place looks cozy and intimate. The rustic decor, wooden chairs and an open kichen gives the atmosphere a conviviality vibe. After about 10 minutes, naiserve na yung orders namin. Wow, ang sarap tingnan. Nagsimula na kaming kumain. Walang nagsalita sa amin dahil parehas kaming naka focus sa kinakain, ang sarap kasi talaga.
After kumain, si John na yung nagbayad ng bill namin. Grabe busog na busog ako dun ah.
"Love, thank you. Busog na busog ako." masayang sambit ko sa kanya.
"Anything for you, love." nakangiting sagot niya.
Paglabas namin ng mall ay madilim na ang ulap. Tiningnan ko yung oras at mag aalas saes na pala. Napakatagal pala namin dito. Pumunta na kami kung saan naka park yung sasakyan ni John. Pinasok niya muna yung mga pinamili ko sa likod. Pagkatapos, pinagbuksan niya ako ng pinto. Gentleman as ever. Tsaka siya umikot at sumakay sa driver's seat.
Nagkwentuhan lang kami sa buong byahe, napuno ito ng tawanan. Kasi naman lagi nalang nagbibiro to si John. Syempre, maliit na bagay ay masaya nako, kaya sa simpleng jokes niya tawang-tawa na ako. Alam na alam niya na talaga kung paano ako pasasayahin.
Nakarating kami sa Amelia Townhouse, ihahatid niya daw ako hanggang sa mismong condo ko. Yung condo ko pala ay nasa 3rd floor kaya kelangan pang mag elevator, nakakapagod kayang mag stairs duh.
Nang marating namin yung unit ko, bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti lang siya. "Thank you for today, love. I enjoyed this day." sinserong sabi niya habang ginugulo yung buhok ko, para naman akong bata nito, pero in fairness ang sweet.
"Me too, love." sensirong sabi ko din at ngumiti.
Tumitig siya sa mga mata ko at hinaplos ang pisngi ko gamit ang isang kamay dahil yung isa ay may bitbit na groceries. "I love you so much." emosyonal na sabi niya.
Hindi ako nakasagot sa kanya, hindi ko alam pero di ko pa talaga masabi yung dapat na sagot dun.
Nagbaba siya ng tingin bago bumuntong-hininga. "I'll wait love, until you can already say that you love me too." ngumiti siya ng maliit. Ibinaba niya yung groceries sa tabi ng pinto bago ako tinalikuran at nagsimulang maglakad papalayo.
Hindi pa man siya naka layo ay "John!" naitawag ko ang pangalan niya. Huminto siya at dahan-dahang humarap.
" I .." hindi ko alam ang sasabihin ko. "need you" biglang dugtong ko.
"Yeah, you just need me." may bahid na lungkot ang boses niya at tinalikuran na ako.
To be continued..
A/N: If you liked this chapter, please consider giving it a vote.