Chapter 16

1647 Words
"HI MANANG!" Mula sa kinauupuan ay napatayo si Marinela ng marinig ang matinis na boses ng babae mula sa labas ng bahay. Nasa may salas sila ni Augusta. Bukas ang main door kaya kitang-kita niya babae, mula sa labas ng gate. Nilapitan naman kaagad ni Manang Tessa iyon. Nagkausap saglit bago nito binuksan ang gate. Habang papalapit ang babae na walang tigil sa pagsasalita ay tumatango lang ang matanda bilang sagot dito. Maganda ito at masasabi niyang ubod ng sexy. Napatingin tuloy siya sa sarili niya. Maganda rin naman siya at sexy. Kaya lang kinulang siya sa height. Masyadong matangkad ang babae kumpara sa kanya. At kung sa bagay at bagay din naman talaga. Mas mukhang bagay ang height nito kay August kaysa kanya. Napaismid tuloy siya. "Ano naman kung matangkad siya. Height doesn't matter!" aniya ng pabulong. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo at pinagmasdan na lang si Augusta na abala sa ginagawa. Hindi nito napansin na may babaeng dumating at kausap ni Manang Tessa sa labas. Wala doon si August sa mga oras na iyon. Madaling araw pa lang ay nakatanggap ang lalaki ng tawag mula sa agency. Kung hindi lang importante ay alam niyang hindi iyon pupuntahan ni August. Kaya lang ay kailangan na kailangan ang presensya ng lalaki. Kaya naman kahit alas singko pa lang ng madaling araw ay nasa bahay na nila si Gin. Ang sekretarya at siyang driver ngayon ni August. "Hija, may bisita si August," tinig iyon ni Manang Tessa. "Kaya lang ay wala naman dito si August, kaya kukumustahin na rin daw niya si Augusta." Dahan-dahang tumayo si Marinela. Si Augusta naman ay tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig ng marinig ang sinabi ni Manang Tessa. "Whatcha you doing here Tita Clemen?" mataray na tanong ni Augusta. Unti-unting nabaling ang paningin ni Marinela sa bata. Magkacross ang braso nito sa tapat ng dibdib. Nakanguso at halatang magtataray. Nakataas ang isang kilay at matalim ang tingin sa babaeng nangngangalang Clemen. Kanina lang ay naiinis siya ng marinig ang boses ng babae. May idea na rin naman siya kung sino ito, dahil sa mensahe nito kagabi kay August, na dadalawin daw nito ang binata. Ngunit mas okay na rin yata na umalis ito kanina. Para nasayang ang lakad ng babaeng kaharap niya ngayon. Bali kung tutuusin ay gusto niyang tarayan ang babae. Hindi siya magpapatalo sa kung sino mang Eba ang makakaagaw sa August niya, lalo na ngayon at may relasyon sila. Siguro sa totoong ina lang ni Augusta siya medyo tagilid ang laban. Si August ang kailangan magdesisyon para sa bagay na iyon. Kaya lang sa mga oras na ito. Walang karapatan ang kahit na sino kay August. Lalo na at siya ang legal ngayon at siya ang kasama nito. "Why so cute my baby? Where is daddy? Sabi ni Manang Tessa ay umalis ang daddy mo? Sinabi ko na sa kanyang pupuntahan ko kayo dito ngayon. I miss you baby and your daddy. Nasa agency ba siya? Dapat talaga doon na muna ako pumunta," masayang saad pa ng babae na wari mo ay hindi napapansin si Marinela. "We're okay here Tita Clemen. And I'm okay na rin pu. Na very very far na po sa danger. Alam mo naman pu di ba? That's nag go back na po kami ni Dada here sa Philippines, to find mommy ko pu. So here na s'ya. Kaya pu, pwede na pu ka ulit mag-alis." "Why so harsh naman baby? "Sa kusina lang ako Marinela. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka," ani Manang Tessa at iniwan na sila. Narinig pa niya ang pagtawag ng matanda sa asawa nitong nasa likod bahay. "Oh! Hi! My bad. I didn't see you earlier. Hi Marinela. Narito ka pala," bati ng babae sa kanya kaya naman napakunot noo si Marinela. "You know me?" naguguluhan niyang tanong. Pinagmasdan niya ang babae mula ulo hanggang paa. Pabalik-balik. Hanggang sa huminto ang kanyang paningin sa mukha nito. Ngunit hindi niya maalala kung saan niya nakita ang babae o kung nakikilala ba niya ito. Ngunit wala siyang natatandaan. Ngumiti ang babae, o mas lamang na sabihin na ngumisi ito pero agad ding binawi at ngumit ng akala mo naman ay mahinhin kahit sa tingin niya ay hindi naman. "By the way I'm Clemen. August girlfriend," pakilala nito. Hindi siya nakapagreact. Ang alam niya ay fling lang ni August ang babae noon. Pero bakit ngayon ay magpapakilalang girlfriend. Tumingin pa ito kay Augusta. "Augusta baby, give mommy a hug. Don't you miss me?" "Nope! And ashh I remember pu. You're not Dada's girlfriend. You are Dada's girl friend. Because you visit me at the hospital when I was there. But you're not a girlfriend. Dada told me that. Because I cry and cry when I heard what you say to Dada. And I only want is my mommy not a girlfriend of Dada," paliwanag ni Augusta. Pero kahit nakangiti si Clemen, ay napapansin ni Marinela ang unti-unting pagtaas nito ng kilay sa kanya. "Who's your mommy? Napag-usapan na namin ng daddy mo na ako ang tatayong mommy mo. Ako ang nasa tabi ninyo ng daddy mo mula noong malaman kung nasa ospital ka sa ibang bansa. Ako ang naging katuwang ng daddy mo sa pagbabantay sa iyo, pag busy sina Mama Lala at Papa Lolo mo." "But mommy is here na. She took care of me very well. Should I said thank you pu, kasi nibabantayan mo pu ako noon? Okay pu. I tell Dada to give you the money. Bayad pu sa hardwork mo pu noon." "Baby, iyan ba ang itinuturo sa iyo ni Marinela, ang maging bastos? Like!" pigil na pigil ni Clemen ang pagsasalita ng lampasan. Pero totoong nanggigigil siya. Masama ang tingin na ipinukol niya kay Marinela. Muli ay napansin ni Marinela ang pagpasada ng tingin ni Clemen. Hindi niya alam ngunit kinilabutan siya. Pakiramdam niya ay may kakaiba. "Wala pu nituturo sa akin ang mommy ko na bad. She says nothing pu, but being good, di ba pu?" Tumingala si Augusta kay Marinela ng maramdaman ng bata ang paghigpit ng hawak niya. "Baby, don't talk like that so someone older than you. Hindi ka dapat ganyan makipag-usap sa kanila. Even if they didn't respect you as you. You must respect them, for being older than you. Hindi masama ang rumespeto sa nakakatanda. Kasi iyon ang dapat. Hayaan mong ako ang makipag-usap sa kanya. Kasi ako ang nasa tamang edad. Doon ka na muna sa room mo. Ako na ang bahala sa kanya," pakiusap pa ni Marinela. "But, what if she hurt you?" Napangit naman si Marinela sa pag-aalala sa kanya ni Augusta. "I won't let it happened baby. Sige na." "Okay pu. I love you mommy." "I love you too, baby. Puntahan na lang kita mamaya sa room mo po." Nasundan na lang ng tingin ni Marinela si Augusta ng maglakad ito patungo sa silid nito. Nang maisara ng bata ang pintuan ng silid nito ay saka niya hinarap ang babae. "What do you want to August? Sinabi niyang naging naging fling kayo noon. At ang noong iyon ay noong hindi pa kami nagkakakilala at hindi pa niya ako nililigawan. Kaya paano mo ako nakilala? I can't remember na nagkaharap o nagkakilala na tayo noon." "Well, mukhang wala ka ngang naaalala." "Anong ibig mong sabihin? Walang naaalala? Wala akong natatandaan na may nakalimutan ako? Wala namang malalang nangyari sa akin. Hindi ako nabagok para magkaamnesia." "Good to hear. Wala akong ibig sabihin. Pero hindi pa naman kayo kasal ni August di ba? Kaya nga alam kong malaki ang chance ko na maging akin pa rin si August. Ako ang una niyang nakilala. Ako ang unang nagmahal sa kanya. Pero bakit ikaw? Pero hindi ako papayag na baliwalain lang ako ngayon ni August. Kahit ngayon na nakabalik ka na naman pala sa buhay niya." "What do you mean?" "Nothing. Be careful Marinela. May the best for August win. Ako ang nauna, kaya dapat akin lang si August. Akin lang ang puso niya," ani Clemen at tinalikuran na siya. Nasundan na lang niya ito ng tingin nang pumasok ito sa may kusina at mukhang nagpapaalam sa mag-asawa. Nakatingin lang sa kanya si Clemen ng makalabas ito ng kusina. Naroon pa rin siya sa pwesto niya. Naguguluhan siya. Bakit may parte sa buhay niya na parang may isang blankong papel. Bakit parang may nakalimutan siya, pero hindi niya masabi kung ano? Lalo na at sa pagkakaalam niyang wala naman siyang nakakalimutan. Lahat naaalala niya. Wala siyang amnesia. "Wala nga ba?" naitanong na lang niya sa sarili. Sa totoo lang hindi niya alam. "It's better na magfocus ka na lang sa ngayon. Hindi mo na kailangang maalala pa ang lahat ng hindi mo maalala. Ayon ay kung may nakalimutan ka nga ba?" Pahabol pa ni Clemen kaya mas lalo lang siyang naguluhan. "Mayroon ba talaga akong nakalimutan? May dapat ba akong malaman?" usal niya ng bigla na lang sumakit ang ulo niya. Napaluhod na lang si Marinela ng biglang magdilim ang kanyang paningin. Gising ang diwa niya. May naririnig siyang nagkakagulo. Hindi niya maintindihan ang mga nagsasalimbayang salita sa kanyang isipan. Pero alam niyang may nagsasalita. Hanggang sa pahina na nang pahina. Ganoon pa rin ang paligid. Madilim wala pa rin siyang maaninag. Hanggang sa maramdaman niyang pinangangapusan na siya mg hininga. "A-anong nangyayari sa akin?" tanong niya. Ngunit sa kadiliman na kanyang nakikita ay alam niyang walang sasagot. Hanggang sa naramdaman niya na may bagay na tumusok sa kanyang leeg. "Karayom," nausal pa nila. Ramdam niya ang malamig na likido na dumaloy sa mga ugat niya. Malamig iyon ang madilim na nakikita niya ay mas lalo pang dumilim. Lumalim at para siyang inilulubog. Hindi na siya makahinga. "A-August!" huling salitang nasambit niya, bago tuluyang bumigay ang katawan niya. Mula sa pagkakaluhod ay bumagsak siya sa malamig na sahig. Hanggang sa tuluyan ng nilisan ng kanyang diwa ang kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD