Capitulo Dos

1035 Words
NAPAIGIK SI HAZZA sa mahigpit na hawak ng pulis sa kaniyang kamay patalikod. Kay liit na babae nito pero kay bigat ng kamay. "Huwag kang malikot! Baka mabali itong buto mo!" angil ng babaeng pulis sa kaniya. "Hay! Alam mo, beautiful officer, kaysa daganan mo ako sa likod. Pusasan mo na kaya ako..." panunudyo niya. Kanina pa siya nakadapa pero hindi pa rin siya nito pinupusasan. Sa totoo lang, kaya niyang manlaban at balibagin ang babaeng ito pero nasasayahan siya sa posisyon dahil nakapatong ang babae sa kaniyang likod. "Tumahimik ka!" matinis na sigaw ng babae. Napangiti siya sa boses nito. Matinis nga pero ang sweet pakinggan. Ang cute. Bigla na lamang siyang binatukan nito kaya nauntog ang ulo niya sa sahig na semento ng daan. "Ugh! Nakakarami ka na!" pagbabanta niya. Kanina pa siya nito sinasaktan. Pinanga na nga siya, sinikmura at ngayon naman ay inuuntog. "Tumahamik ka!" Sa sobrang asar niya sa ginawa nito ay buong puwersa siyang humarap at tumihaya. Kanina pa niya kayang gawin ito. Kaya niyang manlaban pero nang nakita niya ang malaanghel na hitsura ng babaeng umaakusa na isa siya sa mga sindikato sa isang prostistusyon ay nagbago ang isip niya. Kaya niyang maging mahina. Magpanggap na mahina. Mabilis niyang iniangat ang babae at agad na pinaupo sa kaniyang puson. Napasinghap pa ito sa kaniyang ginawa at gulat na gulat, na sinamahan pa ng panlalaki ng mga matang nakatingin sa kaniya. "Shut me with your lips, beautiful officer..." Sumilay ang pilyong ngiti sa kaniyang labi kaya mas lalong namilog ang mga mata nitong hugis pili. Ngunit hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Bigla na lamang siyang pinukpok ng hawakan ng baril sa ulo at walang sabi-sabi'y dumilim ang kaniyang paligid. "You shouldn't do that, SPO1 Forsan!" Narinig niya ang malaking boses sa kung saan. Iniisip ni Hazza kung saang daymensiyon na ba siya. Nasa langit na ba siya? Bakit ang bigat ng ulo niya at pakiramdam niya ay may kung anong nakapatong sa kaniyang noo? "Sorry po, nabastos lang ako." Parang isang anghel ang boses na iyon. Anghel na bumaba sa langit para pukpukin siya ng hawakan ng baril. Tandang-tanda niya ang ginawa nito kanina kaya pinanawan siya ng ulirat. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ng babae kaya agad siyang nawala sa reyalidad. Sinapo niya ang nananakit na ulo at pinaling-paling ito. Nahihilo pa rin siya. Kung bakit ba naman na sa club pang ni-raid, dahil nandoon ang mga sindikatong minamanmanan ng mga pulis siya napunta. Napagkamalan pa tuloy siyang kasamahan ng mga ito dahil magkatabi sila ng lamesa. Nais lang naman sana niyang mag-uwi ng babae at ikama, himasin ang mainit na katawan nito. Ang malamig na bakal ng kulungan pa yata ang hihimasin niya dahil ayaw makinig ng pulis na babaeng nakahuli sa kaniya. Ilang beses siyang nagsabi na wala siyang kinalaman pero iginigiit nito na kasama siya sa mga sindikatong nandoon. Pagmumukhang 'to? Mukhang sindikato? Napalingon ang babeng pulis sa kaniya pero imbis na humingi ng paumanhin ang mga mata nitong nakatutok sa kaniya, sinamaan pa siya ng tingin. "Ano ba ang pangalan mo?" tanong ng isang matabang pulis na lumapit sa kaniya. Huminga muna siya at pilit na iniinda ang sakit ng bukol sa noo niya. "Hazza. Hazza Galceano..." Tumingin ang pulis sa pinuno ng istasyon at sa pulis na babae. "Wala siya sa listahan, Chief," pahayag nito sa lalaking medyo may edad na at matangkad. Ito yata ang head police officer sa istasyong ito. "Pero, Chief, dapat nating makasiguro. Kita ko ang pakikipag-usap ng lalaking iyan sa mga sindikato!" giit ng babae. Mula rito, tumingin si Chief Quirante sa kaniya. "Hay, ilang beses ba akong magsasabi. Wala akong alam. Siyempre, friendly akong tao kaya nakipag-usap ako. Malay ko ba kung sindikato iyon!" Pinilit niyang tumayo, sapu-sapo ang nabukulang noo at hinarap ang dalawang police na nakatayo. "Nais ko lang ipalabas itong kiliti sa katawan ko. Ano'ng masama roon?" Pinaningkitan si Hazza ng mga mata ng babaeng pulis at iiling-iling isinandal ang likod sa haligi. "I know, Mr. Galceano. And I am so sorry for what our officer did to you. Karapatan mong magsampa ng reklamo sa kaniya." "Chief!" "I won't tolerate such an attitude, SPO1 Forsan!" Forsan? "Kabago-bago mo pa lang. You should act like a good police officer! Sa estasyong ito, hindi ko hinayahaang mag-abuso ang mga tauhan ko!" Tama-tama! Tumango-tango pa si Hazza bilang pagsang-ayon kaya napayuko ang babaeng pulis. Napangisi si Hazza at nakalolokong ngumiti rito. Inisiip niya, ano kaya ang isasampa niyang kaso? "Hmmm..." Hinimas-himas niya pa ang baba kaya napatayo nang tuwid ang babaeng pulis. "I think..." "I am so sorry, Mr. Galceano..." Mas lumapad ang ngiti niya sa labi nang bigla itong yumuko at huminahon ang boses. Ang kanina'y matapang at amazonang dating, naging maamong tupa at humihingi na ng kapatawaran. "Kahit ano'ng... parusa ay tatanggapin ko." "Kahit ano?" Napatitig ang babae sa kaniya at mahinang tumango. Lumapit siya rito. Nasa loob ng dalawa niyang bulsa ang mga kamay habang hinay-hinay na lumapit sa babae. Sinulyapan niya pa ang mataas na opisyal na nakatayo lang sa gilid. Ibinaba niya ang mukha sa gilid ng mukha ng babaeng pulis kaya dama niya ang simple nitong pagsinghap. Matangakad siya habang hanggang dibdib niya lang ito kaya kailangan niya pang yumuko. "I won't file any complaint, SPO1 Forsan..." bulong niya rito. Mas inilapit niya ang bibig sa tainga nito kaya naramdaman niya ulit ang pagsinghap ng babaeng pulis. Gusto niya ang tensiyong nakikita niya sa hitsura nito. Mas naaaliw siya sa amazonang dating pero nakapakainosenteng mukha ng babae. "But..." She moved her head a bit to see him but it was a wrong move. Halos magbanggan na ang mga ilong nilang dalawa sa paggalaw nito at agad na nagtama ang kanilang mga mata. Bigla siyang natigilan sa kakaibang naramdaman nang maaninag niya ang ganda niyon. Nakabibighani, lalo na ang maninipis nitong labi at pino nitong balat. Ngunit agad ding binawi ni Hazza ang kakaibang nararamdaman. Malaki ang kasalanan ng babaeng ito sa kaniya. Nabukulan siya at nakahihiyang mambabae kung may nakapatong na sungay sa noo. Nagmukha siyang unicorn dahil sa gitna pa talaga nito pinukpok ang hawakan ng baril. Nginisihan niya ang babae at bumulong sa tainga nito, "Date me..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD