Chapter 4

1503 Words
Pagkapasok ko sa CR ay napahilamos ako agad ng mukha. Naguguluhan ako masyado. Bakit kailangan ko pa siyang maisip habang kasama ko si John. Ayoko pa sanang lumabas pero kumatok na si John. "Love, I'm sorry. Hindi naman ako nagmamadali." malungkot ang kanyang boses. Nakokonsensya ako sa nagawa ko. Paano ko kaya siya haharapin ngayon. Kumatok na naman siya. "Love, please talk to me." Nagmamakaawang sambit niya. Nagpawala ako ng isang malakas na buntong hininga. Hays umayos ka Zharm, wala siyang kasalanan hindi niya deserve ang treatment nato. Pagkokombinse ko sa sarili ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cr at tumambad ang malungkot na mukha ni John. Hindi ko maiwasang ma guilty. Kaya niyakap ko nalang siya. "Love, sorry talaga. I know you're not ready and I understand." mahinang sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. "It's okay, love. Nabigla lang ako. Sorry din sa naging reaction ko." Kusa siyang humiwalay sa pagkakayakap. Malungkot pa din ang mukha niya. Parang hindi kombensado sa sagot ko. Kaya binigyan ko siya ng napakagandang ngiti nang sa ganun ay alam niyang okay lang talaga. "Hindi ka pa ba uuwi, love?" Tinignan ko yung orasan sa side table ko at mag aalas syete na ng gabi. "Malapit na mag 7pm love, baka ma traffic ka." "Sige, love. Sunduin kita bukas ha?" aniya. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Hinatid ko siya sa pintuan at humalik sa pisngi bago magpaalam. "Ingat ka. Text mo ko pagkauwi mo." nakangiting sabi ko habang hawak ang door knob ng pinto para masara ko na. "Hmm." sagot niya at kumaway. Sinarado ko na yung pinto at doon ko nailabas ang aking buntong hininga. Ang daming nangyaring di maganda ngayong araw na to. Nalulungkot ako sa nangyari kanina sa amin ni John. Sana hindi ko siya nasaktan sa naging kilos ko. Importante sakin si John. Dalawang taon na kami, at hindi niya pa ako nagawang saktan. Alam kong napakaswerte ko na sa kanya. Gwapo, matalino,matangkad at higit sa lahat mapagmahal. Complete package ika nga nila. Madami din namang nagkakagusto sa kanya pero ewan ko ba kung bakit ako pa yung napili niya. Meron pa din akong uncertainties sa kanya. Baka kasi gaya ni Axel ay bigla nalang siyang magbago at lokohin din ako. Well, hindi ko naman ikinakahiya ang sarili ko. May ilalaban din naman ang itsura ko noh. Sexy din naman ako kaso isa sa mga insecurity ko is ang pagiging flat. Funny right? Pero nakakatakot lang kasi, alam naman natin diba na most of the boys gusto yung malalaki yung future. Alam niyo na yung ibig kong sabihin. Kaya yun baka ipagpalit ako sa mas malaki. Oppss! pinagpalit na nga pala ako sa malaki ang boobs. Kidding aside! Well, si John yung nagpapasaya sakin sa mga panahong sobra ang lungkot ko. Siya yung naging sandalan ko sa mga oras na ramdam kong mag isa ako. Siya ang laging nandito para sa akin nung mga oras na durog na durog ang puso ko dahil kay Axel. *** Flashback *** Nandito ako ngayon sa bar umiinom kasama yung mga bff's ko. Nagyaya kasi ako dahil nga brokenhearted ako. Niloko kasi ako ng long term boyfriend ko na si Axel. Tatlong taon na kami kaso bigla na lang siyang nagbago. Nakipag inoman pa siya dun sa ibang babae at balita ko ang isa daw doon ay ka fling niya o baka naman jowa niya talaga. Puta timer! Si Steph yung naging gunner namin. Siya kasi yung tunay na manginginom sa amin. Hahaha. At ang isa ko pang bff na si Francine ay hindi naman gaanong palainom. Halatang may tama na kami ni Francine kasi siya panay English na. "Puta huhu ano bang kulang sakin ha? Sabihin niyo nga?" Nagsisimula na akong umiyak. May tama na nga. "Forget about your ex b***h hkk" lasing na sabat ni Francine. "Hkk f-f**k that man he's an a-asshole. F-f**k yo-u Axel!" Pagtuloy niya sa sinabi. Ganyan talaga yan umi-English pag nalalasing at nawawala yung pagiging shy type. "Naku te, alam ko na kung anong kulang sayo! Boobs te, boobs flat ka kasi. HAHAHAHA balita ko pa naman malaki ang sa naging fling niya." nang-aasar na angil ni Steph. Medyo lasing na din to eh. Sinamaan ko siya ng tingin habang humihikbi. Nang mapagtanto ko na totoo nga na flat ako mas lalo akong naiyak. "Huhuhu totoo ba yun Axel?" Umiiyak na sabi ko na tila ba may kausap na Axel talaga. "Huhuhu kapag ba lumaki to babalikan mo ko?" umiiyak na sigaw ko. Pinag uuntog ko na yung ulo ko sa mesa. Ang sakit kasi eh. Di ko kayang mawala siya. "Axel, bumalik ka na ohh!" umiiyak pa din na sambit ko. Hinawakan ko sa balikat si Steph. "Steph, nasan na si Axel? Pls t-tawagan mo si A-axel hukk." pagmamakaawa ko sa kanya. Nakita ko na may dinadial si Steph sa phone niya. Siguro si Axel yun. Nahihilo na talaga ako kaya itinungo ko sa mesa yung ulo ko habang nakapikit at umiiyak. May kausap na si Steph sa phone pero di ko na nagawang pakinggan sila. Kinalabit ako ni Steph at tumambad sakin ang kaniyang malungkot na mukha. "Nasan na si Axel? Papunta na ba siya ha? Tama ako diba Steph? Pupunta si Axel dito at magkakabali----" "Zharm, please stop na. Nakausap ko siya at hindi daw siya pupunta dito." Pagputol niya sa sinasabi ko. Nanlumo ako sa kinauupoan ko. Hindi. Hindi totoo yun. Pupuntahan ako ni Axel alam ko. Mahal niya pa rin ako. Tatayo na sana ako nang biglang umikot ang paningin ko at akmang matutumba na ako ay may brasong sumalo sa bewang ko. Napakapit ako sa balikat niya. Hindi ko masyadong maaninag yung mukha niya kasi nabublurry yung paningin ko. Tinitigan ko nang maigi ang mukha niya at tsaka ko lang nakilala kung sino ito. Si John. Oo, kilala ko siya kasi classmate ko siya ngayon. Isa siya sa mga sikat na estudyante sa 3rd year high school. Friendly kasi ito at palabiro. Kaibigan ko din to. "H-hey what's u-up bro! Ikaw pala yan J-jhon." Lasing na bati ko habang pinapalo ang braso niya. Kunot-noo siyang tumitig sakin. "Lasing kana Zharm." aniya. Tumingin siya sa likuran ko. "Lasing na din si Francine. Steph, kaya mo pa bang iuwi sila?" tanong niya kay Steph habang hawak ako sa pulsuhan dahil matutumba ako kung bibitawan niya ako. "Medyo tipsy na din ako John eh. Si Francine kaya ko pa kasi malapit lang bahay namin. Eh yan" sabay turo sa akin. "Malayo bahay namin sa isa't-isa". Tuloy niya. Napatingin sakin si John tsaka tumingin ulit kay Steph. "Pwede ko naman siyang ihatid." Suhestyon niya. Pumalakpak si Steph, parang bata tsk. "Maganda yan. Hoy basta siguraduhin mo lang na iuuwi mo siya ng buo." biglang mataray at pasigaw na sabi niya, tinuturo-turo niya pa si John. Napangiwi si John "Syempre naman, di naman ako mapagsamantala ng kaibigan no." tawa-tawang sagot niya. Umuna nang umuwi sila Steph at bago pa sila umalis eh may ibinulong siya kay John at tumango naman ito. Bumaling siya sa akin. "Zharm, I'll take you home na." hihilain niya na sana ako pero nagmatigas ako. "Ayoko. Umiinom pa ko oh." tinuro ko yung alak na natira. "Tsaka, bakit ikaw ang maghahatid sakin? Pupuntahan ako ni Axel dito." Hinawakan niya ulit ako pero binawi ko agad ang kamay ko at kinuha ang natitirang alak. Tutunggain ko na sana kaso naagaw ni John ang bote. Inis akong tumingin sa kanya. "Zharm tama na, uuwi na tayo. Ihahatid kita." Aniya. "Pupuntahan nga ako ni Axel dito!" Sigaw ko sa kanya. Nagtiim ang bagang niya. "No, ang sabi ni Steph hindi daw pupunta dito si Axel." Magsasalita pa sana ako pero bigla niya nalang akong kinarga na parang isang sakong bigas. "Ahhh ano ba!! Ibaba mo nga ako!" Tumitiling ani ko habang pinagpapalo yung likod niya. "Wag ka ngang malikot. Ilalaglag talaga kita." asik niya at akmang bibitawan ako kaya napatili ulit ako. Derederetso siyang lumabas sa bar at agad na pumunta sa kotse niya. Binuksan niya yung pinto tsaka pabagsak na pinakawalan ako sa pagkakakarga. Tinaliman ko siya ng tingin pero sinarhan niya na ako ng pinto. Dali-dali siyang umikot sa kabila at pumasok. Ikakabit ko na sana ang seatbelt ko kaso nahihilo na ako. Nagulat ako sa paglapit niya. Siya ang nagkabit ng seat belt sakin. Ang lapit namin sa isa't isa at kusa akong napatingin sa mukha niya nang bigla din siyang napatingin sakin. Napalunok ako dahil sobrang lapit niya talaga, na sa isang maling kilos lang ay maglalapat na yung labi namin. Nakahinga ako nang maluwag nung siya na mismo ang pumutol sa titigan namin at bumalik sa pwesto niya. Inistart niya na yung makina at nagmaneho na. Napatingin ako sa kanya habang siya ay tutok na tutok sa daan. "John, pangit ba ko?" Malungkot na tanong ko. Nagulat siya sa tanong ko at napatingin sakin saglit at bumalik na sa daan ang paningin bago nagsalita. "What? Of course you're not." magkasalubong na ang kilay niya. "Hindi ba ako sapat mahalin bilang girlfriend?" Tanong ko ulit. Bumuntong hininga siya. Tinignan niya ko saglit habang ako nakatingin pa din sa kanya. "Of course, everyone is enough to those people who are contented." Seryosong sagot niya. "Pero, sabi niya mahal niya ko. Bakit --"nanggigilid na ang luha ko "-- bakit nagawa niya paring lokohin at iwan ako?" umiiyak na talagang usal ko. Hindi agad siya nagsalita. Bigla nalang siya huminto at ensaktong nasa tapat na kami ng Amelia Townhouse. Tumingin siya sa akin at kitang-kita sa mga mata niya ang pag-aalala. "Zharm, hindi ko alam ang sasabihin ko kasi hindi ko naman alam ang dahilan ni Axel pero bilang kaibigan mo, sapat na sigurong nandito ako upang makinig sayo?" Iyak lang ang naging sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin. "Nandito lang ako handang makinig sayo. Kung kailangan mo ng kasama sa tuwing nag-iisa ka, kahit anong oras tumawag ka lang at dadating ako." Seryosong dagdag niya. Natouch ako sa sinabi niya, kaya napahagulhol ako sa pag iyak. Niyakap niya ko at doon nako umiyak ng todo. "Hoy tama na, puno na yung damit ko ng sipon mo." Biro niya. Umalis ako agad sa pagkakayakap niya at tinignan ko yung damit niya at totoo nga. Basang basa yung damit niya. "Nako, sorry John" sabi ko at agad naghanap nang magagamit na pamunas doon. Natawa si John sa kilos ko at sinabing okay lang daw. Bumaba na siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Tatanggi na sana ako sa suggestion niya na ihatid ako sa mismong floor ko pero nagpupumilit siya. Kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag nalang. "Dito nako, John." sabi ko nang makarating kami sa mismong condo ko. "Sige, Zharm pasok ka na." Ngumiti ako. "Salamat pala kanina ha, ingat ka pauwi." ani ko. "Wala yun. Basta yung sinabi ko ha. Tawagan mo lang ako." nakangiting ani niya. Tumango lang ako at pumasok na sa loob. End of flashback... Napangiti ako nang maalala ko yung alaala namin 3 years ago. Simula nung gabing yun, ay siya ding simula nang pagiging malapit namin sa isa't-isa. Siya lagi yung takbuhan ko kapag malungkot ako. Kapag kasama ko siya ay lagi akong masaya. Dahil sa sobrang close namin ay napagkakamalan na kaming mag jowa. Ang sweet nga niya at di ko itatanggi na kinikilig din ako. Kaya feel ko nagkakagusto na ako sa kanya. Isang araw, umamin siyang mahal niya na daw ako. Niligawan niya ako sa loob ng anim na buwan. Ni minsan hindi niya nakakalimutang iparamdam sakin na mahal niya ako. Kaya isang araw, nasabi ko sa sarili ko na handa na ako. Sinagot ko na siya at kitang-kita ko sa kanya na masaya siya. Sa loob ng dalawang taon naming relasyon, masaya kami pareho. Pero alam kung minsan nasasaktan ko siya sa kadahilanang hindi ko pa rin masabi sa kanya ang salitang  MAHAL KITA To be continued... A/N: If you liked this chapter, please consider giving it a vote.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD