Nanlalaki ang mga mata ni Zeynep na tiningala ang mukha ng lalaking may kapilyuhan ang ngisi. Ano ang pumasok na tae sa utak nito?
"Date? Date-in mong poknat mo!" hiyaw ni Zeynep sa mayabang na lalaking kaharap niya.
Marahas niyang itinulak at sinamaan ng tingin ang nahuli niyang binata sa bar kanina. Malay niya ba na hindi ito kasamahan, gayong nakikipagtawanan pa ito sa mga miyembro ng sindikato kanina. Ano iyon? Masyado siyang friendly?
Unang mission niya ang operasyon kanina sa bar ang paghuli. Nag-disguise siyang part time waitress para matiktikan ang mga sindikatong binibenta ang mga menor de edad na babae sa mga yakusa sa bar na iyon. It was a successful operation. Kaso... may asungot na nasali at ang yabang-yabang kung makasabing ide-date siya,
Nadakip nila ang mga sindikatong miyembro pero hindi pa ang big boss ng mga ito. At pati rin ang mga parokyano ay nakatakas dahil itong ugok na ito ang inuna niya pang huliin.
Narinig niya ang tawa ng mga kasamahang pulis, tila nakikiaayon sa kalokohan ng lalaking ito.
Alam niyang baguhan siya pero alam niya rin sa sarili na isa siyang magaling na pulis. Her big brother trained her so much, kaya pati sa paghawak ng baril ay sanay na sanay siya lalo na't parang laruan na niya ito noon dahil sa negosyo ng kanyang kuya.
Tiningnan niya ang chief nila pero ngumisi lang ito at umupo.
"Ayan! Single 'yan si SPO1 Forsan," tudyo ng isa niyang kasamahan na agad niyang sinamaan ng tingin.
"Take note! NBSB!" dagdag ng may katandaang kasama niya sabay halakhak.
Mas lalo siyang napasimangot dahil sa dinagdag. Ano naman ngayon kung NBSB siya? Pag-aaral at trabaho ang inuuna niya para naman ay may maipagmamalaki siya sa kaniyang kuya na nagtaguyod sa kaniya.
Nakita niya ang pilyong ngiti ng binata kaya mas lalo siyang naaasar. Hindi naman siya binu-bully ng mga kasamahan niya. Ngayon lang at dahil dito sa mestizong kolera na ito. Sa katanuyan, dahil siya ang bunso na officer dito, bine-baby pa siya.
Wala pa siyang dalawang buwan dito pero ang gaan ng loob na niya. Nang sabihin niyang gusto niyang sumama sa operation ay nag-aalangan pa ang chief nila pero kalaunan ay sumang-ayon naman.
"SPO1 Forsan, your shift is done. Go home, let's call it a night for you. Magpahinga ka na..." anang Chief Quirante sa kaniya sabay tapik sa kaniyang balikat.
"Job well done for you!"
Mas lalo siyang napanguso dahil wala naman siyang nahuli. Mayroon man pero miyembro ng mga tila boys! Mukhang f*ckboy ang Hazza na ito.
"Gusto mong sabayan na kita?" tanong pa nito kaya mas lalo siyang sumimangot. "Relax!" Kunwari ay napapaatras pa ito.
Marahas niyang kinuha ang backpack na nakapatong sa lamesa at nagpaalam na sa mga kasamahan. Akma siyang lalabas nang nakita niya ang pagsunod ng binata sa kaniya.
"Ano ba?"Ngumiti lamang si Hazza at kunwari ay nag-iisip. "Beautiful officer, ano ba ang puwedeng isampang kaso sa mga pulis na nananapak ng mga inosenteng sibilyan na katulad ko? Police brutality?"
"Tss!" She scoffed.
"Baka gusto mong dagdagan ko ng isa pang sapak iyang bukol mo. Medyo pandak, eh!"
Akma niyang kukunin ang baril para panakot sa lalaking ito nang tiningnan siya ng chief nila kaya paismid niyang tinalikuran si Hazza.
Mas lalo namang natutuwa si Hazza sa naaasar na hitsura ng dalagang pulis. Ang cute lang talaga dahil kung saan siya mas lalong naiinis, doon din mas lalong naku-cute-tan ito.
Nilingon niya ang mga pulis na nakangisi lang sa kaniya, kininditan pa siya ng isa at binigyan ng thumbs-up kaya kagat-labi niyang sinundan ang nakalabas na ng estasyong pulis.
Kukulitin at kukulitin ko siya hanggang sa magsawa siya at i-date niya ako. Kahit isang beses lang! sabi ni Hazza sa isip.
"Ano ba ang name mo, SPO1 Forsan?"
Tumigil siya sa paglalakad at mabigat na bumuntonghininga.
Wala namang masama sa tinatanong ko? Dalaga siya. Sa katunayan, walang boyfriend since birth. Sakto! sa isip ni Hazza.
Bigla siyang humarap sa lalaki ngunit mas lalong sumama ang tingin. Hindi si Hazza natatakot pero mukhang hindi na maganda ang patutunguhan ng pang-aasar nito, baka ma-zero point pa ito dalaga.
"Fine! Fine! Ito naman! Binukulan mo na nga ako, 'di pa mapagbigyan!"
"Dapat lang 'yan sa iyo dahil ang bastos mo!"
Eksaherado nitong sinapo ang bibig at kunwari ay 'di makapaniwala sa sinabi niya.
Ako pa raw ang bastos? ani Hazza sa isip.
"SPO1 Forsan, binukulan mo po ako, pinagbintangan pa. Siyempre, nambababae ako. Paano ako makakahanap ng chicks kung mukha na akong si Hell Boy nito?" tanong nito at hinihimas pa ang namamagang noo.
"So, gagawin mo akong isa sa mga babae mo, ganoon ba, Mr. Hazza Galceano?"
Nginisihan lang nito ang dalagang pulis kaya mas lalo siyang napikon. "Kung iyon ang gusto mo..."
Kuyom ang mga kamao ni Zeynep nang harapin niya ang binata. Napakapresko nito. Oo, guwapo nga, pero ang bantot naman ng ugali. Never niyang pinangarap ang ganitong lalaki. Kailanman, hindi niya ninanais na magkaroon na mayabang at aroganteng kasintahan.
"Asa ka!"Inirapan niya si Hazza at naglakad papunta sa parking space kung saan nakaparada ang maliit niyang scooter na palagi niyang gamit tuwing pumapasok siya. Ito ang regalo ng kaniyang kuya noong naka-graduate siya ng college kaya pinakaiingatan niya ito kahit sabihing luma tingnan.
It was a vintage, Lambretta scooter that her brother bought in India. Kaya ang saya niya dahil imported ito at galing sa mga kaninunoan ng mga Indiano.
SA KABILANG BANDA naman, hindi mapigilang mapangiti ni Hazza dahil kung gaano kaganda si Zeynep, ganoon kabaho tingnan ang motorsiklo nitong luma pa sa kaldero ng lola niya.
Mas lalo siyang natawa nang suotin nito ang half helmet na kulay puti sa ulo. Nagmukha tuloy itong si San Cai at siya si Dao Ming Si na may bukol sa noo.
"Uf! Guwapo ko na sana..." usal niya sa sarili bago takbuhin ang papatakbong scooter ni Zeynep.
Pabiro niya itong hinabol kaya nagkukumahog ang dalaga na pumaharurot.
"San Cai! San Cai!"
Humagikgik na lamang siya dahil kahit anong bilis nitong patakbuhin ay matulin pa siyang tumakbo pero ayaw niya ring madisgrasya ito dahil sa kaaasar niya kaya hinayaan niya na lang itong umalis.
"Sabi nga ni Santino, 'May bukas pa…"
At bukas na bukas ay babalik siya rito.