Capitulo Kuatro

1903 Words
Nakapameywang niyang hinahatid ng tingin ang papalayong si Zeynep nang biglang tumunog ang cellphone niya sa bulsa. Nakangiti niya pa itong kinuha at saka sinagot ang tumatawag. Hindi na niya inabala ang sariling alamin kung sino ito kahit na nasa screen na ng phone niya ang pangalan ng tumatawag. "Galceano, nasaan ka?" Kagat-labi niyang tinitingnan pa rin ang papalayong motorsiklo ng dalagang pulis at hindi man lang sinagot ang nasa kabilang linya. Wala siya sa sarili ngayon. Masiyado siyang natutuwa kay Zeynep kaya wala siyang pakialam kung sino mang impakto ang tumawag sa kanya. "Galceano? Galceano!" "s**t! Bakit ka ba naninigaw?" angil niya sa tumatawag sabay tanggal ng panawagan sa kaniyang tainga. Napakamot pa siya dahil sa lakas ng hiyaw nito. Anong akala ng lalaking 'to? Bingi ako? Nang tingnan niya ang pangalan ay napasimangot siya. "Tss! Si Incredible Hulk..." usal niya sa sarili nang nabasa ang nasa screen ng phone niya. Ang tinutukoy niya ay si Mosaic, ang pinagkakatiwalaan ngayon ng Tito Marco niya sa lahat ng mga transaksiyon simula noong trinaydor sila ng kasamahang si Saetong. Ito na ang namamahala sa lahat ng misyon at sa pagkakaalam ni Hazza, matagal na rin itong nagsisilbi sa tiyuhin niya. Kaso... ayaw niya sa awra ng lalaking 'to. Masiyado siyang nayayabangan. Si Saetong ang dating katiwala ni Marco kaso... sumakabilang daan at ninakaw ang ibang malalaking baril kaya laking galit ni Marco rito. Hindi pa alam ng daddy niya ang nangyayari at pilit lang riniresolba ng tiyuhin niya ang problemang ito, lalo na't ito ang nagpapasok sa chikwang iyon. "Kanina pa ako Galceano nang Galceano, hindi ka nakikinig. Saan ka ba?" Ang ganda na ng mood niya kanina, nasira lang dahil sa lalaking ito. Masiyado talaga itong epal sa buhay niya kaya medyo naaasar talaga siya rito. "Nasa presinto. Bakit ba?" "Ano ang ginagawa mo sa presinto?" Halata sa boses ng lalaki ang gulat nang sinabi niya. Concern? He scoffed to Mosaic's reaction. Kung makatanong, parang concern talaga sa kaniya. "Hay, hinuhuli na kasi ang mga guwapo ngayon. Kaya..." Natawa siya sa biglaang pagpatay nito ng telepono. Alam niyang naasar na naman niya ito. Pikon! Pikon! Pikon! Wala pa siyang isang buwan dito sa Pilipinas pero ang init na ng dugo ng Mosaic na ito sa kaniya. Baka bet ako? "Er!" Muling nag-ring ang cellphone niya at nakitang si Mosaic ulit ito ang tumatawag. Ayaw niya sanang sagutin pero minsan lang tumatawag ang lalaking ito kaya baka importante rin. Naunahan lang ng asar. "Oh, wala na ang hangin sa utak mo?" tanong pa nito sa kabilang linya. "Mayroon pa ngunit guwapo pa rin. At ano ang kailangan mo, ha? Magpapatulong kang manligaw?" biro niya pa. "Let's take this seriously, Galceano. Meet me at the bar. Ite-text ko sa iyo ang lugar at doon tayo magkita." Hindi na siya hinayaan nitong makasagot at agad na pinatay ang tawag. Iiling-iling na lamang niyang binuksan ang mensahe at agad na tumungo sa gilid ng daan para magpara ng taxi at tunguhin ang club na sinasabi ng lalaki. Kailangan din niyang uminom dahil naunsyami ito dahil sa pamumukpok ng babaeng pulis sa kanya. At minsan lang mag-aya ang lalaking 'to, baka may chicks na ipapakilala kaya makiki-avail siya ngayong gabi. Naiwan sa parking lot ng bar kanina ang kotse niya at masiyado ng malayo ito para kunin niya kaya makiki-hitch na lang siya kay Mosaic mamaya pahatid sa mansiyon ng mga Montefalco. Napunta siya sa isa sa malaking bar dito sa lungsod. Maaga pa rin naman para umuwi at magandang puwesto para panglibangan. Agad siyang pumasok sa loob at hinagilap si Mosaic. Mula sa bungad ay nakita niya itong nakaupo na mag-isa. Akala pa naman niya ay may kasama na ito. Trademark nito palagi; mahabang buhok na nakapuyos, leather jacket- kung minsan itim, brown naman at itim na pantalon na pinapresan ng leather boots or cowboy boots at hitsura nito, malagong balbas sa mukha. Astig tingnan. Kung gaano kaangas ang hitsura ni Mosaic, ganoon din kaangas ang ugali nito kaya wala yatang siyota hanggang ngayon. Kahit siya na lalaki ay nai-intimidate rito. Napatingin siya sa mga lamesang nadadaanan niya sabay nang pasimpleng kaway at ngiti sa mga seksing babaeng tumitingin sa kaniya. Girls could not resist his charm. He was aware of that. Nasanay na siyang lumaking guwapo kaya, normal thing. Napatingin pa ang mga lalaking mukhang goons sa kaniya nang ang isa nitong ka-table na bebot ay kumindat sa kaniya. Pasimple lang siyang ngumisi at naglakad na patungo sa kinaroroan ni Mosaic na ngayon ay mag-isang umiinom ng beer. "Lonely table... just for one..." panunukso niya kaya agad itong napalingon. "Broken hearted?" tanong niya pa sabay kuha sa beer sa kamay nitong tinungga kanina. Uhaw na uhaw siya kaya wala na siyang pakialam kung naghalo na ang laway niya at ni Mosaic. "Tch!" palatak nito na iiling-iling na kinawayan ang waiter. Umorder ito ng ilang bucket ng beer at saka pulutan. Siya naman ay patuloy sa pagtungga sa beer. Sarap na sarap siya sa lamig nito at sa... laway ni Marco. Bigla siyang nandiri sa huling naisip. "Galceano, gusto ni Boss Marco na sumama ka sa operasyon ko mamayang gabi." Madaling araw na kasi kaya counted na ito sa umaga. "Hmm..." Tatango-tango pa siya habang nilalaro sa labi ang butas ng bote. "Saan?" "Sa bahay-ampunan na sinisindikato ngayon ni Saetong. Magbebenta sila ng mga bata roon papuntang Japan." Hinarap niya ito pero imbis na si Mosaic ang nakita niya, ang babaeng kaninang kininditan siya ang nasa likod nito at malanding tumitingin at ngumingiti sa kaniya. Siya rin ay napapangiti kaya kunot ang noong tumingin si Mosaic sa likuran. "Galceano!" "Oh!' Mosaic shook his head in disbelief and took the bucket that the waiter gave. Inabot nito ang isang malamig na bote ng beer kay Hazza at saka kinuha rin ang isa. "Eyes on me, Galceano!" palatak ni Mosaic sa kaniya sabay duro ng kanyang mga mata. "Oo na!" Kahit kailan talaga ay pasaway itong pamangkin ng boss ko sabi ni Mosaic sa sarili. Unang kita pa lang sa kaniya ni Mosaic ay sobra na ang asar niya rito at ang masaklap, nahuli pa niya itong kinakantot sa kusina ang sekretarya ni Marco. Walang pinapatos, basta malabasan ng libog ay okay na rito. "Mamaya na ang libog mo, mahalaga ang operasyon natin—teka... ano ang nangyari sa noo mo?" Agad na napahawak si Hazza sa nabukulang noo at umiling. Ayaw ring sabihin ni Hazza na napukpok siya ng isang maliit na babae dahil nakahihiya iyon sa kaniyang p*********i! "Wala. Nasobrahan sa ulos kaya napasubsob." "Tch! You are always disgusting! Mag-seryoso ka nga! Kaya ka napapahamak, eh!" Nagkibit-balikat lang si Hazza. Wala siyang pakialam sa komento ni Mosaic The Bitter. Hindi naman ito chicks para magpa-impress siya at hindi rin siya pumapatol sa lalaki. Mas nakadidiri. "Look, tomorrow morning, I will visit the orphanage to offer a help and some donations. Sabi ni Boss Marco ay may ipinadala na siyang tauhan niya roon na nagmamanman. Hahanapin ko lang. Habang ikaw, hindi mo naman kabisado ang lahat kung sakaling magkabarilan, gagawin kitang look-out. Paghandaan mo ang lahat ng mga materyales na gagawin mo sa pag-track ng mga kalaban. Kailangan natin iyon." Hindi sanay sa barilan si Hazza. Wala siyang alam sa anumang bakbakan kung magkapalitan ng bala pero magagamit siya ni Mosaic sa pag-track ng mga lokasyon ng shipment at ng mga kalaban dahil magaling siya sa mga teknikal. Maaasahan siya sa mga gano'ng bagay kung walang hadlang at problema. At kung may contest ng s*x! Alam na, ani niya sa isip kaya napangisi siya. Napatingin na naman sa likod si Mosaic dahil nandoon ang mga mata ni Hazza. Nakangisi pa siya at gamit lang ang mga mata, naglalandian na siya at ang babaeng kasama ng mga lalaki kanina. Iiling-iling na lamang si Mosaic dahil kahit kailan, hindi na magseseryoso ang anak ng Big Boss nilang si Hazer. Hinayaan na lang niya ito dahil kahit ano ang gawin niya, babaero at fuckboy na binata ito. Ganitong mga lalaki ang ayaw ni Hazza para kay Zeyn, delikado ang kapatid niya rito kaya pinagdadasal niya na sana ay hindi magtagpo ang landas ng mga ito. Hindi kasi maikakakailang maganda si Zeynep, at delikado sa mga mata ni Hazza. Patuloy si Mosaic sa pagtungga sa beer. Hindi na niya pinapansin si Hazza na nagsesenyas na gamit ang mga kamay sa babae sa likuran ni Mosiac. Napansin ni Mosaic na ang babaeng ito ay ang ka-table ng isang grupo sa lamesang malapit sa pinto. "Galceano..." sambit niya sa binata. Gusto niyang patigilin ang ginagawa nito dahil baka magkagulo pa lalo na't matalim na ang tingin ng mga kalalakihan doon, lalong-lalo na ang lalaking medyo matangkad at malaki ang katawan. Ito yata ang ka-table ng babae kanina. "Itigil mo na 'yan... alis na tayo." "Hep! Kakarating ko lang. Sige na, sa iba na ako titingin." Seryoso niya itong tinitigan at saka iiling-iling na kumuha muli ng beer sa bucket. Mayamaya pa ay naramdaman nila ang iilang presensiya sa likod kaya alam na nila na gulo na ito. Alam na ni Mosaic na may magkakabasagan ng bote o mukha mamaya. Hindi nililingon ni Mosaic ang mga ito dahil una, wala siyang ginagawang masama. Pangalawa, si Hazza ang may problema habang siya ay wala. "Oh, hi?" bati pa ni Hazza kaya mas lalo siyang naiiling dahil sa sobrang pasaway nito. Akala naman ay marunong lumaban, pero hindi naman. Kahit paghawak ng baril ay walang kaalam-alam. "Ginagago mo ba kami?" tinig ng malaking boses sa kanyang likuran. Narinig ni Mosaic ang pagtunog ng silya ni Hazza at ang pag-angat nito dahil kinikuwelyuhan na ito ng lalaki, habang si Mosaic ay nakaupo lang at pinaglalaruan ang bibig ng bote. "Hep! Hep! Hep! Relax lang mga dudes... I am a friend, alright?" Mapanuyang ngumisi ang lalaki at tumingin sa kasamahan. Nakita ni Mosaic ang pagbadya nitong kamao sa pagmumukha ni Hazza nang bigla niyang hinarang ang kamay sa kamao ng lalaki para hindi tumama sa mukha ng binata. Malakas ang lalaki ngunit mas malakas si Mosaic. Pilit niyang pinipigilan ito kaya sa kanya napunta ang atensiyon ng kalaban ni Hazza. He let Hazza go and face this man. "He's a kid..." mahina niyang sabi sa lalaki at matalim itong tiningna. Sa laki ng katawan nito, walang panama si Hazza kaya... wala siyang nagawa kundi ang bumili ng away. Aalma na sana si Hazza nang inabot niya ang beer sa bunganga nito para tumahimik. Ngayon, si Mosiac na ang kaaway ng kaaway ng binata. Ito na ang bumili ng kasalanan ni Hazza. "Tapos? Guardian ka?" sarkastikong tanong ng lalaking mukhang pagong na may bigote. Malaki nga ang katawan pero ang liit ng ulo. Nilingon niya ang babae na ngayon ay pasimpleng umaalis dahil ito ang dahilan ng away. "I think you should talk to your girl. Ayaw kong... makipag-away!" "Eh, tumabi ka!" Tiningnan ng lalaki si Hazza na ngayon ay sumiksik na sa gilid ni Mosaic. Sinamaan ito ng lalaki ng tingin dahil kung saan ang lakas ng loob na mang-agaw ng babae, gayon din kabahag ang itlog kung may kaguluhan na. "Talk-tokin mo ang mukha mo!" Bigla nitong hinila ang kuwelyo ng jacket ni Mosaic kaya agad din niyang hinawakan ang tainga nito't inuntog ang ulo. Nagsisigawan na ang lahat at nagsilapitan na ang mga kasamahan nito sa kabilang lamesa para rumesbak. Ngayon, mapapasabak na naman si Mosiac sa isang away na hindi naman kasali sa misyon nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD