Agad na sinuri ni Hazza ang ibang daanan kung saan posibleng nakalusot ang grupo na hindi nila namamalayan. Nautakan sila ng mga ito kaya posible na kung saan ito dumaan kanina papasok sa ampunan, ay roon din ang labas nito. “s**t! Wala akong makuhang lugar!” Si Hazza na ngayon lang nakitaan ni Mosaic ng pagkaseryoso. Kahit ito ay nag-aalala na maaaring matakasan sila ng sina Saetong. Napagkagat ng labi si Mosaic at idiin ang daliri sa talukap ng kanyang mga mata. Hindi niya alam saan puwedeng dumaan ang mga ito kaya alam niyang maaari silang matakasan ngayon. “Mosaic, can you check the sketch that woman gave it to you. Parang… napansin ako.” Sandali niyang tiningnan si Hazza at kinuha ang sketch na inilagay niya sa compartment ng van. Eskperto si Hazza sa mga ganitong bagay

