NAPANGIWI si Marinela ng maramdaman niya ang pananakit ng kanyang ulo. Pikit pa rin siya sa mga oras na iyon at parang hirap na hirap ang talukap ng kanyang mga mata na ibukas iyon. Namimigat na wari mo ay nais na lang niyang matulog nang matulog.
Naramdaman niyang may nakahawak sa kanyang isang kamay. Habang ang isang kamay niya ay may kung anong nakatusok na bagay.
Hindi pa rin siya makagalaw. Ngunit nararamdaman niyang may ilang tao sa paligid. Mayroong isa sa tabi niya na siya ngang nakahawak sa isang kamay niya. Hanggang maramdam niya ng malinaw ang magaang pakiramdam pag nasa tabi niya ang lalaking minamahal.
"Ano ba talaga ang nangyari August? Ano bang nangyari kay Marinela?"
Ang boses na iyon. Alam niyang sa mommy niya ang boses na iyon. Nag-aalala para sa kanya. Gusto na lang maiyak ni Marinela. Mula nang magkaisip siya, ang Daddy Arkins at Mommy Fiona niya ay hindi nabigo sa pagpaparamdam sa kanyang, anak din siya ng mga ito. Sa kabila na alam niya ang katotohanan at hindi naman inilihim sa kanya mula pa noon. Kaya naman mahal na mahal niya ang pamilyang kinalakihan niya.
"Dumating kasi iyong girlfriend ni August at hinahanap siya. Pero wala siya sa bahay. Hinayaan ko lang naman na magkausap sila ni Marinela lalo na at ang hinanap na lang ay si Augusta. Nagpaalam pa sa amin ni Julio na aalis na raw. Pero nagulat na lang ako ng marinig ako ang iyak ni Augusta at nakita na lang naming nakahandusay sa sahig si Marinela," paliwanag ni Manang Tessa sa mommy niya.
"Mommy, trush me. Hindi ko girlfriend ang babaeng iyon. Nakilala ko nga po noong nag-aaral pa ako si Clemen. Naging fling noon. Kilala ninyo akong maloko noon pero naging matino ako mula nang makilala ko si Marinela. Mula noong ipakilala siya sa akin ni Fabio. Alam ninyong mahal ko siya. Kaya mula noon nagbago ako at pinatunayan kong mahal ko siya. Si Clemen lang ang parang linta na lapit nang lapit. Matagal kaming nawalan ng komunikasyon mula noon. Nagkita lang ulit kami sa ibang bansa sa ospital. Noong naospital ang anak ako. Mula noon habol na naman ng habol sa akin kahit ilang beses ko ng ipinagtabuyan," ani August.
"Alam ba ng Clemen na ito kung sino talaga ang ina ni Augusta?"
Nahigit ni Marinela ang paghinga. Gusto niyang marinig mula kay August ang sagot sa tanong na iyon ng mommy niya. Hindi dahil sa natatakot siyang kilala pala niya ang mommy ni Augusta. Kundi natatakot siyang magbago ang nararamdaman ni August sa kanya, at baka pag bumalik na ang mommy ni Augusta. Mawalan na siya ng papel sa mag-ama.
"Hindi mommy. Tulad ng ayaw ko siyang mahirapan na alalahanin ang lahat kahit hindi naman niya naaalala. Ayaw kong mahirapan siya."
Napakunot noo naman si Marinela. Mukha yatang napakalayo ng sagot ni August sa tanong ng mommy niya. Pero naghihintay pa rin siya at baka sa susunod magsasalita rin si August. Kaya kahit parang nawala na ang antok niya. Pikit pa rin siya.
"Pero okay lang ba sa iyo na mahirapan ka anak?"
Alam ni Marinela na daddy niya ang nagtanong. Naghihintay pa siya ng isasagot ni August ng biglang magsalita si Fabio.
"Iyan din ang tanong ko sa gagong iyan. Alam kong mahirap. Pareho lang naman sila. Pero mas mahirap kung siya lang ang mag-isang magtitiis. Narito lang naman tayo para sa kanila," may inis na saad ni Fabio.
Gusto niyang batukan si Fabio kahit mas malaki ito sa kanya. Iyong sagot kasi na inaasahan niya, hindi na niya narinig. Epal talaga ang lalaking iyon. Sa isip-isip niya.
"Gusto mong lagyan ko ng tape ang bibig mo? May bata Fabio. May bata. Pasalamat ka at tulog ang anak natin at si Augusta. Kung hindi sasamain ka sa akin talaga," sabat naman ni Ria. Malambing ang boses nito. Pero may diin.
Kahit pikit pa rin ay hindi napigilan ni Marinela ang tipid na pagngiti. Parang nakaganti na rin siya sa kaepalan ni Fabio sa sagot ni Ria.
Naalala na naman niya si Mario. Mabuti na lang talaga nalaman nila kaagad ang lihim nito. Baka kung nagtagal pa tuluyang nahulog na siya kay Mario.
Pero kung tutuusin naman. Mahuhulog ba talaga siya. Kung hindi naman talaga nawala sa puso niya si August. Talaga lang pinilit niyang matabunan ng inis at galit ang nilalaman ng puso niya. Pero ngayong nagkasama na naman sila. Ayon mahal na naman niya.
"I'm sorry Love," malambing na sagot ni Fabio. Narinig pa ni Marinela ang yabag nito. Sa tingin niya ay malayo si Fabio kay Ria, na parang nasa tabi ito ni August kanina na nasa tabi niya.
"Mari, wake up ka na Mahal. Ano bang nangyari? Sabi naman ng doktor na okay ka lang naman daw. Normal lang daw ang lahat sa iyo. Pero bakit hanggang ngayon hindi ka pa nagigising? Gabi na, Mahal," wika pa ni August at muling naramdaman ni Marinela ang paghalik ni August sa kamay niya.
Kahit sa tingin niya ay hindi na niya malalaman kung sino ba talaga ang mommy ni Augusta at bakit hindi ito kasama ng mag-ama ay nagawa na rin niyang imulat ang mga mata. Medyo nawala na rin ang pananakit ng ulo niya kanina.
"Mahal," bulalas ni August. Nakalimot pa itong hindi pa ganoong katibay ang paa nito. Kaya naman napatayo ito kaagad.
"Hoy! Hoy! Isa-isa lang dapat ang pagpapaospital. Hindi sabay-sabay. Maawa kayo sa bata! Kung pareho kayong maoospital," bulyaw ni Fabio. Kaya naman napabalik sa pagkakaupo si August at hinawakan na lang ng mahigpit ang kanyang kamay.
Alam naman niyang nag-aalala lang ito kay Augusta. Kahit naman siya ay mag-aalala kung maoospital din si August katulad niya. Heto nga at ilang pabalik-balik pa ito sa ospital para sa check up nito at therapy.
"What happened?" tanong ni August sa kanya. Kitang-kita niya ang pag-aalala nito sa kanya.
Tipid na ngiti ang una niyang isinalubong kay August. Gusto sana niyang sabihin iyong mga bagay na dumaan sa isipan niya bago siya mawalan ng malay. Kaya lang paano niya ipaliliwanag ang weird na bagay na iyon. Napakaweird lang talaga. O baka naman hindi iyon alaala, na baka nakatulog lang siya at panaginip ang bagay na iyon. Hindi talaga niya alam.
Sinamaan na lang niya ito ng tingin ng maalala niya si Clemen. "Anong ginagawa mo dito? Hindi pa kayo nagkita ng babae mo?"
"Mahal naman."
"Mahal! Mahal! Pinuntahan ka pa talaga sa bahay noong babae. May plano pang magpakaina kay Augusta. Di kayo na," ani Marinela. Maayos na ang pakiramdam niya kaya naman nagawa na niyang makaupo sa kama.
"Mommy, daddy, Fabio, Ria, Manang Tessa Manong Julio pasensya na po sa abala. Hindi ko rin po alam ang nangyari kanina. Bigla na lang nagdilim ang paningin ko pagkaalis ng babae ni August. Sorry po kung pinag-alala ko kayo. Pero maayos na po ako ngayon."
"Okay ka na ba anak? Halos kalahating araw kang walang malay," bakas pa rin ang pag-aalala sa mommy niya. Pero hindi naman niya magawang itanong kung para saan. Lalo na at maayos naman talaga siya. Maliban na lang doon sa hindi siya sigurado kung panaginip ba iyong dumaan sa isipan niya o isang alaala.
"Oo naman po mommy okay lang po ako."
"Mabuti naman kung ganoon anak. Pinag-alala mo kami."
"Sorry po daddy."
"Mahal."
"Mahal your face. Babaero ka!" asik ni Marinela.
Napayuko na lang si August. Habang pigil naman sa pagtawa si Fabio.
"Isa ka pa!"
Natahimik naman si Fabio. "Bakit naman nadamay ako?"
"Ang tagal na Fabio, wala pa ring schedule ang kasal ninyo ni Ria?" pagbabago niya sa usapan. Nais na rin niyang iliwas sa kanya ang usapan nila. Nakakainis kasi si August ang daming babae.
"Speaking of kasal. Dapat noon pang unang-unang buwan. Kaya lang ang best man ko ay pilay. Ayaw ko namang isipin niya na wala akong pusong kaibigan na gawin ko siyang best man tapos naka wheelchair siya. Isa pa ayaw ko rin namang palitan ang best man ko. Ikalawa, naiintindihan ako ng Love ko kung bakit hihintayin kong gumaling muna ang best man ko at makalakad ng maayos."
"So ipinapahiwatig mo bang kasalanan ko kaya until now hindi pa kayo kasal ni Ria?"
"Dyan ka nagkakamali ate. We're married na ng Love ko. Pero ikakasal pa rin kami sa simbahan, kaya umayos ka at malapit ng gumaling si August. Kayo naman ang susunod."
Hindi napigilan ni Marinela ang pamumula ng pisngi niya sa sinabing iyon Fabio. Napatingin tuloy siya kay August na nakatingin din pala sa kanya.
"Oo mahal. Wala akong ibang nais pakasalan kundi ikaw lang."
"Paano pag bumalik na ang totoong mommy ni Augusta?"
"Pag bumalik na siya, mas mauunawaan mo ang lahat kung bakit mahal na kita noon. At kung bakit mas mahal kita ngayon."
"Kinikilig ako Fabio." Napatingin sila ng magsalita si Ria.
"Kay August? Baka iyong isang paa naman niya ang pilayan ko."
"Sira, sa kanilang dalawa. Kay Ate Marinela at kay Kuya August."
"Possessive," bulong ni August.
"Sige na, pakainin mo na lang muna si Marinela, August. At magpahinga ka na rin. Kahit kaya mo na ay kailangan mo pa ring magdahan-dahan. Huwag mong pag-alalahanin ang mga magulang mo. Kami na ng daddy mo ang bahala kay Augusta. Manang Tessa, Manong Julio, ihahatid na muna namin kayo. Ikaw naman Fabio sa bahay na muna kayo ni Ria, para naman makasama namin ang apo namin."
"Okay mommy," sagot ni August at nagpaalam na ang mga ito sa kanila.
Sa kalapit table na abot naman ni August ay kunuha niya ang hot and cold tumbler na siyang pinaglalagyan ng lugaw na dala ng mommy ni Fabio.
"Kain ka na muna mahal. Si mommy ang may dala nito. Kumain ka muna. Bukas pwede ka ng makalabas. Sa ngayon magpahinga ka muna."
Nakataas ang kilay ni Marinela habang nakatingin kay August.
"Kailan pa nanging mommy at daddy ang tawag mo kina mommy at daddy?"
"Noong naging tayo. Mommy at daddy na naman talaga tawag ko sa kanila di ba?"
"Pero noong nakaraan, tito at tita pa rin naman tawag mo sa kanila di ba?"
"Hindi mo pa ulit ako sinasagot noon eh. Pero ngayon saan pa ba pupunta ang relasyon na mayroon tayo? Di ba magiging asawa na rin naman kita. Mauuna lang ng konte sina Fabio at Ria. Pero tayo na ang susunod."
"Pumayag na ba ako?"
"Kahit naman hindi ka pumayag. Magiging asawa pa rin naman kita. At hindi ka na makakawala sa akin ngayon. Ikukulong na kita sa bisa ng kasal."
"Sira!"
"Ayos lang naman sa akin kahit anong sabihin at itawag mo sa akin. Ang mahalaga maging asawa kita. Makasama kita habang buhay. Kasi mahal kita."
"Paano si Clemen?"
Napasabunot naman sa buhok si August. "Wala nga akong pakialam kay Clemen. Fling lang iyon at hindi kami nagkaroon ng relasyon. Mula noon hanggang ngayon at kahit kailan. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko."
"Totoo?"
"Totoo, kahit hindi na ako makalakad ng maayos habang buhay."
"Ay huwag naman ganoon. Gusto ko pa rin namang gumaling ka."
"So naniniwala ka ng mahal kita?"
"Matagal na," ani Marinela. Kahit siya at natawa sa sagot niya.
"Ang ganda mo talaga pag hindi ka galit at nakangiti ka lang. Pero kahit galit ka, maganda ka pa rin naman. Mas lalo lang pag nakangiti ka."
"Bolero! Oo na naniniwala na. Pakainin mo na nga lang ako. Dami mong satsat. Pero naiinis pa rin ako sa babae mo ha. Feeling maganda."
"Hindi ko nga kasi babae iyon. Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay."
"Oo na nga lang," aniya para matapos na ang usapan nila.
"Galit ka pa?"
"Hindi na. Kasi kahit babaero ka. Gwapo ka pa rin sa paningin kong herodes ka," sagot ni Marinela. Natawa pa siya ng kahit si August ay napangiti sa sagot niya. "Gwapong herodes," ulit pa niya.
"Oo na. Mahal ka naman ng gwapong herodes sa harapan mo. Kain na."
"Opo."
Sa katunayan, totoong masaya siya. Kinain niya ang lugaw na dala ng mommy niya. Sa loob ng kwarto ng ospital ay magkatabi silang natulog ni August sa hospital bed. Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog ay mayroon na namang gunita na nagparamdam sa kanya.