“s**t!” mariing mura ni Mosaic nang tumama ang suntok ng lalaki sa kanyang mukha. Habang kanina ay maingat siyang naglalakad sa pasilyo kung saan hinahanap niya ang kinaroroonan ng mga batang ilalawig ay nakita siya ng isang tauhan. Mabuti na lamang ay namataan niya ito at agad na napigilan sa pagpaputok. Nakipagsuntukan pa siya rito at masyadong malakas ang lalaking iyon dahilan para matamaan siya sa may panga. Muli ay nakipagpalitan siya ng suntok at sipa nang sa huli ay nahuli niya ang ulo nito at ginamit ang tuhod niya sa pagsipa sa mukha nito. Kinuha niya rin ang pagkakataon na iyon para baliin ang leeg nito. Rinig na rinig niya paano tumunog ang buto nito at nailipat ang mukha sa may likod. He was breathing exhaustedly as he saw the man’s position. Tatlong tao na ang napata

